Balik tanaw

17458607Tandang tanda ko pa nung unang pagtapak ko sa paaralang pag eenrolan sa akin ni nanay, kabado ako, ballot ng takot. Marahil dahil naninibago ako sa mundong pinakikilala sa akin ni nanay. Maraming tao, maluwang na takbuhan at palaruan, malalaking silid at napakadaming kalaro.

Anim na taon ako nung ipasok ako ni nanay sa paaralan, di pa ata kasi uso day care nun na 50 pesos lang ang bayad at pakain na sopas ang tution sa aming baranggay. Halos mapuno na ng uhog at luha ko ang aking damit dahil sa takot ko na iwan ako ni nanay mag isa. Gusto ko lagi ko sia nakikita sa bintana. Di naglaon nasanay na din ako. Pumapasok akong inihahatid lang ni nanay at susunduin nlng pag uwian na.

Ang sarap ng pakiramdam na pumapasok ka sa eskwela, bagong araw, bagong aral. Naging saksi ang paaralan ko sa aking paglaki, pagyabong, at hanggang sa pagbibinata. Dito ko una natutunan mag ka crush, magmahal at masakatan. Mga bagay na hindi naman literal na tinuturo sa klasrums. Mga bagay na nararanasan natin lahat sa paaralan.

Masasabi kong napaka loyal ko sa aking paaralan, dahil 15 taon ako nag aral dito. Mula kindergarden hanggang sa collegio. Nasubaybayan ako ng aking mga guro, gayun din nasubaybayan ko ang aking paaralan. ANg bawat rehas at mga tanikalang pang lock sa bawat silid naming nun. Ang mga lumang hagdan patungo sa ibang silid. Mga posteng piping saksi sa aking kasutilan at kapilyuhan.

Ngayon na masasabi kong isa na akong matagumpay sa larangang o kursong aking kinuha at hinubog ng aking mga guro sa aming paaralang mahal. Lubos ang aking pasasalamat hindi lang sa aking nanay, sa pagsuporta, sa aking mga guro sa walang sawang pagtuturo at pag linang, at sa mga taong nakilala sa mahabang panahong ginugol sa pagaaral.

Isang araw mula sa pagod na pagkayod, naisipan kong magbutingting sa aking pesbuk. (iPasok ang pangalan at ibaon ang password…presto! Log in ako!) isang bidyo ang nakapagbukas sa akin at nakapagpaluha sumandali. Ang aking pagbabalik tanaw sa mga araw na nakaulayaw ko ang aking minamahal na paaralan.

Hindi ko mapaliwanag pero tumatak sa akin ang mensahe ng bidyo na ito. Kung nakakapagsalita lang ang aking paaralang iniwan, siguro binubulong nito ang mga katagang,

“Umuwi ka na, namimiss na kita. Sana kilala mo pa at naaalala mo pa ako…”

“Masaya ako para sa iyo, at nakikita ko ang tagumpay na bunga ng pagsisikap mo”

ANg bawat pader ng paaralang ito ay saksi sa bawat paghihirap ng mga tulad kong naging estudyante at nagsikap, nangarap at ngayon ay naging matagumpay sa buhay na pinili. Hinubog at pinagtibay gaya ng pundasyon sa bawat sulok ng eskwelahang ito.
Ngayon, wala man ako sa aking sariling bayan, masasabi ko na MINAHAL ko at MAHAL na MAHAL ko ang minsang aking naging TAHANAN. Aking naging PALARUAN. Ang College of the Immaculate Conception, aking paaralang mahal.

“Sa pagbabalik tanaw na ito, isang taos pusong PASASALAMAT at PAGKILALA sa aking paaralang pinanggalingan…”

SALAMAT CIC

And IM PROUD to be a CICian!

1475042585638l

 

123 Comments (+add yours?)

  1. blurosebluguy
    Sep 17, 2009 @ 22:02:46

    ang eskwela…lugar-hubugan ng ating pagkakuwan….masarap alalahanin ang mga uhuging kamusmusan at pimpols ng kabinatilyuhan..hahahaha..alma mater tawag natin sa kanya….

    Reply

    • topexpress
      Sep 17, 2009 @ 22:58:51

      naks! oo tama ka nga! hubugan ng kali…..nangan! aheheh nakakmiss ang love letters at san damakmak na gel sa buihok na animoy dinilaan ka ng baka!

      ahahahahahah HAIL IMACCULATA! my alma moreno este mater! salamat sa pagdaan kua blu!

      Reply

  2. flamindevil
    Sep 17, 2009 @ 22:17:00

    base!

    waaahhh naunahan na naman ako ni kuya blu.

    huwaw. 15 years ka sa skul na yan?wala kang loyalty ha.walang-wala.hehe

    naalala ko tuloy yung alma mater song namin nung elementary..memories nga naman!whew.

    ngat lagi kuya topher. :p

    Reply

    • topexpress
      Sep 17, 2009 @ 23:00:17

      oo wala ako ka loyalty sa school. ahahaha kaya nga halos nakita ko na din pumuti mga buhok ng mga titser ko aheheeh. may medal nga ako dahil sa sobrang loyal! ahahaha

      salamat sa pagdalaw rye!

      Reply

  3. lhen8
    Sep 18, 2009 @ 02:05:41

    yehey buti pa dito kay tof mukhang pa 3rd base ako
    galeeeng mo talaga 1st base ka kay padz….🙂

    Reply

    • topexpress
      Sep 18, 2009 @ 03:21:43

      ahahahah di naman! nakatsamba! kagigising lang eh sakto pag log in ko. kaka post lang daw! ahahah ayun! sapol! kasi naman kaya ka 3rd base kasi nilalangaw namn itong bahay ko.😦

      Reply

  4. lhen8
    Sep 18, 2009 @ 02:10:36

    naku isang loyalty award!!!🙂
    ang bait na bata 🙂
    godbless you christof 🙂

    Reply

  5. Jorge
    Sep 18, 2009 @ 03:53:11

    huwaw! social na school!! iba talga mayaman!! hehehe

    Reply

  6. .poOt!
    Sep 18, 2009 @ 04:08:45

    wow naman kuya tope.

    for sure, proud na proud sa’yo ang school mo. naks! yeah! it kams pram da hart. LOL.

    Reply

  7. boypulubi
    Sep 18, 2009 @ 04:55:54

    Tol hanga ako sa iyo at mula umpisa hanggang katapusan ng kolehiyo ay isang eskwelahan lang ang pinasukan mo. Pinanood ko pa ang video. Akala ko ikaw iyon tol. Tapos sabi sa gitna 1984 pa yata siya nakatapos. 25 na taon na kaya niya sinilip muli, doon ko lang naisip di pala sa iyo ang video. Nakita mo lang pala sa peysbuk. Akala ko kasi kakanta ka naman dito sa video – GnR naman hehe

    Noong pumapasok ako, gustung-gusto kong makatapos kaagad para makapagtrabaho na.
    Kailan kaya ang “reunion” sa amin? Para sa “high School” at “college”.

    Tol ang galing mo sa patimpalak ni Padre Fiel. Lubusan ka ng umangat sa iyong pwesto habang ako’y tila palubog na. Bukas luluohd din ang mga tala (ay mali – wala kasi akong maisip. hehe)

    Pag nanalo ka, hati tayo sa libro.

    Reply

    • topexpress
      Sep 18, 2009 @ 06:33:20

      ahahaha di naman sa akin ang bidyo, though taga skul din namin ung gumawa. namiss ko lang skul ko at nagkaroon ng oras mag reflect at banik tanaw sa aking estudyante blues days!

      sige hati tayo sayo cover akin nag loob ok na ba un? ahehehehe

      Reply

      • boypulubi
        Sep 24, 2009 @ 21:09:13

        Tol, tama ba ang pagkaintindi ko?
        Masaya ka ng ipaubaya sa akin ang libro kung sakaling manalo ka at kahit sa iyo na lang ang cover.

        Salamat tol.
        Ang bait mo.

      • topexpress
        Sep 25, 2009 @ 01:39:05

        ahahaha ehhh ganun? sabi ko kung ano manalo, sa iyo ang cover akin ang loob! ahahahahahaheheeh

        apir nga! wushuuuu!😀

  8. pinkdiaries
    Sep 18, 2009 @ 05:46:35

    wow pare, CIC ka pala.. sarap ngang balikan yung mga nakaraan noh?! nakakamiss yung mga kalokohan at mga magagandang alaala nung tayu ay mga nag aaral pa..

    nakakaantig naman bangs yang kanta sa Video mo.. hehehe🙂

    Reply

    • topexpress
      Sep 18, 2009 @ 06:35:26

      Mare koi, oo kay sayang balikan ang araw na tayo ay nagbibinta at nagdadalga. ARaw na natuto tayong maging pilyo at pilya. Maligawan at manligaw. hayyyy!!!

      sabi nga ng kanta:

      “Blue jeans sige sige kayod sa eskwela at balang araw makikita mo…”

      damuho ung kanta na un naiyak pa ako. nakakatindig BALBON! amp!😛

      Reply

  9. livingstain
    Sep 18, 2009 @ 06:45:54

    jan din nag aral si daddy mula bata hanggang haigh school. teacher nya nanay ni Leda…

    pati si Umali, Dra Quibuyen at kung sino sino pa…

    magaling kasi ang CI noon… tsaka pang mayayaman lang…

    Reply

    • topexpress
      Sep 18, 2009 @ 08:25:34

      Vin, naniniwala ako na “wala sa eskuwelahan o kolehiyo” ka nagaral kundi nasa estudyante kung paano niya lilinangin ang sarili niyang kaalaman at hubugin ang kanayang isipan para maging handa sa kinabukasan. Mapa CIC, AU, WUP, CRT, ACSAT o ano pa mang paaralan tyo nanggaling, ang sukatan ay kung anong klaseng tao ka makalipas ng ilang taong pakikihalubilo natin sa buhay dito sa mundo.😀

      Reply

      • topexpress
        Sep 18, 2009 @ 08:27:27

        nga pla, di naman pang mayaman. may mga tinatwag din na “iskolar ng bayan” madaming paraaan para makatapos ka sa pag-aaral. diskarte at tamang direksyon at focus.

        apir!

    • livingstain
      Sep 22, 2009 @ 06:46:34

      hmpf… ok fine…

      lolz

      Reply

  10. bonistation
    Sep 18, 2009 @ 09:01:07

    nakaka antig naman yung video,. dyan din nag aral yung dalawang ate ko kaya alam ko din ang pasikot sikot sa loob ng campus.. maganda ang paraan ng pagtuturo at pag manage dahil isa sa diocesan school… sa sobrang ganda na standard kahit mga kapatid na muslim pinipili nilang dyaan mag enrol kahit pa alam na alam nilang isa catholic school sya…

    i admire people who came from CIC. kumpleto kasi ang formation nila… kung bibigyan ako ng pagkakataon na pumili ng isa pang paaralan.. hindi ako magdadalawang isip sa CIC….

    “In the service of God, the church, and Country”

    more power CIC! CONGRATS CICIans!
    **fan reader ako ng “THE IMMACULATE” palagi ko hinahahanap sa ate ko yung kopya niya.. naiinspire ako sa mga talento sa galing ng pagsusulat ng mga mag aaral, dahil dun natuto akong mangarap sa sarili ko na darating yung panahon makakapagsulat din ako sa isang campus paper… natupad yun.. naging bahagi ako ng isang campus paper at nagkaroon din ng pagkakataon na pamahalaan yun at maging editor…

    hayss. hindi man ako bunga ng CICian,, pero proud ako para sa mga taong nagsitapos dyan…

    Reply

    • topexpress
      Sep 20, 2009 @ 06:38:11

      Tol, salamat sa pagbisita. SArap tlga balikan ng pagigiing estudyante. nakakatuwang isipin na ung mga nakikita nating ginawa ng mga kabaatang student now eh sia ding ginagawa na dint before, may twist nga lang now! ahehehe

      weh?! isa kang magaling na writer kaya nga naging EIC ka diba?! naks! hamprwad op chu!

      apir utol!

      Reply

  11. mr. sleepyhead
    Sep 18, 2009 @ 09:01:13

    nakaka miss din ang aking paaralan..gusto ko na syang balikan para kunin yung TOR ko…naalala ko tuloy yung sabi ni BOB ONG…

    “nakabalik nga ako sa lugar na ito, ngunit hindi ko kayang ibalik ang kahapon”

    haiz….

    paki visit po yung eye opening postko…
    http://wp.me/pDqV4-1C

    Reply

    • topexpress
      Sep 20, 2009 @ 06:45:07

      tol salamat sa pagdaan. astig ang bawat salitang binibitiwan mo sa mga blog mo, lalo na yung sa eye opening post mo. hanga ako sayo! aprub!

      tama si bob ong, hindi na maaring balikan ang kahapon sa eskwela, bawat yugto ng buhay estudyante ay pawang kay sarap balikan, panget man o maganda.

      Reply

  12. Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD
    Sep 18, 2009 @ 09:25:32

    hmmmmm….naalala ko rin ang aking school…ang parokya namin ay immaculate comception din pero ang school namin ay holy cross at kacecelbrate lang namin ng foundation anniversary (sept. 14). alam ko si boni product din ng holy cross.

    grabe, ang tagal mo palang nag-aral sa school na yan tope! loyal student ka talaga nila.

    malaki ang naging influence sa akin ng aking school. noong high school, khaki ang pantalon, kaya hanggang college, di ako natutogn magblue or jeans, laging khaki…

    Reply

  13. Leonp.v
    Sep 18, 2009 @ 16:57:50

    Woohh sister school pala tayo hehehehe!

    Felicity awardee ka ng school mo.!

    (napadaan lang)

    Reply

  14. joycee
    Sep 18, 2009 @ 17:30:08

    Nakakamiss nga mag-aral noh. ustu ku ulet mag-aral pero crash courses nalang siguro.🙂

    Reply

  15. aksoriyalmo
    Sep 18, 2009 @ 20:07:56

    Ayoko na mag-aral ulit. Hindi ko alam kung napapagod na ako magkabisado at magreview dahil may examination bukas. Hindi ko nami miss ang pag-aaral bilang isang estudyante. Pero nami miss ko ang aking eskwelahan. Ang bawat guro at ang bawat kaklase.

    Nostalgic tuloy ako kuya Topher! Masaya balikan ang memories. Masaya balikan ang nakaraan.

    Reply

    • topexpress
      Sep 20, 2009 @ 06:53:06

      sorry ax kung naging nostalgic ka dahil sa post pero, honestly nakakamiss ang pagiging studnyante. Nakakamiss kasi ung di masyado seryoso sa buhay after aral, lakwatsa. gimik, tropa. hayyy! salamat ax!

      Reply

      • Ax
        Sep 23, 2009 @ 17:45:22

        haha! totoo. nakakamiss ang mga pinaggagagawa noong estudyante ka tayo! puro kalokohan at pagiging pasaway!

  16. precious
    Sep 19, 2009 @ 00:51:03

    whoa..uo nga topher…naisip at naalala ko ung elem years ko..kakatuwa..

    reminiscing..^,^ astig CIC ka pl!

    Reply

  17. meliza
    Sep 19, 2009 @ 04:29:01

    well ako di ko massabi na nmiss ko ang skul ko kasi tatlong skul ang pinasukan dalawa sa province at isa dito sa manila.pero in fairness ang dami ko ring pinagdaanan na hirap sa bawat skul na pinasukan ko nung ngaaral..pero massabi ko d2 mla ako naging fully independent ako nung naaaral pa me widout my parents
    anyweys narinig ko na yung skul nyo at ska nakita ko na ang skul nyo.. kasi nung ngiintern ako as PT. naasign ako dyan sa nueva ecija. pinasyal kami ng kacointern at tinuro sa amin yung skul nya dati which is yung skul na pinapasukan mo.sabi nga mggaling nga daw mgturo dyan skul nyo.
    thumbs up ako sa iyo pagging loyalty mo sa skul mo.at nkkatouch nman yung video mo para sa akul.massabi ko is magaling ang pagtturo nila kahit di me ngaral dyan.kasi isa ikaw sa produkto nila na naging matagumpay sa buhay at saka proud cla sa iyo.
    ngapala hinddi ba strict ang skul nyo at saka madre or pari ba ngmmanage..hehhehe.
    ingatz ka la gi aldo!

    Reply

    • topexpress
      Sep 20, 2009 @ 06:55:36

      Kaya lang ako nagtagal sa skul dahil sa nakuha ko ang full skolar mula 2nd yr hiskul hanggang makatapos ako ng college.😀 sayang naman kasi.

      consistent reader tlga kita prexy! salamat ulit ha!😀

      Reply

      • meliza
        Sep 20, 2009 @ 07:22:36

        naks!iba talaga pag matalino..lalo mo ako nappaimpessed sa mga achievements mo aldo.. well anyway di parin me mgssawa na sa pagbbisita sa blog mo..keep it up

  18. Prinsesa ng Drama
    Sep 19, 2009 @ 05:24:20

    wow naman 15 years?! hehe😉
    May loyalty award ka dyan syempre!

    Nakow kakamiss nga. Catholic skul ka rin pala kaya pala ang bait mo din. hahaha. LOL
    Ingatz.

    Reply

  19. Leonp.v
    Sep 19, 2009 @ 08:06:14

    Salamat sa pagdaan at inadd na din kita sa “mga my sinasabi” ko dahil sister’s skul tayo eh! Peace out.

    Ingat.

    Reply

  20. bluep
    Sep 19, 2009 @ 08:35:10

    hehe medyo pareho tayo bruder. Ako simula kinder hanggang grade ten nagaral sa aking mahal na iskul pero nung mag kokolehiyo na eh tumiwalag na ako at baka sobra na hehe. Last time I went to my school siguro mga six years ago.

    BTW salamat sa link nagulat ako hehe. Tsaka ganun ba talaga yung youtube pag kiniklick ko yung video it takes me to the original video page instead of just playing here in your blog. ang weird talaga ng YT

    have a nice weekend

    Reply

    • topexpress
      Sep 20, 2009 @ 07:00:14

      ahahahah nakakasawa man ang iisan skul pero di ako nagsawa makakilala ng ibat ibang kaibigan at karanasan na nagpatibay sa akin bilang isang indibidual.

      salamat din sa pagdaan. naku di ako masyado maalam sa computer, pero alam ko pag click mo play sa post video ko, dito ka na mismo makakanood.

      anyhow, salamat and have a gud one kua blu!

      Reply

  21. Sows
    Sep 19, 2009 @ 11:34:24

    huwaw…

    Reply

  22. batangmangyan
    Sep 19, 2009 @ 14:52:53

    bigatin si toper. i salute you ‘tol for this one. it’s a good thing to look back at where we came from, to thank our school, our teachers – we couldn’t be at where we are right now but through them.

    looking back, i really like teachers who give you something to take home to think about aside from long homeworks🙂

    Reply

    • topexpress
      Sep 20, 2009 @ 07:04:59

      tol, ano man ang meron sa atin at ano man tyo ngayon at parte ng ating nakaraan. Looking back and paying tribute and thanking them is one of the greatest reward u can give.

      salamat muli tol. sobra appreciated!

      Reply

  23. meliza
    Sep 20, 2009 @ 07:29:45

    meliza :
    naks!iba talaga pag matalino..lalo mo ako nappaimpessed sa mga achievements mo aldo.. well anyway di parin me mgssawa na sa pagbbisita sa blog mo.im proud of u.keep it up

    Reply

  24. lovely
    Sep 20, 2009 @ 07:55:29

    huwaaa pangalawang beses ko sasabihin to una kay ate prinsesa ng drama..
    namimiss ko ang high school life..ang elematary school..na nag paiyak din sakin bago ako pumasok..

    haist..imma ka pala kuya..akala ko dito yan sa paranaque cabanatuan pala eheh..:)

    ang dami-dami talagang mangyayari sayo pag nag aaral ka..
    anjan ang saya, lungkot, hirap, basta lahat lahat na..kasama na ang pag-ibeg syempre heeh..

    Reply

    • topexpress
      Sep 21, 2009 @ 01:49:34

      Nakakamiss naman tlga ang mga panahon na natuto tayong umibig, masaktan, mas malalim na pagunawa sa salitang kaibigan, pagpapahalaga sa mga nakilala at mga karanasang humubog sa kung sino at ano tayo ngayon.

      Baunin natin ang magaganadang alala ng nakaraan at maging masayang harapin ang kasalukuyan. Wag na iyak lovely, sige sasayaw nlng ako..

      i want nobody nobody butchu! clap clap (turo baba turo baba) ^_^

      Reply

  25. mr. sleepyhead
    Sep 20, 2009 @ 08:29:42

    hello mister.. Maybe you are interested with my newest post..its about a foundation that is helping stressed teenagers,,,.

    http://wp.me/pDqV4-25

    Reply

  26. teentoinks
    Sep 20, 2009 @ 21:00:35

    Masarap balikan yung mga memories sa school, lalo sa tulad mo na halos 15years ng buhay mo naging bahagi nyan, siguro ang hirap iwanan nun parang naging comfort zone mo na, bukod sa malapit pa ang cathedral, isang takbo lang kay “bro” ok na agad mood mo.

    Reply

    • topexpress
      Sep 23, 2009 @ 11:37:52

      oo sobra! tandang tanda ko pa lahat ng memories, mula pers communion hanggang baccalaurate.

      hayyyyy….. salamat sa pagdaaan muli teentoiyoyoyoyoyooyks!

      Reply

  27. jun-g
    Sep 20, 2009 @ 23:32:58

    sabay kanta… ***hign school life o my high school life… how exciting… kay ganda…***

    daming memories ang pumasok sa aking isipan… salamat po dito…

    teka… mahanap nga sa facebook ang aking mga hs batchmates… hehehe…

    Reply

  28. Nashyboy
    Sep 21, 2009 @ 02:32:43

    wow pretty nice. You sure are pretty thankful with your alma mater. That’s nice🙂

    By the way I already replied on your previous comment on my blog you can see it here: http://lovenashyboy.blogspot.com/2009/09/patience-will-soon-be-rewarded.html

    and I posted a new blog entry as well cheers🙂

    Reply

  29. tsenn'
    Sep 21, 2009 @ 07:52:56

    tama, isang malaking part ng character ng isang tao ang kanyang eskwelahang pinanggalingan. kaya super thankful ako na dun ako nagaral sa eskwelahan ko nung hayskul🙂

    waw 15 years! ang astig🙂 dapat pagnaghomecoming ka jan kuya me award ka hehe.
    natutuwa ako dun sa linya na, “Ngayon na masasabi kong isa na akong matagumpay sa larangang o kursong aking kinuha..” waaah sana ako rin pagdating ng panahon..

    Reply

  30. dlysen
    Sep 21, 2009 @ 16:56:58

    Ang sarap dalahin ng mga bagay na naging ating saligan sa buhay. Kung anu man ang mga eto, sila ang nagdala sa kalagayan mo ngayon at isang magandang BALIKTANAW.

    Reply

    • topexpress
      Sep 23, 2009 @ 11:44:53

      oo tol sarap balik alaala sa mga nakalipas na taong isa ka pang malayang mag aaral na tumatakbo sa mga palapag ng inyong eskwelahan.

      nga pla, add kita tol sa blog roll ha! salamat sa pag daan!😀

      Reply

  31. The Lady in Green Ruffles
    Sep 21, 2009 @ 23:17:40

    wow..catholic school! ehem.hehe

    Reply

  32. livingstain
    Sep 22, 2009 @ 07:04:27

    andaming comment, sikat na sikat ka na kuya… saya saya naman…

    libre mo ko…

    Reply

  33. mr. sleepyhead
    Sep 22, 2009 @ 13:52:00

    pa visit naman po ng newest post ko..hehe

    Green Minded Ka Ba??!

    http://wp.me/pDqV4-2A

    Reply

  34. flamindevil
    Sep 22, 2009 @ 21:50:41

    dumaan muli at tumingin kung may bago na ngunit wala pa. :p

    ingat lagi kuya toph. :p

    Reply

  35. livingstain
    Sep 23, 2009 @ 08:04:12

    thank you…

    Reply

  36. Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD
    Sep 23, 2009 @ 09:17:59

    congratulations po sa pagbi-base kahit di kayo pumasok sa top 5 sa aking latest post! kayo po ay pasok pa rin sa “super six” na may pinakamataas na points sa aking base awards. still undefeated, ika nga.

    http://fielsvd.wordpress.com/base-contest/

    Reply

    • topexpress
      Sep 29, 2009 @ 14:47:49

      salamat father! lately kasi iniba na din nila yung sked ko so sobrang busy ako dahil sa departures na nila ako nilagay sa erport kaya patayan ng katawan. haays!!! sana makayanan ko pa makipagbakbakan.😀

      Reply

  37. flamindevil
    Sep 25, 2009 @ 05:15:41

    opis ako kuya toph.day shift.

    dumaan lang para magpasalamat sa huling chat natin.pagtapos nun,parang napag-isip isip ako (up to now) and parang nag-iba pananaw ko sa work.naks. may ganun.haha

    tenks ulit!sorry late ko na nasagot pm mo kahapon.hindi ka na nagreply pagsagot ko. :p

    Reply

    • topexpress
      Sep 29, 2009 @ 14:48:55

      wala un! sana somehow nga nakatulong ako sau and ung tips ko para maging ganap na OFW ka na pag naalpasan mo yan!😀 apir! nood lang! its UNLIMITED!😛

      Reply

  38. Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD
    Sep 26, 2009 @ 01:47:32

    akoy dumaan para maki-group hug sa lahat ng mga andito.

    group hug!

    Reply

  39. ELIment
    Sep 29, 2009 @ 04:30:38

    batang CIC ka pala..hehe Kabayan.

    salamat sa pag-add sa link. add rin kita.

    Reply

  40. livingstain
    Sep 29, 2009 @ 04:57:07

    excuse me, padaan…

    Reply

  41. dhyoy
    Sep 29, 2009 @ 07:10:55

    weh, ayos ah tagal mong nag-aral jan… siguro kahit nakapikit ka kabisado mo na bawat sulok nyan… nakakamiss nga yan…. dami ko tuloy naalala…🙂

    Reply

  42. Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD
    Sep 29, 2009 @ 12:23:55

    grabe tope kahit di ka naka-base, ikaw pa rin ang undefeated number 1 sa ranking!

    Reply

  43. taribong
    Sep 30, 2009 @ 12:22:29

    congrats, topexpress hehehehe. Hindi ka matinag sa base awards na may taguan pung…

    Reply

    • topexpress
      Sep 30, 2009 @ 18:24:13

      ahahahhha naku namen… matinik ako sa taguan pung! gabi na di pa ako makta ng kalaro ko. ahahahahahah hindi naman tsamba lang! ahehehee ikaw nga grabe buhos ng blessings sau kahapon ahehehe base na sa post base pa sa text ahahahah ayos! apir!

      salamat sa pagdaan! ahjehhehe blog ka na daliiii😛

      Reply

  44. pinkdiaries
    Oct 01, 2009 @ 02:28:34

    pare salamat sa pag bisita sa blog ko!

    napabisita lang din! ingat pare!🙂

    Reply

  45. jason
    Oct 01, 2009 @ 05:12:57

    sana di pa ko late kuya TOP???

    loyal nga umabot ba naman ng 15 years!
    walang late at absent? LOYALTY Awardee yun diba
    hehe

    nakakamiss nga ang pinakaunang school.
    ako kasi naka 5 schools hehehe
    palipat lipat kami ng bahay.

    taos 3 years old ako unang ng nursery. AMBATA! haha
    kamusta na kuya TOP?

    Reply

  46. jason
    Oct 01, 2009 @ 05:13:56

    Patumbling muna
    at pahagis ng umaapoy na baton

    Reply

  47. .poOt!
    Oct 01, 2009 @ 13:17:12

    boom. boom. boom. boom. (pow)

    weh. talo ko si hamster. ako meron kasamang banda. *sabay sabit ng banderitas*

    hahaha. patambay kuya tope. may kape ba dyan?

    Reply

  48. Sows
    Oct 02, 2009 @ 07:53:27

    hehe…ang kukulet ng mga koments ditow…$,$

    Reply

  49. ricodebuco
    Oct 02, 2009 @ 08:24:21

    ganda nung video dude.naalala ko din ung skul ko dati at pagiging buhay estudyante. lalo na ngaun at working na ko…

    galing galing nakakaantig nakaadd ka n din sa blogroll ko pre.tnx ng mrmi

    Reply

    • topexpress
      Oct 02, 2009 @ 15:13:24

      salamat tol. nakakamiss tlga ang buhay estudyante kasi duon mo naranasan halos lahat ng kapilyuhan. haaaay!!! apir na nga lang tayo nakaka lungkot eh!

      APIR!😀 salamat sa pag add bro! godbless

      Reply

  50. Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD
    Oct 02, 2009 @ 16:47:36

    good morning (na) tope!

    namamayagpag ka pa rin sa ranking!undefeated pa rin. 430 na ang points mo!

    Reply

  51. p0kw4ng
    Oct 03, 2009 @ 09:02:16

    naalala ko tuloy yung kasabihan dati pag bagong pasukan….bago ang lapis..bago ang papel..bago ang bag..bago ang sapatos…bago bobo!! hehehe

    kakatats balikan ang alaala ng school no?

    Reply

  52. boypulubi
    Oct 03, 2009 @ 21:09:08

    Siyanga pala tol.
    Sana ayos lang ang pamilya mo sa Pinas.
    Ingat.

    Reply

  53. jason
    Oct 04, 2009 @ 01:17:20

    naalala ko lang sa school na ginawa ko ay nanaksak ako ng lapis dahil inaasar ako na iyaken at pikon.

    ayun napikon ako.

    Reply

  54. taga-bundok
    Oct 04, 2009 @ 15:38:28

    ahem! ahem! kuya tope patambay saglit. haha^^ miss ko mag-aral nung hayzkul kasi matino pa ako nun. nung college days, hmmnnn… nasira na ulo ko.

    ang kukulet ng mga usapan dito ah.🙂 ui, hamster at least pikon ka lang di iyaken. o umiyak ka pagkatapos nun? hmmnn…

    Reply

  55. Jan Tristan Ramos
    Oct 04, 2009 @ 18:16:52

    Thank topher for that very nice comment. I enjoy reading your entries in as much as you’ve enjoyed reading mine. Every letter that you type in reflects every ounce of your persona i.e. full of life and humor. Continue to write, inspire and make us laugh. Kudos!

    Reply

  56. Fr. Felmar Castrodes
    Oct 09, 2009 @ 06:39:30

    tope, you are still the undefeated number 1!

    Reply

  57. siyetehan
    Oct 15, 2009 @ 08:56:14

    CI graduate si utol ko (sa CLSU kasi ako nag high school). anyway, it is always good to look back and remember those good ‘ol days in nueva ecija. namiss ko tuloy biglang umuwi.
    😀

    Reply

  58. Prince Monsour Abraham
    Oct 16, 2009 @ 21:51:22

    Another wow na naman ito ah! Amazing!Gagawaran kita ng “Most outstanding student leader of the year este most loyalty award goes to my gorgeous friend…

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: