Puso ng Pasko

Ilang oras o sandali nalamang ay magsisimula na ang isa sa mga hudyat na nalalapit na tlga ang kapasukuhan. Ito ay ang simbang gabi. Natatandaan ko nung bata pa ako, ang laging bigkas ng nanay ay dapat daw makumpleto ang pagsisimba sa loob ng 9 na gabi, ito ay upang magkaroon ng pagkakataon na makahiling ng isa at ito ay ipagkakaloob. Nakalakhan ko ang ugali at paniniwalang ito at patuloy ko itong dinadala kahit na ako ay nakapagtratrabaho na. Ang sarap ng pakiramdam tuwing kapaskuhan, masasabi ko na ito ang pinaka paborito kong panon sa buong taon.

Ang makukulay at nagliliwanag na daan sa edsa o mga kalsada, mga nag-gagandahang palamuti sa mga naglalakihang mall, walang humpay na himig pasko mula sa radio, puto bumbong, bibingka at lalo na ang simoy ng hangin tuwing pasko. Iilan lamang ito sa mga bagay na aking mamimiss ngayong pasko, ito ay dahil sa taong ito, mapalad ako at ipinagkaloob sa akin ni “BRO” ang maapagtrabaho sa bansang binabalot ng nyebe o yelo tuwing pasko, ito ang unang “White Christmas” experience ko ika nga!

Masasabi ko na “birhen” pa ako sa paskong may yelo, kaya kakaibang karanasan naman ito para sa akin at sempre, kasama si pareng cyber sony, inenjoy ko ang aking pers taym.

Naranasan kong maglaro habang umuulan ng yelo (nyebe)

 Magpala pagkatapos umulan ng malakas na yelo.

tikman ang yelo (ahihihihi)😛 walang lasa!

at ang pag aayos ng tunay na puno para gawing christmas tree.

Nakakatuwang maranasan ag kung ano nga ba ang pagkakaiba ng “White Christmas” sa “Pinoy Christmas”. Masasabi ko na ang tanging pagkakaiba ng dalawang bansa sa pagsalubong sa kapaskuhan ay: “NYEBE” at “PUSO ng PASKO”. Ang bawat tao ay may kanya kanyang kahulugan o interpretasyon kung ano ang tunay na pasko. Nakakatuwang isipin at makita na hindi alintana ang mga tao dito kung meron man o walang dekorasyon sa bahay bagkus abala ang lahat sa pagbili at pagbibigay o pagbabahagi sa bawat isa lalo na sa mga kapos o salat sa yaman na Canadian.

Sa ating bansa, Paskong makulay na kalsada, masasarap na pagkain sa lamesa gaya ng hamon, queso, lechon, at sangkaterbang regalo ang pasko para sa buhay may kaya. Samantalang, paskong may krismas tree na gawa sa lata, paglimos sa kalsada, pagbabanat ng buto gabi man o umaga makaraos lang at kumita para sa naghihirap na pamilya. Maswerte na ang may pagsaluhan na noche buenang tuyo sa lamesa. Ito naman ang pasko para sa naghihirap na masa.

Bilib ako sa tunay na paksong pinoy, kahit na mahirap o sa kahit na anong sitwasyon meron tayo, pilit at patuloy nating itinatauyod ang kapaskuhan mapa may kaya man o mahirap, lalo na sa panahong ito na dumaranas tayo ng pandaigdigang kahirapan. Higit sa lahat ang tunay na pasko sa Pilipino ay ang pag-gunita sa kapanganakan ni “BRO”.

Ano man ang pasko natin, ang mahalaga ay pag-unawa at pag-ibig sa bawat isa. Ang tunay na pasko ay wala sa sarap ng nakahain sa lamesa, ito man ay mapa tuyo, hamon, lechon, sari saring prutas o keso. Ang tunay na pasko ay nasa ating puso, Ang pasko ay ang pagpapasalamat, pagbabahagi at higit sa lahat pag-ibig. Pag-ibig ang tunay na diwa ng pasko at higit sa lahat ang pag gunita sa TUNAY na kahulugan ng pasko, si “BRO”. Hindi ito matutumbasan ng kahit ano mang material na regalo.

Tulad ng marahang simoy ng hanging ating nilalanghap, ang pag-ibig ay para sa lahat, at magmumula sa lahat. Damhin ang tunay na diwa ng pasko. Ang pasko ay para sa mundo. Minsan hirap tayong paniwalaan ang mga bagay at kailangan pa nating makita ito, bago natin paniwalaan at maunawaan. Hindi man natin nakikita si “BRO” ang paniniwala nating siya ang tunay na PASKO. Ito ay tatak ng tunay na paskong Pilipino.

“Seeing is not Believing, Believing is Seeing!”

Isang Maligayang Pasko mula sa akin at aking pamilya!

-= Topexpress =-

87 Comments (+add yours?)

  1. RJ
    Dec 15, 2009 @ 23:56:19

    Napakahusay mo na talagang mag-differentiate ng Canadian Christmas at Paskong Pinoy! Ramdam kong ngayon ay napagtanto mo nang hindi pala ang mga nyebe ang kumukumpleto sa Pasko, sapagkat nababasa kong hinahanap-hanap mo pa rin ang Pasko sa iyong bayan. Maginaw ang iyong Pasko, literally o figuratively?

    Good, ini-enjoy mo. Sa Northern Hemisphere lang ang White Christmas, kami Down Under, summer na summer!

    Maligayang Pasko, Topexpress! o”,)

    Reply

    • topexpress
      Dec 16, 2009 @ 01:51:03

      Salamat RJ. Sa akin naman kahit saan ako magpunta wala tlgang tatalo pa sa nakalakhan ko nang PASKO! ang PASKONG PINOY!

      goodluck sa atin sa PEBA 2009.

      Reply

  2. BatangMangyan
    Dec 16, 2009 @ 00:36:22

    2nd BASE lang.

    yeah it’s christmas again, at astig ka pa rin kasi umuulan na naman ng yelo. we share the same experience about white christmas, para lang tayong mga bata, though i never thought that i would have that experience. and i’m so happy to realize that i really did enjoy my first white christmas, and you surely did, too.

    this year, paskong pinoy naman. pero sabi ko nga tol, it’s not just the place where to celebrate christmas, nor the people to be with, but the true spirit of christmas is the most important thing to instill in our hearts.

    merry christmas tol. God bless.

    Reply

    • topexpress
      Dec 16, 2009 @ 01:54:10

      Salamat tol, Salamat tlga tol sa pagiging aking kinatawan para sa mga bata. Isang pamaskong handog mo na din sa akin un.

      Masarap din namn tlga ang mga bagong karansan. Kaya nga ang bait bait tlga ni BRO!

      ang PASKO ay nasa ating mga PUSO.😀

      Reply

  3. bonistation
    Dec 16, 2009 @ 00:41:40

    3rd base! pasok padin!

    maligayang pasko tol! white christmas ka nga din pala ngayong taon na to! at ito din ang kauna unahan mong pasko na wala sa inyo! pero malayo man sa pamilya alam naman nating ang pasko ay nasa puso at nasa internet lang! haha! isang click lang kasama na natin sila!

    dami mo na namang picture kaya naman mas lalong sumisikat ahehe! mula din sa bonistation at sa buong pamilya MERRY CHRISTMAS!!

    sana maging patuloy kang isang buhay na biyaya para sa iba! GOD BLESS bro!

    Reply

    • topexpress
      Dec 16, 2009 @ 02:12:47

      naku tol! eh isang click ka jan! di marunong si nanay mag internet! ahahah

      text lang un! ahhihihi

      pero kahit nasaan man ako sila pa din ang nasa puso kasama ng pasko ko!

      Ipinangako ko na yan kay bro tol, pipilitin ko sa paraang alam ko na maging isang buhay na biyaya sa kapwa.

      Paskong pasko na sa boni station ah?!

      Salamat sa pagdaan tol!

      Reply

  4. taga-bundok
    Dec 16, 2009 @ 01:11:14

    Wit! Wit! Maligayang Pasko!

    Hay, masaya ako sa post na ‘to. Anim na taon na ng huli akong magpasko… Ube lang ang handa. Haha! Tapos, simula nuon… Wala ng pasko. Deserted Christmas na lang (parang may term na ganun ah…). Gayunpaman, ang diwa ng pasko nasa puso ng tao. Tama, ang galing mo ‘tol. Mag-celebrate na nga ako. Haha! Regalo ko ah.🙂

    Reply

    • topexpress
      Dec 16, 2009 @ 02:15:44

      ahahaha@! salamat naman pare koy!

      Totoo un ang pasko kahit saan ka man, nasa sa iyo kung paano mo ito sasalubungin at pagdiddiwang. Ang mahalagaay ang tunay na kahulugan nito at maibahagi mo ang sarili mo sa kapwa tao mo.😀

      mula sa akin at aking pamilya, MALIGAYANG PASKO!

      Reply

  5. meliza catedral
    Dec 16, 2009 @ 06:53:04

    naks ang lalim ng cnulat mo nman tophs! binigyan mo ng tamang kahulugan ng pasko..iba talaga pag pasko sa pilipinas.. maramdaman mo ang pasko dito kasi kahit saan ka mgpunta makkita mo ang mga dekorasyon at saka bcbchan ang mga tao sa pagbili ng mga regalo. at pagbbonding ng pamilya.. at my simbang gabi pa..
    kahit di mo cla kasama sa pasko at malayo ka sa knila pero sa knilang isipan at puso ng pamilya mo kasama ka pa rin nila..at saka ano nggawa ng internet at celpone! hehehhe
    parang ang kapal ng yelo dyan ah..di ka ba nillamig..? pwedeng gawing ng halohalo ang yelo ! pwede padalhan mo ako nyan! toinks!
    merry christmas tophs at saka mga kasama mo dyan na haws mo
    and advance hapi new yr!

    Reply

    • topexpress
      Dec 22, 2009 @ 18:23:18

      nakS! maraming salamat sa walang sawang pagsuporta at paniniwala mo sa akin presidente ng aking fans club.😛

      malamig dito lalo na sa kasagsagan ng wniter nasa -30 kami pero lucky na din kasi nasa -50 sa west coast.

      Maligayang pasko sa iyo at iyong pamilya!😀

      Reply

  6. A-Z-E-L
    Dec 16, 2009 @ 12:27:24

    wow! WHITE CHRISTMAS!

    may tanong ako, pwede bang gumawa ng halo-halo jan? lolz!

    i hope you’ll be having a happy christmas sa kabila ng pagiging malayo sa pamilya.

    Goodluck sa PEBA. Malapit na!!!
    and thanks for the photo entry.😀

    Reply

    • topexpress
      Dec 22, 2009 @ 18:24:23

      ahehehe pwede gumawa ng halo halo at eto pah! ano sinabi ng RAZONS sa sobrang pino ng yelo dito? lolz

      SAlamat po sa pagdaan at sana nga makapasok sa top 10 sa PEBA.😀

      Reply

  7. Yellow Bells
    Dec 17, 2009 @ 06:44:00

    pwede ba maggawa ng sorbet buko flavor???? asel masarap ang halo halo lalo na kung 0 degrees. heheheh. topexpress…ganda ng white Christmas mo ah. Paladan mo nman kmi ng snow, pwede ba yan sa balikbayan box?

    Merry Christmas.

    Reply

  8. superlolongpinoy
    Dec 18, 2009 @ 19:37:52

    Ang galing naman ng iyong kuwento…kumpleto…from mayelong krismas…paskong pinoy…pamilyang nagmamahalan…at siyempre ang star ng show ngayong Pasko…ang di dapat makalimutan…si Kristo…Maligayang Pasko Toper!

    Reply

  9. J.Kulisap
    Dec 19, 2009 @ 05:56:17

    Pre, nasabi mo nang lahat.

    Buong mundo, maligayang Pasko.

    Iba-iba ang kahulugan nito pero walang mawawala kung sa panahong ito ay mag-iibayo ang kagalakan at pagmamahal ng walang hinihintay na kapalit sa bawat-isa.

    Reply

  10. Jag
    Dec 20, 2009 @ 09:30:40

    …and soon it will be my first Christmas here in Japan too hayz! Pero sa area ko di maxadong mayelo unlike jan s inyo hehehe…

    I love the thoughts you’re posting here…

    Merry Christmas too from Jag of Kaleidos!

    Reply

  11. Nebz
    Dec 20, 2009 @ 09:54:26

    Touching.

    Dream ng karamihan sa mga Pinoy ang white Christmas. Sa mas nakararami, mananatili lamang itong pangarap. So count yourself blessed, my friend.

    Hindi ko ipagpapalit ang Paskong Pinoy. Dito sa Saudi, pinipilit pa rin naming gawing Paskong Pinoy ang aming Christmas. Meron din kaming kris kringle, noche buena, simbang gabi (nagulat ka no? opo, meron pero hindi full mass; Eucharistic mass ang tawag namin. mga lay ministers ang nagsisilbing pari), mga parlor games, etc.

    Merry Christmas po…sa yo at sa mga mahal mo sa buhay.

    Reply

    • topexpress
      Dec 22, 2009 @ 18:57:51

      SAlamat Nebz

      Oo isang pangarap ang white christmas sa karamihan at isa na ako dun.
      God is Good and i know meron siyang purpose bakit ako nandito ad i guess thats the realizations of LIFE.

      Maraming salamat po sa pagdalaw dito sa aking munting bahay blog.

      GOODLUCK po sa PEBA. 😀

      Reply

  12. Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD
    Dec 21, 2009 @ 06:37:48

    Waaaaaa!!!

    Merry Christmas sa iyo tope at sa iyong pamilya.

    at gaya ng aking shoutout sa fb: Crabs, octopus, squid, cake, apples, shells, tuna, shrimps — punta nga kayo dito para maubos lahat ng mga pagkain dito sa parokya ko.

    Reply

  13. kaye
    Dec 21, 2009 @ 12:46:25

    weh?! ansarap naman ng snow na walang lasa! hehe.

    at kala ko e isa ka sa mga palamuti ng krismas tree.

    masarap pa rin ang pasko sa pinas. dito kasi kahit salat sa yaman o handa sa hapag kainan, basta’t kasama ang mga mahal sa buhay ayos na.

    meri krismas, tope. sana kahit malayo ka ay maging masaya ang iyong pagdiriwang ng pagsilang sa sanggol na Hari…

    Reply

    • topexpress
      Dec 22, 2009 @ 18:50:40

      ahehehe salamat po mami khaye!

      sobrang sarap ng pasko sa pinas! walang kasing saya at ganda! iba pa din tlga ang paskong pinoy, may puso.😀

      Maligayang pasko sa iyo at iyong pamilya.🙂

      Reply

  14. The Pope
    Dec 21, 2009 @ 16:55:59

    Wow I love the white Xmas scene, it really beautiful.

    Mula sa malawak na buhanginan ng Doha, I am wishing you a merry Christmas!!!

    Reply

    • topexpress
      Dec 22, 2009 @ 18:32:08

      Salamat sir!

      Mula naman sa malawak na lupain na nababalot ng Nyebe sa Canada, May you anre your family be blessed thes season and the next year.🙂

      Goodluck po sa PEBA.

      Reply

  15. jason
    Dec 22, 2009 @ 02:26:50

    pasko na naman kuya top!
    ang bilis ano?

    gusto ko pa rin ng snow. hahahahaha

    merry christmas!!!!

    maligayang pasko mula d2 sa pinas!!!

    Reply

    • topexpress
      Dec 22, 2009 @ 18:29:44

      hayun namen ang makabagong modelo ng WALL😀

      Oo tol bilis ng panahon. Mag wawan year na ako dito next month pero parang bago pa lang din ako.😀

      Maligayang Pasko tol mula naman dito sa Canada.

      * nga pla kung gusto mo maranasan ang nyebe, punta ka razons halo halo parang ganun yelo dito na nyebe😀😛

      Reply

  16. TSI
    Dec 22, 2009 @ 17:11:28

    Ang cute ng nyebe hehe.🙂

    Happy Holidays Toffer!

    Reply

  17. p0kw4ng
    Dec 23, 2009 @ 01:18:16

    wala talagang tatalo sa pasko ng pinoy! huwaw at pwede ka nang mag negosyo ng halo haluan dyan,hihihi

    hapi pasko sayo tope!

    Reply

  18. P-E-B-A
    Dec 23, 2009 @ 12:01:32

    Merry Christmas!

    We are hoping that you will be sending a representaive during the awards night.

    Don’t miss it! Send atleast ONE!
    We will be waiting!🙂

    Reply

  19. Prinsesa ng Drama
    Dec 23, 2009 @ 12:30:31

    Merry Xmas! Musta ang White Christmas dyan? hehe.
    Hayz kamiss ang Pasko sa pinas.

    Godbless.😉

    Reply

  20. Mike
    Dec 23, 2009 @ 16:04:53

    maka-follow nga. hehe!

    MERRY CHRISTMAS!

    Reply

  21. fiel-kun
    Dec 24, 2009 @ 00:05:28

    ako’y muling dinala ng malamig na simoy dito sa iyong munting tambayan ^_^

    Wuy Merry Christmas sa iyo jan sa Canada Parekoy! Waah, may snow! gustong-gusto ko din maexperience ang white Christmas pero siguro matatagalan pa yun😄 saka, di pala ako sanay sa sobrang lamig, nagkakaroon ako ng allergic reaction sa balat ko >_<

    Anyways, si "Bro" talaga dapat ang maging sentro ng ating Pasko. Let him have center stage this Christmas season!

    Reply

    • topexpress
      Dec 29, 2009 @ 20:16:22

      oo naman tol si BRO tlga ang STAR ng PASKO.😀

      naku wala ba snow pla jan sa place mo?

      wala naman sa snow yan tol nasa puso at contentment bro!

      o MALIGAYANG PASKO TOL

      Reply

  22. Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD
    Dec 24, 2009 @ 08:02:33

    It is Christmas in the heart that puts Christmas in the air. merry christmas tope! God bless +

    Reply

  23. LIFE Moto
    Dec 27, 2009 @ 12:53:56

    Merry Christmas and have a blessed new year. From the Kingdom of Saudi Arabia…

    Reply

  24. Sows
    Dec 28, 2009 @ 04:58:19

    happy holidays ate pink!!

    God bless..

    Reply

  25. fiel-kun
    Dec 28, 2009 @ 08:55:50

    wuy pareng Tope, huge congratulations! isa ka sa mga nagwagi sa PEBA ^_^

    inuman na!!!😄

    Reply

  26. Jag
    Dec 31, 2009 @ 14:45:09

    Happy New year! And also congratulating you for winning PEBA awards. Ang galing!

    Reply

    • topexpress
      Dec 31, 2009 @ 19:14:12

      Happy New YEar tol!

      ano handa nyo? aheheh kami wala, may pasok kasi lahat eh kaya adobong itlog ulam aheheh.

      Salamat tol sa pagdaan at ahehe thank God magandang regalo na nga nia ung nanalo ako sa PEBA eh!

      godbless bro!

      Reply

  27. taribong
    Dec 31, 2009 @ 21:45:11

    Yahoo! Happy New Year topexpresr!!! Congratulations too for winning at the PEBA awards!
    Ang galing mo kaibigan. Saludo ako sa iyo. Keep up the good work and keep the blogs coming!
    isang masigabong palakpakan sa iyo hehehe. had also been rooting for you at the base awards. tagay na!!!

    Reply

  28. aksoriyalmo
    Jan 01, 2010 @ 03:15:29

    uy mga snow.

    although late, hehe, pero first day lang naman ng 2010, happy new year kuya top.. at sa family mo here in the Philippines!

    ingat ka lagi dyan!

    Reply

  29. batangmangyan
    Jan 02, 2010 @ 00:10:59

    happy new year toper!

    Reply

  30. joycee
    Jan 02, 2010 @ 12:40:24

    Kapuge naman ni Kuya o! Happy new year po! Stay happy!🙂

    Reply

  31. taga-bundok
    Jan 02, 2010 @ 23:18:22

    happy new year kuya tope!

    Reply

  32. J.Kulisap
    Jan 03, 2010 @ 07:00:28

    Hi pare. hapi new year.

    Reply

  33. jason
    Jan 03, 2010 @ 09:29:22

    wahahahaah nabas ako kuya top ung reply mo sa comment ko sa taas. tawa ko nga tawa adik

    hahaha

    so pano happy new year at happy three kings mula dito sa Pinas!!

    wahhhH!!!

    Reply

  34. Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD
    Jan 03, 2010 @ 16:05:45

    i remember new year 2007. noong christmas 2006 ay umuwi ako sa davao, at ang pag-uwi ko ng manila ay tinapat ko sa december 31, 8 pm.

    dumating ako ng naia around 10 pm. omg! wala na akong masakyang taksi. naglakad na lang ako from naia to baclaran. doon ako inabot ng new year. kitang kita ko ung fireworks, mga putukan. lol. kitang kita ko sa daan ang mga cockroaches na nagtatakbuhan. natakot din sila. hahahaha.

    madaling araw na ako nakakuha ng taxi. hehehe. unforgettable talaga un.

    Reply

    • topexpress
      Jan 06, 2010 @ 00:38:12

      ahahahah iba tlga ang mga karansan na di mo inaasahan.😀

      ako nung bagong taon po sobrang pila sa bus station. eh nasa hi-way plng kami kumulo na tyan ko. ahahah itinulog ko nlng hanggang sa bahay. ahehehehe

      kung di ko tinulog, naku putukan umaatikabo! ahahahaha

      Reply

  35. voodoots
    Jan 04, 2010 @ 03:45:59

    nakakahappy ung mga photos mo : )

    Reply

  36. Dorm Boy
    Jan 04, 2010 @ 05:56:15

    Habol pa ko sa pagbati ng belated Merry Christmas at Happy New year!!!

    Happy Three Kings na rin! hehehe!

    Reply

  37. blurosebluguy
    Jan 04, 2010 @ 22:45:08

    nahuli man ako….meri krismas para this year,…..nauna naman ako sa iba!!!!

    Reply

  38. livingstain
    Jan 05, 2010 @ 04:58:52

    kailangan talaga kahit malayo sa pamilya dapat masaya pa rin, bawal ang malungkot ngayong pasko. happy new year… aaawww

    Reply

  39. walongbote
    Jan 08, 2010 @ 09:18:29

    ay late na itong greetings ko: HAPPY NEW YEAR.. wala kang update na bago? yay! buti ka pa nasa snow na..

    I have new blog
    http://painuminmoko.crashtequila.info

    Reply

  40. jason
    Jan 09, 2010 @ 02:11:00

    BELATED HAPPY THREE KINGS kuya Top! wahahhaha

    Reply

  41. dhyoy
    Jan 11, 2010 @ 20:22:47

    paskong-pasko pa rito ah…😀

    Reply

  42. voodooboxer
    Jan 14, 2010 @ 03:21:23

    sana. ako nlng ung xmas decor :X

    Reply

  43. myfingersrtyping
    Jan 24, 2010 @ 06:27:56

    asa Canada ka?haha saan exactly? LOL! kahit saan ata dito sa Canada ng white Christmas last year, first time ko na hinde white Christmas, ’06 ata.

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: