UTOL

1_823245065lPangalawa ako sa aming tatlong magkakapatid. Si Bigger Bro, ako si Big Bro at si Litol sis. Masasabi ko na isa na yata ako sa pinaka maswerte na “dikong” sa amin. Bukod sa magkaroon ng mapagmahal at mapag arugang ina ay biniyayaaan pa ako ng dalawang makukulet at magugulang mababait na kapatid.😀

Si “KUYA” – hindi ko tlga masyado kasundo nung maliliit pa kami si bigger bro, naaalala ko pa, halos mamula na sa galit si kuya sa akin sa kakaturo ng kulay bago ang araw ng aking unang pagsubok sa paaralan para maka pag enroll sa kinder. Hindi ko kasi matandaan ang kulay na “pink” at madalas sa tuwing tatanungin ako ang sagot ko ay “makopa”😛 weh tlga naman! Ano ba kasi kulay ng makopa?! Pero sa mga batok at pabulyaw na pagtuturo ni kuya natuto ako. Madami kaming pinagkakasunduan ni kuya at hilig na bagay… NAalala ko pa ang paborito namin na chicherya: si kuya – chippy ako naman – cheese it! Si kuya mahilig sa coke eh ako mahilig sa sprite… penyepel juice kay kuya, sa akin naman sagot gulaman pagbibili ng samalamig sa labas ng school. Haaaaaaayyy! Dami naming pagkakahawig diba? Wahehehehe

1_405216849l

Si kuya din ang nagturo sa akin na mag bike. Di siya nagsawa sa kakaturo sa akin at di nia ako pinabayaan hanggat di ako nagagalusan at magsemplang natututo na mag bisikleta. Usong uso kasi nuon un! Nang ibili nga kami ni nanay ng bike kay kuya blue, ang sa akin ay red. Halos mamuti na nunal ni nanay sa kaka abang sa amin sa gate kasi gabi na wala pa kami aheheheh kakabike, nakakarating kasi kami sa ikatlong bayan mula sa amin Sta Rosa –  ang bayan ni boni.😀 kahit napapalo kami ni kuya, pagpasok sa kwarto namin ay tatawa lang kami at hindi alintana ang sakit ng palo ni nanay sa pwet. Alam naman namin na iyon ay palo ng pagmamahal at pagdidisiplina ng isang mapagarugang ina.

Hindi ko makalimutan ang paglalambingan naming ni kuya. Pinipilantik nia ako ng baril-barilan na ang bala ay saresa, ako naman ang pagsumpit sa kanya ng munggo o bigas😛 diba ang sweet namin?! Ang pagsusuntukan naming ni kuya at pag wrewrestling pag nagaaway pero sempre pag natatalo na ako iiyak ako at sabay sumbong ke nanay. Ahahahahah naalala ko si kuya kung maka iyak pag pinalo na ni nanay at ang sama ng tingin sa akin eh ako naman didilaan ko lang sia belat! Ahahah

DSC00302

SI bunsoy, haaaaaaaaaaaayyy!! My litol sis! Kung sino pa babae sia pa ang pasaway! Ahahahah Si bunso ang masasabi ko na sobrang joker sa aming lahat. Sobrang kalog at napaka buhay magkwento. Napakasarap balikan ng nakaraan pag siya ang nagbibida. Natatawa tuloy ako habang ginagawa ko ang blog ko na to! Putek!😛

Bung-ge ang tawag ko sa kanya nung maliit pa sia, por obyus reason dahil walang mapaglagyan at parang kakambal na nia ang mga cavities at tooth decay nung bata pa siya.Si bunso ang parang bespren ko sa amin. Madali kasi utuin ahehe siguro dahil ako na din nagalaga sa kanya at maka dikong tlga sia kesa sa kuya. Ako unang naka alam sino ang pers crush nia, hindi ko maiiwasang di matawa sa tuwing maaalala ko nung 3 yrs old pa lang sia at minsan kinukutuhan ko siya habang sia naman ay sabay pandahaw ng iyak at sabi “weh bakit mo kinukuha kuto ko, akin yan eh huhuhuhuhu” ahahahah putek! Hang damot! Akala nia gusto ko kuto niya kaya kinukuha ko ahahahah putek tlga!

Para siyang videoke machine nung araw o jukebox! Itayo mo lang yan sa mesa sabay bigay ng pera kakanta na yan! Matudnila o kahit awit ni Paul Anka nak ng teteng alam niya! Sempre the bigger the money o token u give the longer she sings. Ahahahaha o diba bata pa lang nakikitaan mo na ng pagiging business minded ang bunsoy ko! Lolz😛

Ako din ang unang kasama niya nung unang bisita mens niya, wahahahah ang saya nun! Nagdadasal kami sa katedral nang bagulat ako sa kanya dahil mula sa taimtim na pagdadasal ay biglang nanlaki mata nia at natakot sabay akap sa akin. Nagtuturuan pa kami at halos iyakan nia ako na ako na daw bumili ng pads dahil nahihiya sia weh ibig kong batukan at sabihin na weh ako ba tingin mo hindi mahihiya. Toinks! ANg sarap ng feeling at balikan at lalo ng pakiramdam na nasubaybayan mo ang paglaki at buhay ng mga taong mahal mo.

 

1_328059644l

1_997816815l

  At ngayon na halos 5 taon na akong nangingibang bayan, sobrang miss na miss ko na ang aking mga kapatid at pamilya. Madami na din akong eksenang di nasubaybayan sa teleserye ng aming pamilya. Nakakamiss maging parte ng buhay nila at gayun din sila bilang parte ng bawat eksenang nagaganap sa buhay ko ngayon.

Nakakatuwang isipin na mula sa pamilyang hindi nakadama ng pagmamahal ng isang tunay na ama ay uusbong ang pagmamahalan at disiplina lalo na sa aming dalawang lalake sa pamilya. Kapag nangailangan si kuya at nanghina, nandun si dikong para sumuporta at makinig sa problema. At si bunsoy na laging handang magpatawa at magbalik ng mga ngiti sa oras ng kalungkutan.

Haaaay! tagay nga ng gin jan! :D*

At sa pinakamamahal kong mga UTOL na tinamaan ng magaling!

HAPPY BIRTHDAY KUYA (October 2) and BUNSOY (October 11)!!!

kampay para inyong kaarawan!

***************************
kaya sa mga utol ko, kung mabasa nyo man ‘to. gusto kong ipaalam sa’yo na mahal na mahal ko kayo. Sobrang proud ako sa inyong dalawa at sa ating pamilya. Maulit man ang buhay ko kayo paren pipiliin kong maging utols. nakanaman! pa cheesy pizza naman jan!

I LOVE U KUYA at BUNSO! SOBRANG MISS ko na kayo! Labyu NAY!

 1_746686217l

Realization:

“Sometimes being a brother is even better than being a superhero. “

99 Comments (+add yours?)

  1. sows
    Oct 10, 2009 @ 10:21:59

    sows! beys ako! whoooot whoooot! $,$

    anung prize? teka teka basa muna…LOL

    Reply

  2. sows
    Oct 10, 2009 @ 10:27:29

    wow, touching post..kakaiyak..at impernez ganda ng lahi nio! sows…

    paampon..anu b feeling ng my kuya? -,-

    Reply

    • topexpress
      Oct 13, 2009 @ 01:52:15

      hmmm… feeeling ng may kuya? aheheheh MAsaya na, Magulo, Riot! aeheheheh

      Masarap magka kuya though di nmn tlga naiiwasan ang alitan sa magkakapatid. Ang pagtanggap at pag intindi ng lubos sa mga taong mahal mo sa buhay ay isa sa mga bagay na di natin dapat iwaglit habang nabubuhay tayo. Pamilya ang dapat mauna sa prioridad natin.😀 salamat sows!

      Reply

      • sows
        Oct 14, 2009 @ 07:21:24

        no worries kuya topexpress! tama, pamilya ang dapat unahin..kc mawla ng lahat ng kybgan mo s mundo, wlng ibng magmamahal at susuporta sten bandang huli kundi pamilya eh.. oha oha..🙂

        nga pla binoto ko kau ni kuya boni at rye sa expat blog awards..astig ng pics nio dun ah pang taartits! whoooot whooot!😆

  3. superlolongpinoy
    Oct 11, 2009 @ 00:59:32

    2nd beys. Padaan ulit. Nakakainggit kayo. Kami kasi apat na lalaki, walang sis. Yung ‘bisita’ ang wala talaga kaming ekspiriens. Ako ang panganay, kaya all-the-way ako ang alaga sa kanila. Ramdam ko yung pagka-miss mo sa kanila.

    Reply

    • topexpress
      Oct 13, 2009 @ 04:09:25

      ey superlolo! aheheh salamat ng madami sa pag dalaw sa aking munting bahay. Naku! basta naglalaro lang tayo sa bahay ni padre ayos na! nakaka aliw kasi ahehehe! may the best blogger and early base blogger ahhaahah win! aheheh

      apir! naka add ka na sa link ko po!😀

      Reply

  4. taribong
    Oct 11, 2009 @ 05:02:47

    Third base hehehehe. Sa baseball noong elementary, parati akong third base man. May pagkakahalintulad din pala tayo dahil pangalawa ako sa tatlong barako hehehehe. Pareho din ang pagkakaiba ng taste natin sa ating mga kuya (chippy- cheese-it, coke-sprite). Ang aming bunso noong maliit pa siya ay pareho ding bungi katulad ng bunso ninyo hehehe
    Alam ko, labs na labs at miss na miss ka na rin ng iyong family. Ingatz ka lagi…
    ((Di bale, itatagayan na lang kita ng gin heheheh))

    Reply

    • topexpress
      Oct 13, 2009 @ 04:10:31

      yehey! pati si taribong napadpad na din dito! yahooo kasaya!

      salamat sa pagdalaw at pag tagay sa akin ng GIN! ahahahah!

      add kita sa blog roll ko ha!

      Reply

      • taribong
        Oct 14, 2009 @ 17:05:17

        Congrats nga pala sa pagiging nominee sa 2009 Pinoy Expats Blog Awards!!!

        Keep it up! Sana tuloy-tuloy ang pag-akyat mo sa top ten… (kasi topexpress ka heheheehee)

        Yeheyyyy!!! Apir!

  5. Akrebley
    Oct 11, 2009 @ 13:21:37

    4th base, sigurado nami-miss ka na rin ng mga kapatid mo. Ako nga probinsiya lang ang layo pero nami-miss ng mga kapatid ko, ikaw pa kaya at ibang bansa.

    Padaan sa lungga mo. Hehehe.

    Reply

    • topexpress
      Oct 13, 2009 @ 04:15:57

      aheheh salamat sa pag daan dito sa lungga ko.😀

      oo nakakamiss sila lalo na pag nag aasaran kami (lambing lang naman un!) ahehehe i guess constant communication at texting lang solb na ako. thru the power of chikka ahaheheheheh at SMART ROAMING!😛

      add kita sa blog roll ko ha!😀

      Reply

  6. batangmangyan
    Oct 11, 2009 @ 14:20:59

    sarap ng samahan…. salamat sa ating mga kapatid – to the ouside world we all grow old – but not to our brothers and sisters🙂 we know each other as we always were. we share funny stories, we share secrets. we remember differences, sorrows and happiness — we know each other’s hearts.

    lagi nating mahalin at pasalamatan ang ating pamilya🙂

    nice post bro🙂

    Reply

    • topexpress
      Oct 13, 2009 @ 04:34:39

      hayun noh! ganda ng sinabi mo tol. ano na nga un? aheheh lolz

      i agree sa sinabi mo na we have to appreciate everytime ang family natin and thank them at all times.

      salamat sa pagdaan kapatid! hay payb!😀

      Reply

  7. bonistation
    Oct 11, 2009 @ 15:12:54

    haha si kuya ceasar na nakasama ko pang magwork sa abenson! ^^ sobrang bait at talagang maasahan, sya ung isa sa mga nag turo sakin sa sales dahil bago palang ako nun! =)

    sarap alalahanin ang kabataan! uso talaga ang bike nun! bigaten na pag may bisikleta hehe!!

    try ko dumalaw sa kanila pag uwi pinas..

    Reply

    • topexpress
      Oct 13, 2009 @ 04:39:08

      oo tol, bigaten ka na pag may bike ka! astigin baga! ahehehehe alam mo ba na nakarating kami ni kuya dati sa sta rosa kaka bike lang kaso sa sumacab ung dinaanan namin ahehehe!

      so trainee ka pla ni kuya dati sa abenson! ahehehe oo bait un strikto lang! aheheheh

      weh ung baril barilan na may saresang bala? aheheh sarap laruin nun! aheheh

      nakakamiss tuloy kumain ng saresa. ingat pag balik sa pinas! enjoy ur vacation tol.😀

      Reply

  8. Jorge
    Oct 12, 2009 @ 03:38:46

    Huwaw!! Happy family ito!!

    nde na ako magtataka kung san ka nagmana! toinks! hahhaha!!

    uso ang pagrereflect sa mga pamilya ngaun ah! hmmm..

    Reply

    • topexpress
      Oct 13, 2009 @ 06:57:49

      ahahaha yes naman pare koi! naka namen! aheheh ganun sana mga banat.😛

      ayos, matutuwa si nanay sayo bro, ililibre ka nun ng shanghai at tukneneng na tinda nia. aheheh

      salamat tol.😀

      Reply

  9. pam
    Oct 12, 2009 @ 07:23:38

    just dropping by. i happen to read this post and it made me feel like, sana i also have the same bond like you and your siblings. though i have my closest naman sa magkakapatid, iba pa din siguo kung lahat kayo solid. hai. ^_^

    Reply

    • topexpress
      Oct 15, 2009 @ 00:45:52

      Salamat Pam. Its not yet too late. Kami di naman agad tlga na sobrang close. May mga alitan din kami before. There are even times na sobrang nagkagalit kami and good thing lang naayos namin in the later part.

      “Its worth to try than to loose the chance.”

      Salamat sa pagdaan sa bahay ko.😀 add kita sa blog roll ko.🙂

      Reply

  10. Leonp.v
    Oct 12, 2009 @ 10:01:22

    Sarap ng samahan nyo nakakatuwa ding malaman na nagagawa mong ipakita sa kanila ang pagmamahal mo kahit malayo ka sa kanila.

    Belated happy birthday sa mga kapatid mo.

    Masarap talaga ang may kapatid lalo’t magkakasundo ang lahat at walang awayan sa mana hehehe.

    Ingat!

    Reply

    • topexpress
      Oct 15, 2009 @ 04:21:56

      Salamat kuya leon.🙂 i guess distance will be a barrier once we look at it as really it is, pero once na we do our best to communicate and let them feel na mahal natin sila, walang imposible.

      mana ba kamo? naku! agawan kami ng mana kuya… “kamote sa bakuran namin ang mana namin eh.”😀 toinks!

      kudos!

      Reply

  11. jason
    Oct 13, 2009 @ 02:53:12

    huwaw, sigurado kuya top matutuwa sila litol sis at bigger bro kapag nabasa nila ito..

    OO masaya magkaroon ng kapatid. lalo na magkaroon ng kuya

    kuya- na titingin sayo, aalagaan ka, tatanungin kung kumain ka na ba, poprotekta sayo, yayakap at tatapik sa likod mo, maiiyakan mo at masasandalan mo..
    o-ha!!

    kaya thankful ako may kuya ako.

    Reply

  12. eli
    Oct 13, 2009 @ 06:54:16

    mukhang masaya ang samahan yong magkakapatid.

    talaga naman. hindi ka lang pang blog, pang pamilya pa! hehe

    Reply

  13. eli
    Oct 13, 2009 @ 06:54:38

    mukhang masaya ang samahan yong magkakapatid.

    talaga naman. hindi ka lang pang blog, pang pamilya pa! hehe

    sigurado matutuwa sila kapag nabasa to.

    Reply

  14. livingstain
    Oct 13, 2009 @ 09:31:39

    ayyyy wala akong kuya…

    Reply

  15. boypulubi
    Oct 13, 2009 @ 21:53:40

    TOL, musta na?

    Kakatuwa nga ang may mga kapatid. Magulo, may awayan may kasayahan. Kapag tumatanda na kayo at nagkakahiwalay parang nakaka-miss ang dati ninyong mga samahan sa kabila ng lahat. Pero siyempre minsan gaya ng sa iyo, mahirap dahil malayo ka.

    Ingat TOL.

    Reply

    • topexpress
      Oct 19, 2009 @ 23:19:27

      uy! musta na kuya boy?! oo magulo pero masaya ang buhay ng pamilya at magkakapatid.😀 ung away parte lang ng lambingan ng magkakapatid un. ahehe

      ingat din po. penge pela!?😛

      Reply

  16. Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD
    Oct 14, 2009 @ 17:09:17

    how touching, how goldilocks!

    pansin ko lang sa picture: kape at gatas kayo ng kuya mo…hehe.

    mabuti na may mga family pictures kayo. narealize ko kasi na while magkasama pa ang pamilya, dapat may picture talaga ung moments nyo together, kasi ngayon, sa pamilya namin, mahirap na kami igather para sa isang family picture. ung utol ko nasa manila, ako nasa zamboanga, the rest nasa davao. kaya, cherish each moments together…

    Reply

    • topexpress
      Oct 19, 2009 @ 23:45:02

      ahhahahah how how de carabao! father! ahehehe

      naku eh ang pamilya ko ko ay cappuccino.😛😀

      eh nadala lang po sguro ng hangin galing sa saudi yang puti ko.😀 tsaka si kuya po kasi field ang work eh.

      father di pa huli ang lahat, so ano pa hintay tamang oagkakataon lang at tyempo. kodakan na! otherwise…😀 ano ginagawa ng makabagong panahon….

      hmmm father pwede ko pa bakita ang pics ng member of ur pamily?😀

      salamat pads!

      Reply

  17. kaye
    Oct 15, 2009 @ 01:21:34

    awww… very funny, but also very heartwarming. damang dama ko ang pride mo sa iyong mga kapatid. ganun talaga pag bata away ng away pero pag nagsilakihan at nagkaron ng sariling buhay, nagiging sobrang close din.

    maswerte ang inyong bunso dahil sa mga mapagmahal na kuya.

    happy birthday sa iyong mga kapatid!

    Reply

  18. elysplanet
    Oct 15, 2009 @ 03:47:04

    Galing naman. Sweet. Anyways, I voted for you already!

    Reply

  19. dhyoy
    Oct 15, 2009 @ 09:14:49

    gusto ko rin magkaroong ng kuya… (tears)

    Reply

  20. Sows
    Oct 15, 2009 @ 11:17:59

    musta?😆

    Reply

  21. joycee
    Oct 15, 2009 @ 14:48:30

    Awww answet niyu naman magkakapatid, gustu ku din may Kuya wahhehe.

    Reply

  22. LIFE Moto
    Oct 16, 2009 @ 05:33:51

    NIce siblings you have there bro. Kahit na anuman ang mga differences natin sa ating mga kapatid ay kapatid pa rin ika nga blood is sticker than water.

    Sana hindi magbago ang pagtitinginan nyong magkakapatid. Lalo na kung mayo ay may kani kanyng family. God bless you guys.

    Add KA na sa blogroll ko kapatid!

    Reply

  23. hisnameisdencios
    Oct 16, 2009 @ 07:30:40

    katuwa ito.

    alam mo parang kame kayo. ang daming similarities e. nakakamiss tlga hano? lalo kung ganyan ang klase ng samahan e piktyur p lng parang ok n ok n kayo e.🙂

    puro mga artistahin!

    Reply

    • topexpress
      Oct 23, 2009 @ 01:42:35

      ayun noh! ang isang artistahin sa blog world nagcomment na din! ahehehe

      tol naku eh paanong di kami magiging ok sa picture eh lahat kami bwakaw sa peyturs!ahaahahaha pose one two tri… click!
      😀 salamat namen jan sa papuri😀 😛 nahiya ako ayiieeeeeee

      Reply

  24. Prince Monsour Abraham
    Oct 16, 2009 @ 21:16:50

    Hi…I voted for you mah sweet friend…Buti ka pa mahal ka ng mga kapatid mo.
    Good luck!
    God speed!

    Reply

  25. timangkey
    Oct 17, 2009 @ 08:34:39

    hay…

    ansaya siguro ng me kapatid…

    magisa lang akong anak, kaya hindi ko naranasan me mga ganyan.

    kaya din siguro naging timang kasi pilit inaaliw ang sarili dahil madalas mag isa at nag iisip.

    sana me kapatid din ako.

    Reply

  26. blurosebluguy
    Oct 18, 2009 @ 17:47:59

    HAPI FAMILY….ang tawag sa inyo…halata sa kwento mo….kami tatlo rin…ako ang kua…sunod isa pang lalaki (UK) at ang bunso ..babae (CANADA)….ako dito sa ITALYA…kalat-kalat….sa iba’t-ibang panig ng mundo…buti na lang may facebook at ym…text at call….
    wish ko lang magkasabay-sabay kaming umuwi next time….

    Reply

    • topexpress
      Oct 30, 2009 @ 18:10:58

      waaahhh salamat kuya blu!😀 nakanaman! ahehehe san sa canada ung sis mo?

      naku wag ka suko, pagusapan nio ang araw na magsasama sama kau reunion for christmas kuya! sarap un!😀

      Reply

  27. taga-bundok
    Oct 20, 2009 @ 01:16:35

    waaaaaaaa… ayaw ko man pero, nangingilid ang luha habang nagbabasa, may kurot sa puso. asar, haha! di kasi kami close ng kuya ko. tatlo rin kaming magkapatid, si kuya (sa bahrain), ako (sa kuwait) at yung bunsong babae (sa dubai)… at si nanay naiwan sa ‘Pinas, si tatay… malay ko. ahem… nakarelate ako. haha!

    anyway, masarap sariwain ang mga panahon na may pinagsamahan kayo… nakakalungkot lang para sa iba kasi kaka-unti lang nag maaaring balikang ala-ala. gayunpaman, kuya tope isa kang ehemplo. dahil sa post mo, magsusumikap akong makipag-ayos sa kuya ko (sa bunso lang kasi ako close kahit hindi kami lumaki magkaka-sama).

    Reply

    • topexpress
      Oct 31, 2009 @ 15:52:10

      wow! mukhang pareho ang guhit ng talampakan natin tol😀 toinks!

      salamat sa pag daan at gayun din ako ay nagagalak na ikaw ay na inspired sa munting entry ko na ito. Muli, umaaasa ako na sa takdang panahon ay magkaka ayos at magigiing supah dupah close din kau ng kuya mo😀

      kampay!😛

      Reply

  28. jun-g
    Oct 21, 2009 @ 06:36:04

    la lang… di ako makarelate… nanginginggit lang kayo… hmp!

    pero kakatuwa tingan ang relasyon nyong magkakapatid. galing!

    said a special prayer for you and your siblings.

    Reply

  29. livingstain
    Oct 22, 2009 @ 05:29:53

    kumusta

    Reply

  30. Ax
    Oct 22, 2009 @ 10:21:02

    Huwaw, sobrang sweet ng pagkakakwento! Haha, dami niyo ngang similarities ni Big bro! Yawts. Ako rin, pinapaiyak ako ng kuya ko ng mga bata pa kami! Lagi nga akong kawawa kase ako yung bunso! Pero okay lang yown! Haha. Naging mabait na rin si kuya habang lumalaki ako! Nung high school ako, suportado niya na ako sa lahat ng ginagawa ko! Tahimik lang si kuya. Ako yung madaldal at buong buhay namin magkasama kami sa kwarto. Kaso nung nagcollege siya, sa Baguio na siya nag-aral kaya ayun. Hindi kami magkasama. Tuwing bakasyon lang siya nakakauwi! Teka, gusto ko yung pagkaspell ng penyepel juice!

    At ang sister ko rin ang pinakakwela magkwento. ang ingay nown! wala na nga minsan na pupapansin sa kanya, eh, kwento pa rin ng kwento! ganun nga siguro yung mga babaeng kapatid. kahit anong kwento ikwekwento nila! with actions pa minsan! at ang dami nilang expressions na ginagamit!

    Kahit late, Happy Birthday pa rin sa mga Utol mo Kuya Topher! Naging busy ako these past few days kaya di ako masyado nakakapagblog hop! Hehe.

    Teka, sa’yo ba yung quote na nilagay mo sa pinakababa ng post mo? Aw. Natuwa talaga ako dun! Sobrang natuwa ako dun!

    “Sometimes being a brother is even better than being a superhero. “

    Reply

  31. tsenn`
    Oct 22, 2009 @ 10:27:39

    cheese it din ako! hehe. agree po ako dun sa pink. nakanaman. bakit kasi itinuturo an ang pink e kindergarten pa lang?? di ba dapat ung 8 colors pa ang. tsktsk.

    happy birthday po sa kanila! kampai!🙂

    Reply

    • topexpress
      Oct 31, 2009 @ 15:58:37

      aheheh sarap kasi cheese it haneh😛 kasi nga naman ewan ko ba ke kuya at ke nanay aba eh alam ko lang nun eh primary putek! pero himpernes, natanong ako ng color na pink nung exam ko na!😀 good job!

      Reply

  32. jason
    Oct 24, 2009 @ 05:46:42

    huwaw… kuya top!
    kamusta na!!

    nagbalik ka na??

    yung hamster na ano? hahahha

    Reply

  33. TSI
    Oct 24, 2009 @ 16:28:56

    Great..supa dupa close talaga tsk pinagpala talaga..hehe stay close and goodluck sa PEBA! ^_@

    Reply

  34. KINGhardinero
    Oct 25, 2009 @ 09:31:19

    Hi Topex! Natuwa ako sa entry mo ah. Namiss ko din tuloy ang kuya ko. Hayaan mo, malapit na akong bumalik sa mga entries ko. Medyo silent mode muna this time kasi namamahinga lang, hehehe! Regards!

    Reply

    • topexpress
      Oct 30, 2009 @ 17:46:41

      ahehehe! salamat naman at natuwa ka sa entry ko na to. nakakamiss tlga ang pamilya lalo kung malayo kau sa isat isa at angbonding ay ganun din.

      sige balik ka na kasi sa blogging! nowwwwwwwwwwwww na!

      Reply

  35. meliza catedral
    Oct 25, 2009 @ 19:28:19

    naks! ang ganda ng samahan nyong mgkkapatid at saka family pic..at mgganda ang mga lahi nyo..heeheh!pareho pala tau pangalawa..ako wala akong kasundo sa aming mgkkapatid kasi iba ako.. kasi cla mattalino.. di ko kaya ang mga tagisan ng talino nila nung bata pa kami..mga scholar ng bayan mga kapatid..sana ako rin may kuya ako tulad ng ng sis mo na kagaya nyo..wahaha
    anyways ang sweet nyong mkkapatid and kkatuwa ang kuwento ng pamilya mo..
    uy nabanngit ata ang apelyido ko ah. catherdal church..ako pala mayari nyan.. toinks!
    well massabi ko is proud cl sa iyo kasi may kapatid clang tulad mo na mabait at masipag

    Reply

  36. night crawler
    Oct 27, 2009 @ 13:30:54

    napadad sa iyong blog parekoy. nakakatuwa naman ang bonding niyo ng mga kapatid mo. parang kami lang ng ate ko, nung una galit-galit sa akin pero di rin ako natiis nung nag-college na ako. wahaha. ayos ang blog mo parekoy.. pabasa pa ng ibang posts ah. nga pala… bertday ko pala nung sinulat to. haha. pa-epal lang. ayos😛

    Reply

  37. lhen
    Oct 28, 2009 @ 09:47:40

    kakatuwa kayo tignang magkakapatid talaga may malalim na bonding lage…. 🙂

    ndi kayo magkamukha ng utol mong lalake….🙂

    Reply

  38. roomboy1987
    Oct 29, 2009 @ 15:11:56

    ang haba ng dila ng kuya mo
    hahahaha

    Reply

  39. timberboy
    Oct 31, 2009 @ 05:18:47

    Nice!

    Dalawa lang kaming magkapatid pero daig pa namin ang 10 kapag naghaharutan kami at nagaaway.
    Bunso ako at ang kapatid ko ang rason kung bakit akong lumaking retarded. Hahaha.

    Wala lang… Naaliw lang ako sa entry mo na ‘to.

    Keep ’em coming!🙂

    Reply

  40. Ax
    Oct 31, 2009 @ 05:53:29

    Happy Halloween Kuya Topher!

    Reply

  41. jason
    Oct 31, 2009 @ 07:10:55

    patambling muna dito

    teka sa sementeryo na lang ako tatambling.

    Reply

  42. taympers
    Nov 02, 2009 @ 04:40:46

    naenjoy ko ang pagbabasa… nakakamiss naman, ako naman dalawang kapatid na babaeng mas makulit pa sa akin.

    ang kyut ng kwento mo… naenjoy ko talaga. ansarap siguro pag may kapatid na lalaki.

    Reply

  43. gani
    Nov 10, 2009 @ 20:05:03

    wow! you inspired me with this blog….kuya din ako sa 2 magkapatid kaya medyo nakarelate ako sa story. close din kasi kaming magkapatid pero syempre as a part of life, hindi rin maiwasan na minsan magkaroon ng mga misunderstandings which i consider as chalenge….part of growing up eka nga………….

    keep goin man…!!!!

    Reply

  44. lababo
    Nov 10, 2009 @ 23:22:58

    ang ganda ng utol mo!!! haha.. ang sweet namang middle child. Parang gusto ko tuloy gumawa ng blog tungkol naman sa kapatid ko din, though nagkikita naman kami every week.
    bagong tambay po… c”,)

    Reply

    • topexpress
      Nov 11, 2009 @ 18:12:46

      uy salamat tol sa pagdalaw at welcome sa makabagong tambayan, ang mundo ng blogosperyo😀

      Sulat lang ng sulat tol. add na kita sa blogroll ko.🙂

      Reply

  45. junb
    Nov 15, 2009 @ 10:42:11

    hi,
    napadaan lang po… naki-usyoso…
    pero di ako nag sisi na dumaan, meron akong natuklasang magandang karanasan ng buhay at isang mabuti at may bait na kapatid at anak.
    Pagpalain ka ng Diyos… sana’y dumami ang iyong lahi….

    Reply

  46. J.Kulisap
    Nov 23, 2009 @ 04:36:56

    Hi tupe, tinamad ka na yatang gumawa ng artikulo?

    Walang inspirasyon?

    Hindi makapa o walang oras.

    Ingat, ingat tol.

    Reply

  47. donster
    Dec 14, 2009 @ 21:50:46

    Ang galing!! Laglagan ng kapatid wahahaha jowk

    namiss ko din mga kapatid ko jejeje ganito din kami noon mamaya rumble tapos mamaya naman me iiyak kac masasaktan tapos bati na mamaya hehehehe

    Ngayon magkakalayo na kami ako dito sa mindanao, cla naman luzon pero alam ko namimiss nila ako wahahahaha cla me pamilya na ako wala pa jijijiji etc etc

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: