topexpress

Ang hirap umisip ng bagong blog name. mabilisan lang to, express nga eh pwede din quickie on top. awww! guest blogger lang pala ako bakit ko nga ba sinisimulan ang pagiging kuneho hekhek.. since may bago nang nag mamanage sa bonistation nagtayo na po ako ng isa pang express lane dito.^^ biro lang. ang bagong blog na to ay para sa isang ‘tol ko (kapatid sa labas)  na matagal ng nagpapatulong sa pagaayos ng blog nya. timing na din dahil bertdey na ni mokong yihaa! sakto itataon ko ang opening nito! tara magpugot ng ulo at ibuhos ang dugo sa mga haligi at pader ng topexpress. arrgh!!

 

blogger name : topher
birthday profile: april 16, 1981
please click play button

tol welcome to blogosphere. tulad ng sinabi mo sakin nung nagsisimula palang ako mag blog, “your social responsibility starts here” ^^ topexpress1011taragis palagi ka silent mode sa blog ko, lurker, nagbabasa pero walang iniiwang bakas. ganyan daw kasi ang mga sikat? patago kung lumabas ng bahay, pa simple at tahimik kung maglibot.  pero kahit ano pa man yon alam ko namang isa ka sa mga fans at tagasubaybay ng mga kalokohan ko sa pagsusulat hehe. amp! pa VIP ka at sa YM ka pa nag co-comment, next time hindi na pwede yun ha. dumaan sa tamang proseso ok?  haha biro lang! kahit pagbali baligtarin pa ang mundo alam mo naman na ako ang fan mo at palaging naiinggit sayo. d’ looks, d’ moves, d’ talent, d’ voice! ^^ ano pa ba? wala ng hahanapin pa, complete package ka na nga at yan ang sabi ng mga nabobola at nauuto mo sa friendster. hehe peace!

pero sige sa seryosong usapan tayo, saludo talaga ako sayo pareko, kung dati kasa kasama lang kita dito sa disyerto ngayon big time kana sa canada and you found a second home in halifax naks! naalala ko dati sa inuman natin ikaw ang malakas ang hatak na nakapag inspire sa akin na mag abroad nagulat ka pa ng makakapunta nadin ako ng KSA, hindi mo rin yun inakala diba? huh!  taragis ka tapos ngayon nang iwan ka. wag ganun! haha 

basta tol isa lang masasabi ko keep on inspiring people! handa na ako na maubusan ng fans dahil magsisimula ka ng mag blog haha. may this blog be a new home of your ideas, inspirations and achievements! (putek babalinguynguyin ako matagal na panahong hindi ako nag eenglish ah)

turn over date: april 16, 2009
by the power vested in me (ahaha may ganito?) i now pronounce you as the official owner of TOPEXPRESS. (bilis yung susi yung susi asan) haha!

**bloggers join me, lets all welcome Toper on Topexpress!

HAPPY BIRTHDAY uli!

 

(ang may pakulo),

bons ng bonistation (in love padin gang ngayun at wala ng ngang new entry nangangapitbahay pa) ahaha

 

 

***

on Jan 31, 2009 Toper wrote:

EXPRESSION, CONTENTMENT and INSPIRATION. We express emotions through writing lalo na kung malayo ka sa mga kaibigan mo o sa mga taong nakakausap mo madalas at nahihingahan ng advices, opinions, thoughts, etc. We get contented of writing it and kasi minsan dumadating sa buhay ng tao na magiging mag isa ka nalang pla sa byahe ng buhay, mag iisang naglalakbay. And unknowingly, sa pageexpress mo, sa pagsusulat mo, sa pag post ng emotion mo you inspire people na nakakabasa nito. Astig noh! from simple expression at self contentment, nakaka inspire ka!

42 Comments (+add yours?)

  1. revsiopao
    Apr 14, 2009 @ 23:57:11

    Wow ako ang 1st honorary member ng TopExpress. Yahoo! At siyempre created pa ang 1st post on my birthday. Todo na ‘to!

    Welcome to WordPress and the Blogosphere Topher. Using your own words as my jumping board, I hope that through “expression” and “self contentment”, you would be able to “inspire” your readers by your blogs.

    At dahil rekomendado ni kuneho “it must be good” (parang Seiko films lang). He he!

    Aba at April 16 pala ang birthday mo. Kaya pala pareho tayong guwapo. Ehem!
    Mabuhay ang mga April babies! (hindi kasama si Bons… he he)

    Cheers to the new blogger. God bless!

    Reply

    • topexpress
      Apr 16, 2009 @ 15:36:55

      Revsiopao – umasa ka na sisikapin ko na talagang “it must be good” kahit isama mo pa ang SEIKO wallet balat nito ay genuine at maswerte. at MABUHAY ang APRIL babies!!!

      Reply

  2. mumay
    Apr 15, 2009 @ 00:02:22

    halah… nangapitbahay.. ahihihihi… in fairness gwapito nga hah… nyweizzz, welcum hah, sa mga salita at panitik ni bon, eh tunay ka ngang inspirasyon, ipagpatuloy mu yan kaibigan, mabuhay!!! … .. chheerrrrrs!!!

    Reply

    • topexpress
      Apr 16, 2009 @ 15:37:20

      Mumay – Salamat. hmmm… di ako gwapo CUTE lang. (boyoyoyoinks!) sige kita na tayo in person! ahehehe

      Reply

  3. livingstain
    Apr 15, 2009 @ 00:58:42

    kumusta mr. toper, welcome welcome… sige aabangan ko ang mga susunod mong sulat…

    handa ka na bang sumikat?

    Reply

    • topexpress
      Apr 16, 2009 @ 15:37:42

      Living stain – naku! sige, wag ka magalala, sabi nga ni lani ng PDA “umasa ka, malapit na!”

      Reply

  4. mangbadoy
    Apr 15, 2009 @ 02:00:55

    hindi ko pa kayang mag-isa.. parati akong may kasama.. i always connect to someone pag nag-iisa ako.. ayoko ng katahimikan.. mas nakakatulog ako pag maingay.. weird pero ganun ako.. no man is an island.. no man can leave alone.. kaya nga parati andyan si God, constantly nating pwedeng kausapin…

    wala lang share ko lang…

    happy birthday and welcome sa wordpress!!! keep inspiring people thats all we get from writing and sharing our thoughts…

    Reply

    • topexpress
      Apr 16, 2009 @ 15:38:05

      Mangbadoy – AMEN… ” Ang batang mapag isa…. nadumi!” wala lang na share ko lang (amf!) ahihihi

      Reply

  5. Heleyna
    Apr 15, 2009 @ 03:53:12

    Hmmm… so ikaw ang dahilan kung bakit nadalaw ako ni Bons after 45 years. Nainlab lang ang mokong nakalimot na. Ahaha.

    Welcome sa blogosphere topher. Park at your own risk! hehe. At dahil andyan si rev at ayokong mapalo…di ko na sasabihin na cute ka.

    Advance Happy Birthday. Eto nagbabloghop kahit me sakit. Pakanton naman kayo!

    Reply

    • topexpress
      Apr 16, 2009 @ 15:40:31

      Heleyna – Naku ganun ba? oo iba klase kasi si bon pag na inlab, nawawala sa cirkulasyon at abutin ng 88 years bago magparamdam. ay lika! me canton ako dito hati tayo! toyomansi flavor! yum yum!!!

      Reply

  6. Winkie
    Apr 15, 2009 @ 04:25:42

    napadaan lang po… pinromote kasi ni boni ito dun sa site ko.

    welcome to the blogosphere… and advance happy birthday.

    Reply

  7. TeenToinks
    Apr 15, 2009 @ 06:01:28

    Welcome TOPER sa blogosphere… at dahil blog mo to hindi ko papansinin mga sinabi ni BON (umuwi ka na nga panget!)hehe

    “minsan dumadating sa buhay ng tao na magiging mag isa ka nalang pla sa byahe ng buhay, mag iisang naglalakbay”

    – Totoo, at dahil jan may mga pagkakataon na dun mo makikilala ang mga taong handang sumabay, (hindi lang siguro natin alam) maaring panandalian lang pwede ring pangmatagalan.

    WELCOME Toper! Advance Happy Bday!

    Reply

  8. Ax
    Apr 15, 2009 @ 06:36:25

    huwaw. welcome sa blogworld!

    first post ito! at nakakatuwa naman. birthday ng blog mo tapos birthday mo rin. happy birthday!

    masaya dito sa blogosphere. mabait ang bloganity! marami kang magiging kaibigan dito!

    kuya topher, malaking welcome sa iyo!

    Reply

  9. leoj
    Apr 15, 2009 @ 06:39:04

    …live all you can, it’s a mistake not to.

    happy birthday ‘tol and welcome to your new home. keep inspiring people.

    Reply

  10. Basti
    Apr 15, 2009 @ 07:23:41

    Welcome Topher napabyahe lang dito sa expressway mo.. hello din sa punong tagapangalagang si Bons, salamat sa pagdaan sa bahay ko..

    Reply

  11. meliza
    Apr 15, 2009 @ 07:26:18

    naks! ang daming ngmmahal sa iyo! hindi ko pa malalaman na my topher expres na. c bons ngsabi sa akin na mgvisit dito sa blog…ang saya saya nman im a part of this blog.hehehhe
    hapi bday. grabe ka tlaga as in.
    kahit hindi tau ngmit isa ka sa taong tinuruan mo ko maging confident sa sarili. hayzz ano kaya kung wala ka. i appreciate talaga sa mga cnabi mo sa akin.heheheh
    well enjoy ur bday! i wish gud health and more success pa and luvlyf

    Reply

    • topexpress
      Apr 16, 2009 @ 15:43:51

      Meliza – Toinks! iba ka! kahit dito nasusundan mo ako! ahehehe kiddin aside! Maraming salamat alam mo na nandito lang ako lagi para sayo, makikinig at sumusubok na magbigay ng mga payo na angkop para sayo. naks! ( oh, testi na! ahahaha)

      Reply

  12. brotherutoy
    Apr 15, 2009 @ 07:51:49

    topher,
    welcome sa magulo, demanding, nakakapikon, nakakapuyat at kung minsan ay walang kakwenta-kwentang mundo ng blogging. nawa’y magdulot ito ng panadalian aliw, kung meron man. hehe…

    naisama na kita sa blogroll ko ng walang pasintabi.

    God bless!

    Reply

    • topexpress
      Apr 16, 2009 @ 15:45:29

      brotherutoy – ay! gusto ko ata sa lahat ng choices na sinabi mo eh… panandaliang aliw! (ahihihi ang saya!!!)

      Reply

  13. khzr4u
    Apr 15, 2009 @ 10:30:57

    huwaaaaw!!bon, eto pala un hehehe!!!

    enjoy yer bday..sana padalhan mo kami ng handa mo!

    Reply

    • topexpress
      Apr 16, 2009 @ 15:44:30

      Khzr4u – this is it! i wont turn back. punta kayo dito sa sabado, un celebration ko weh. may carbonara!

      Reply

  14. joycee
    Apr 15, 2009 @ 12:58:10

    Yeheyyyy isang bagong blogger na naman ang ipinanganak, welkam welkam sa masalimuot na mundo ng blogosperyo.

    Napadaan lang dahil highly recommended ni bons ang blog mo, sya pala kase ang pers post wehehehe.

    Hemberdei sa iyo!🙂

    Godbless!

    Reply

  15. Gardiniere
    Apr 15, 2009 @ 13:08:38

    Oh ayan na! Kahit busy ako nagcomment pa rin ako. Ano ba pwede kong makuhang fayda dito? Wala, wala, walaaaa! Hehehehe!

    Bilib na talaga ako sa circle of friends ni kuneho, malaARTISTAHIN lahat(Actually pinadagdagan nya sa akin ang comment ko kasi inilagay ko sa ym message yan, hehehehe!).

    Tope, di man kita kilala personally, pero I wanted to greet you HAPPY HAPPY BIRTHDAY saan mang lupalop ng mundo ka ngayon. Dahil malakas sa akin si Bons at magpapakain sya sa FRIDAYS mamaya, isa pang MALIGAYANG BATI ang ipinapaabot ko sayo!hehehehe! Isa itong patunay na lumalaki na ang mundo ng blogosphere. Keep touching the hearts of your future readers! (yung heart lang ha wag yung sa ibabaw ng heart)

    Saiyo kapatid, welcome sa mundo ng blogging & muli, HAPPY BIRTHDAY!

    Reply

    • topexpress
      Apr 16, 2009 @ 15:46:31

      Gardiniere – Kapatid! namiss ko na kain sa TGIF huhuhu! sige sasabihin ko ke boni na sky is the limit libre sayo!

      Reply

  16. Ax
    Apr 15, 2009 @ 14:36:33

    ah, iba pala ang bonistation..! sayo din ba yun?

    Reply

  17. flamindevil
    Apr 16, 2009 @ 02:34:12

    welcome sa blogosphere parekoy.

    may bago na kong tatambayan ulit.yipeeeee

    hapi berdey na rin!!!!

    sabi nga ni pareng boni,keep on inspiring people.ayun.

    Reply

  18. Mon
    Apr 16, 2009 @ 07:32:39

    napadaan at nakiki-“Welcome to the blogosphere!” heheh

    Enjoy Blogging!😉

    Reply

  19. kasmot
    Apr 16, 2009 @ 08:54:50

    ang kaisa isang taong tumawag skin ng “kasmot”.. Obviously kc napanod nya ung “Dubai” ni Aga, JLoyd at Claudine, at 2wing pinapanod nya un, tumtgas ang gripo..ahihihi…

    nagkta rin kami nito s dsyerto at pagkaluwag luwag n lungsod ng Riyadh… ngaun dsyerto parin ako pero cia nsa yelo na.. susyalin kc to, bruin mo cia lang ang taong inborn n nkabraces.. at take note hnd mo makkta ang braces mrrinig mo lang…hehehhe

    happy bday tol…. slmat s lahat..at lgi mo ng ttndaan, ang mga umuunawa at wlang humpay s pggwa ng mbuti ay…SANTO.. ay mali… ay pinagppla pala.. happy bday Godbless lgi..d2 lang kasmot lagi..

    Reply

    • topexpress
      Apr 16, 2009 @ 15:50:36

      Kasmot – Usta? weh feeling mo naman si John Loyd ka?! ahahahaha aminin mo yun! ahahah weh! atleast susyal na ako nun pa lang, may hindi ka pa nasabi sa blog, na nung nasa tyan pa lang ako ng nanay ko, nag babackwards na ako at naka ngiti na me pag nagpapaultra sound si nanay, kasi kala ko picture! nayahahah!

      Reply

  20. chicksykat
    Apr 16, 2009 @ 16:24:08

    welcome sa blogosperyo and hapi berdei na rin..^^

    Reply

  21. libay
    Apr 16, 2009 @ 17:24:40

    huwaw express … mabilisan😛

    pibertdey sa iyo… enjoy blogging!

    Reply

  22. ANTHONY
    Jul 09, 2009 @ 06:33:50

    wow ngaun ko lang nlaman na isa kang magaling na writer…keep it up bro…

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: