Tatay

dsc01410_filtered

Tatay, Papa, Ama, Dad, Papi, at anu anu pa. Yan ang iilan lang sa mga tawag sa isang taong nagbigay sa atin ng apelyido at pangalan, ganun din ang rason ng ating pagsulpot sa mundo.

Nung bata ako kahit magpahanggang nagyon, nakakaingit makadinig ng mga bata o makakita ng pamilyang buo, pamilyang masaya at lalo na ang isang batang karga karga ng kanyang ama  taragis!!! nagsisismula pa lang ako napapaluha na ako. at masayang naglalaro sa plaza. Sa tuwing nakakabasa ako ng mga artikulo mapa blog man o sa dyaryo, sa larawan, kwento man o sa inuman di ko maalis sa sarili ko ang inggit na sana naranasan ko din na may ama ako.

Bata pa lang ako nung namatay na ang tatay ko, 7 pa lang ata ako nun at grade one pero tanda ko lahat ang mga bagay na kung paano ko namulat o nakilala ang TATAY. Lagi ko nadidinig nuon sa aking mga kalaro o sa school na ang tatay ay ang haligi ng tahanan, siya ang tapagtanggol at tagapagbuhay ng pamilya. Yung taong aagapay sayo, tuturuan ka sa mga teknik sa panliligaw, tuturuan ka sumuntok, kasama mo pag tinuli ka at lalo sa pagbibinata mo. Pero iba ang nakagisnan ko, taliwas sa aking mga nababasa o natutunan sa eskwelahan.

Si tatay, buong araw wala sa bahay akala ko ay naghahanapbuhay at pag uwi meron sia dalang pasalubong sa aming magkapatid. Excited pa naman ako lagi nun dahil nga sa napapanood ko sa tv tungkol sa mga tatay. Lumipas ang buong maghapon at sumapit ang gabi nadinig ko na ang gate bumukas, karipas ng tayo sa kama at tumakbo palabas para salubungin ang tatay.

“tatayyyyyy……..” sigaw ng isang sabik na anak

“pu**** i*a mo bili mo ako ng yelo, humingi ka ng pera sa nanay mo”

“tay, may pasalubong ka po ba sa akin?”

“taran**do ka ba? Nadinig mo ba ako? Kumuha ka pera sa nanay mo at bumili kayo ng kuya mo ng yelo!

Palaging ganun ang tatay na nakilala ko, lasingero, at halos parang walang pakialam pamilya. Ganito ba tlga ang tatay? Bakit parang iba sa sinasabi sa eskwelahan. Minsan gusto ko na mag taas ng kamay at sumagot sa klase na di naman ganun ang tatay na sinasabi nila. Ngunit pinilit pa din paniwalaan ng mura kong isipan ang taong tinuturo sa paaralan ay akin ding mararanasan. Dumating ang madaming taon, ganun pa din, sa tuwing uuwi si tatay may dala siyang pasalubong, ngunit di gaya ng aking inaasahang candy o ano mang gaya ng napapanood ko sa tv, ang ilang beses na malulutong na latay ng sintron ni tatay ang sa akin pala’y naghihintay. Isa, dalawa, tatlo, apat, di ko mabilang ang sakit na dulot ng latay na natamo ng aking katawan sa tatay na sinasabing haligi ng tahanan. Minsan na din niyang kinuha ang adobo na ulam naming maganak upang ipakain at gawin niyang pulutan at ng kanyang tropa. ASin at kamatis ang noo’y pumatid sa aming gutom.

Minsan ko na din natanong ang nanay kung bakit ganun ang tatay at ng minsan ko siyang tanungnin:

“Nay, magbabago ba ang tatay? Sakit na kasi ng mga palo niya sa amin ni kuya… Mahal ba kami ng tatay? Ikaw mahal mo ba ang tatay?”

Ang tanging nasagot lang ng nanay ay: “ Bunso, Mahal…. Mahal na mahal…”

Hindi ko pa lubos maintindihan ang sinabi ng nanay, simple pero malalim. Alam ko na nahihirapan ang nanay dahil sa pag sagot niyang iyon at kasabay ang luhang pumatak sa kanyang pisngi.

Patuloy ang pag inom ng tatay, may mga gabing ilang beses nia kami gigisingin sa pamamagitan ng pagbuhos ng natunaw na yelo at para pabilin kami at mambulahaw sa kapit bahay upang makabili lang ng yelong pampalamig ng alak na kanilang iniinom. Wala ako magawa, wala ako masabi, wala…

Madaming beses ko nang nakita na lasing ang tatay, ngunit may isang pangyayari na di ko makalimutan kay tatay. Minsan umuwi sia na di lasing, takot na takot kami ni kuya nun, laking gulat naming ng biglang nadinig naming ang tatay nagsabi:

“Kuya, Bunso…. Asan kayo? May pasalubong ang tatay!”

Hindi ko alam bakit an gaming takot ay biglang nabago ng salitang iyon, dali dali kami lumabas ng kuya sa kwarto at tumakbo sa tatay.

“Musta na ang junior at bunso ko?” May mami na dala ang tatay, kain tayo?”

Sa loob ng ilang taon na halos latay ang pasalubong na aming nagisnan, nakakapanibago ang araw nay un. Tan* in* yun na ata ang pinaka masayang araw ko at nalaman ko na tama ang tinuro sa eskwelahan, masarap pla ang may tatay. Halos di ko mapaliwanag ang saraili ko nun dahil sa sarap na naransan ko na Makita ko ang tatayko na walang alak at di amoy beha ng sigarilyo.

Inakala ko na ang araw na un ay simula ng masasayang araw ko, hindi pla. Balik inom nag tatay kinabukasan, balik latay, balik dapa sa sahig, pilit tinitiis ang sakit sa bawat dampi ng sintron ni tatay. Di nagtagal naningil na ang tadhana, na ospital ang tatay at tuluyang nagkasakit hanggang sa siya ay manghina at mawala na sa amin.

Hindi ko alam ang madarama ko sa panahon na nakita ko na nag tatay sa kahon. Manhid na ata ang katawan ko sa sakit na dulot ng kanyang sintron. Ngunit sa tuwing maaalala ko ang isang araw ng kasiyahan na binigay sa amin ni kuya ng tatay, di ko maiwasang maiyak dahil sa lungkot na wala na akong tatay. Sa edad kong 7 ay madami pa sana akong mapapatunayan ke tatay, na sana siya yung magtuturo sa akin manligaw. Siya unang taong pagsasabihan ko ng problema ko sa gf ko.

Galit o poot ang naramdaman ko nun ngunit ang lahat ng galit ay napapawi at napapalitan ng panghihinayang, pagsisisi, at pang unawa, na sa huli iisipin mo na sana maari pang ibalik ang nakaraaan at itama ang mali. Ngayon ko lubos na naintindihan nag nanay, na kahit gaano kapait ang nakaraan o kahit gaano kasakit ang karanasan mo sa isang tao, kung mahal mo, mahal mo. Di mababago g kahit anong pangyayari sa mundo.

Kung sino man ako ngayon ay dahil na din ke tatay, naging matatag ako at manhid sa mga pasakit sa buhay. NAging palaban sa mga prblemang kinahaharap ko. Nakakamiss ang tatay, ang ilang taong pasakit ay napawi ng isang araw at isang mami. Di ko ibinlog itong apirasong kwento ng aking buhay, para magalit o kamuhian ang tatay ko o kumuha ng simpatya, sinulat ko ito upang iparating sa mga makakabasa nito, na

“Mahalin nyo ang taong meron pa sa buhay nyo, dahil darating ang oras na ang mga taong ito ay lilisan.”

Samantalahin natin na ang mga taong meron tayo ngayon, masama man o mabuti, masaya man o malungkot. Mahalaga matuto tayong tanggapin at mahalin ito kahit kapalit ay pasakit at sakit, dahil mas masakit kung di mo na makikita ang mga ito sa buhay mo.

(Tay, kung nasan ka man ngayon, sana alam mo na napatawad na kita! Walana yun! at nga pala!

MAHAL na MAHAL kita! Nga pla tay, may gf na ako ngayon at nakailan na din. tsaka umiinom na ako… tangero pa nga eh! kaya TAGAY PARA SAYO TATAY!)

Advertisements

Ulirat

baliwNaniniwala ako na ang bawat isa sa atin ang gumagawa ng sarili nating kapalaran, pero minsan may ibang ihip ang hangin ng buhay na di natin maiiwasan. Maraming daan ang buhay. Minsan palikuliko, baku bako, patag, at minsan wala ka choice dahil dead end.

Madalas ako makakita ng mga taong wala sa sarili nilang ulirat o bait. Mga taong “sira ulo o lokaloka / lokoloko” kung ating tawagin. At oo, aaminin ko, isa ako sa mga taong natatakot o minsan nang di nakaintindi sa mga tulad nila. Pinandidirihan, kinatatakutan,  at kadalasan pinagtatawanan sa mga kakaibang kilos o galaw na maari nilang gawin. Nang minsan akong napunta ng Baguio, habang naglilibot  kasama ang isang kaibigan  palakad sa burnham park, may isang taong naka agaw ng aking pansin. Tahimik, nagdadamo, pinatitinginan ng tao na akala mo isang artista. Sana nga ganun nalang, ngunit ng aking usisain at Makita sia ng malapitan, isa pala siyang babaeng wala sa sarili. Wala sa sariling ulirat.

Di ko alam ano ang aking naramdaman pero napuno ako ng awa sa aking puso. Di namalayan na naluluha ako at tumulo ang mga ito sa akin. Sa pagkahabag, bumili ako ng kape at tinapay sa mga by standers sa burnham. Pagkakuha ng kape at tinapay ay inabot ito sa babaeng sikat sa mga mapanghusgang mata ng lipunan. Sa una’y may takot pa din na baka biglaan nia akong batuhin o saktan, pero gusto ko tlga maibigay sa kanya ang pagkaing aking nabili. Nanatili siyang mailap, at di ko siya masisisi kung bakit, dahil pinagkait ng lipunan ang pang unawang dapat meron para sa kanila.  Bago ko pa maiabot sa kanya ang pagkain, may nadinig ako na nagsabi sa akin sa di kalayuan,

Hoy pogi, ako ba di mo bibigyan ng kape at pagkain. Baliw din ako!” kasunod nun ay isang malakas na tawa na ng pangungutya. Di ko naiwasan na mainis o mairita, pero ganun pa man patuloy akong sumubok na maibigay ang pagkain at kape na binili ko at di nalang pansinin ang mas masahol pa sa baliw na nagsalita.

Eto oh, kape malamig at baka gutom ka, sige na kunin mo na to. Para makakain ka” ang malumalay kong pakikiusap sa kanya. Sa aking pagpupursigi, ang lungkot na aking nararamdaman ay napalitan ng kasiyahan ng abutin na ng babae ang pagkain.

Salamat.” sagot niya. At pagkatapos ng salitang iyon ay bubulong bulong sia na di ko maintindihan ang kanyang mga sinasabi. Bigla akong napangiti at di ko mapaliwanag ang saya.

Aamin ko, sa puntong iyon, dun ko higit na intndihan ang salitang KAPALARAN at BUHAY. Oo, ang tao ang gumagawa ng sarili niyang kapalaran at buhay, ngunit may mga pagkakataon na di natin maaaring mabago ang kapalaran na nakalaan, dahil minsan mapaglaro ang TADHANA. Ngunit sa lipunang di pantay ang oportnidad mahirap para sa kanila na maunawaan.

Umuwi ako sa aming hotel na madaming palaisipan, “Ok kaya siya? Kelan kaya ang mga tulad niya ay tatantanan ng mga mapanlait na lipunan, at sila ay maintindihan kesa pandirihan?” Pero sa lahat ng tanong, isa ang halos maguilty ako sa aking sarili,

Maswerte ba ako at di ako tulad niya?”… kinukuyta at parang walang puwang sa lipunan. Pinandidirihan at walang bahay na mauuwian. Kinalimutan ng sariling pamilya dahil na din sa kahihiyan. “O maswerte siya na di siya katulad ko?” na may bahay at pamilya akong inuuwian, may damit, pagkain, gamit o mga taong kaya kong matakbuhan at kaibigang maaasahan sa panahon ng kahirapan ngunit, kung ating titignan at iisiping mabuti, ang mga taong tulad nila ay walang kakayahang mangutya o manghamak ng kapwa, walang kakayahang gumawa ng masama, at kung may pagkakataon man dahil ito ay wala sila sa sarili nilang katinuan. Aaminin ko, napakalayo ko sa pagiging perkpekto, at nakakagawa ako ng mga bagay na masama na nasa sarili kong katinuan at kakayahan.

At ngyon, sa tuwing makakakita ako ng mga taong katulad niya, alam kong hindi birong pagsubok at trahedya ang pinagdaanan nila. Ngunit patuloy silang lumalaban sa kanilang kapalaran, patuloy na nabubuhay. Dasal ko na nawa ay patuloy silang lumaban sa byahe ng kanilang buhay at sa daan ng kanilang kapalaran, ng kanilang tadhana.

puppy lab

papi5Tandang tanda ko pa nung elementary ako, grade 3 ano nun nung magkacrush na ako. (ayeeeeiiii!!) Hindi ko pa alam ang meaning ng crush nun basta alam ko masaya ako pag kasama ko sia at lalo na pag naglalaro kami sa school pag recess. tandaang tanda ko pa, nagpabili ako ke nanay ng pabango, uso pa nun yung johnsons baby cologne yung blue ahahahahah. ayun sabi ng nanay “lintek na bata ka pag uwi mo at amoy araw ka o pawis malilintikan ka sa akin…” opkors! sagot ko “opo” pero may mga ngiti ako na sa isip ko na alam ko na di ko masusunod un… (sorry nay! ahehehe)

Naalala ko pa unang binigay ko sa unang crush ko lapis (mongol 3 pa yun!) at yung candy na “papula” (tatlo benchingko!) palagi nga kami  nun bili pag tunog ng bell ng recess. Hmmmm… itago na nalang natin sia sa pangalang “JOY” (tanda mo pa ba ang name ng first crush mo?”). itago nalang natin sia sa pangalang “JOY”. Madalas kami magkalaro ni joy ng putupong 1,2,3 at eat kurikit!Minsan naman yung laste na pinipitik. Nakakatuwang balikan ang karanasan ko nung bata ako, naku! kakulet ko nun! kinakagat ko pambura ko sa lapis (ahahahahah natatawa ako habang sulat ko toh!) pero naalala ko nun pag nanjan crush ko,  di ko kinakagat pambura ng lapis ko lalo kung pudpod na ahihihih.  🙂

Bakit nga ba tinawag na “puppy love” pag bata ang nagka crush? hmmm… eh bakit pag matanda na di tinatawag na “doggie love”? (ay panget! sakit sa tenga! erase erase!!) eh ewan! bahala nga kung sino man o san man nagsimula ang tawag na yun! basta napaka sayang balik balikan ang alaala ng kabataan. Nga pla, nagkita na ulit kami ni joy,at nung nagkita kami inamin ko sa kanya na nakita ko underwear nia nung naglaro sia chinese garter sa school. (bhwahahahahah! manininiwala ba kayo na di ko sinadya yun!) ahihihi 🙂 ayun! nasampal ako ni joy, sabay sabi

“ok lang, nga pla, gusto ko din aminin sayo na nung nadulas ka sa hagdan di ko sinasadya na makita ang tooot! wala ka wala ka brip nun noh!” sabay hagalpak ng tawa!

“huwaaaaaaaaat?! sa hiya ko bigla ako nagpaalam sa kanya at sabi ko nalang may nakalimutan ako sa bahay. ahahahahah!!!

Kayo, naaalala nyo pa ba ang first crush nyo?!  be a carebear! care to share!!!

bertday gips!

Bata pa lang ako lagi ko iniisip ang bertday ko, kung ano regalo ko at ano wish ko. Minsan pa nga, one month bago ako mag bertday iniisip ko na ano gagawin o susuutin ko kasi sobrang halaga tlga sa akin ng bertday, pero ngayong ika bente otso ko na bertday… (o teka teka, oo 28 na ako! bawal mag react! ang magreact, hmmmm.. isusumpa ko walang ulam mamayang gabi!) joke! Nasabi ko na iba tong bertday ko kasi walang excitement sa sarili ko, walang plano, walang iniisip. Bukod kasi sa wala ako maisip na regalo sa sarili ko eh may pasok ako sa work sa araw ng bertday ko! (argh! badtrip!)

Not until this morning, nung nasa duty ako at nagkakaha sa counter, nalaman ng isang customer na bday ko, aba aba aba! bigla sinabi sa mga tp2nakapila din sa counter na bday ko, ayun mga nag sipagkantahan ng happy bertday, waaaaaaaahh!!!! ahahaha namula ako (na dati naman hindi dahil maitim ako! ahahah) kasi ang sayang feeling ng di mo sila kilala pero nag effort kumanta, natawa pa ako kasi nakita ko isang matanda na babae naka tungkod pero “to the E” ang pagkanta nia! ASTIG! At siempre, pag uwi ko sa bahay, di ko expect na magmamayari na pla ako ng isang expressway sa blog world. SALAMAT TOL! (si boni, kung may gusto kayo malaman, ako tanungin nio nyahahahahah!)

Isa sa pinaka masarap na regalo na natanggap ko ay ang batiin ako ng mga taong di ko kilala pero alam ko na taos sa puso ang pagbati nila. yung bigyan ka nila ng panahon at atensyon dahil sa kapanganakan mo ay isang napakasayang karanasan at regalo na para sa akin.

Ngayon, ang tanging dasal ko lang ay…..

“Sana po ma meet ko expectations sa akin sa blog na ito, nakaka pressure kasi ang recommendations ni kuneho, (ahihihihi) at sana maka inspire ko pa mga taong magbabasa nito… AMEN”

P.S.

Lord, tentyu! tsaka sana lagi me CUTE ajaahahahaha!! tentyu ulit!

** 

Asan na ba yung susi? (kamot ulo!) ay ayun!!! this is it!by the power vested by BONI,
Toper: I now accept topexpress, to be my blogpage effectively today 16th of April (bertday ko!) 2009 year of the OX… KALABAW!!!

Muli sa mga “kapatid, kabagang at katambayan kong bloggers! KUDOS!!! MARAMING MARAMING SALAMAT PO!!!! bow!

topexpress

Ang hirap umisip ng bagong blog name. mabilisan lang to, express nga eh pwede din quickie on top. awww! guest blogger lang pala ako bakit ko nga ba sinisimulan ang pagiging kuneho hekhek.. since may bago nang nag mamanage sa bonistation nagtayo na po ako ng isa pang express lane dito.^^ biro lang. ang bagong blog na to ay para sa isang ‘tol ko (kapatid sa labas)  na matagal ng nagpapatulong sa pagaayos ng blog nya. timing na din dahil bertdey na ni mokong yihaa! sakto itataon ko ang opening nito! tara magpugot ng ulo at ibuhos ang dugo sa mga haligi at pader ng topexpress. arrgh!!

 

blogger name : topher
birthday profile: april 16, 1981
please click play button

tol welcome to blogosphere. tulad ng sinabi mo sakin nung nagsisimula palang ako mag blog, “your social responsibility starts here” ^^ topexpress1011taragis palagi ka silent mode sa blog ko, lurker, nagbabasa pero walang iniiwang bakas. ganyan daw kasi ang mga sikat? patago kung lumabas ng bahay, pa simple at tahimik kung maglibot.  pero kahit ano pa man yon alam ko namang isa ka sa mga fans at tagasubaybay ng mga kalokohan ko sa pagsusulat hehe. amp! pa VIP ka at sa YM ka pa nag co-comment, next time hindi na pwede yun ha. dumaan sa tamang proseso ok?  haha biro lang! kahit pagbali baligtarin pa ang mundo alam mo naman na ako ang fan mo at palaging naiinggit sayo. d’ looks, d’ moves, d’ talent, d’ voice! ^^ ano pa ba? wala ng hahanapin pa, complete package ka na nga at yan ang sabi ng mga nabobola at nauuto mo sa friendster. hehe peace!

pero sige sa seryosong usapan tayo, saludo talaga ako sayo pareko, kung dati kasa kasama lang kita dito sa disyerto ngayon big time kana sa canada and you found a second home in halifax naks! naalala ko dati sa inuman natin ikaw ang malakas ang hatak na nakapag inspire sa akin na mag abroad nagulat ka pa ng makakapunta nadin ako ng KSA, hindi mo rin yun inakala diba? huh!  taragis ka tapos ngayon nang iwan ka. wag ganun! haha 

basta tol isa lang masasabi ko keep on inspiring people! handa na ako na maubusan ng fans dahil magsisimula ka ng mag blog haha. may this blog be a new home of your ideas, inspirations and achievements! (putek babalinguynguyin ako matagal na panahong hindi ako nag eenglish ah)

turn over date: april 16, 2009
by the power vested in me (ahaha may ganito?) i now pronounce you as the official owner of TOPEXPRESS. (bilis yung susi yung susi asan) haha!

**bloggers join me, lets all welcome Toper on Topexpress!

HAPPY BIRTHDAY uli!

 

(ang may pakulo),

bons ng bonistation (in love padin gang ngayun at wala ng ngang new entry nangangapitbahay pa) ahaha

 

 

***

on Jan 31, 2009 Toper wrote:

EXPRESSION, CONTENTMENT and INSPIRATION. We express emotions through writing lalo na kung malayo ka sa mga kaibigan mo o sa mga taong nakakausap mo madalas at nahihingahan ng advices, opinions, thoughts, etc. We get contented of writing it and kasi minsan dumadating sa buhay ng tao na magiging mag isa ka nalang pla sa byahe ng buhay, mag iisang naglalakbay. And unknowingly, sa pageexpress mo, sa pagsusulat mo, sa pag post ng emotion mo you inspire people na nakakabasa nito. Astig noh! from simple expression at self contentment, nakaka inspire ka!