Pangarap

PEBALOGO

Kadalasan pag tinanong ang isang bata kung ano pangarap nia paglaki, lagi nilang isasagot “Nars, Doctor, pulis, titser, sundalo, atbp.” Di ko alam kung bakit ganun nalamang ang mga naisasagot ng mga bata once na tatanungin sila. Siguro dahil iyon ang madalas nila makita sa teebi na propesyon kaya ito ang madaling tumitimo sa kanilang murang isipan. Pero iisa lang ang alam ko… na sa likod ng mga munting pangrap na ito, ang lahat ng rason ay para makatulong sa pamilya.

 Lumaki ako sa hirap at masasabing pamilyang sinubok ng panahon at pagkakataon. Pinagbuklod ng pagmamahal at hinubog ng pangaral at positibong pananaw ng aking nanay. Marahil dahil na din sa dinanas at nakita kong paraan ng aming pamumuhay di ako sumukong mangarap. Isa pa normal namang mangarap at libre pa!

Simple lang ang pangarap ko, ang maiahon ko ang aking pamilya at mabigyan ng ginhawa ang aking ina. Sinikap kong matapos ang aking pag-aaral at mag working student para mairaos ang aking minimithing diploma. Makaraang makapagtapos ay sinimulan ko na ang operation “parangarap para kay nanay”. Halos magdalawa ako ng trabaho nuon, titser sa collegio sa umaga, kapteyn weyter sa gabi. Di alintana ang pagod at puyat, basta para kay nanay. Pagod mula sa trabaho, naglambing ako kay nanay na magkape sa ilalim ng punong mangga at magkwentuhan habang minamasdan ang pagputok ng umaga.

Kwentuhan, biruan, at usapang mag ina ang sumasalubong sa aming araw nun. Isang tanong ang di ko makakalimutan at isang sagot na mas lalong nagpaigting sa aking pangarap. Tinanong ko ang aking nanay kung ano ang kanyang pangrap bukod pa sa makita kami na maayos na ang buhay.

Mula sa pagkakayuko, isang lumuluhang sagot ang aking nadinig:

Ang makaahon sa hirap at makaranas ng ginhawa anak, dahil kung tatanungin mo ako kung hirap na ako? Oo, pagod na pagod na ako nak’, pagod na pagod na” sabay ang hagulgol sa aking mga bisig.

Di ko alam kung ano naramdaman ko nun pero isa lang ang tumatak sa akin, ang pangrap ko maiahon si nanay at mabigyan kahit ng simpleng pamumuhay. Daglian akong lumuwas ng maynila para mag apply at pumila sa 20 agency na nangangailangan ng OwEpDabalyu papuntang gitnang silangan. Naisip ko na sa paraang iyon mas mapapadali ko ang aking pangarap.

2004, Isang buwan makalipas ang pagbomba sa isang kompawnd sa Saudi ay tumulak ako para magtrabaho sa isang opisina. May balot ng takot at lungkot, matapang kong hinarap ang lahat ng pagsubok. Isang taon makalipas ang paghihirap, Umuwi ako sa pinas para magbakasyon. Sa aking pagdating, bakas sa nanay at ng aking pamilya ang saya na muli kaming magkasama sama.

Masasarap na pagkain, bagong damit, maayos na tirahan, at ginahawa sa pamumuhay ang pinaranas ko sa knila. Isang buwan din akong nagbakasyon at isang lingo bago ako bumalik, habang nagaayos ako ng gamit na dadalhin ko sa Saudi, biglang pumasok ang nanay at sabay yakap sa akin. “Nak, maraming maraming salamat!” sabay tulo muli ng luha sa kanyang mga mata. “Maraming salamat sa pagpapadanas mo sa akin ng pinangarap ko, di ko makakalimutan to nak’, ngayon masasabi ko sa buhay ni Teresita, nabuhay at naranasan ko ang sarap at pangarap”…

Nay, ito ang pangrap ko, ang matupad ang pangarap mo” sabay yakap ang nanay, at pagpatak ng luha sa aking pisngi.

Wala na yatang hihigit pa sa sarap ng madinig ko sa nanay ang mga salitang iyon. Paki wari ko, ayos na! natupad ko na ang pangrap ko.

Ngayon, muli akong nangangarap hindi para sa nanay ko at pamilya ko, kundi sa mga taong salat sa yaman at hirap sa pamumuhay. Mga taong kahit anong sikap at patuloy na sinusubok ng tadhana. Susubukan ko kahit sa maliit na bagay at pamamaraan na tuparin ang kanilang mga pangarap. Sa aking pagbalik sa gitnang silangan baon ko ang tatag ng loob, pagmamahal sa pamilya at malasakit sa kapwa. Ako bilang isang simpleng OFW, muling susubok makatupad ng pangarap di lamang ng aking pamilya gayun din ng ibang salat sa yaman na kapamilya.

131 Comments (+add yours?)

  1. supersawsaw
    Jul 01, 2009 @ 16:57:17

    kudos sa iyo, kapatid. mula sa isang ofw din na tulad mo ay nangangarap din na maiahon sa buhay ang pamilya.. unang-una na ang aking nanay na sa buong buhay ay puro paghihirap ang inabot para mapatapos kaming mga anak nya.

    pakiabot sa iyong ina ang aking pagbati sa pagkakaroon ng anak na tulad mo.

    Reply

    • topexpress
      Jul 01, 2009 @ 17:39:18

      Kudos super sawsaw! ahhehehe kyut ng pen name! ahahah

      masarap madinig ang mga istorya ng buhay lalo na ng mga ofw.

      kaya KUDOS din kapatid sa pagiging isang mabuting anak mo at kudos sa iyong blog! g@nda tol!

      Reply

  2. meliza
    Jul 01, 2009 @ 19:14:00

    ang msasabi ko lng sa iyo aldo is ur one of a kind species na nakilala ko.hehehhe.wala na me masabi sa iyo kasi u proven yourself na naabot mo n ang mga pangarap mo kahit anong hirap na pinagdaaanan mo.
    compare sa akin di ko dinanas yung ganun kahirap na katulad sa iyo.pinabilib mo pa ako lalo sa iyo kung cno c aldo na nakilala ko na kaibigan .masuwerte ang mga kapatid mo sa iyo at lalo na ang nanay mo na ngkaroon cla ng isang aldo na mabuting kapatid at anak na may pangarap sa buhay. and ur tatay kung saan man cya is also proud of u kasi andyan ka para sa kanila (taglish ito).
    anyway yung blog mo na ito ngppatulo ng luha. emote kung emote.
    bilib rin ako sa pagging matulungin mo sa kapwa. keep it up!andito lng me aldo kung kailangan mo ng tulong sa charity mo..
    ur da best talaga… amen!

    Reply

    • topexpress
      Jul 07, 2009 @ 12:02:39

      salamat prexy! help ka din ha!

      Reply

      • meliza
        Jul 07, 2009 @ 16:57:17

        gagawin ko talaga yun pag nakaipon me ng maraming pera. lalo na yung mga bata nung nginternship ako as a PT sa tayuman “mother of charity” yung mga authistic at saka yung may mga malaking ulo na di mapagamot. gusto ko clang alagaan.

  3. Ax
    Jul 02, 2009 @ 12:45:47

    hm, bukas ko pa po siya mababasa! sorry. hehe. kailangan na matulog ang mga bata. 9:00 ba kase. hehe. promise, bukas ng hapon babasahin ko to!

    Reply

  4. blurosebluguy
    Jul 02, 2009 @ 15:40:56

    ang ganda ng pangarap at lalong pinatingkad ng katapuran nito…
    mabuhay ka topex,,,,

    Reply

  5. bons
    Jul 02, 2009 @ 20:00:47

    kinkilabutan naman ako habang nagbabasa.. nakarelate ako.. tulad mo pangarap ko din mapasaya at mapagaan ang buhay ng aking mga magulang… kapalit ng mga hirap at sakripisyo na dinanas nila mabigyan lang tayu ng isang maginhawa at maaliwalas na uri pamumuhay..

    salamat sa entry na to tol!

    regards|!

    Reply

    • topexpress
      Jul 07, 2009 @ 12:05:51

      Oo tol, naalala mo ba kwentuhan natin nung abawt O-ep dabalyu? ahehehe well, tingin sa atin ng karamihan ay ATM machine pero di nila alam an ang kaakibat ng pangingibang bayan. hayst!

      salamat sa pag daan utol!

      nawa ay nakapag bigay inspiration ako muli!

      Reply

  6. chennn
    Jul 03, 2009 @ 05:14:07

    pangarap kong maibili ng bagong ref at washing machine si mmommy ko, at madala ang daddy ko sa concert ng kanyang paboritong artist at live game ng ginebra sa big dome, front seat! ^^

    weee nadaan po :)

    Reply

    • topexpress
      Jul 07, 2009 @ 12:07:07

      ahahaha. Good yan cheennn, kasi simple ways in making your parents or love ones happy is to fulfill yung mga maliliit at simpleng pangarap nila.

      naks! salamat sa pag daan! apir!

      Reply

  7. Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD
    Jul 04, 2009 @ 04:04:35

    wow…this is a very inspiring post. noong nasa hongkong ako at nakausap ang mga kababayan nating ofws,damang-dama ko ang hirap na tinitiis nila para lamang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga mahal sa buhay sa pinas. mabuhay ka kapatid!

    Reply

    • topexpress
      Jul 07, 2009 @ 12:08:58

      ay! maraming salamat po Fathef Fel. Isang karangalan ang mapagdaan kayo at mabasa nio ang entry ko at ma inspire kahit paano.

      ingat po at ‘gang sa muli!

      Reply

      • Fr. Felmar Castrodes Fiel, svd
        Jul 26, 2009 @ 06:13:21

        my first encounter with ofws was in hongkong. i was in disneyland waiting for the grand afternoon parade. then nakita ko ung mga kababayan natin sila ung mga dancers, buglers, performers, nakakaiyak…then sasabihin nila, regards sa pinas kababayan. kahit di mo kilala matata-touch ka…

      • topexpress
        Jul 31, 2009 @ 15:02:54

        ay ganun po ba? When i went to HK sobrang namulat ako sa kung anong meron sila, anong ibig sabihin ng OFW tlga at aong hirap maging ofw… haaayyyy!!

  8. bernardumali
    Jul 05, 2009 @ 03:51:47

    saludo ako sayo. kaiyak naman to. sinipon ata ako bigla.

    Reply

  9. petter tosh
    Jul 05, 2009 @ 13:38:34

    Master isang ka puri puri itong entry mo na paiyak at kinurot ang puso ko habang binabasa ko bigla ko tuloy naalala ang Nanay ko na nasa pinas namiss ko tuloy sya.

    Tulad mo pangarap ko din mabigyan ng magandang buhay ang familya ko.Ang magtrabaho dito sa ibang bansa ay hindi basta basta pero para sa familya natin na umaasa satin kinakaya ang hirap at pagtitiis para mabigyan sila ng magandang buhay

    isa kang dakila bro pinahanga mo ako talaga.

    Master….

    Reply

    • topexpress
      Jul 07, 2009 @ 12:12:06

      Salamat Brad Tosh! Hanggad ko na maabot mo ang anu mang pangarap mo di lamang para sayo kundi para na din sa pamilya mo.

      May mga bagay na akala at madalas natin di napapansin dahil inaakala natin na ito ay simple lamang, pero sa isang mumunti at simpleng pangrap nagsisimula ang isang matamis at makabuluhang simula ng pagtupad ng mas malaking pangarap!

      salamat tol ingat at dream BIG brad!

      Reply

  10. chennn
    Jul 06, 2009 @ 11:13:03

    kuya naadd na rin po kita sa roll ko! apir! :D

    Reply

  11. livingstain
    Jul 07, 2009 @ 04:34:24

    bakit hindi to nakaabot sa Pakontes ni otep sayang, papadalan ka nya sa CANADA ng damit…

    parehas tayo ng umpisa ng blog sa LLM entry ko.

    gusto mo ng palaka?

    Reply

    • topexpress
      Jul 07, 2009 @ 12:01:58

      aheheheh. tlamat sa pagdaan. Naku! sarap naman ng palaka. namiss ko tuloy!

      Naku eh kahit naman pumasok to di ako mananalo sa comments ehehehe!!

      huyst! congrats pla ha! ahehehe

      Reply

  12. mommy
    Jul 08, 2009 @ 02:39:15

    ang ganda naman ng istorya mu,nkaka-touch!
    we have the same pangarap pra s nanay nten!
    continue to inspire others,for what we are now,is because of our family…
    kip it up! God bless..

    Reply

    • topexpress
      Jul 18, 2009 @ 21:16:47

      Salamat Mommy Winnie!

      Salamat sa pagdaan sa aking tambayan. I just wish and hope that thru my stories and life experiences maka inspire ako ng mga taong kakilala o di kakilala ganun din ang mga makikilala pa lang.

      U always find me jolly pero sabi nga nila those jolly peeps are usually having bitter or “not fortunate” past.

      gang sa muli mami! masyado na ako EMO ahahahaha

      salamat!

      Reply

  13. .poOt!
    Jul 09, 2009 @ 04:41:29

    wow. na-tats ako dun kuya tope. that’s also my dream for my family… na mo-provide ko sa kanila ang lahat ng pangangailangan nila kapag nakatapos na ako ng pag-aaral.

    masikap, determined, responsible at dreamer ka kasi kuya kaya ngayon eh blessed ka.

    Reply

    • topexpress
      Jul 18, 2009 @ 21:18:29

      salamat poot! teka baka naman pwede na malaman real name mo? ahehehe

      Bsta FOCUS on your dream and hopes. Alam ko u will succeed someday! Actually, u already succeeded in INSPIRING others now! naks!

      salamat sa pag daan!

      Reply

  14. ES
    Jul 09, 2009 @ 07:30:00

    Naku naman, nakaka-tats, nangilid ang luha ko. Tulad mo rin ako, nangangarap din na mabigyan ng magandang buhay ang aking mahulang nung sila ay nabubuhay pa. Yun nga lang wala na sila pareho kaya sana lang bigyan pa ko ng mahabang panahon, hahahahahahahaha….. para sa kanila alam mo na kung sino sila.

    HIndi masamang mangarap bro.. lalo na’t para sa iyong pamilya dahil iisa lang sila…

    Keep it up!!!!

    Reply

    • topexpress
      Jul 18, 2009 @ 21:25:24

      Salamat ES. Alam ko pangarap mo din ang pinapangarap ng karamihan. Tulad ko, wag ka sanang sumuko sa laban ng buhay, tuparin mo ang mga bagay na gusto mo despite of the problems na dadaan sayo.

      Muli salamat sa pagdaan at paniniwala! :)

      Reply

  15. Ax
    Jul 09, 2009 @ 10:24:25

    ayos sa posing.

    nakakatuwa naman tong post mo. basta usapang ganyan, iba ang dating sa akin. hehe. sana maging kasing galing mo din ako at matupad ang mga pangarap ko para sa aking pamilya. hehe.

    yay.

    Reply

    • topexpress
      Jul 18, 2009 @ 21:27:45

      wbhahhah. sa posing… well… ahehehe what can i say but TEYNKS! ^_^

      bsta DREAM and BELIEVE! starstruck? ahahah

      seriousness, FOCUS and LOVE for your FAMILY,yan magtutulak sayo sa lahat ng dream mo para sa kanila!

      u can do that! ikaw pa!!! naks! apir!

      Reply

  16. Farmguy228
    Jul 10, 2009 @ 07:18:59

    na touch naman ako sa kwento mo….so real

    Reply

  17. Mitch
    Jul 10, 2009 @ 08:22:23

    naku naman kuya topi talga namang mapapluha ko. i believe na kahit papano naging witness rin me sa buhay mong ito… eh magkapitabahay tau eh. yeah i know what you feel. but im proud of you kahit papano nafulfill mo na maging successful. u tried ur very best kaya naman nakikita mo na lahat ng paghihirap mo..

    Ang tukneneg ni nanay ay d ko makalimutan sobrang sarap. dami nga suki ni nanay eh.. hanga din ako sa nanay mo kasi sobrang sipag nia na kahit papano ay may makain kayo sa araw araw.

    I wish na sana lahat ng pinapangarap mo sa buhay ay maaabot mo… Sabi nga sa deutsch… du schafst das!!!

    Reply

    • topexpress
      Jul 18, 2009 @ 21:40:08

      Salamat mitch!

      I am also glad sa narating mo now. imaginin mo, nuong college Banana Q lang at malameg gati hati pa sa tanghalian, solb na! yehaa! now eto dutch ka na! at ako, wala lang! ahahaha

      love you mitch! isa ka din sa mga buhay na patunay ng pinagdaanan ko sa buhay! miss u sis!

      Reply

  18. MA'AM LANI
    Jul 11, 2009 @ 17:00:15

    ako ay isang saksi sa pinagdaanan mo… estudyante pa lang kita nung college nakita ko na yung determination mo na makatulong sa pamilya mo. ang pagsabay sabayin ang pagiging scholar, cultural member, dean’s lister ka pa yata nun di ba, ang work sa jollibee para lang hindi mamroblema ang nanay mo sa tuition mo.

    nakita ko kung gaano kadalas mo palagpasin ang tanghalian, ang merienda at mga gimik ng barkadahan niyo… nakita ko kung paano mo sinubsob ang sarili mo sa pagaaral. noon pa man sinabi ko na sa mga co teachers ko… malayo ang mararating ng batang ito.

    marami ang pag sinubok ng panahon ay madaling bumibigay at nagkakaroon ng galit sa mundo. pero hindi ko nakita yun sayo kahit minsan.

    napaka buti mong kaibigan (halata naman kasi napakadami mong kaibigan). isang mabuting estudyante/empleyado (nakita ko yun at kaibigan ko mga naging boss mo kaya sa akinnila sinasabi yung papuri nila sayo) at isang mabuting anak at kapatid. nalala ko tuloy nung minsang pumunta tayo kay nanay dahil kakain tayo ng cheese sticks, kwek kwek at fish balls. nung lumayo ka at me binili ka yata, naiwan akos a tabi ni nanay. sabi ko sa nanay mo: napaka suerte niyo po. alam niyo po ba na mahal na mahal kayo ni toper. alam mo ba kung ano sagot ng nanay mo? NAKU MA’AM MASAYANG MASAYA AKO KASI LAHAT NG GINAGAWA NI TOPER, LAGING AKO AT MGA KAPATID NIYA INIISIP NIYA” NAPAKABAIT NA BATA NIYAN AT NAPAKASUERTE KONG NANAY DAHIL SIYA ANG ANAK KO. susme hindi ako prepared sa narinig ko, parang gusto bumara ng cheese sticks sa lalamunan ko dahil gusto ko maiyak.

    toper i just want u to know that im very proud of u. hindi ako nagdalawang isip na irecommend ka dahil alam ko na hindi ako mapapahiya sayo. tama ka. kasilahat ng nagingboss mo kinausap ako na iconvince kita na bumalik sa kanila. siyempre hindi ko na sinabi sayo kasi ayoko magulo isip mo between work dito sa atin at work mo dati sa middle east.

    at natutuwa ako dahil kahit gaano kahirap ang pinagdaanan mo, hindi ka sumuko dahil sa iisang rason. PAGMAMAHAL – pagmamahal mo sa nanay mo at sa mga kapatid mo. hindi ka maramot at hindi ka rin taong nanlalamang. napakalaki ng puso mo kayat marapat lang na malaman mo. PINAGMAMALAKI KITA!!!

    Reply

    • livingstain
      Jul 15, 2009 @ 03:22:29

      kuya sino tong teacher mo na to, for sure may pasalubong sya pag uwi mo, aniiyak ako sa mga sinabi nya… talagang may patotoo ka ha… hehehe

      Reply

      • bonistation
        Jul 16, 2009 @ 18:23:01

        ang ganda ng sinabi ni teacher.. pwdeng maging blogger si teacher..

        ma’am saludo din po ako sa inyo! syempre kung ano si toper ngayun a part of it galing sa inyo!

        ** hays sarap na ipagmalaki ng dati mong teacher kasi isa yun sa proof na mayn narating kana sa buhay…

      • topexpress
        Jul 18, 2009 @ 21:32:57

        @Living… She is my very IDOL prof in college. Di ko alam isa pala siyang SOCO ahahaah!

        pero honestly, napaiyak ako ng nabasa ko to. sarap ng feeling!

        buhay na patotoooooo!!! yehaaa!

      • topexpress
        Jul 18, 2009 @ 21:37:44

        @ utol bon…. oo naku! eh wash out ang matitingkad na blogger kung si mam ang magsisimulang mag blog! KAGALENG kaya nyan!

        hindi ko na sasabihin ano profile nia, basta BIGATEN yan dahil may connect ito sa ABS CBN!!! da whoooo!!!? ahahahaha

    • topexpress
      Jul 18, 2009 @ 21:31:29

      waaaaaaaaaahhhhhh :( mam lani BAYANI!!!!

      Mam all those years ive been your FAN. Sobrang idol ko po kayo since college. I always told you na “whoever i am now and what i have become” YOU are PART of it.

      From being my prof to being my very close frend and believer. I am so grateful and honored being your student, brother and friend! i love you mam!

      thanks po sa lahat lahat!

      (damuho napaiyak mo nanaman ako mam!) amp!
      ahehehe love you ate!

      Reply

    • Ax
      Jul 19, 2009 @ 07:54:25

      nakakainspire nga yung mga sinabi ni teacher!

      ako rin, i am proud kahit di pa tayo nagkikita! hehe.

      Reply

  19. livingstain
    Jul 21, 2009 @ 07:42:33

    whahaha, wala ka na kuya aldo, inagaw na ni teacher ung mga comments… hahahaha…

    Reply

  20. p0kw4ng
    Jul 21, 2009 @ 07:48:49

    sori naman at super late na ang reaction ko…hindi kasi agad nakahugot eh!

    napanood ko yung video…kakatats..tama naman na kung anong meron tayo ngayon eh dapat na ipagpasalamat kasi marami ang kapos na hindi nakakaranas o nagkakaroon ng kung anong meron ang iba! at dapat ding pahalagahan….

    Reply

    • topexpress
      Jul 31, 2009 @ 15:06:22

      ay ok lang powkie! basta ikaw! alam ko naman kasi mahirap tlga mahugot pag napapasarap! amp! toinks!

      Salamat sa pag daan! sige sunod ako sayo, punta ako sa bahay mo. blog hop nanaman ako kasi off ko. ahehhe

      Reply

  21. livingstain
    Jul 23, 2009 @ 10:28:06

    kuya thoper, nasan ka na ba, nakakadalawa na ako ng post hindi ka pa dumadalaw, basta pag may bago kang post buzz mo lang ako ha, ilalagay kita sa blog site ko, para masaya. ok ba.

    Reply

  22. The Lady in Green Ruffles
    Jul 24, 2009 @ 04:53:39

    Pinagbuklod ng pagmamahal at hinubog ng pangaral at positibong pananaw ng aking nanay.

    astig naman nito

    sayang dapat nisali mo to kay otep

    ang galing

    makabagbag
    damdamin

    nakarelate ako
    ganyan din pangarap ko sa nanay ko

    the best

    kainspire!

    Reply

  23. aksoriyalmo
    Jul 25, 2009 @ 06:34:31

    salamat ng marami sa pinadala mong commenters sa post ko! the best ka talaga! hehe.

    the best ka sa lahat ng aspeto!

    Reply

  24. chennn
    Jul 26, 2009 @ 11:09:56

    kuya topher!
    how is you? hibernating?
    oh well, just keep safe! :D
    apir ^_^v

    Reply

  25. Mars
    Jul 27, 2009 @ 10:12:24

    e nakarining ka na ba ng batang lalake na sasagot pag tinanong ng “gusto ko maggupit ng hair paglaki ko”

    Reply

  26. The Lady in Green Ruffles
    Jul 27, 2009 @ 22:52:13

    padaan ulit!

    Reply

  27. IKAY
    Jul 29, 2009 @ 15:37:30

    maswerte ang pamilya mo sa pagkakaroon nila ng isang katulad mo…isa kang mabuting anak at kapatid.

    Reply

  28. Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD
    Jul 31, 2009 @ 09:41:52

    dumaan ako ulit…

    Reply

  29. jason
    Aug 01, 2009 @ 03:20:04

    Waw naman

    pareho tayo
    sobrang sanggang dikit ang pagmamahal kay inay.

    kaya nga ganun na lang ang pagmamahal ko sa kanya
    at kasama sya lagi sa mga pangarap ko..

    namimiss ko mga bonding moments namin every saturday…

    ngayon kasi may pasok n ko saturday..

    sad…

    Reply

  30. shynyrd
    Aug 01, 2009 @ 05:46:15

    EUREKA!

    Ang astig mo kuya, sana naisip man lang yan ng mga kuya ko bago sila nagsipag asawa.
    Kaya ako, di muna siguro para mabigay ko naman ang pangarap ng nanay ko..

    hai…

    Reply

  31. dencios
    Aug 01, 2009 @ 09:51:38

    bilib naman ako sayo. ganyan nga basta para sa pamilya gawin ang lahat. parang pareho tayo kasi noon ganyan din ako. although sa ngayon lumalaban pa din.

    keep the faith.

    goodluck na din para sa patuloy na lumalaban sa buhay :)

    nice post.

    Reply

  32. dencios
    Aug 01, 2009 @ 09:53:58

    bilib naman ako sayo. ganyan nga basta para sa pamilya gawin ang lahat. parang pareho tayo kasi noon ganyan din ako. although sa ngayon lumalaban pa din.

    keep the faith.

    goodluck na din para sa patuloy na lumalaban sa buhay :)

    nice post.,

    Reply

  33. Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD
    Aug 01, 2009 @ 10:00:48

    dumaan ako ulit. kailan ba ang next post?

    Reply

  34. nicelyn
    Aug 02, 2009 @ 14:43:58

    ay, sobrang huli na,peru sna makahabul pa..

    Ang ganda ng nsba ko,tulad mu yan din ang pangarp ko,mkta kung msya pamilya at,maiahon sila sa kahirpan,kaya khit msakit sa loob nting malayu sa knila tiis lng,and we are all hoping for the best,lalung lalo na para sa kanila.. good luck! and may God bless us.. hehe..

    Reply

  35. chennn
    Aug 04, 2009 @ 23:34:04

    kuya!
    kamusta? :D

    Reply

  36. livingstain
    Aug 06, 2009 @ 06:39:38

    asan na yung bago, sabi mo meron na… sige next week kuya. toinkz

    Reply

  37. bonistation
    Aug 08, 2009 @ 23:50:59

    next post na kase|!

    Reply

  38. Vir Antonio
    Aug 12, 2009 @ 00:03:07

    Nice blog,dropping by…

    Sulit nga ang GI Joe compared to HP,bitin!

    Reply

  39. vita31
    Oct 02, 2009 @ 19:56:03

    wow grabe ang laki naman ng tahong jan….mas masarap ang tahong dito s pinas maliit lang pero matindi ang sarap…parang model k lang jan a kelan ang balik mo s pinas

    Reply

  40. Mr. Thoughtskoto
    Oct 10, 2009 @ 11:28:34

    congratulation, nominee number 34 of the 2009 Pinoy Expats/OFW Blog Awards. Please grab your nominee banner at the PEBA webpage under 2009 Nominees. Goodluck!

    Reply

  41. RJ
    Oct 11, 2009 @ 13:59:01

    Maganda ang pagkasulat ng kwento. Ramdam kong hinugot mula sa kaibuturan ng iyong puso, Topexpress! Two thumbs-up para sa iyo sa entry mong ito sa PEBA 2009! o”,)

    Reply

  42. bonistation
    Oct 11, 2009 @ 15:15:47

    wow goodluck!!!

    Reply

  43. ruel
    Oct 12, 2009 @ 03:48:11

    Another breathtaking story of an OFW. Salamat sa’yong kwento bro..Ang sarap ng pakiramdam kung makita mo ang iyong ina na masaya..Pareho lang tayo ng rason kung bakit andito din ako sa ibang bansa..

    Anyway, welcome to PEBA and Gud luck!

    Reply

    • topexpress
      Oct 15, 2009 @ 04:42:24

      salamat sir ruel. pagmamahal sa pamilya ang rason ng lahat nating ofw kung bakit kaya natin tiisin ang hirap at pagod at mapalayo sa ating mga mahal sa buhay.

      mabuhay ang lahat ng kalahok sa PEBA at goodluck to all!
      :D salamat po sa pagdaan.

      Reply

  44. lai dayao
    Oct 13, 2009 @ 04:46:05

    hi bro! good job!you’ve always makes me feel how proud i am to have you…
    goodluck and continue do what you know is the best for you and your family..
    KUDOS!!!

    Reply

  45. Jay
    Oct 13, 2009 @ 05:36:25

    Hi tito topher nakita ko lang blog mo pinopromote ni tito fosti, sobrang naka relate po ako sa blog mo, nakaka touch naman hehehe cguro yun naman talaga ang purpose natin sa pag aabroad para maiahon ang family natin sa kahirapan.keep up the gud work and wish u all the best in lyf pati sa family mo po. God bless

    Reply

  46. Trackback: Shokran. =) « eh sa wala akong magawa….
  47. Nebz
    Oct 13, 2009 @ 19:16:12

    My first visit here.

    Very touching — yong post mo at ung kasamang video. I am resolved to visit Mr Dodos in his shelter para makapag-ambag ng kaunting tulong.

    Bakit nga ba ang kwento ng isang OFW ay kwentong ng ilan ding milyong OFW? At bakit nga ba ang pangarap ay walang katapusan? Hanggang kailan nga ba tayo magiging OFW? Hanggang kailan pa nga ba magiging OFW ang isang Pilipino?

    Good luck sa PEBA.

    Reply

  48. LIFE Moto
    Oct 14, 2009 @ 08:50:30

    it is another amazing story you have here bro. tunay ang pangarap ang dahilan ng isang tao para matupad ang mga minimithi nya sa buahay, di lang sa sariling kapakanan kundi sa mga taong nasapaligid nya. Just Nebz say it so touching. May this story touch the lives of your readers too.

    Bihirang tao ang tulad mo na sensitibo sa mga pangangailangan ng iba. Nawa ay pagpalain ka ni Lord sa mubuting mong hangarin. At tunay na instrumento ka Nya.

    Welcome sa PEBA and good luck for your entry. Indeed nakakarelate ako.

    Reply

  49. karen diana =)
    Oct 14, 2009 @ 17:58:34

    Hi aldo..musta na? ganda nmn ng mga blogs mo..at nakaka tats… =) ingat ka lagi… hope to see u soon

    Reply

  50. Prince Monsour Abraham
    Oct 16, 2009 @ 21:43:23

    Wow! Grabe ito ah! Napaiyak mo ako! Hindi ko talaga mapigil na mapaiyak habang binabasa kong estorya sa buhay mo na nangarap para sa mahal mong Ina. Ang masasabi ko lang ay isa kang dakilang bayani/isang dakilang anak na walang kapares o mahirap paresan ng sino pa man.Dahil karamihan nga tulad ng sabi mo na mga taong nangangarap ngayon ay makatapos sa pag-aaral ayun sa mga kursong gusto nila.Pero ikaw ay kakaiba eh! Pangarap mo na maahon sa hirap ang mahal mong Ina.At mabigyan ng magandang kinabukasan upang hindi nyo na mabalikan ang mga hirap na dinaanan nyo.Sadyang mapalad/masuwerte ang Nanay mo na nagkaroon ng isang dakilang anak na sobrang bait at masasabi ko na sobrang guwapo pa.Sana matupad mo lahat2 ang mga pangarap mo sa buhay.Isama na natin ang manalo ka sana ng minimithi mong lotto…lol…’kaw talaga!
    Dalangin ko sa Poong Maykapal na sana ay magkaroon ka ng magandang kinabukasan.Basta Santino, pls lang huwag na huwag mong kalimotan si Bro! Dahil Sya ang kasagutan sa lahat ng mga pangarap natin dito sa mundo.Si Bro ang tanging sulution sa mga problema natin.Datapwat,May Bukas Pa!

    Reply

  51. Mark Joseph Guanco
    Oct 19, 2009 @ 07:40:06

    good job!!!!

    Reply

  52. faisal
    Oct 22, 2009 @ 02:44:16

    congrats sa pagkamit ng pangarap mo at ng iyong mother…very inspiring yun story mo,di nalalayo sa akin..goodluck pa ng marami,sanay magtuloy-tuloy pa ang blessings sa iyong pamilya at sayo…

    Reply

  53. cazz
    Oct 23, 2009 @ 10:30:32

    great!

    Reply

  54. enjoy
    Oct 27, 2009 @ 09:48:13

    finally nabisita ko muli ang page mo. this is a very inspiring story of an OFW who perseveres not only to help his own family but other people as well. salamat po sa pag-share sa amin ng iyong munting kuwento.

    good luck sa PEBA at God bless! salamat din sa pagdaan mo sa aking pahina. :)

    Reply

  55. topher alavado
    Oct 27, 2009 @ 20:32:57

    wow… bravo,,, da vero bravisimmooo mr trek……goodluck,,, panalo!

    Reply

  56. nathan
    Oct 29, 2009 @ 18:30:36

    Ang pangarap andyan lagi yan sabi nga nila nasa isang tao lang kung pano nya ito makakamtan maaring makamit ito dahil na din sa pagsubok na naranasan sa buhay o marahil na rin sa mga taong nagmamahal sau at minamahal mo..gaya ng ginagawa mo ngaun patuloy mong isinasakatuparan ang pangarap mo para sa iba at dalangin ko ang iyong tagumpay…Di po kita gaano kilala pero sa nabasa ko sa mga taong ngmamahal sau lalo na sa ginawa mong pagkamit saung pangarap masasabi ko na napakabuti mong anak at kaibigan..salamat sa isang toper na nagbibigay inspirasyon sa iba…at isa na po ako dun…gudlck and godbless..

    Reply

  57. Trackback: ellen tordesillas » Finalists in the 2009 Pinoy Expats/OFW Blog Awards
  58. pruelpo
    Nov 09, 2009 @ 17:29:53

    Sa wakas nakumpleto ko na ang mga entries ninyo sa PEBAs 2009. Sa kuwento mong ito parang nag flash back ang buhay ko noong umalis ako sa poder ng parents ko edad ko noon between 13 & 14 at ako na ang nagpatakbo ng aking life hanggang ngayon. E print ko rin ito para may mabasa ako mamaya pag-uwi ko sa bahay.

    Reply

  59. rika
    Nov 25, 2009 @ 17:24:05

    oo na ganbatte nlang.thanks

    Reply

  60. rikajoy
    Nov 25, 2009 @ 17:38:47

    for me masaya nman kmi here with all of my friends doin something good kso medyo malungkot lng.thanks

    Reply

  61. rikajoy
    Nov 27, 2009 @ 18:59:50

    i dont know wats goin on basta for me should stay where we are and who we are…

    Reply

  62. julifer
    Dec 16, 2009 @ 19:53:43

    thanks,im impress

    Reply

  63. julifer
    Dec 16, 2009 @ 19:55:53

    mercy,its in french it means thanks……………..

    Reply

  64. julifer
    Dec 16, 2009 @ 19:57:38

    wala akong masabi!all i know im glad,thanks………..

    Reply

  65. Dex
    Dec 28, 2009 @ 07:33:09

    hi congratulations

    Reply

  66. LIFE Moto
    Dec 28, 2009 @ 13:51:38

    Bro, Congrats for winning the PEBA. Happy new year! You really deserve it! Cheers!

    Reply

  67. Trackback: ellen tordesillas » Winners of 2009 Pinoy Expat/OFW blog awards
  68. myrah
    Dec 31, 2009 @ 01:17:15

    congratulations tofie! i didnt know that you got a talent like this…i was moved by your story and that i partly know what you have gone through…

    you are a dreamer from the moment i met you.
    i’d say, just carry on pet, follow your dreams and soon you’ll get there..

    but always remember whatever you might achieve never forget to look back where you have come from and always keep your both feet on the ground….amen!lol

    Reply

    • topexpress
      Dec 31, 2009 @ 20:22:47

      Wow! Maraming SAlamat po Mam Myrah, never thought na mababasa nio po itong blog ko. Maraming salamat po sa pagbasa at pagdaan.

      Im keeping myself and my feet on the ground as always po.

      godbless and maraming salamat po. :D

      Reply

  69. Trackback: Winners of 2009 Pinoy Expat/OFW blog awards
  70. forevermore
    Feb 15, 2010 @ 13:16:36

    … response ko??? i love you… tandaan mo, mahal n mahal kita!!! pungahhh

    Reply

  71. Hyacinth Campos
    Apr 27, 2011 @ 14:21:37

    Once I came over to Pangarap topexpress I can only see portion of it, is this my net internet browser or the web web site? Should I restart? Cheers Hyacinth Campos

    Reply

  72. Garth Battle
    Apr 27, 2011 @ 14:22:09

    Thank you for creating Pangarap topexpress I’m loving your content. Would you consider a guest post on a site I support run? Do you feel which you could contribute? You’ll be able to look at our post types at http://abcbookmarks.com/user/history/grahanrath/ and absolutely we could be thinking about having you post an write-up or two on our blog, what do you believe? At any time you are interested let me know through the contacts page on our web site.Pangarap topexpress is an intriguing name for a blog, maintain up the top effort, thanks, from Garth Battle

    Reply

  73. angelie.salavaria
    Jul 16, 2011 @ 05:35:22

    sobrang na apre8 k ang determination mo….congrats…

    Reply

  74. ellaine jaloz
    Jan 29, 2012 @ 07:25:46

    na appreciate k ang determenation mo talaga …………congrats………..

    Reply

  75. tess
    Aug 17, 2012 @ 05:07:01

    nakakatouch ang kwento mo.

    Reply

  76. Rhemmy
    Oct 04, 2012 @ 01:50:49

    Na-realize ko na pareho pala tayo ng layunin ang tuparin ang pangarap ng pamilya. Napaluha ako dahil naramdaman ko ang sincerity ng iyong sulat. :) Keep it up po. :)

    Reply

  77. aky loowa
    Apr 17, 2013 @ 10:37:19

    ang nice naman! isang butuhing anak para sa kanyag ina!

    Reply

  78. jamil
    Jan 28, 2014 @ 06:19:30

    I love this website that u can earn money

    just click the link below.

    http://getmonthlypay.com/index.php?invite=239914

    Reply

  79. clopay garage door replacement panels
    Mar 20, 2014 @ 01:20:36

    Simply browse our website to learn more or contact us today
    at Houston Overhead Garage Doors. One of its advantages is that it is less expensive than the three other types of garage doors.
    Many home improvement stores carry Wayne Dalton parts and doors so they would have
    additional resources for you.

    Reply

  80. Kandy
    Apr 04, 2014 @ 05:51:14

    Hi! I simply would like to offer you a huge
    thumbs up for the excellent information you’ve got here on this
    post. I will be coming back to your blog for more soon.

    Reply

  81. credito rapido
    Apr 20, 2014 @ 17:38:36

    Thɑre are wɑys to get part оr all of yοur stuent loans
    discharged, oor taken off your recorԀ.

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 42 other followers

%d bloggers like this: