Pangarap

PEBALOGO

Kadalasan pag tinanong ang isang bata kung ano pangarap nia paglaki, lagi nilang isasagot “Nars, Doctor, pulis, titser, sundalo, atbp.” Di ko alam kung bakit ganun nalamang ang mga naisasagot ng mga bata once na tatanungin sila. Siguro dahil iyon ang madalas nila makita sa teebi na propesyon kaya ito ang madaling tumitimo sa kanilang murang isipan. Pero iisa lang ang alam ko… na sa likod ng mga munting pangrap na ito, ang lahat ng rason ay para makatulong sa pamilya.

 Lumaki ako sa hirap at masasabing pamilyang sinubok ng panahon at pagkakataon. Pinagbuklod ng pagmamahal at hinubog ng pangaral at positibong pananaw ng aking nanay. Marahil dahil na din sa dinanas at nakita kong paraan ng aming pamumuhay di ako sumukong mangarap. Isa pa normal namang mangarap at libre pa!

Simple lang ang pangarap ko, ang maiahon ko ang aking pamilya at mabigyan ng ginhawa ang aking ina. Sinikap kong matapos ang aking pag-aaral at mag working student para mairaos ang aking minimithing diploma. Makaraang makapagtapos ay sinimulan ko na ang operation “parangarap para kay nanay”. Halos magdalawa ako ng trabaho nuon, titser sa collegio sa umaga, kapteyn weyter sa gabi. Di alintana ang pagod at puyat, basta para kay nanay. Pagod mula sa trabaho, naglambing ako kay nanay na magkape sa ilalim ng punong mangga at magkwentuhan habang minamasdan ang pagputok ng umaga.

Kwentuhan, biruan, at usapang mag ina ang sumasalubong sa aming araw nun. Isang tanong ang di ko makakalimutan at isang sagot na mas lalong nagpaigting sa aking pangarap. Tinanong ko ang aking nanay kung ano ang kanyang pangrap bukod pa sa makita kami na maayos na ang buhay.

Mula sa pagkakayuko, isang lumuluhang sagot ang aking nadinig:

Ang makaahon sa hirap at makaranas ng ginhawa anak, dahil kung tatanungin mo ako kung hirap na ako? Oo, pagod na pagod na ako nak’, pagod na pagod na” sabay ang hagulgol sa aking mga bisig.

Di ko alam kung ano naramdaman ko nun pero isa lang ang tumatak sa akin, ang pangrap ko maiahon si nanay at mabigyan kahit ng simpleng pamumuhay. Daglian akong lumuwas ng maynila para mag apply at pumila sa 20 agency na nangangailangan ng OwEpDabalyu papuntang gitnang silangan. Naisip ko na sa paraang iyon mas mapapadali ko ang aking pangarap.

2004, Isang buwan makalipas ang pagbomba sa isang kompawnd sa Saudi ay tumulak ako para magtrabaho sa isang opisina. May balot ng takot at lungkot, matapang kong hinarap ang lahat ng pagsubok. Isang taon makalipas ang paghihirap, Umuwi ako sa pinas para magbakasyon. Sa aking pagdating, bakas sa nanay at ng aking pamilya ang saya na muli kaming magkasama sama.

Masasarap na pagkain, bagong damit, maayos na tirahan, at ginahawa sa pamumuhay ang pinaranas ko sa knila. Isang buwan din akong nagbakasyon at isang lingo bago ako bumalik, habang nagaayos ako ng gamit na dadalhin ko sa Saudi, biglang pumasok ang nanay at sabay yakap sa akin. “Nak, maraming maraming salamat!” sabay tulo muli ng luha sa kanyang mga mata. “Maraming salamat sa pagpapadanas mo sa akin ng pinangarap ko, di ko makakalimutan to nak’, ngayon masasabi ko sa buhay ni Teresita, nabuhay at naranasan ko ang sarap at pangarap”…

Nay, ito ang pangrap ko, ang matupad ang pangarap mo” sabay yakap ang nanay, at pagpatak ng luha sa aking pisngi.

Wala na yatang hihigit pa sa sarap ng madinig ko sa nanay ang mga salitang iyon. Paki wari ko, ayos na! natupad ko na ang pangrap ko.

Ngayon, muli akong nangangarap hindi para sa nanay ko at pamilya ko, kundi sa mga taong salat sa yaman at hirap sa pamumuhay. Mga taong kahit anong sikap at patuloy na sinusubok ng tadhana. Susubukan ko kahit sa maliit na bagay at pamamaraan na tuparin ang kanilang mga pangarap. Sa aking pagbalik sa gitnang silangan baon ko ang tatag ng loob, pagmamahal sa pamilya at malasakit sa kapwa. Ako bilang isang simpleng OFW, muling susubok makatupad ng pangarap di lamang ng aking pamilya gayun din ng ibang salat sa yaman na kapamilya.

Advertisements

Tag nang blag!

tag

 

Akala ko ang salitang Tag ay para sa damit lamang, eksayted ako pag nadinig ko RED TAG season na, asahan mo kasi pag seyl na, isa ako sa unang magbubukas ng nakasaradong botik nung nasa Sawdi pa ako. Aba! Eh naniniwala kasi ako na daig nga ng taong maagap ang taong malibog masipag.

Eniweys hayweys! dahil sa sampung tao na ang nagsasabi sa akin at nangungulit na akoy mag tag, dahil sa akoy mapagbigay at mahina at alam kong katawan lang ang habol nila sa akin wetoh na ang aking tag sa blag.

Marahil marami rami na ang nag post ng ganito pero wala ako pakialam, nakakainis kasi yung nagtag sa akin eto pa kasi yung itinag. aheheheheh

Amp! Siya siya pasita! Inihahadog ng aking alindog ang:

8 bagay na I luk porward to:

1. Maka-trabel sa mga SIMPLE na syudad na malapit sa aking kinaroroonan ngayon tulad ng: Roma sa Italia, New York ng Istados Unidos, Paris sa Pransya at sa London.

2. Makabalik sa Sawdi kahit sampung araw lang. Namimiss ko lang kumain ng kabsa at broasted. Isa pa! utod ng sarap ng shawarma nila! Nakakamiss ang mga murang bilihin at mga tao’t kaibigang naiwan ko dun.

3. Mapanood ko na ang mubi na “twighlight” hindi yung danser, yung sa bampira! Ampf!

4. Manalo man lang ako sa 6/49 o atlantic lotto kahit 1 gran (tawsan) lang! hayst!

5. Mapanood ang magilas na movie na TRANSFORMER sa sine.

6. Maaprubahan ang aming aplikeysyon ko sa immigration as landed immigrant. Lord hab mersi!

7. Makaalis at makapag abroad na ang mga kapatid ko.

8. Mapagawa ko bahay namin na tumutulo! Nanay naman kasi ehhhhhh….

8 bagay I did yeysterdey:

1. Nagsauna at Jacuzzi.

2. Kumain ng lunch.

3. Nagbanyo at nagpuypoy jumebs bago maligo. ^_^

4. Nood ng mubi sa internet.

5. Tumaya sa lotto at nag groseri.

6. Naglinis ng bahay, naglaba at nagpud trip. Ispagheti, soseyj sandwits, at bbq chiken. Yumyum!

7. Nag linis ng room at namuset ng kasambahay! Ahahahah boynk!

8. Nagchat ng walang humpay! Wushuuu!

8 bagay I wis I can do:

1. Wit ko MAKALIPAD. Gusto ko ma experience ano buhay ng isang hibon! O kaya ni superman, pero di ako mag bribrip sa labas! Wala kung wala na tlga! ahahah

2. Wit I can do something with my third eye. Puro nalang kasi mumu o tigok na kikita ko, weh di ba pwede makakakita ako ng tagusan o hubo ganun man lang ba, ayos na! : P  Isa pa kahit nagka eye bag na terd eye ko ayaw pa din! amp!

3. Wit ko ma-update ko knowledge sa computer. Hindi yung puro kakaiban site ang napupuntahan ko at para magawa ko laptop ko pag nagka virus at nag shutdawn!

4. Wit I can swim. Kahit langoy aso kasi nde ako marunong. Kahit beach lover ako, hanggang paghuhubo lang kaya kong gawin, kapag nalunod ka sa tubig, cencia na nde kita masasagip.

5. Wit na wit ko maging astig na mangongodak. One two ten! Click!

6. Wis I can be a PRO in photoshop. Diba nga mahilig kasi ako magpakodak at magkodak, peytur dito! peytur dun! Kaso minsan may mga nasasabit na di kagandahan so nid ko futoshop.

7. Isa pa sa wit ko to have my own foundation o kaya adopted charity ampunan bata man o matatanda. Im doing something about it…

8. Wit na wit ko TELEPORT. Para makasama ko family and love ones ko isang pikit lang mala Hiro Nakamura. Miss na miss ko na kasi sila. Ang layo kasi ng Canada. Amp!

8 Peborit Tibi Shows:

1. Lobo… huwaaaa!! Tandang tanda ko pa karamihan ng lines dun. Na addict ako dito, nasa saudi pa ako gising ako every 3:30 AM para lang mapanood replay since di ako umaabot from the office.  wetoh sampol ng ibang layns ne peborit ko!

“Kung sakali mang mawala ako bukas, gusto ko lang malaman mo na naging kumpleto ang buhay ko… kasi nakasama kita.. nakilala kita… at minahal kita” – Lyka

“Minsan, kahit mahal mo, nasasaktan mo pa rin. Minsan nga, lalo mong mahal, mas lalo mong nasasaktan…” – Gen. Cristobal

“Hinding-hindi ko hahayaan ang mawala ulit ang ngiti sa mukha ng taong minamahal ko.” – Alec

“Ang itinakda ay darating, ang tadhana ay nababago ng kilos at galaw ng tao” – Nana Sela

2. Heroes

3. American Idol

4. So you think U can dance

5. Maging Sino ka Man Book I and II – Ayup! Astig sa mga mabibigat na lines.

6. A shot of love

7. MMK – nakakatawa pero dami ko natututunan sa mga linya ni charo! Saludo ako mam charo… (paramdam ASA pa na kunin maging artista! Aahaha)

8. GMA’s Docus – ahahahahah! Diba kinumpleto ko in ONE! ^_^

 

On the sekond tot, minsan sa simpleng tag mas nakikilala mo sarili mo, dahil sa mga simple at nakakatawang bagay na nilalagay mo o pagsagot ay bahagi ng pagkatao o buhay mo.  tagos!

Matanong lang? kanino ba at san ba nagsimula itong tag tag na eto ha!? Ampf!

Galawgaw sa tag-araw

DSC02817Kasabay ng pagtunaw ng nyebe sa Canada, ang amin           pagkasabik sa  muling pag sikat ng haring araw. Matagal tagal na din kami sabik sa seks pagpapapawis at social life. At dahil sa minsan lang mag ngitngit ang haring araw eh sinamantala naming magtunaw din ng taba sa pamamagitan ng isports pest… Ang old haws bersus new haws – galawgaw sa tag-araw… matira matibay!

Abala ang lahat sa paghahanda. Kanya kanyang pasiklaban at pagbonggahan para makamtan ang unang gantimpala…. Ang maging tsampion kasi ay magkakamit ng malagkit na paradusdos o bilobilo o ginataang kamote,saging, bilobilo at sago. Bhwahahaha!! O diba astig sa premyo! Ang di pinalad namang grupo ay magkakamit ng hugasing pinggan! So, let the games begin…

Inuna namin ang larong volleyball, madali at masarap laruin diba? Pero sa aming palaro hindi lang basta basta paligsahan. Ika nga Pampalakasan ito kaya lahat ng game ay may twist, at dahil nasa Canada na kami, so hahaluan naming ng Canadian version ang aming mga paligsahan, sa volleyball sucker soccer ball ang aming ginamit na bola. Tignan ko lang pag di namaga ang mga braso at kamay ng mga manlalaro. Hak hak hak hak! Hayun, pagkatapos magkulay talong ng mga braso ng mga manlalaro, diretso na kami sa aming susunod na hamon o palaro.

Ang sumunod na laro ay maka pinoy. Sa tuwing may kiddie party ata may larong ganire. Ito ay ang larong calamnsi relay, eh since may twist, at walang calamansi sa Canada, may katutyalan ang aming ginamit, strawberry! ahehehehe tutyal diba. Hayun lintek! kamahal ng strawberry ahahaha. 

DSC02795jomar

Halos di magkanda uga ga ang mga manlalaro sa kani-kanilang paraan ng pagtawid dahil habang tumatakbo sila na may mga supalpal na kutsara at strawberry ay kasabay ng pag pagsumpit ng munggo. Oh diba pasakit?! Ahahahahahahah

Makatapos ang madugong laban, panahon na para kumain ng ginatan. Huwaaaaaattt!!!!

Naknang! Nagitla ang lahat sa pagkaka kita sa ginatang bilobilo dahil kasabay pla ang aming paglalaro ay nagpipiyesta na din ang mga lintek na langgam. Animoy isang malaking playground at swimming pool sa kanila ang kalderong puno ng gata at bilobilo. Amp! Sayang! Grrrrrrrrrr!!! Sa aming pagod at gutom ay di na inalintana kung may nakasama na langgam sa bawat subo.

  grupo

Ang saya ng araw na ito, masakit pero worth for the happiness na naranasan namin. Nakakapgod pero sulit ang init. 🙂