Buhay MBA

Masasabi ko na di na ako baguhan sa pangingibang bayan. Siguro naman sapat na ang 7 taon para maihalintulad ako na estudyante sa kursong batsilyer ng agham ng TIYAGA at SAKRIPISYO. (nakapag MBA pa!)

Isa lang ako sa libo-libong Pilipino na nangarap na maiahon ang pamilya sa lumalalang sakit ng lipunan – KAHIRAPAN. Isang epidemya na maituturing hindi lang sa pilipinas bagkus sa karamihang bansa. Epidemyang patuloy na humahamon sa ating lahat para hanapan ng lunas. (bakuna). Isang sakit na susubok sa ating tiyaga at pagpupursigi sa buhay.

Maaga akong naulila sa ama, 7 taong gulang; halos kakaumpisa pa lamang matutong magbilang at sumulat. Hindi ito naging madali o hadlang sa aming pamilya na ipagpatuloy ang laban sa buhay. Mahirap at malubak ang mga daan na nilakbay na halos sumuko na akong mangarap. Siguro nga isa itong pagsubok sa mamamayang Pilipino, na sa bawat tagumpay ay may kaakibat na paghihirap at pagpupursigi.

Hindi madali maging isang OFW – bagong bayani. Isa na yata ito sa pinakamahirap na yugto ng aking buhay. Isang pagsubok na humubog sa aking pagkatao. Madaming nagaakala na kapag nangibang bansa ka, ay para ka nang si “super inday at ang magic bibe” (nangingitlog ng ginto). Sa bawat araw na ginugugol ng isang OFW sa dayuhang bansa, ay ang bawat araw ng pangungulila.

Mga bagong gadget para kay kuya (kabi-kabilang overtime); mahahalimuyak na pabango para kay bunsoy ( pagtitiis ng gutom dahil sa pagtitipid); mga bagong damit para kay nanay (ilang gabing tahimik na pag-iyak sa kwarto).

Sa mga bawat litrato na pinapadala o pinopost sa FB na nakangiti, sa likod nito at ang paghahangad na sana kasama ko ang inspirayson ng pagpupursigi ko.

Isa sa mga natutunan ko sa pagiging OFW ay nobody is in charge of my happiness except me, that I should not be jealous of what others may have and what others may have achieved. Minsan lagi nalang tayo nagrereklamo at minsan naghahangad ng higit sa iba. Simple  lang naman ang recipe sa buhay – Smile and laugh more! Mas masaya mas masagana! =)

Pero sabi nga nila, it is best to work up an appetite that will give you strength and endurance. Ang buhay ay hindi magiging madali kaya stay FOCUS and POSITIVE. Stick with your goals and objectives, learn to adapt challenges and live with it. Don’t compare our life to others, they have their own way facing and living life, besides we have no idea what their journey is all about.

Hindi naman kasi madali ang buhay, life is a learning process. Challenges and problems are part of the curriculum that once we passed it, whatever lessons we’ve learn will last like a lifetime.

About these ads

5 Comments (+add yours?)

  1. Bino
    Feb 11, 2012 @ 22:56:46

    kaya naman saludo ako sa mga OFW! i’ve been in Dubai for two years at mahirap talgang mawalay sa pamilya. at ang sakripisyo ng bawat Pilipino para sa mahal sa buhay ay hindi matatawaran.

    Reply

  2. meliza catedral
    Feb 27, 2012 @ 13:40:30

    padaan tope. tagal ko ng di nakadaan dito.. well anyways u deserve what uve got.. ako di balang araw maging OFW..hehheh.. keep it up!

    Reply

  3. Pinoy Adventurista
    May 04, 2012 @ 02:08:54

    mabuhay ang mga OFWs!!! Cheers!!!

    Reply

  4. bagotilyo
    May 31, 2012 @ 02:45:59

    inspiring ka sir :)

    Reply

  5. Manul-nulat ng Bayan
    May 31, 2012 @ 09:43:08

    kaya nga kayo’y itinuturing na mga bayani ng bayan!

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 42 other followers

%d bloggers like this: