Puso ng Pasko

Ilang oras o sandali nalamang ay magsisimula na ang isa sa mga hudyat na nalalapit na tlga ang kapasukuhan. Ito ay ang simbang gabi. Natatandaan ko nung bata pa ako, ang laging bigkas ng nanay ay dapat daw makumpleto ang pagsisimba sa loob ng 9 na gabi, ito ay upang magkaroon ng pagkakataon na makahiling ng isa at ito ay ipagkakaloob. Nakalakhan ko ang ugali at paniniwalang ito at patuloy ko itong dinadala kahit na ako ay nakapagtratrabaho na. Ang sarap ng pakiramdam tuwing kapaskuhan, masasabi ko na ito ang pinaka paborito kong panon sa buong taon.

Ang makukulay at nagliliwanag na daan sa edsa o mga kalsada, mga nag-gagandahang palamuti sa mga naglalakihang mall, walang humpay na himig pasko mula sa radio, puto bumbong, bibingka at lalo na ang simoy ng hangin tuwing pasko. Iilan lamang ito sa mga bagay na aking mamimiss ngayong pasko, ito ay dahil sa taong ito, mapalad ako at ipinagkaloob sa akin ni “BRO” ang maapagtrabaho sa bansang binabalot ng nyebe o yelo tuwing pasko, ito ang unang “White Christmas” experience ko ika nga!

Masasabi ko na “birhen” pa ako sa paskong may yelo, kaya kakaibang karanasan naman ito para sa akin at sempre, kasama si pareng cyber sony, inenjoy ko ang aking pers taym.

Naranasan kong maglaro habang umuulan ng yelo (nyebe)

 Magpala pagkatapos umulan ng malakas na yelo.

tikman ang yelo (ahihihihi) 😛 walang lasa!

at ang pag aayos ng tunay na puno para gawing christmas tree.

Nakakatuwang maranasan ag kung ano nga ba ang pagkakaiba ng “White Christmas” sa “Pinoy Christmas”. Masasabi ko na ang tanging pagkakaiba ng dalawang bansa sa pagsalubong sa kapaskuhan ay: “NYEBE” at “PUSO ng PASKO”. Ang bawat tao ay may kanya kanyang kahulugan o interpretasyon kung ano ang tunay na pasko. Nakakatuwang isipin at makita na hindi alintana ang mga tao dito kung meron man o walang dekorasyon sa bahay bagkus abala ang lahat sa pagbili at pagbibigay o pagbabahagi sa bawat isa lalo na sa mga kapos o salat sa yaman na Canadian.

Sa ating bansa, Paskong makulay na kalsada, masasarap na pagkain sa lamesa gaya ng hamon, queso, lechon, at sangkaterbang regalo ang pasko para sa buhay may kaya. Samantalang, paskong may krismas tree na gawa sa lata, paglimos sa kalsada, pagbabanat ng buto gabi man o umaga makaraos lang at kumita para sa naghihirap na pamilya. Maswerte na ang may pagsaluhan na noche buenang tuyo sa lamesa. Ito naman ang pasko para sa naghihirap na masa.

Bilib ako sa tunay na paksong pinoy, kahit na mahirap o sa kahit na anong sitwasyon meron tayo, pilit at patuloy nating itinatauyod ang kapaskuhan mapa may kaya man o mahirap, lalo na sa panahong ito na dumaranas tayo ng pandaigdigang kahirapan. Higit sa lahat ang tunay na pasko sa Pilipino ay ang pag-gunita sa kapanganakan ni “BRO”.

Ano man ang pasko natin, ang mahalaga ay pag-unawa at pag-ibig sa bawat isa. Ang tunay na pasko ay wala sa sarap ng nakahain sa lamesa, ito man ay mapa tuyo, hamon, lechon, sari saring prutas o keso. Ang tunay na pasko ay nasa ating puso, Ang pasko ay ang pagpapasalamat, pagbabahagi at higit sa lahat pag-ibig. Pag-ibig ang tunay na diwa ng pasko at higit sa lahat ang pag gunita sa TUNAY na kahulugan ng pasko, si “BRO”. Hindi ito matutumbasan ng kahit ano mang material na regalo.

Tulad ng marahang simoy ng hanging ating nilalanghap, ang pag-ibig ay para sa lahat, at magmumula sa lahat. Damhin ang tunay na diwa ng pasko. Ang pasko ay para sa mundo. Minsan hirap tayong paniwalaan ang mga bagay at kailangan pa nating makita ito, bago natin paniwalaan at maunawaan. Hindi man natin nakikita si “BRO” ang paniniwala nating siya ang tunay na PASKO. Ito ay tatak ng tunay na paskong Pilipino.

“Seeing is not Believing, Believing is Seeing!”

Isang Maligayang Pasko mula sa akin at aking pamilya!

-= Topexpress =-

Babae ng Buhay ko!

 Halos mag iisang taon na ang nakalipas nang akin lisanin ang aking bayan at muling iwan ang aking mahal na ina, kapatid at pamilya. Hindi ko masabi na sanay na ako sa pagiging malayo ko sa pamilya ko, dahil apat na taon din ang nilagi ko sa gitnang silangan ngunit nakakauwi naman ako taun-taon. Gusto ko kasi lagi mag pasko sa pinas at makasama ang aking pamilya at kaibigan lalo na ang aking tinururing na matalik na kaibigan, si nanay.

Tandang tanda ko pa, hindi pa ako nagaabroad nun, laging bulaklak ang regalo namin para kay nanay, pero ganun pa man, napaka saya na ng nanay sa tuwing magiging kumpleto kami sa bahay tuwing bertdey nia. Siguro nga wala nang sasarap pa sa damdamin ng isang ina na Makita ang kanyang mga anak na kasama nia sa kaarawan nia at pinapahalaganahan ito.

Nabigyan ako ng pagkakataon nung nakaraang taon na maging punong abala sa kaunaunahang pagkakataon na mag dadaos ng isang salu salu si nanay sa loob ng mahigit na 40 taon. Ito ay ang kanyang ika 60 na kaarawan. ANg saya! Simpleng salu salo pero halos buong angkan sa mother side ko nandun, nagsilbing reunion na nila un.

 

Kahit na wala man ako sa bahay, ang aking mga kapatid ang nagging abala sa ika-61st bertdey ng nanay. Kasama ang malalapit na kaibigan ng nanay, aking mga kamag anak, ganun din dumalo sa okasyong ito ang aking bespren na si boni at si emir. May mga tao din na hinintay, inasahan at hiniling ni nanay na sana ay makasama sa kanyang selebrasyon, pero dahil na din sa layo n gaming probinsya, o sa iba pang kadahilanan, ipinaabot nlng ng mga ito ang lubos na pagbati para kay Nanay sa kanyang kaarawan.

Eto nga ang nanay at hindi naman masyado prepared:

(nanay at bunso)

(Emir, Nanay at Boni)

(Awwwoooo.. este! blow ur kendel Nay!) 😛

(Nanay dancing with Kyle… Nobody, Nobody batchuy! )

At ngayon na nakaraan nananamn ang kanyang kaarawan, muli akong nag papasalamat sa diyos na binigyan nia ako ng isang mapagmahal at mabait na nanay. Ganun din ang pagpapahiram pa sa akin ni God ng buhay para masaksihan at maunawaan at higit na maintindihan ang mission at kung ano ang tunay na kahulugan at kahalagahan ng buhay.

Muli, para sa babaeng pinakamamahal ko…

HAPPY 61st BIRTHDAY NANAY!

“Maraming maraming salamat sa pagmamahal at pagpapalaki mo ng maayos di lang sa akin ganun din sa aming mga magkakapatid. Hindi sapat ang mga salita o bagay na meron ka ngayon sa sakripisyo mo para sa akin at mga kapatid ko. Malayo man ako, pero alam mo na MAHAL NA MAHAL kita NANAY! Handa akong isakriposyo lahat para sa iyo. Lika nga dito nay, hmmmmmmmmmmm… (higpit na akap!) “

You are the best Mom in the world.

I’m so grateful that I have you as a Mom. Thanks for always believing in me at thanks din for all the support that you have given to me. Lastly, Thank you for being such a kind and loving Mother.

Haaaayyy… mag iisang taon na pla ako wala sa bahay at nawalay sa kanila. Ang bilis ng panahon, parang kahapon lang nasa Saudi ako na napaka-init at ngayon, nasa Canada na utod ng lamig! Brrrrrrr!

Haaaaaayyyyyy…. nakakamiss tlga!