Tag nang blag!

tag

 

Akala ko ang salitang Tag ay para sa damit lamang, eksayted ako pag nadinig ko RED TAG season na, asahan mo kasi pag seyl na, isa ako sa unang magbubukas ng nakasaradong botik nung nasa Sawdi pa ako. Aba! Eh naniniwala kasi ako na daig nga ng taong maagap ang taong malibog masipag.

Eniweys hayweys! dahil sa sampung tao na ang nagsasabi sa akin at nangungulit na akoy mag tag, dahil sa akoy mapagbigay at mahina at alam kong katawan lang ang habol nila sa akin wetoh na ang aking tag sa blag.

Marahil marami rami na ang nag post ng ganito pero wala ako pakialam, nakakainis kasi yung nagtag sa akin eto pa kasi yung itinag. aheheheheh

Amp! Siya siya pasita! Inihahadog ng aking alindog ang:

8 bagay na I luk porward to:

1. Maka-trabel sa mga SIMPLE na syudad na malapit sa aking kinaroroonan ngayon tulad ng: Roma sa Italia, New York ng Istados Unidos, Paris sa Pransya at sa London.

2. Makabalik sa Sawdi kahit sampung araw lang. Namimiss ko lang kumain ng kabsa at broasted. Isa pa! utod ng sarap ng shawarma nila! Nakakamiss ang mga murang bilihin at mga tao’t kaibigang naiwan ko dun.

3. Mapanood ko na ang mubi na “twighlight” hindi yung danser, yung sa bampira! Ampf!

4. Manalo man lang ako sa 6/49 o atlantic lotto kahit 1 gran (tawsan) lang! hayst!

5. Mapanood ang magilas na movie na TRANSFORMER sa sine.

6. Maaprubahan ang aming aplikeysyon ko sa immigration as landed immigrant. Lord hab mersi!

7. Makaalis at makapag abroad na ang mga kapatid ko.

8. Mapagawa ko bahay namin na tumutulo! Nanay naman kasi ehhhhhh….

8 bagay I did yeysterdey:

1. Nagsauna at Jacuzzi.

2. Kumain ng lunch.

3. Nagbanyo at nagpuypoy jumebs bago maligo. ^_^

4. Nood ng mubi sa internet.

5. Tumaya sa lotto at nag groseri.

6. Naglinis ng bahay, naglaba at nagpud trip. Ispagheti, soseyj sandwits, at bbq chiken. Yumyum!

7. Nag linis ng room at namuset ng kasambahay! Ahahahah boynk!

8. Nagchat ng walang humpay! Wushuuu!

8 bagay I wis I can do:

1. Wit ko MAKALIPAD. Gusto ko ma experience ano buhay ng isang hibon! O kaya ni superman, pero di ako mag bribrip sa labas! Wala kung wala na tlga! ahahah

2. Wit I can do something with my third eye. Puro nalang kasi mumu o tigok na kikita ko, weh di ba pwede makakakita ako ng tagusan o hubo ganun man lang ba, ayos na! : P  Isa pa kahit nagka eye bag na terd eye ko ayaw pa din! amp!

3. Wit ko ma-update ko knowledge sa computer. Hindi yung puro kakaiban site ang napupuntahan ko at para magawa ko laptop ko pag nagka virus at nag shutdawn!

4. Wit I can swim. Kahit langoy aso kasi nde ako marunong. Kahit beach lover ako, hanggang paghuhubo lang kaya kong gawin, kapag nalunod ka sa tubig, cencia na nde kita masasagip.

5. Wit na wit ko maging astig na mangongodak. One two ten! Click!

6. Wis I can be a PRO in photoshop. Diba nga mahilig kasi ako magpakodak at magkodak, peytur dito! peytur dun! Kaso minsan may mga nasasabit na di kagandahan so nid ko futoshop.

7. Isa pa sa wit ko to have my own foundation o kaya adopted charity ampunan bata man o matatanda. Im doing something about it…

8. Wit na wit ko TELEPORT. Para makasama ko family and love ones ko isang pikit lang mala Hiro Nakamura. Miss na miss ko na kasi sila. Ang layo kasi ng Canada. Amp!

8 Peborit Tibi Shows:

1. Lobo… huwaaaa!! Tandang tanda ko pa karamihan ng lines dun. Na addict ako dito, nasa saudi pa ako gising ako every 3:30 AM para lang mapanood replay since di ako umaabot from the office.  wetoh sampol ng ibang layns ne peborit ko!

“Kung sakali mang mawala ako bukas, gusto ko lang malaman mo na naging kumpleto ang buhay ko… kasi nakasama kita.. nakilala kita… at minahal kita” – Lyka

“Minsan, kahit mahal mo, nasasaktan mo pa rin. Minsan nga, lalo mong mahal, mas lalo mong nasasaktan…” – Gen. Cristobal

“Hinding-hindi ko hahayaan ang mawala ulit ang ngiti sa mukha ng taong minamahal ko.” – Alec

“Ang itinakda ay darating, ang tadhana ay nababago ng kilos at galaw ng tao” – Nana Sela

2. Heroes

3. American Idol

4. So you think U can dance

5. Maging Sino ka Man Book I and II – Ayup! Astig sa mga mabibigat na lines.

6. A shot of love

7. MMK – nakakatawa pero dami ko natututunan sa mga linya ni charo! Saludo ako mam charo… (paramdam ASA pa na kunin maging artista! Aahaha)

8. GMA’s Docus – ahahahahah! Diba kinumpleto ko in ONE! ^_^

 

On the sekond tot, minsan sa simpleng tag mas nakikilala mo sarili mo, dahil sa mga simple at nakakatawang bagay na nilalagay mo o pagsagot ay bahagi ng pagkatao o buhay mo.  tagos!

Matanong lang? kanino ba at san ba nagsimula itong tag tag na eto ha!? Ampf!

49 Comments (+add yours?)

  1. meliza
    Jun 24, 2009 @ 05:28:53

    aba aldo kakaiba ang blog mo ito ah!paalindog ka pang nLALALMAN.BWAHAHA! well i can say to u is alam ko nman yakangyaka mong abutin ang mga pangarap mo NA gusto MO sa buhay.im ur no 1 fan kaya believe ako sa iyo. pwera lng makalipad ka tulad ng ibon.BWAHAHA.malabong mangyari yun.hehehehe.susuportahan kta frend saan ka man masaya.may kasabihan nga tau pag nasa tao ang gawa nasa diyos ang awa. hindi ba baligtad?hehehe
    nga pala pag nanalo ka sa lotto balato nman dyan at saka pag nagrant yung immig. dont forget me ok.
    astig ngyn ang blog mo!! pwede ka na mging writer.ehehhe.at ayos ANG trip mo pag dayoff mo.HEHEHE!
    o cyacya na! ako ay napadaan ulit d2 sa blog mo. tiningnan kung may bagong blog ka na.ako ang NAunang nagcomment SA BAGONG BLOG MO. kip in touch frend!INGATZ
    ingatz

    Reply

    • topexpress
      Jun 25, 2009 @ 09:39:07

      Salamat mhel sa muling pagdaan. aheheh! di naman masyado BIAS ang comment mo at walang EFFORT ha! ^_^

      anyhow, salamat sa lagi mong pagsuporta at paniniwala mo sa akin.

      salamat ulit prexy!

      Reply

  2. bons
    Jun 24, 2009 @ 05:40:38

    “Kung sakali mang mawala ako bukas, gusto ko lang malaman mo na naging kumpleto ang buhay ko… kasi nakasama kita.. nakilala kita… at minahal kita” – Lyka

    “Minsan, kahit mahal mo, nasasaktan mo pa rin. Minsan nga, lalo mong mahal, mas lalo mong nasasaktan…” – Gen. Cristobal

    “Hinding-hindi ko hahayaan ang mawala ulit ang ngiti sa mukha ng taong minamahal ko.” – Alec

    “Ang itinakda ay darating, ang tadhana ay nababago ng kilos at galaw ng tao” – Nana Sela

    ****
    ang gaganda ng mga sinasabi nila!

    Reply

  3. Jorge
    Jun 24, 2009 @ 08:44:43

    Wahahahaha!! LOBO the BEST!!! awwwooo!!!

    Walang tatalo ang kumontra, panget!!

    Reply

  4. flamindevil
    Jun 24, 2009 @ 08:48:01

    yoko ng Lobo (baka mapatay ako..haha)

    gusto ko ring makalipad

    gusto ko rin ng docu’s ng kapuso

    >>may 3rd eye ka?hindi nga?as in mumu?katakot naman parekoy!

    Reply

    • topexpress
      Jun 25, 2009 @ 09:41:41

      salamat parekoi! uyst! hanep! uuwi ka na pla pinas?! huhuhu pabili naman ako woh! ahehehe!

      oo may terd ay ako! inis na nga! may eye bag na kakapuyat! grrr

      Reply

  5. p0kw4ng
    Jun 24, 2009 @ 18:01:59

    may 3rd eye? katakot naman yun!!!dapat 2nd titi na lang binigay sayo no mas okay pa,hihihi

    Reply

    • topexpress
      Jun 25, 2009 @ 09:42:54

      bhwahahaha. naku napaka BLESSED ko naman na nun powkie! kaso mahirap ata humanap ng partner na may 2nd (tooot!)

      aheheheheheheh!!1

      salamat sa pagdaan sa aking tahanang walang hagdan!

      Reply

  6. meliza
    Jun 24, 2009 @ 18:03:07

    pahabol pala frend! my third eye ka as in! hindi ka ngbbiro? katakot naman yan.my nakita ka na ba dyan sa tinitirhan nyo.hehehe. dito pa namn sa haws namin myrun.

    Reply

  7. .poOt!
    Jun 25, 2009 @ 03:00:38

    paris sa london? ngayon ko lang narinig yun ah. hehe. PEACE!

    bakit kaya di mamatay-matay ang tag na ‘to? dahil nga loko loko rin ako eh gumawa rin ako nito. hehe.

    Reply

  8. Tan
    Jun 25, 2009 @ 09:10:58

    Badtrip! Tawa ko ng tawa upon reading ur blog. Iba talaga nagagawa ng saudi, updated tau sa videoke at telenovela. Naaalala ko pa tinatapat ko ang lunch ko ng 10:30pm (nyt shift) para lang makauwi at masubaybayan ang Lobo. Namiss ko na ang LOBO at ang pulang buwan! Pero lalo ko namis ang lines na “I have never said that I have loved you!” at “And yes I am a slut, but I am the best slut in town!” na tatalunin lang ng mga lines ni Isadora:

    Susan Roces (nakalimutan ko name nya): Wak ka isadora ang maliit na taong ito ang balang araw pupwing sau!
    Isadora : Pwes! Magshashades ako (the best)!

    Anticipate ko na rin ang Fugitive (Season 4 ng Heroes! sino me dvd pahiram ako)!

    Topher nice one… dami na problems sa world! Articles like this can help us unwind! relax and lighten up! Kudos! keep on isnpiring other people! Cant wait to read ur next one.

    Reply

    • topexpress
      Jun 25, 2009 @ 09:47:21

      whoaaaaaaa!!! long lost avid fan TAN! ahehhehe lol

      salamat sa pagdaan! ahahaha oo astig ang mga lines ng maging sino ka man! wala din tatalo dun! astig!

      salamat at sa uulitin!

      yes, how dare I! hahahaha

      Reply

  9. blurosebluguy
    Jun 25, 2009 @ 10:40:43

    salamat sa pagdaan topex….
    so trip mo palang magtravel sa roma….and2 ako parekoy…heehehehe..nagbibilang ng monumento!

    Reply

  10. dencios
    Jun 25, 2009 @ 11:07:18

    2 ang pagkakaparehas natin boy, ako ay nagpuypoy din (na hilig ko na kasi iyan haha) at gusto ko ding lumipad ang mangboso este para makita ang kagandahan ng mundo mula sa itaas. ang tanong maganda pa nga ba? baka puro polusyon lang makita ko..

    Reply

    • topexpress
      Jun 25, 2009 @ 11:13:59

      nayahahah! oo pare koy! nahiligan ko na din un, eh naisip ko, kesa mag yosi ako mas magandag BISYO ito! ahahah! lol!

      salamat sa pag daan! sa uulitin!

      Reply

      • dencios
        Jun 25, 2009 @ 11:50:52

        tama yan hahaha. oo sige add ng add sa broll mo mamaya ko approve comments at add din kita pagdating ko sa bahay. baka i block ang blogsite ko sa opis e hehe.

  11. otep
    Jun 25, 2009 @ 12:43:41

    Huwaw… buhay pa pala ‘tong tag ng otscho-walo-eight.. yung tag ko kasi di ko na nagawa e..

    btw, maganda ‘yan kasi nagkakakilanlan ang mga bloggers sa pamamagitan ng Tag🙂

    P.S. dapat nag tagged ka parekoy sa walong blogger din.. Nyahahaha🙂 ganun daw yun e.

    Reply

  12. Reesie
    Jun 25, 2009 @ 15:37:15

    sauna at jacuzzi? weee!!! gusto ko yan!!!

    napanood ko na ang transformers!! ganda ganda ganda!!! parang nakukulangan ka pa sa 2 1/2 hrs. hehehe.

    sana manalo din ako ng lotto. $150M na ata dito eh. hahaha. kaya lang di ako tumataya. hahaha.

    salamat pala sa pagdalaw sa blog ko.

    Reply

  13. 22bene
    Jun 25, 2009 @ 19:12:14

    kudos toffi! i enjoyed reading your blog. more to come, and sana magawa/marating ko rin yun mga otso otso mong hinahangad. somehow, yong iba naranasan ko na. i am also from a poor family kaya naka-relate ako sa mga bagay na deprived when i was a kid. i luk purward dun sa #6 mong mithiin, sana matuloy na yan tol. yun #8 naman, bigyan mo na lang ng umbrella si nanay🙂 basta, all the best bro! god bless u

    Reply

  14. livingstain
    Jun 26, 2009 @ 08:25:29

    palabas na ang trasformer, diba yun yung mga nakalagay sa poste ng NEECO tapos tuwing umuulan sumasabog… nyahahaha…

    Reply

  15. Maldito
    Jun 26, 2009 @ 22:50:21

    pagnakabalik ka na ng saudi..sana padalhan mo ako ng buhangin…kulang kasi sa pagpagawa ng bahay namin..ha ha ha..kidding..

    hmmmmmmm???? bakit sakin walang may nag tag nito? ha ha ha.kasi siguro wala akong frends..ha ha ha

    Reply

    • topexpress
      Jul 01, 2009 @ 17:45:15

      ahahaha, un nga tol eh sayang! di ako nakakuha ng red sand at nalagay sa garapon.

      hamo mag request ako sa kaibigan ko padalan ako! ahahahah bugay ko saeo!

      sus! ikaw walang prends?! weehhhhh!!! di nga?!

      Reply

  16. Ax
    Jun 27, 2009 @ 05:59:42

    ito nga ang octopus tag!

    2. Wit I can do something with my third eye. Puro nalang kasi mumu o tigok na kikita ko, weh di ba pwede makakakita ako ng tagusan o hubo ganun man lang ba, ayos na! : P Isa pa kahit nagka eye bag na terd eye ko ayaw pa din! amp!

    totoo ba yan? yay. nakakatakot!

    Reply

    • topexpress
      Jul 01, 2009 @ 17:43:53

      ahahaha. octopus tag pla tawag dito? hmmm oist! kulet ng peytur nio ng grand EB!

      opo, had this “talent” since my father died. Ayun! lintek, di na naalis! grrrr!!1

      Reply

  17. Nino Natividad
    Jun 29, 2009 @ 07:17:40

    Wow.. ang saya naman neto…

    Nino Natividad

    Reply

  18. Mars
    Jun 29, 2009 @ 10:47:51

    sir you might want to join my contest, check my last post on my blog

    Reply

  19. livingstain
    Jun 30, 2009 @ 07:08:01

    Tag ng blog??? nyahahaha parang mura kuya… toper kilala ka pala ni leda, friend/classmate mo daw sya nung elem sa CIC

    Reply

    • topexpress
      Jul 01, 2009 @ 17:41:11

      hahahah. weh depende nalang un paano mo basahin. aheheh. tag nang blag yan! ahehehe

      leda mabagos ba? highskul ko siya nakaklasmate. why katrabaho mo ba sia?!

      ganda yan! ahehehe

      Reply

  20. TSI
    Jun 30, 2009 @ 15:03:02

    Nas saudi ka pala saan? gusto ko rin yung kabsa at shawarma, broasted at humus hehehe

    Reply

    • topexpress
      Jul 01, 2009 @ 17:34:08

      Dati nasa Saudi ako tol, nakakamiss grabe! ang syawarma, broasted at humus. Pinaka ang TAX FREE living dun! hayst!

      Dito na po ako sa Canada, eto nakikipagsapalaran sa bansang puno ng TAX! aheheh

      salamat sa pagdaan!

      Reply

  21. joycee
    Jun 30, 2009 @ 20:50:19

    Hehe katuwa naman ang mga WIT mo kuya, gusto ko din talaga maging expert sa photography at photoshop kaya lang tamad ako nyahahaha.

    Di ko din alam san nagsimula ang mga tag na yan, pero natutuwa ako pag tinatag ako atleast may naipopost ako pag nauubusan na ng topic🙂

    Reply

    • topexpress
      Jul 01, 2009 @ 17:34:43

      ahahah. oo nakakatuwa minsan kasi mag WIT eh. sarap sarap! istar brayt istar layt, WIT i may WIT i mayt, hab da wit i wit tonayt! ^_^

      ahehehehe naku basta pag wala ka na topic, tingin ka lang sa langit, mga talang nasa langit kundi sa mga matang nakapikit! (loboooo!!! awoooo!)

      ahehehe

      Reply

  22. Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD
    Jul 20, 2009 @ 07:45:29

    Hehehe LOBO — count me in! ang daming mga bloggers na favorite ang lobo!!!Isa na ako doon. I remember kahit examination day at bawal sa seminaryo manood, aba nanood pa rin ako!

    Reply

  23. mharj aka sassy
    Jul 30, 2009 @ 04:42:04

    I know how how much u love ur mom !!! kaya nga SALUDO ko sayo popoy!!! all ds years hndi ko alam na may talent ka pala na mag sulat …..sobrang na touch moko !!! pramiz hehehehe!!! ds last few weeks hndi na tyo nakakapag usap kze uber buzy ako at alam ko ikaw din …but i’l call u soon i miss u popoy!! inga kayo pareng jom jan mwah!! congrats galing !!!

    Reply

  24. KT
    Aug 04, 2009 @ 07:42:59

    Napadpad ako sa site mo kasi naghahanap kami ng mga pwede namin bigyan ng online surveys regarding our thesis topic which is in relation to blogging.🙂

    Pwede ko malaman ang pangalan at edad at kung saan ka nakatira?

    Ito nga pala ang email ko : ktlacorte@yahoo.com.ph

    Maraming salamat sa oras mo. =)

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: