Tatay

dsc01410_filtered

Tatay, Papa, Ama, Dad, Papi, at anu anu pa. Yan ang iilan lang sa mga tawag sa isang taong nagbigay sa atin ng apelyido at pangalan, ganun din ang rason ng ating pagsulpot sa mundo.

Nung bata ako kahit magpahanggang nagyon, nakakaingit makadinig ng mga bata o makakita ng pamilyang buo, pamilyang masaya at lalo na ang isang batang karga karga ng kanyang ama  taragis!!! nagsisismula pa lang ako napapaluha na ako. at masayang naglalaro sa plaza. Sa tuwing nakakabasa ako ng mga artikulo mapa blog man o sa dyaryo, sa larawan, kwento man o sa inuman di ko maalis sa sarili ko ang inggit na sana naranasan ko din na may ama ako.

Bata pa lang ako nung namatay na ang tatay ko, 7 pa lang ata ako nun at grade one pero tanda ko lahat ang mga bagay na kung paano ko namulat o nakilala ang TATAY. Lagi ko nadidinig nuon sa aking mga kalaro o sa school na ang tatay ay ang haligi ng tahanan, siya ang tapagtanggol at tagapagbuhay ng pamilya. Yung taong aagapay sayo, tuturuan ka sa mga teknik sa panliligaw, tuturuan ka sumuntok, kasama mo pag tinuli ka at lalo sa pagbibinata mo. Pero iba ang nakagisnan ko, taliwas sa aking mga nababasa o natutunan sa eskwelahan.

Si tatay, buong araw wala sa bahay akala ko ay naghahanapbuhay at pag uwi meron sia dalang pasalubong sa aming magkapatid. Excited pa naman ako lagi nun dahil nga sa napapanood ko sa tv tungkol sa mga tatay. Lumipas ang buong maghapon at sumapit ang gabi nadinig ko na ang gate bumukas, karipas ng tayo sa kama at tumakbo palabas para salubungin ang tatay.

“tatayyyyyy……..” sigaw ng isang sabik na anak

“pu**** i*a mo bili mo ako ng yelo, humingi ka ng pera sa nanay mo”

“tay, may pasalubong ka po ba sa akin?”

“taran**do ka ba? Nadinig mo ba ako? Kumuha ka pera sa nanay mo at bumili kayo ng kuya mo ng yelo!

Palaging ganun ang tatay na nakilala ko, lasingero, at halos parang walang pakialam pamilya. Ganito ba tlga ang tatay? Bakit parang iba sa sinasabi sa eskwelahan. Minsan gusto ko na mag taas ng kamay at sumagot sa klase na di naman ganun ang tatay na sinasabi nila. Ngunit pinilit pa din paniwalaan ng mura kong isipan ang taong tinuturo sa paaralan ay akin ding mararanasan. Dumating ang madaming taon, ganun pa din, sa tuwing uuwi si tatay may dala siyang pasalubong, ngunit di gaya ng aking inaasahang candy o ano mang gaya ng napapanood ko sa tv, ang ilang beses na malulutong na latay ng sintron ni tatay ang sa akin pala’y naghihintay. Isa, dalawa, tatlo, apat, di ko mabilang ang sakit na dulot ng latay na natamo ng aking katawan sa tatay na sinasabing haligi ng tahanan. Minsan na din niyang kinuha ang adobo na ulam naming maganak upang ipakain at gawin niyang pulutan at ng kanyang tropa. ASin at kamatis ang noo’y pumatid sa aming gutom.

Minsan ko na din natanong ang nanay kung bakit ganun ang tatay at ng minsan ko siyang tanungnin:

“Nay, magbabago ba ang tatay? Sakit na kasi ng mga palo niya sa amin ni kuya… Mahal ba kami ng tatay? Ikaw mahal mo ba ang tatay?”

Ang tanging nasagot lang ng nanay ay: “ Bunso, Mahal…. Mahal na mahal…”

Hindi ko pa lubos maintindihan ang sinabi ng nanay, simple pero malalim. Alam ko na nahihirapan ang nanay dahil sa pag sagot niyang iyon at kasabay ang luhang pumatak sa kanyang pisngi.

Patuloy ang pag inom ng tatay, may mga gabing ilang beses nia kami gigisingin sa pamamagitan ng pagbuhos ng natunaw na yelo at para pabilin kami at mambulahaw sa kapit bahay upang makabili lang ng yelong pampalamig ng alak na kanilang iniinom. Wala ako magawa, wala ako masabi, wala…

Madaming beses ko nang nakita na lasing ang tatay, ngunit may isang pangyayari na di ko makalimutan kay tatay. Minsan umuwi sia na di lasing, takot na takot kami ni kuya nun, laking gulat naming ng biglang nadinig naming ang tatay nagsabi:

“Kuya, Bunso…. Asan kayo? May pasalubong ang tatay!”

Hindi ko alam bakit an gaming takot ay biglang nabago ng salitang iyon, dali dali kami lumabas ng kuya sa kwarto at tumakbo sa tatay.

“Musta na ang junior at bunso ko?” May mami na dala ang tatay, kain tayo?”

Sa loob ng ilang taon na halos latay ang pasalubong na aming nagisnan, nakakapanibago ang araw nay un. Tan* in* yun na ata ang pinaka masayang araw ko at nalaman ko na tama ang tinuro sa eskwelahan, masarap pla ang may tatay. Halos di ko mapaliwanag ang saraili ko nun dahil sa sarap na naransan ko na Makita ko ang tatayko na walang alak at di amoy beha ng sigarilyo.

Inakala ko na ang araw na un ay simula ng masasayang araw ko, hindi pla. Balik inom nag tatay kinabukasan, balik latay, balik dapa sa sahig, pilit tinitiis ang sakit sa bawat dampi ng sintron ni tatay. Di nagtagal naningil na ang tadhana, na ospital ang tatay at tuluyang nagkasakit hanggang sa siya ay manghina at mawala na sa amin.

Hindi ko alam ang madarama ko sa panahon na nakita ko na nag tatay sa kahon. Manhid na ata ang katawan ko sa sakit na dulot ng kanyang sintron. Ngunit sa tuwing maaalala ko ang isang araw ng kasiyahan na binigay sa amin ni kuya ng tatay, di ko maiwasang maiyak dahil sa lungkot na wala na akong tatay. Sa edad kong 7 ay madami pa sana akong mapapatunayan ke tatay, na sana siya yung magtuturo sa akin manligaw. Siya unang taong pagsasabihan ko ng problema ko sa gf ko.

Galit o poot ang naramdaman ko nun ngunit ang lahat ng galit ay napapawi at napapalitan ng panghihinayang, pagsisisi, at pang unawa, na sa huli iisipin mo na sana maari pang ibalik ang nakaraaan at itama ang mali. Ngayon ko lubos na naintindihan nag nanay, na kahit gaano kapait ang nakaraan o kahit gaano kasakit ang karanasan mo sa isang tao, kung mahal mo, mahal mo. Di mababago g kahit anong pangyayari sa mundo.

Kung sino man ako ngayon ay dahil na din ke tatay, naging matatag ako at manhid sa mga pasakit sa buhay. NAging palaban sa mga prblemang kinahaharap ko. Nakakamiss ang tatay, ang ilang taong pasakit ay napawi ng isang araw at isang mami. Di ko ibinlog itong apirasong kwento ng aking buhay, para magalit o kamuhian ang tatay ko o kumuha ng simpatya, sinulat ko ito upang iparating sa mga makakabasa nito, na

“Mahalin nyo ang taong meron pa sa buhay nyo, dahil darating ang oras na ang mga taong ito ay lilisan.”

Samantalahin natin na ang mga taong meron tayo ngayon, masama man o mabuti, masaya man o malungkot. Mahalaga matuto tayong tanggapin at mahalin ito kahit kapalit ay pasakit at sakit, dahil mas masakit kung di mo na makikita ang mga ito sa buhay mo.

(Tay, kung nasan ka man ngayon, sana alam mo na napatawad na kita! Walana yun! at nga pala!

MAHAL na MAHAL kita! Nga pla tay, may gf na ako ngayon at nakailan na din. tsaka umiinom na ako… tangero pa nga eh! kaya TAGAY PARA SAYO TATAY!)

60 Comments (+add yours?)

  1. meliza
    Apr 28, 2009 @ 06:29:14

    nkkalulungkot nman yung story mo aldo.naalala ko tuloy yung sa akin
    ganun talaga buhay walang perpekto pamilya. hindi natin maiwasan na mgtanong sa sarili ntin kung bkit ganun nangyayari.tyong mga anak iintindihin na lng ntin kung bkit nkaganun ang ating tatay.cguro may dinadala clng problema na ayaw nila sabihin sa atin kaya sa alak na lng nila nilalabas.kahit ganun cla ama pa rin ntin cla kundi dahil sa kanila hindi makkita ang mundo.lahat nman my purpose kung bkit nangyyari sa buhay ntin. hindi maiiwasan na my tym na kkukunin sa atin ang pinakammahal ntin sa buhay. nanngyari man ito sa atin dhil tinitest tau ng diyos kung hanggang saan panniwala ntin sa kanya or kung paano ntin hinaharap ang problema.
    tingnan mo ngyn ang narating mo u learn to be a tough guy dhil sa pingdaanan mo. watever na challenges na dumating ma sa buhay mo ay kayang mong ng harapin.
    ako may tatay at nanay ako bata ako hangang mgcollege hindi nla ako pinapansin kasi hindi ako kasingtalino ng mga kapatid ko. im just an average person. mga pangiinsulto narinig ko sa knila nging challenge sa akin. sabi ko sarili ko dati blang araw ipagmmalaki nila rin ako. kaya eto ako ngyn narating ipinagmamalaki ako sa mga frends. pero ngpapasalamat rin ako sa knila kasi nagtutu akong humarap ng problema and my prinsipyo na. tuwing tumatawag cla sa akin cnasabi ko sa knila mahal ko kau. ngsisi nga cla sa mga ginawa nila. pero sabi ko sa knila my purpose nman lahat yun. kaya ayun napaiyak cla.
    hayzz tama na itong drama! bwahaha.
    yehey! at last ako nauna na mgcoment sa blog mo. tenk u!
    keep it up for who u are! mr tough guy
    cympre andito lng pra sa iyo ang ms president ng fans club and ur friends.

    Reply

    • topexpress
      Apr 30, 2009 @ 18:26:42

      mel, salamat! ahehehehe di naman pang blog ang comment mo? ahhhihhihihihi lolz!

      blog ka na din kaseeee!!!!

      salamat sa pagging president ng pans club ko, sige kain ka lang ng pakain kong tuknene!!

      Reply

      • meliza
        Apr 30, 2009 @ 20:13:05

        kasi ikaw nadala ako sa kwento mo.yan tuloy naikuwento ko na buhay ko! bwahahahha. kala nila kadugtong ng kwento mo… kahiya!

  2. Jorge
    Apr 28, 2009 @ 07:52:10

    Wow!

    Reply

  3. bonistation
    Apr 28, 2009 @ 07:52:47

    kung nasan man sya ngayon, i know he keeps on telling now.. sorry..

    hindi nyu man nakuha yung pagmamahal na dapat ibinigay sa isang inaasahang ama sigurado naman naging mas mabuting mga anak kayo ngayon.. yun ang mahalaga at isang siguradong pangyayari na maipagmamalaki hindi lang ng nanay mo kundi pati narin ng tatay mo…

    nice song brod!

    Reply

    • topexpress
      Apr 30, 2009 @ 18:30:06

      salamat brod! kahit di naman sia mag sorry, pinatawad ko na sia nuon pa… (nagpapakita kasi sia sa akin nun!)

      tatut atuuu ehhh!! ahehehehe

      salamat brod! o kain ka muna ng tuknene!

      Reply

  4. Erwin
    Apr 28, 2009 @ 08:06:50

    congrats kuya…ngayon ko lang nabasa blog mo… hehehehe

    Reply

  5. p0kw4ng
    Apr 28, 2009 @ 11:55:24

    lahat ng bagay may dahilan kung bakit nangyayari….

    ilang linggo na akong masaya at laging nakatawa…ngayon lang ulit ako naiyak….ganda ng song!

    Reply

    • topexpress
      Apr 30, 2009 @ 18:33:08

      salamat sa muling pagdaan powkzzz!

      pagpaumanhin mo dahil sa napatulo ko ang dapat tumulo sayo… hala sige alam ko nagutom ka sa pag iyak kaya kain ka ng libre kong tuknene.

      gang sa muli. 🙂

      Reply

  6. eljudietambayan
    Apr 29, 2009 @ 14:26:56

    kaibigan kung nasan man si erpat mo ngayon proud na proud sya sayo at pinag mamalaki ka nya kay god na kasa kasama nya ngayon.^^

    Reply

  7. joycee
    Apr 29, 2009 @ 21:03:32

    Awww nakakaiyak naman ‘to *punas-uhog*

    I’m sure kung nasan man si Tatay mo ngayon, proud sya kung anu man ang narating mo ngayun at mga nagawa mo.

    At alam mo bang peyborit ko tong kantang ‘to waaaaaaah…

    Reply

  8. livingstain
    Apr 30, 2009 @ 05:14:16

    nakakalungkot naman. ang mahalaga nakapagpatad ka naman di ba, proud un sayo kung san man sya naroroon…

    natawa lang ako kasi parang after ng blog mo merong comment na akala ko kadugtong pa rin ng sulat mo… whahahaha….

    Reply

    • topexpress
      Apr 30, 2009 @ 18:38:56

      ako nga din eh kala ko karugtong ng blog ko aheheheh. nayahahah lolz

      sabi ko nga magiging isang magling na blogger din sia, may potential aheheh

      salamat sa pagdaan.

      Reply

  9. Ax
    May 02, 2009 @ 13:24:09

    ayos sa kwento. nakaka tats naman. pero nandito pa ako sa opis! hindi ako makapag comment masyado dahil ang boss ko palakad lakad!

    oks yan at napatawad mo na siya!

    Reply

  10. matanda-na-may-arthritis
    May 04, 2009 @ 08:33:40

    nakaka touch nga ang storya mo brother.

    Reply

  11. chicksykat
    May 05, 2009 @ 18:03:06

    namen eh!..ayoko nang ganitong kadramahan!!huhuhuhu..

    namimiss ko na nman ang tatay ko;'(

    may mga tatay nman talagang ndi showy ng pagmamahal nila sa mga anak nila pero for sure deep inside of him mahal kayo nun.

    peborit song ko yan…lab it talaga^^

    Reply

    • topexpress
      May 08, 2009 @ 05:05:58

      teynks chicksy! (naks!) i agree, kaya nga dapat we have to show our affection and love habang anajn pa ang mga taong dapat natin pagbigyan, we never know till when our chapter ends.

      yeah! isa sa mga peborits ko yan!

      salamat sa pagdaan, paki kuha nalang sa toll gate ang libreng tuknene ok!

      ahehehehe

      Reply

  12. Heleyna
    May 08, 2009 @ 19:47:35

    Pasensya na kapatid at super late na ko nakadalaw. Actually nabasa ko na to weeks ago, wala lang time magkoment.

    Naiyak ako dito hindi dahil me gf ka na ha. Toinks! Kundi dahil sa bigat ng emotions at sa mga napagdaanan mo. Ang weird kung paano ka lumaking matino sa kabila ng lahat. God is really good nga naman.

    Hugss kapatid, pramis walang malice to!

    Reply

    • topexpress
      May 08, 2009 @ 19:53:52

      ay ayoko ng walang malis gusto ko meron! (isang malaking TOINKS! ) ahehehe

      salamat reyna heleyna! i must say na dhail na din ke nanay, she taught us not to hate our father despite of everything. and ofcourse she wants….

      WORLD PEACE hahahahahaha!!! panalo nanay ko!! sabay wave pa un! ahahah

      salamat sa pag daan heleyna.. paki kuha na din sa toll gate ang libre mong tuknene.

      aheheheheh

      Reply

      • Heleyna
        May 09, 2009 @ 20:12:58

        Happy mother’s day sa mama mo. Salamat sa toknene…bat walang sauce? hehe

      • topexpress
        May 09, 2009 @ 20:56:23

        naku pasensya na po, kasi naman huli ka na sa pagdaan sa express way ng tatay, baak naubusan ng sauce, hamo pag balik mo at pagdaan muli. may pa buko na din!

        ingat salamat!

  13. cecille
    May 08, 2009 @ 20:05:47

    sobrang pinaiyak mo nmn ako bro, na misss ko tuloy c tatay, sya nlang kasi ang natitirang magulang ko, though i know nanjan lng c nanay sa tabi ko lagi…

    kung nasan man c tatay mo ngyon, im sure not only mega but super hapi sya for what u are now, im so proud of u bro!

    i am one of those proof of what topi has experienced and encountered into his life. walang nasayang sa mga pagsisikap at tiyaga mo, sobrang saludo ko sayo… u achieved a lot and i know becoz u are good person and God-fearing, u will achieve more, and to all your sufferings and victories, im always here bro. love u and missing u so much!!!

    Reply

    • topexpress
      May 09, 2009 @ 21:03:44

      Ces, maraming maraming salamat. i know how hard to be far from your tatay. At alam ko ang hirap mo at pagmamahal mo sa tatay mo.As ive said, make the most in loving your father and family.

      Salamat din sa pag-agapay mo sa akin sa oras ng kailangan ko ng kaibigan. napaka proud ko sa samahan natin CRUISIN will always be CRUISIN…

      Reply

  14. Ax
    May 13, 2009 @ 05:22:03

    napadaan lang!

    Reply

  15. cecille
    May 13, 2009 @ 10:09:31

    aliw na aliw ako sa mga reply mo sa mga nag comment, nwala ang antot ko tuloy, este antok pala, ang hindin ko na lng nbabasang comment at tlgang wala p ko sa mood at skepped ako always dhil super haba eh ung 1st comment, hehehe… nkakapg tampo lng, bkit wala akong tuknene?

    Reply

    • topexpress
      May 14, 2009 @ 21:24:31

      bhwahaahhaha kasi di ka pa ba sawa sa tuknene? eh sige paki kuha nalang ang tokwa sa tol gate ces!!!

      happy trip!

      Reply

      • cecille
        May 18, 2009 @ 02:37:55

        may tokwa na ding tinda c inay? patikhim nmn, pgdating ko sa tol gate, nkita ko kinakain na ng mga guwardiya cibil mo, ahehhee… try mo kaya pbasa sa ibang cruisin to abay… dibra!!!

  16. Miro
    May 14, 2009 @ 07:36:20

    salamat s story mo… dami ko natutunan sau. more power sau tol. ingat lagi

    Reply

    • topexpress
      May 14, 2009 @ 21:27:07

      miro, i know ure still in pain and missing your mom. As ive said sa paguusap natin, Love your dad as how you want to express ur love for your mom.

      Explore and enjoy life. its your own journey. Learn from it and live with it!

      ingat!

      Reply

  17. livingstain
    May 15, 2009 @ 05:08:35

    hey toper, bakit hindi ka na nagboblog? syempre busy ang sagot mo… heheheheheh… ingatz bro. pasyal ka naman sa bahay…

    Reply

  18. walongbote
    May 18, 2009 @ 02:12:35

    awwttss.. grabe kakalungkot, nakakalungkot nga ang post ko.. d2 din.. hehehe.. pero talagang siguro ganun ang buhay.. kaya nga sabi ni ERIK ERICKSON a psychologist its from birth-tomb lahat tayo dadaan jan..

    tama.. hanggat anjan sila, ipakita natin we appreciaTE them at mahal natin sila.. higit sa lahat.. NICE POST tol. 🙂

    Reply

    • topexpress
      May 24, 2009 @ 20:19:35

      salamat sa pagdaan sa aking express way. sa muling pag daan!

      wow! ERIK ERICKSON a psychologist its from birth-tomb lahat tayo dadaan jan..

      ayos un ah!

      Reply

  19. Sherry Granado
    May 24, 2009 @ 19:22:56

    the piece you wrote is very poignant and raw. it moves the reader to the social awareness that is very much into (the reader’s) conscious existence. emotionally and very thought-provoking. it leaves an impression of unanswered questions and conscientiousness. TOP PIECE Toph, loved the read. 😀

    Reply

  20. livingstain
    Jun 03, 2009 @ 05:10:42

    musta ka na jan… pasyal ka naman sa blog ko. taga cabanatuan ka pala kala ko Sta Rosa…

    Reply

  21. coolwaterworks
    Jun 16, 2009 @ 10:20:09

    Kapatid, kakalungkot naman ang post na ito… But I honor you for forgiving your father…

    My father is a stern disciplinarian. I had always resented the pain of the beatings, but I think you are right. It made us strong… And I agree, kung mahal mo, mahal mo. And it made healing faster…

    Reply

  22. vanjie
    Jun 16, 2009 @ 14:46:36

    hmmmmmmmmmmmm….

    wat ken ay see..

    well..

    huhuhuhuhuhuhuh…

    naiyak po aku.. though d ko naabutan c tatay and d ko nransan mga latay ng sinturon.. i also envy those kids.. kahit may latay, basta may tatay… 😦 🙂

    Reply

  23. TSI
    Jun 17, 2009 @ 01:34:54

    happy father’s day sa lahat ng ama regarding on this entry…

    Reply

  24. ramon
    Jun 18, 2009 @ 13:12:23

    nice to read something like this. very inspiring. honestly, sa ganitong paraan lang makikilala ng lubusan ang isang tao. kasi kung hindi naman sinasabi ang mga ganitong bagay, hindi naman malalaman ang mga napagdaan sa buhay. tama ka. dapat talaga pasalamatan ang lahat ng mga taong buhay pa at kasama sa bahay kaya lang minsayn dyahe dba to say I love you or to show affection. stay strong bro, I know you already are! God Bless!

    Reply

  25. pickleminded
    Jun 25, 2009 @ 16:48:23

    katouch naman… hmm.. mahal naman nya cguro kayo kaso alcoholic na sya, eh di ba pag alcoholic di na tama wisyo ng utak.

    Hayz.. heheheh basta always be happy! 🙂

    Reply

  26. ES
    Jul 09, 2009 @ 07:49:14

    Kaya ayaw ko magbasa eh, pasasakitin mo dibdib ko. Tama na for today ha! Baka isipin ng mga anak ko bakit maga mata ko. Alam mo kahit anong sabihin nila mabait o masama ang tatay natin, Tatay pa rin natin sila. Un nga lang yung iba maswerte, un iba hindi. Sa amin kasi nauuna mawala tatay ko, kaya pareho lang din tau dalawa kasi mas nakasama ko din ng matagal ang mama ko.

    Tama na, hahaba pa ito… Isipin mo lang para kay nanay ang ano mang pangarap mo ngaun.

    Reply

  27. leoj09
    Jul 27, 2009 @ 06:43:03

    galing naman nito! tol, saludo ko sa’yo! damn, i missed my tatay. just want to share this, tatay gave me the greatest gift anyone could give: he believed in me…

    –love our parents. cherish every single moment with them. thank them…and tell them that we really love them…

    Reply

  28. leoj09
    Jul 27, 2009 @ 06:43:48

    galing naman nito! tol, saludo ko sa’yo! damn, i miss my tatay. just want to share this, tatay gave me the greatest gift anyone could give: he believed in me…

    –love our parents. cherish every single moment with them. thank them…and tell them that we really love them…

    Reply

  29. precious
    Sep 10, 2009 @ 00:58:03

    “We are all full of weakness and errors; let us mutually pardon each other our follies..”

    Reply

  30. precious
    Sep 10, 2009 @ 00:58:43

    -by

    Voltaire

    Reply

  31. Prince Monsour Abraham
    Oct 16, 2009 @ 16:59:12

    Hi… ang sabi mo ang mga tawag sa mga taong nagbigay ng pangalan at apelyido ay ; Tatay, Papa, Ama, Dad, Papi. Meron pa po akong isang idagdag sa tawag sa mahal nating magulang at ito ay ang Ama. Sadyang anu pa man ang pagkukulang at kasalanang nagawa ng ating mga magulang ay kinakailangang patawarin at mahalin natin sila. Maging sino at ano pa man sila dito sa mundo. Dahil kong hindi nga sa kanila ay wala tayo ngayon sa kong saan tayo nakatayo.Sa iyong karanasan sa mahal mong Tatay ay maliit kumpara sa mga naranasan ko sa yumao kong Ama.Pinagsisihan ko kong bakit pa ako isinilang dito sa mundo. At kong bakit nagkaroon pa ako ng Ama na tulad nya.Ikinahiya nya ako at pinabayaan.Hindi nya matanggap-tanggap sa sarili na nagkaanak sya ng isang bisexual.Wala raw sa lahi namin ang ganito.Lahat ay ginawa ko upang mapalapit at mapamahal sa kanya.Ngunit hindi pa rin nya ako pinapansin.Bukod tangi akong nag-iisang anak nya na hindi nya pinakitaan ng tunay na pagmamahal bilang isang ama.Nagtapos ako ng pag-aaral maging sa arabic at english man at nagtamo ng maraming karangalan.Nagsumikap ako sa buhay upang ipakita sa aking Ama na hindi lahat ng faggot/or gayman ay walang ginawang mabuti sa buhay.Yan kasi ang parati nyang sinasabi sa mahal kong Ina at mga kapatid.Halos barilin nya ako nang malaman nya ang tunay kong pagkatao.Dahil ipinagtapat ko sa aking mahal na Ina at mga kapatid ang tunay kong pagkatao.Lahat ay na-shocked at nasaktan maging ang aking Ina. Ngunit nang maglaon ay natanggap din ng aking Ina ang pagkatao ko.Pero ang mga kapatid ko at Ama ko ay hinding-hindi nila matanggap ang tunay kong pagkatao.Wala raw sa angkan namin bilang royal blood family ang magkaroon ng anak na tulad ko.Maraming taon kong inilihim sa kanila ang pagkatao ko.Hanggang sa ako ay nag-aral at nag trabaho sa abroad.Tandang-tanda ko pa ang edad ko 30 yrs.old nang ipagtapat kong tunay kong pagkatao sa pamilya namin.Hanggang sa pumanaw ang aking mahal na Ama ay hindi pa rin nya ako tinanggap na anak nya.Magkagayun pa man ay alam ng Diyos na mahal na mahal ko sya.Saan man sya ngayon sana masaya sya para sa akin.Masaya sya sa kong ano man ako ngayon, at kong sino man ako ngayon dito sa mundo.Sobrang missed na missed ko na sya.Napakahirap ang mawalan ng magulang at lalong napakahirap ang walang tunay na nagmamahal.Dahil ang salapi o yaman ay naniniwala ako na hindi ito ang tunay na nagbibigay ng kasiyahan sa buhay ng isang tao.
    Maraming salamat!

    Reply

  32. whitepaige
    Nov 04, 2009 @ 13:02:07

    bkit ngaun ko lng to nkita..huhuh gling nman sludo ako sau bro!

    recent post-want to be a model?

    Reply

  33. jeff
    Nov 10, 2009 @ 02:56:43

    very touching moment!nadala ako bro!!

    Reply

  34. Phil
    Nov 13, 2009 @ 13:26:08

    Nakakaantig ng damdamin ang iyong mga kwento. I really admire your dedication and your positive outlook towards life. Keep the faith and I believe malayo pa ang pwede mong marating.

    Good luck sa buhay at sa PEBA!

    Reply

  35. akosileen
    Feb 12, 2010 @ 02:28:35

    tsk,tsk..
    nakakalungkot na nakakainspire 😦
    🙂

    Reply

  36. livingstain
    Jun 30, 2010 @ 12:57:09

    nanghihinayang malamang ang tatay mo ngayun. hay sayang…

    Reply

    • topexpress
      Jul 02, 2010 @ 04:20:54

      Aba! now mo lang ba ito, nabasa? salamat naman. siguro di un nanghihinayang, dahil alam ko kung ano man meron kami at ano kami ngayon ay sobrang saya nia para sa amin 😀

      Reply

Leave a reply to topexpress Cancel reply