Babae ng Buhay ko!

 Halos mag iisang taon na ang nakalipas nang akin lisanin ang aking bayan at muling iwan ang aking mahal na ina, kapatid at pamilya. Hindi ko masabi na sanay na ako sa pagiging malayo ko sa pamilya ko, dahil apat na taon din ang nilagi ko sa gitnang silangan ngunit nakakauwi naman ako taun-taon. Gusto ko kasi lagi mag pasko sa pinas at makasama ang aking pamilya at kaibigan lalo na ang aking tinururing na matalik na kaibigan, si nanay.

Tandang tanda ko pa, hindi pa ako nagaabroad nun, laging bulaklak ang regalo namin para kay nanay, pero ganun pa man, napaka saya na ng nanay sa tuwing magiging kumpleto kami sa bahay tuwing bertdey nia. Siguro nga wala nang sasarap pa sa damdamin ng isang ina na Makita ang kanyang mga anak na kasama nia sa kaarawan nia at pinapahalaganahan ito.

Nabigyan ako ng pagkakataon nung nakaraang taon na maging punong abala sa kaunaunahang pagkakataon na mag dadaos ng isang salu salu si nanay sa loob ng mahigit na 40 taon. Ito ay ang kanyang ika 60 na kaarawan. ANg saya! Simpleng salu salo pero halos buong angkan sa mother side ko nandun, nagsilbing reunion na nila un.

 

Kahit na wala man ako sa bahay, ang aking mga kapatid ang nagging abala sa ika-61st bertdey ng nanay. Kasama ang malalapit na kaibigan ng nanay, aking mga kamag anak, ganun din dumalo sa okasyong ito ang aking bespren na si boni at si emir. May mga tao din na hinintay, inasahan at hiniling ni nanay na sana ay makasama sa kanyang selebrasyon, pero dahil na din sa layo n gaming probinsya, o sa iba pang kadahilanan, ipinaabot nlng ng mga ito ang lubos na pagbati para kay Nanay sa kanyang kaarawan.

Eto nga ang nanay at hindi naman masyado prepared:

(nanay at bunso)

(Emir, Nanay at Boni)

(Awwwoooo.. este! blow ur kendel Nay!)😛

(Nanay dancing with Kyle… Nobody, Nobody batchuy! )

At ngayon na nakaraan nananamn ang kanyang kaarawan, muli akong nag papasalamat sa diyos na binigyan nia ako ng isang mapagmahal at mabait na nanay. Ganun din ang pagpapahiram pa sa akin ni God ng buhay para masaksihan at maunawaan at higit na maintindihan ang mission at kung ano ang tunay na kahulugan at kahalagahan ng buhay.

Muli, para sa babaeng pinakamamahal ko…

HAPPY 61st BIRTHDAY NANAY!

“Maraming maraming salamat sa pagmamahal at pagpapalaki mo ng maayos di lang sa akin ganun din sa aming mga magkakapatid. Hindi sapat ang mga salita o bagay na meron ka ngayon sa sakripisyo mo para sa akin at mga kapatid ko. Malayo man ako, pero alam mo na MAHAL NA MAHAL kita NANAY! Handa akong isakriposyo lahat para sa iyo. Lika nga dito nay, hmmmmmmmmmmm… (higpit na akap!) “

You are the best Mom in the world.

I’m so grateful that I have you as a Mom. Thanks for always believing in me at thanks din for all the support that you have given to me. Lastly, Thank you for being such a kind and loving Mother.

Haaaayyy… mag iisang taon na pla ako wala sa bahay at nawalay sa kanila. Ang bilis ng panahon, parang kahapon lang nasa Saudi ako na napaka-init at ngayon, nasa Canada na utod ng lamig! Brrrrrrr!

Haaaaaayyyyyy…. nakakamiss tlga!

82 Comments (+add yours?)

  1. taribong
    Dec 04, 2009 @ 00:50:06

    Base hehehehehe

    Reply

    • taribong
      Dec 04, 2009 @ 00:58:59

      Makikibati na rin ako sa iyong pinakamamahal na nanay ng “Happy 61st Birthday Nanay!!!” hehehehehe (Salamat sa iyong nanay, dahil kung wala siya ay wala ang topexpress sa blogosperyo at wala sana akong nire-response-an dito ngayon hehehehe) Alam ko, ramdam din ng iyong nanay ang labis mong pangungulila at pagmamahal sa kanya at sa buong pamilya dahil ganon din sila sa iyo. Saludo ako sa iyo topexpress! At saludo rin ako sa iyong nanay! Maligayang pasko na rin sa lahat! hehheheehe

      Reply

      • topexpress
        Dec 06, 2009 @ 05:31:34

        aheheheh. Mothers are one of the best gifts that GOD gave to us. Naku, sasakit panga mo sa nanay ko sa kakatawa, mabida din un! ahahah

        SAlamat tlga ako sa nanay ko kasi maganda lahi nila! ahahahahah toinks!

        salamat sa pagdaan kuyaaa!!!😛

    • topexpress
      Dec 04, 2009 @ 01:48:10

      first base! wala kang points! panalo ka na ke fads eh sa iba nlng points mo! ahaha

      Reply

  2. leoj
    Dec 04, 2009 @ 03:26:54

    2nd BASE!

    Reply

  3. leoj
    Dec 04, 2009 @ 03:56:29

    sarap ng may mabait na nanay. a mother is the truest friend we have — for what we are now, we owe it from her. mahalin natin at igalang ang ating nanay — ang ating mga magulang.

    belated happy birthday to your mom. saya ng birthday ah. yahoo!

    Reply

    • topexpress
      Dec 06, 2009 @ 05:40:06

      tol salamat. naku hamo, sa susunod, pagtetextin ko kayo ni nanay! ahhah texmate buwahahaha. lagot ka pasa load daw. lol!

      salamat sa pagdaan, batang mangyan!😀

      Reply

  4. bonistation
    Dec 04, 2009 @ 04:27:41

    heypi birthday! hinding hindi ko makakalimutan ang sagot nya sa tanong ko kung ilang taon naba sya ngayon,, napakagiliw nyang sagot at medyo excited pa “ako ilang taon na? abay ngayon palang ako mag didisiotso!” awwwts! haha!

    coolest mom ever! =)

    HAPPY BIRTHDAY po uli!

    Reply

    • topexpress
      Dec 06, 2009 @ 05:53:14

      ahahahaha. namiss mo nanay tol! ang mga kwelang jokes at makukulay na bida. eh patay na pag umariba yan ng makulet na sagot sa bawat tanong na ibabato mo! ahahahaha

      yeah! SHE is the COOLEST!

      salamat sa pag punta bro!

      Reply

  5. superlolongpinoy
    Dec 04, 2009 @ 04:32:12

    Pa 3rd beys Toper. Nais kong bumati at i-congratulate si Nanay sa kanyang kaarawan at sa kanyang accomplishment sa kanyang mga anak. Kitang-kita ko ang napakagandang pagmamahal at pagpapalaki sa inyo…dahil ramdam ko ang iyong(at ng iyong mga kapatid) pasasalamat sa huling parte…ang ganda ng iyong mga binigkas…at sabi mo nga na di sapat ang mga salita…para ma-express ang sobra-sobra ninyong pagmamahal.

    Muli group HUG sa iyong pamilya!

    God Bless you & your family always!

    Reply

  6. IKAY
    Dec 04, 2009 @ 07:45:39

    isang maligayang pagbati sa iyong masuwerteng ina dahil sa pagkakaroon nya ng isang mapagmahal na anak..

    GOD Bless you always🙂

    Reply

  7. joycee
    Dec 04, 2009 @ 16:57:45

    You’re such a sweet son! Your mom’s blessed to have you!

    Hemberdei sa mama mo!🙂

    Reply

  8. Jag
    Dec 05, 2009 @ 04:06:18

    Ang sweet na anak jijiji…

    Reply

  9. tsenn`
    Dec 05, 2009 @ 06:13:19

    ansarap ng may nanay talaga. hayayay. isa sila sa mga pinakamagandang bagay na ginawa ni papa god. amen :]

    mula sa pangarap post to babae ng buhay ko, alam kong isa kang mabuting anak kuya. pagpalain ka! ^_^

    Reply

  10. Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD
    Dec 05, 2009 @ 12:59:30

    happy birthday kay nanay!!!

    ika nga ni miss india sushmita sen, “motherhood is the essence of a woman.” iba talaga ang pagmamahal ng isang ina.

    nagutom ako sa picture. kaso, penitensiya muna ako ngayon kasi may tonsillitis ako. huhuhu. kahit paglunok ng laway, ang sakit-sakit. waaaaa!!!

    Reply

  11. dhyoy
    Dec 05, 2009 @ 16:39:00

    piberdei naman sa nanay mo🙂 namiss ko tuloy nanay ko…

    Reply

  12. meliza catedral
    Dec 05, 2009 @ 16:45:12

    belated hAPi bday sa pinakammhal mong ina tophs!
    ang massabi ko masuwerte ang iyong ina na may mga anak cyang mabait , mapagmahal at succesful sa pinili nyong profession..kahit di ko man cla nkilala in person.. im sure na masayahin pamilya kau at. nkkita ko sa mga pic kung gaano kau kaclose sa isatisa.. dhil sa pagppalaki ng iyong ina sa inyong mgkkapatid
    anyways ur so ssweet nman na anak aldo.. gumawa ka ng blog para sa pinakammhal mong ina..ur one of a kind
    keep it up aldo kung ano man plano mo saiyong pamilya lalo na sa pinakammhal mong ina.
    belated hapi day ulit sa iyo ina!!

    Reply

  13. p0kw4ng
    Dec 06, 2009 @ 18:39:42

    hapi buertdey po nanay ni tope!

    cool na cool ang kwintas,hihihi

    Reply

  14. fiel-kun
    Dec 07, 2009 @ 02:30:09

    Moms are such a special part of our world. No other individual on earth experiences the love, joy, sadness, empathy, sympathy, and every other conceivable emotion that Moms do in the upbringing of their children.

    Maligayang kaarawan sa iyong mahal na ina parekoy ^_^

    Reply

  15. Ax
    Dec 07, 2009 @ 03:49:06

    kuya toffer, belated happy birthday po to your mom!

    :u sobrang late na pero pabati pa rin po. hehe.

    Reply

  16. BlogusVox
    Dec 07, 2009 @ 06:06:13

    Magaling kang sumulat at makabuluhan ang iyong mga kwento. Sayang at wala kang “entry” mula nung Enero hangang Marso ng taong ito.

    Reply

    • topexpress
      Dec 07, 2009 @ 20:48:48

      Maraming salamat po!

      dahil bago lang po ako sa larangan ng pagsusulat sa mundo ng blogosperyo. Kung pamantayan nio po ang mga nasulat o na blog po mula sa Enero hanggang Marso, di ko man po na meet ung criteria nio po, pero masaya na po ako na masabi nio na may talento po ako sa pagsusulat, bonus o karagdagang premyo nlng po ang manalo ako sa PEBA 2009.

      muli, maraming salamat po sir sand!

      Reply

  17. ELIment
    Dec 08, 2009 @ 00:32:10

    nakaka-touch naman ang pagkasulat mo. damang dama ang bawat kataga… mabait na bata. hehe

    belated happy birthday sa mama mo.🙂

    Reply

  18. pinkdiaries
    Dec 08, 2009 @ 05:07:33

    na tats naman aku don, masarap talagang mag mahal ang mga nanay, lalu na kung mapagmahal din tayung mga anak!🙂 And she is proud of you for sure!!🙂

    Belated happy birthday to your mom!!

    Reply

  19. kaye
    Dec 08, 2009 @ 06:40:19

    waaahhhh! feel na feel ko naman ang yong love and caring para kay nanay. sayang at wala ka, pero alam ko na masaya pa rin ang iyong nanay dahil di mo siya kinakalimutan kahit malayo ka.

    at kung maswerte ka kay nanay, alam kong sinasabi din ni nanay na maswerte siya dahil ikaw ang isa sa mga anak niya.🙂 mabuhay ka, Tope!

    at shempre, belated happy birthday kay nanay.🙂

    Reply

  20. KINGhardinero
    Dec 08, 2009 @ 07:16:56

    HAPPY BIRTHDAY NANAY!

    It’s so proud of you to say it, ” Babae ang buhay ko!”. It goes to show that you are a loving and family oriented dude, hehehe!. Sana ganyan lahat tayong mga lalaki sa ibabaw ng mundo. Don’t be shy to give credit sa mga babae sa buhay natin. Dahil sa mapagmahal kang anak, 10 ang ibibigay ko (10 is the highest)

    Cheers to us! Merry Christmas Tope!

    Reply

  21. blu.sparks
    Dec 08, 2009 @ 15:37:56

    pag nabasa to ng nanay mo for sure sobrang proud nya sa yo.
    ang galing mo!🙂

    Reply

  22. giraffe print
    Dec 08, 2009 @ 23:55:48

    sarap talaga makasama ang mga mahal sa buhay lalo na ang nanay.. ako nalayo din ako sa mga magulang ko for 12 years pero noong nagkita kami ulit madyo kakaiba ang pakiramdam ko..

    saya naman ng familiy mo.. keep it up..

    maligayang pasko po..

    Reply

    • topexpress
      Dec 11, 2009 @ 04:35:43

      ay oo tol. wala nang sasarap pa.. sa century tuna! este, sa pagmamahal ng ina at pamilya.

      Tol, masarap ang samahan ng bawat isa sa panilya kung lahat nag cocontribute, o may isang nagiging mediator. ako ay patunay dun. hindi perpekto pamilya ko pero masasabi ko na pinilit namin na maging maayos at maging ano man kami ngayon.

      salamat po sa pagdaan.😀

      Reply

  23. .poOt!
    Dec 09, 2009 @ 08:33:57

    WOW naman. damang-dama ko ang pagmamahal mo sa iyong ina kuya tope. nakikita ko sa’yo ang aking sarili. hehe.

    kahit na malayo ay alam ko na nadama ng iyong ina ang iyong presensya sa kanyang kaarawan. (haha. ang pangit pakinggan. basahin mo ulit.)

    maswerte ka na siya ang naging iyong ina. pero mas maswerte siya dahil ang anak niya ay lumaking mabait, mapagmahal at may takot sa Diyos. at ikaw yun kuya tope.

    sana next year kasama ka na niya na icelebrate ang kanyang ika-62nd birthday.

    at bago ko makalimutan

    HAPPY BIRTHDAY NANAY NI KUYA TOPE!

    Reply

  24. Dorm Boy
    Dec 09, 2009 @ 14:23:47

    Bigla ko tuloy namiss ang Mom! ko! Wala na kasi mom ko! Pero nung nabbuhay pa sya ako rin ang most excited sa paghahanda para sa bday nya! Cguro kasi ang bunso sa amin!

    Belated happy Bday to your mom! Your mom is so lucky to have u as her son!!!

    Reply

  25. livingstain
    Dec 10, 2009 @ 02:59:24

    kita mo, sa loob ng isang taon parang kailan lang, dadating ang panahon na makakasama mo na rin sila, happy bday sa nanay mo.

    Reply

    • topexpress
      Dec 11, 2009 @ 04:49:41

      ayun noh! dumalaw din sa wakas.😀

      musta na alvin? namiss kita tol! astig sa tagal mo di dumaan dito.😀

      oo nga eh, parang kilan lang, kakdating ko lang dito, now its my 2nd winter! wuuuhuuuuuuu!!!

      Reply

  26. lababo
    Dec 10, 2009 @ 06:36:21

    lababo likes this. hehe
    Happy Birthday!
    (naubusan na ng maicocomment)
    pero saludo ako sayo. =)
    ang cool naman nagnoNobody pa hehehe

    Reply

    • topexpress
      Dec 11, 2009 @ 04:51:59

      ahahaha salamat lababo.

      (naku hitek namn la ang lababo now ha, nagnenet na! aheheh lolz)

      utod ng kulet yang pamangkin ko na yan! nung last na uwi ko, alam nia ung hep hep horay! ahahah now nobody naman! ahahahah

      ang kuleeet!

      Reply

      • lababo
        Dec 11, 2009 @ 08:08:29

        bibbo… haha. ganun ka kasi siguro dati, sumasayaw ng (teka anu bang uso nun? wala akong maisip…)

      • topexpress
        Dec 11, 2009 @ 12:52:05

        ahahhaha. sikret! kasi kapag sinabi ko sau uso nun eh di alam mo na edad ko! ahahah basta sige bibo din ako! ahahahahah

  27. bongkito
    Dec 10, 2009 @ 07:54:34

    kakatuwang isipin na sa likod ng ating mga paghihirap mula pagkabata hanggang sa nagtatrabaho na tayo, andyan lagi sila sa ating likuran upang sumoporta sa lahat ng ating ginagawa. mabuhay ka topex dahil malayo ka man, dama ni nanay ang yong pagmamahal at pagpapahalaga sa kanya! saludo ako s’yo!

    nga pala, magkazodiac pala kami ni nanay? naks! talagang blessed ang mga magkabebertdey!

    to nanay, happy birthday po! God bless po lagi!

    Reply

    • topexpress
      Dec 11, 2009 @ 04:56:39

      ayun noh! ang isang sikat na wedding singer! ahehehe salamat kuya bong sa pagdaan sa aking munting bahay.😀

      Tama ka, hanggat tayo ay nabubuhay at nag tratrabaho lagi silang nanjan sa ating likod para patuloy na sumuporta at gumabay kung kailangan.

      salamat po sa pagdaan kuyaaa!😀 apir!

      Reply

  28. mister llama
    Dec 10, 2009 @ 13:04:14

    Awww! Ang sweet naman! =]

    Reply

  29. hisnameisdencios
    Dec 10, 2009 @ 18:53:14

    wow. ang nanay ko naman ay 60.

    di ko din alam kung masasanay na ba akong malayo sa kanila kasi di talaga.

    ikaw nga sa kanta,

    “your mom will always be your perfect fan”

    at syempre tayo din fan din ni nanay!

    more bdays to come pa for her tsong!

    at sa iyo na din. hanggat may buhay tumulong sa pamilya ok?

    ingats

    Reply

  30. blurosebluguy
    Dec 10, 2009 @ 22:08:51

    isang pagbati sa mahal mong nanay…
    naks naman damang -dama talaga ang pagmamahal mo sa kanya….

    Reply

  31. lovely
    Dec 11, 2009 @ 11:21:52

    pa hapi berdei sa iyong ina kuya topex hehe..
    isa rin sa madalas kong ibigay sa nanay ko ay bulaklak mapa mother’s day man o bdei nya..

    kitang kita rin naman ang pagmamahal mo sknya..:)
    ingats lagi kuya..

    Reply

    • topexpress
      Dec 11, 2009 @ 12:54:24

      SAlamat lovely. oo nga eh flowers speaks for the LOOOOOVEEEE!!!!

      besides, may garden kami ahah kaya pupungos lang ako! toinks! ahaaha jowk!

      salamat lovely sa pagdaan! aheheh

      Reply

  32. coolwaterworks
    Dec 11, 2009 @ 15:08:43

    Belated happy birthday to your mom kapatid…
    Gusto ko mang sabihin na it’s the thought that counts, pero I have to be honest and admit na iba pa rin talaga kapag kasama mo ang mga mahal mo sa buhay… hay…. namiss ko rin tuloy pamilya ko kahit nasa kabilang isla lang sila… hehehe…

    Nagbabalik ako…

    Reply

    • topexpress
      Dec 11, 2009 @ 22:27:15

      oo tol, masasabi na nga natin na its the thought that counts and even without our presence alam natin na napasaya naitn sila, pero iba ang pakiramdam nila at gayun din natin pag magkasama sama ng personal.

      salamat sa pagdaan bro!

      Reply

  33. reymos
    Dec 11, 2009 @ 17:49:54

    Congratulations for having a dedicated and loving mother!

    Reply

  34. fiel-kun
    Dec 12, 2009 @ 02:03:17

    wuy parekoy,

    Maligayang Pasko! you have an award… check out my blog🙂

    Reply

  35. J.Kulisap
    Dec 12, 2009 @ 03:31:18

    Pareng Tupe, kamusta ka?

    Saludo muna.

    Kay palad naman ng iyong ina. Isa kang huwarang anak at Pilipino dito sa ating bansa.

    Walang kapantay na regalo ang ibinibigay mo sa iyong pinakamamahal na babae- ang bigyan siya ng karangalan sa pamamagitan ng iyong mga gawa.

    Ikinararangal kita.

    Maligayang Pasko na rin.

    Reply

    • topexpress
      Dec 12, 2009 @ 05:35:09

      Pareng J.kulisap,

      ayos lang eto nangngatog na sa lamig dito sa atlantic, naguuulan nanaman kasi ng yelo ngayon.

      Nakanamen! di mo namna masyado pare sineryoso at kinarir mo ang pambola sa akin! ahahaha

      kidding aside, maraming salamat pare. apir!😀

      Reply

  36. Ax
    Dec 12, 2009 @ 05:11:59

    matagal ko ng gustong sabihin to, ganda ng header mo.

    haha.

    Reply

  37. Jag
    Dec 12, 2009 @ 10:03:27

    Napadaan lang uli. Happy holidays!

    Reply

  38. lee
    Dec 14, 2009 @ 03:07:24

    wow ang sweet nyo naman sa nanay nyo.
    bata pa pala si inay parang si inay lang namin ang edad.
    happy bday kay inay nyo, at swerte tayot hanggang ngayon e buhay ang nanay natin, malayo man tayo sa kanya e alam nating nandyan lang sya.
    sana lahat ng anak na lalaki e kagaya nyo, kasi yung ibang mga anak na lalaki(karamihan) pag nagsipag asawa na, kahit anung sweet nila sa nanay nila e pag nagkaasawa na e sa katagalan nawawala na.

    Reply

  39. chichirya
    Mar 11, 2010 @ 06:55:07

    Mother love❤

    Reply

  40. chichirya
    Mar 11, 2010 @ 07:01:16

    sayang. You should have been there.🙂

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: