Ulirat

baliwNaniniwala ako na ang bawat isa sa atin ang gumagawa ng sarili nating kapalaran, pero minsan may ibang ihip ang hangin ng buhay na di natin maiiwasan. Maraming daan ang buhay. Minsan palikuliko, baku bako, patag, at minsan wala ka choice dahil dead end.

Madalas ako makakita ng mga taong wala sa sarili nilang ulirat o bait. Mga taong “sira ulo o lokaloka / lokoloko” kung ating tawagin. At oo, aaminin ko, isa ako sa mga taong natatakot o minsan nang di nakaintindi sa mga tulad nila. Pinandidirihan, kinatatakutan,  at kadalasan pinagtatawanan sa mga kakaibang kilos o galaw na maari nilang gawin. Nang minsan akong napunta ng Baguio, habang naglilibot  kasama ang isang kaibigan  palakad sa burnham park, may isang taong naka agaw ng aking pansin. Tahimik, nagdadamo, pinatitinginan ng tao na akala mo isang artista. Sana nga ganun nalang, ngunit ng aking usisain at Makita sia ng malapitan, isa pala siyang babaeng wala sa sarili. Wala sa sariling ulirat.

Di ko alam ano ang aking naramdaman pero napuno ako ng awa sa aking puso. Di namalayan na naluluha ako at tumulo ang mga ito sa akin. Sa pagkahabag, bumili ako ng kape at tinapay sa mga by standers sa burnham. Pagkakuha ng kape at tinapay ay inabot ito sa babaeng sikat sa mga mapanghusgang mata ng lipunan. Sa una’y may takot pa din na baka biglaan nia akong batuhin o saktan, pero gusto ko tlga maibigay sa kanya ang pagkaing aking nabili. Nanatili siyang mailap, at di ko siya masisisi kung bakit, dahil pinagkait ng lipunan ang pang unawang dapat meron para sa kanila.  Bago ko pa maiabot sa kanya ang pagkain, may nadinig ako na nagsabi sa akin sa di kalayuan,

Hoy pogi, ako ba di mo bibigyan ng kape at pagkain. Baliw din ako!” kasunod nun ay isang malakas na tawa na ng pangungutya. Di ko naiwasan na mainis o mairita, pero ganun pa man patuloy akong sumubok na maibigay ang pagkain at kape na binili ko at di nalang pansinin ang mas masahol pa sa baliw na nagsalita.

Eto oh, kape malamig at baka gutom ka, sige na kunin mo na to. Para makakain ka” ang malumalay kong pakikiusap sa kanya. Sa aking pagpupursigi, ang lungkot na aking nararamdaman ay napalitan ng kasiyahan ng abutin na ng babae ang pagkain.

Salamat.” sagot niya. At pagkatapos ng salitang iyon ay bubulong bulong sia na di ko maintindihan ang kanyang mga sinasabi. Bigla akong napangiti at di ko mapaliwanag ang saya.

Aamin ko, sa puntong iyon, dun ko higit na intndihan ang salitang KAPALARAN at BUHAY. Oo, ang tao ang gumagawa ng sarili niyang kapalaran at buhay, ngunit may mga pagkakataon na di natin maaaring mabago ang kapalaran na nakalaan, dahil minsan mapaglaro ang TADHANA. Ngunit sa lipunang di pantay ang oportnidad mahirap para sa kanila na maunawaan.

Umuwi ako sa aming hotel na madaming palaisipan, “Ok kaya siya? Kelan kaya ang mga tulad niya ay tatantanan ng mga mapanlait na lipunan, at sila ay maintindihan kesa pandirihan?” Pero sa lahat ng tanong, isa ang halos maguilty ako sa aking sarili,

Maswerte ba ako at di ako tulad niya?”… kinukuyta at parang walang puwang sa lipunan. Pinandidirihan at walang bahay na mauuwian. Kinalimutan ng sariling pamilya dahil na din sa kahihiyan. “O maswerte siya na di siya katulad ko?” na may bahay at pamilya akong inuuwian, may damit, pagkain, gamit o mga taong kaya kong matakbuhan at kaibigang maaasahan sa panahon ng kahirapan ngunit, kung ating titignan at iisiping mabuti, ang mga taong tulad nila ay walang kakayahang mangutya o manghamak ng kapwa, walang kakayahang gumawa ng masama, at kung may pagkakataon man dahil ito ay wala sila sa sarili nilang katinuan. Aaminin ko, napakalayo ko sa pagiging perkpekto, at nakakagawa ako ng mga bagay na masama na nasa sarili kong katinuan at kakayahan.

At ngyon, sa tuwing makakakita ako ng mga taong katulad niya, alam kong hindi birong pagsubok at trahedya ang pinagdaanan nila. Ngunit patuloy silang lumalaban sa kanilang kapalaran, patuloy na nabubuhay. Dasal ko na nawa ay patuloy silang lumaban sa byahe ng kanilang buhay at sa daan ng kanilang kapalaran, ng kanilang tadhana.

30 Comments (+add yours?)

  1. bonistation
    Apr 22, 2009 @ 00:30:11

    based!! una ako haha hays nakauna din ako sau! yihaaa sarap ng feeling

    Reply

  2. bonistation
    Apr 22, 2009 @ 00:42:36

    wow! baka naman tauhan ka ng DSWD tol. ^^ hmm, nice deed! minsan nakakalimutan natin sila pansinin.. yung mga tao ng mas nanganngailangan ng kalinga..

    minsan paraan nadin siguru para mas naaapreiate natin ang kalagayan natin sa buhay sa tuwing makakakita tayu ng mga ganun… na mas maging mapagpasalamat tayu..

    Reply

  3. TeenToinks
    Apr 22, 2009 @ 10:34:51

    Hays… yan madalas nasa isip ko kaya minsan kahit gusto ko mag rant nakaka konsensya, at kahit minsan naaawa ako di ko magawa kumilos at tumulong dahil nga madalas nauunahan ako ng takot na baka bigla na lang din manakit. Ganunpaman isang saludo para sa’yo TOL (pinanindigan ang Tol, hehe)

    Ciao.. ciao…

    Reply

    • topexpress
      Apr 24, 2009 @ 12:22:56

      ahehh PASENSYA na GANDA. (ayan ha, bawi na sana ko) Sana sa susunod na may makita ka na gaya nila subukan mo wag matakot. Ang pagtulong ay di nakakatakot.

      ciao!

      Reply

  4. joycee
    Apr 22, 2009 @ 16:36:06

    Wow ang sarap naman basahin neto. Kaunti nalang din talaga ang mga taong nakakaintindi sa mga taong kulang ang pag-iisip.

    Naalala ko dati yung tatay ko pinaliguan nya yung taong grasa na pakalat-kalat sa may kalsada samen, sobrang humanga ako sa tatay ko nun hehe.

    God bless you Kuya! Nakikita ni Lord ang kabutihan ng iyong puso, and I’m sure He’ll reward you in His time.🙂

    Reply

    • topexpress
      Apr 24, 2009 @ 12:24:35

      Salamat joycee! mas saludo ako sa tatay mo dahil sa kabutihang pagpapaligo nia sa taong grasa, nga pla? alam mo ba kung anong sabon gamit nia? SAFEGUARD kaya,? para todo proteksyon sa jyerms? ahihihi

      Reply

    • Heleyna
      Apr 24, 2009 @ 21:22:30

      Uy totoo yan? Astig talaga si tatay rev no. Ako kaya pag naging taong grasa…papaliguan…okay nevermind awayin mo pa ko haha! mwaah bes!

      Reply

  5. Ax
    Apr 23, 2009 @ 17:02:56

    ayos! napakabait na bata. ako, minsan natatakot ako sa kanila. er, sorry, pero minsan lang naman.

    okay na sa kanila ang pagkain, wala naman silang pakialam sa pera. napakabait mo nga talaga!

    at tama ka, kahit takot ako sa kanila di naman sila nanakit. di naman sila nangungutya. may sarili silang mundo, at hindi naman nila papakialaman ang buhay mo. kung pangit ba ang suot mong pantalon, kung magulo ang buhok mo o kung magkaiba ang tsinelas mo.

    kudos sa iyo kuya! cheers!

    Reply

    • topexpress
      Apr 24, 2009 @ 12:26:48

      KUDOS AX. tama ka, kahit ano pa suot mo hindi nila papansinin, care nila sayo aheheehe. pero kung ako may camera gaya ng ginamit nyo nung nag tripping kyao, ay naman!!! i care about my look sir, i care about ME. ahehhe!!! (click!)

      Reply

      • Ax
        Apr 25, 2009 @ 02:41:16

        nagbago na pala ang pananaw ko sa buhay.

        makabili nga ng gel mamaya at makapag post ng bagong picture!

        hehe.

  6. p0kw4ng
    Apr 24, 2009 @ 19:01:50

    “Maswerte ba ako at di ako tulad niya? O maswerte siya na di siya katulad ko?”

    ang galing..napaisip ako….sino nga ba ang maswerte? pag nakakakita ako ng ganyan naiisip ko…gaano kaya kabigat ang pinagdaanan nila at bumigay na ang katinuan…nakakaawa!

    oist salamat sa pagdaan mo sa kubo ko ha…sana nabusog ka sa pinamimigay naming lugaw,hihihi

    Reply

  7. Heleyna
    Apr 24, 2009 @ 21:26:19

    Minsan nga di ko rin maisip masuwerte ba sila kasi may sarili silang mundo o malas dahil hindi nila nakikita o nararanasang mabuhay sa totoong mundo.

    Isa lang ang ibig sabihin ng post na to kailangang pag-igihin pa ng gobyerno ang mga programa para sa mga ganitong tao. Hindi naman pwedeng pabayaan lang silang nakakalat at pinagtatawan sa lansangan. Hehe naki-alam.

    Reply

  8. kathy
    Apr 25, 2009 @ 17:04:01

    isang BIG TIME na pagpupugay para sa isang tulad mo dahil hindi lahat kayang tumulong sa kapwa gaya ng iyong ginawa..

    ako ayokong nakakakita ng mga taong ganyan lalo na ung taong grasa na talagang mga wala ng saplot,mga matanda na may kapansanan na at namamalimos,mga musmus na walang tsinelas na karga karga ang mga sanggol sa kalsada ndi ko sila matagalan na tignan mabilis lumalambot ang puso ko.minsan naitanong ko sa sarili ko bakit ba sila nagpapakalat kalat sa lansangan nasan ang mga pamilya nila?bakit sila hinayaang maging taong grasa/pulubi.madalas nagagalit ako sa mga pamilya nila kase hinayaan silang maging ganun.pati sa gobyerno nating bulok nakakainis isipin na silang mga nakaupo sa pwesto ang sarap ng buhay samantalang napakaraming pilipinong naghihirap at kailangan ng tulong nila.haisst talaga ohh!

    ehh saree namen nadala lang ng emosyen..hehehe^^

    Reply

    • topexpress
      Apr 25, 2009 @ 21:46:56

      MAKI BAKA WAG MATOKOT!!!
      IBAGSAK ANG IMPERYALISMO!! (ay teka?! nadala ako kathy sayo!! erase erase!)

      Salamat kat at napadaan ka sa aking bagong express. Oo nakakalungkot isipin na ang mga kautlad nila ay napapabayaan ng gobyerno. Higit sa lahat na ang pamilyang dapat na mag aaruga at titingin sa mga kagaya nila ay wala sa tabi nila at lubos silang intindihin.

      Salamat uli sa pagdaan!!!

      Reply

  9. Jorge
    Apr 27, 2009 @ 03:06:10

    Aba aba aba! May bagong writer! Astigin to ah, basa mode muna..

    Add kita sa blogroll ko ha..

    Reply

    • topexpress
      Apr 27, 2009 @ 04:03:36

      ahehhe oo sinusubukan ko sir jorge na maging isang manunulot, este mannunulat pla! ahahahahahha

      salamat sa pag daan sa aking munting kubol!!!

      enjoy!

      Reply

  10. livingstain
    Apr 27, 2009 @ 04:20:51

    kawawang mga nilalang, naway akayin sila ng Diyos na mas may sapat na kakayahang umunawa sa kanila.

    Reply

    • topexpress
      May 09, 2009 @ 20:53:55

      sana nga lang tlga living stain ay mapansin sila ng ating gobyerno kasabay ng pagpansin nila sa mga baho ng bawat isang congresista o kapwa kasamahan sa congreso.

      hayts kaka lungkot!

      Reply

  11. meliza
    Apr 27, 2009 @ 08:27:59

    obvious naman aldo nsa name mo ang pagging mbuting tao! hehhe. in a long run u have a golden heart sa mga taong nanggailangan ng tulong mo.
    anyway totoo lahat namn ang mga sinulat mo. masuwerte tau kasi nasa atin ang lahat na bagay and mga taong ngmmhal sa atin pero cla wala sa kanila ngaalaga.
    pasalamat na lng tau kung ano mayrun tau and dont 4get to share our blessing sa mga taong nanggailangan kagaya nila.
    in fairness aldo pwede ka na maging writer. keep it up bka may makadiscover sa iyo!hehehehe. ang dami mo ng talent! special child ka talaga or gifted! lolz! hehehe

    Reply

    • topexpress
      Apr 28, 2009 @ 03:47:50

      ahahhaha Musta na ang PRESIDENT ng aking FANS CLUB? ahehehehe salamat sa pagdaan at pagbigay oras sa aking munting kubol. Nakakataba (though mataba na ako) ng puso. ahihihihi!!

      Naku, nagsisimula pa lang ako, ang dami dmi kong idol sa pagbloblog, isa na jan si bon, pokwang, livingstain, heleyna, joycee, krstina, brother utoy, revsiopao, naku dami dmi nila. as in pinagsama sama mo sila. panalo!!!!

      salamat muli!!!

      Reply

      • meliza
        Apr 28, 2009 @ 07:09:56

        ur welcome aldo! ngeenjoy aako sa mga blog nyo.
        kaya avid na fan NA KO ssa blog. tenk u rin.

  12. vanjie
    Jun 16, 2009 @ 14:50:57

    kakaawa nga ung mga 2lad nila, lalo n ung mta2nda n wlang matiran, n d mo alm kung nka2in n, ung nmmtay nlng bsta s kalye.. galing.. kakatouch……..

    Reply

  13. Indigo Mclaughlin
    Apr 27, 2011 @ 14:38:55

    I believe 1 of your commercials caused my browser to resize, you probably would like to put that in your blacklist. Ulirat topexpress is really a cool name for a blog BTW😉

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: