Love Life

MAdaming beses na din ako nagmahal at nasaktan. Umibig at iniwan. Di naman lahat tlagang mapapa sa atin kahit ano pang gawin o kahit gaano pa natin paglaban ang isang pagmamahalan. Sa buhay ng tao, maraming bagay ang mabilis dumadaan, minsan di mo namamalayan ang pait ng nakaraan ay ating nang napag limutan, depende nalang yun kung tayo ay nagpapatali sa pait nito.

LOVE…? sabi nila matitikaman mo ang lahat ng lasa ng buhay, ang tamis, alat, asim, pakla, at pait ng pag-ibig. Sa mga lasang ito naman, matututunan natin ang isang magandang sangkap ng pag ibig… ang pagbangon at muling magmahal. Kahit gaanong sakit ang iniwan sa atin ng ating nakaraan, may luha man o dahas pilit nating niyayakap ang atig sarili sa pagmamahal na ating pinapangarap.

 

Nakakatawang balikan ang mga bagay na nagpapatunay o indikasyon na tayo ay nagmamahal o inlove… Nanjan ung day dreaming kahit nasa klase, kinikilig o napapa ngiti pag nadidinig ung favorite o theme song natin, Emo kung emo pag may mga love songs na magaganda. (ahahahahah natatawa ako habang sinusulat ko toh kasi isa ako sa ganito pag inlove. ahahah Walang basagan ng trip!) Nanjan na telebabad o chatmania kayo, kahit walang topic o paulit ulit nlng pinag uusapan parang lagging bago ang topic. Iba ang glow (ika nga!) ng tao pag in love.

May mga iba naman sa atin na kahit na harapan nang niloloko o alam na ang totoo, pilit pa din nating binubulag ang sarili sa pagmamahal na meron tyo. Bakit nga ba natin tinatanggap ang taong mahal natin kahit sa ano mang bagay na nagawa sa atin? Siguro nga gago tayo o tanga at bobo, pero mahal natin eh. Kahit ilang beses na nga tayo lokohin at saktan pero nawawala yun dahil nararamdaman natin na mahal natin tlga eh. At mas nakakagaan ng loob kung tatangapin at papatawarin kesa mawala sa atin ang taong itinuturing na kulay at buhay na natin. Pero minsan sana maisip natin na di dapat ibigay ang lahat at wag ikulong ang sarili natin sa isang bagay dahil baka di para sa atin ito.

MArami sa atin ang nagsasabi na napapagod o nagsasawa na sila magmahal. Ang iba naman sinasabi na darating nalang itong kusa. ANg karamihan sa atin iniisip na malungkot ang buhay pag walang love life… pag walang ka I love you-han, walang ka text, ka date, atbp. Madami sa atin naghahanap ng pagmamahal at pilit ipinipilit ang pagmamahal kahit di tama, at tuluyan nang nabbulag at din a nakikita ang mga taong nagmamahal sa atin ng lubos at naghihintay lang ng pagkakataon na mapansin natin sila. Bakit nga ba ang karamihan sa atin, pag tinatanong mo about love, umiiwas ng sagot, o kaya nagiging malungkot tungkol dito. Akala nila di na magiging masaya ang buhay kung walang love life.

Meron man o wala dapat nating isa isip na may mga taong nagmamahal pa sa atin, handang dumamay at umagapay sa oras man ng ating kasiyahan at kalungkutan. Nawa matutunan natin silang bigyan ng pahalagahan at pag-ingatan.

“LIFE is not about having a LOVE life; It’s a matter of LOVING LIFE”

Isang maligaya at mapagmahal ng buwan ng mga PUSO!

-= topexpress =-

P.S.

Sa lahat ng aking tagasubaybay, mambabasa, kaibigan, bagong kakilala, kablogs at magiging kakilala, higit sa lahat sa mga taong nagmamahal sa akin, taos puso po akong nagpapasalamat sa pagdalaw at pagdaan sa aking munting blog bahay. I appreciate your thoughts, views, opinions, and the stories we shared and will share thru this blog. Wala pong topexpress kung di din po dahil sa inyo.😀

67 Comments (+add yours?)

  1. con-con
    Feb 18, 2010 @ 03:56:30

    kuya toper…
    galing mo im proud of you…
    keep it up…
    and more power

    Reply

    • topexpress
      Feb 24, 2010 @ 21:43:05

      Wow! pers taym mo dito Con-con, salamat sa pagdaan. Patuloy akong susulat dahil sa mga taong kagaya mo at ng iba pa na patuloy na naniniwala at nagpapayabong sa akin bilang isang blogger.

      Happy Puso!

      Reply

  2. akosileen
    Feb 18, 2010 @ 04:34:18

    nice one🙂
    happy puso month..

    CICian rules hehe🙂

    Reply

  3. NGUSHYANI
    Feb 18, 2010 @ 04:35:32

    We’re so proud of you. Keep it up=)

    Reply

    • topexpress
      Feb 24, 2010 @ 21:45:12

      Salamat po ng marami. Sa aking pagsulat dinadaan ang aking pasasalamat sa aking mga mambabasa, dahil sa inyo kaya din ako nakaka sulat ng mga bagay na ganito.🙂

      Reply

  4. lhen
    Feb 18, 2010 @ 05:06:20

    nice post toffee…. pero sa isang gwapong tulad mo bakit ko natatanong sa sarili ko na “itong batang ‘to walang love life?..weh?…🙂 ” daming nagkkcrush at humahanga sa mala anghel na mukha tulad mo🙂
    ahhhmmmm siguro may mga babaeng naka relasyon mo na selosa kaya madalas nawawala sila sayo🙂 hehehe kse daming tumitingin sayo hehehe

    pero alam mo tama ka nagustuhan ko ang post mo toffee lahat yan naranasan ko rin nasaktan,naging masaya, ung tipong umiikot ang buhay mo sa taong mahal mo…….

    pero talgang ganun…kung ndi nagttagal ang taong mahal natin siguro may dahilan lang un….. mainam na nasasaktan tayo kse hinuhubog tayo ng diyos sa mga pasakit na pinagdadaanan….

    basta ang mahala ung pagmamahal ni kristo na hindi humihingi ng katumbas sa atin …mahal nya tyo kahit gaano pa kalaki nagawa nating kasalanan…..
    gaya ng sinabi mo minsan bulag., bingi, tanga o gago tayo sa pag ibig…. ibig sabihin nuon nagmamahal tayo ng walang katumbas o kapalit basta ang alam natin mahal natin ung tao kahit madalas tayong saktan……. 🙂

    Reply

    • topexpress
      Feb 24, 2010 @ 21:49:31

      Ayun noh! ang isa sa kukunin ko na photography studio sa aking kasal😛 toinks! aheheh (para may discount! :P)

      Hmmmm… di nmn po Ate lhen, siguro minsan hindi lang tlga laan ang dalawang tao sa isat isa, pero gayun pa man, ang makilala at makasama at maging parte ng aking buhay ang mga taong aking minahal at pinahalagahan ay isang alaala at aral para sa akin.

      Si God at ang kanyang unconditional love ang walang kupas na nagpaparamdam sa akin na ako ay minamahal ng lubos.

      Teka…?!!! eh bakit puro ako… eh ikaw ate, sinong love mo? ahehehehe

      Reply

  5. meliza catedral
    Feb 18, 2010 @ 05:51:00

    yes! at last na 2nd base ako dito.. love lyf ang topic nman..hmm.. ang ganda ng topic.toper. im sure maraming mgccoment dito….ako alllergic sa topic sa ttooo lng pero ok lng kasi ngeenjoy ako sa pagbasa mga blogs mo at walang sawang tagasubaybay mo and maraming akong nkkuha dito…hehehe
    heneways totoo ang lahat na cnabi mo topher lminsan pag inluv tau ng todo nawwala tau sa sarili. wala sa vocabulary natin gawin ang isang bagay na ayaw natin pero paginluv tau nggawa ntin sa taong mahal natin maski kakornehan..hahahha!
    well ako maraming beses akong nainluv at saka nasaktan..pero cge pa rin. di ngssawang mainluv..wahahah. para sa akin eto ang pinakamasarap na experience na naransan ko sa buhay ko kasi minsan eto rin ngbbigay ng inspiration or maging matatag sa pagharap ng buhay..at saka alam ko na marami rin ngmmhal sa akin..
    keep it up and more blogs to come

    ngapala topher ang ganda ng singsing ah. kninong singsing yan?sana magkaroon ako nyan someday..toinkzz!

    P.S “The most important thing in life is to learn how to give out love, and to let it come in.”

    Reply

    • topexpress
      Feb 24, 2010 @ 21:51:06

      Salamat mhel, and yes i agreee sa quote na sinabi mo… (kamot sa ulo..)

      ano na nga yun? paki salin sa tagalog?😛 ahehehehe

      * ung ring, both sa akin at parte na ng buhay ko yan.😀

      Reply

  6. bonistation
    Feb 18, 2010 @ 06:07:05

    wow, post-valentine-post. ^^

    pinakamasarap na yatang pakiramdam ang magmahal at mahalin.

    aprub ako dito sa entry mo na ‘to tol, kumpletos rekados! magmamahal tayo at hindi rin minsan maiwasan na masaktan o makasakit pero bahagi yun ng mga totoong sangkap ng pagibig, maaaring nadadapa nga tayo.. pero isa lang yun sa preparation para sa pagdating ng taong nakalaan para sa atin..


    someone… someday will come along and make you finally realize why it never worked out with anyone else.

    echo6

    Reply

    • topexpress
      Feb 24, 2010 @ 22:00:42

      naks! nabuhay ang echo06!

      tol salamat sa muling pagdalaw… ang mahalin at magmahal ay isa sa pinaka masarap at pinaka magandang matututunan natin sa buhay. Nagbibigay ito ng kakaibang kakayahan para sa atin na gawin ang mga bagay na di pangkaraniwan.

      Gusto ko ang sinabi mo na quote sa huli. When we all finally found someone destined for us, then you will realize why youve moved on with your past.😀

      eh ano pa hinihintay? eh di kumanta na…..

      “Akoooooo na yata ang pinakamagandang lalake sa mundooooooo!!!!”

      aahahahahah

      Reply

  7. tsiremo
    Feb 18, 2010 @ 08:53:38

    Mukhang broken-hearted ang mga ‘to ah!!! What’s nice about this post is that a lot of us can relate to some situations within the article, and ya know what it’s like im reading a some sort of a magazine which has these images that represents emotions haha niice toffi…favorite ko yung confused na toffi haha!… goodluck sa lovelife!

    “If I pulled my heart out of my chest and plugged headphones into it would you be able to hear how I feel about you then?”

    Naks!

    Reply

    • topexpress
      Feb 24, 2010 @ 22:03:58

      ahahah ayun noh! ang TOP 10 Handsome blogger napadaan muli sa aking bahay blog.😛 naks!!! hammmpogeeeeehhh!!!

      Tol, i guess when it comes into LOVE, everyone has their own views and learnings. Lahat makakarelate dahil iisa lang ang pinaghuhugutan… PUSO!

      At umiingles ka pah?!😛

      Reply

      • tsiremo
        Mar 02, 2010 @ 07:02:40

        Sus…umingles ba? anyway…di ako maka get over dun sa pic na super confused ka hehehe na parang mababaliw sa pag-ibig..musta lovelife toffi aldo? mishu

  8. Dhon
    Feb 18, 2010 @ 10:26:51

    Belated happy Valentines..
    We all need to just sit back and enjoy this ride that we call “Life”

    Reply

  9. melody
    Feb 18, 2010 @ 11:46:06

    hi… i really like the quotes that you share!!! keep up the good work.. all i can say is that ur handsome..😉

    Reply

  10. gixx
    Feb 18, 2010 @ 13:17:42

    awwwtsss *heartbreak* :))
    love this post :p
    and great pictures!

    Reply

  11. aksoriyalmo
    Feb 18, 2010 @ 14:02:48

    Yawts, totoo ang sinabi mo. Hindi lang umiikot ang buhay ng tao sa aspetong pag-ibig ng kanyang buhay. Ang mahalaga, masaya tayo. Stand-alone thought na masaya tayo. May lovelife nga tayo, pero hindi naman tayo masaya.. wala ring kahihinatnan ang buhay natin.

    Kung may lovelife naman, i-appreciate natin. Huwag natin hayaan na masira yown dahil sa simpleng away o bagay. Kung nagmamahal tayo at masaya tayo, sikapin nating huwag saktan ang taong minamahal natin.

    At tama silang naunang lahat sa idea nila about love.

    Reply

    • topexpress
      Feb 24, 2010 @ 22:20:08

      Salamat Ax. MAsasabi ko na kahit pla BABY FACE may mga “baby love” experience na din😛

      congrats sa iyong pagkakabilang sa Top 10 Handsome Bloggers🙂

      Reply

  12. batangmangyan
    Feb 19, 2010 @ 00:25:39

    for a relationship to really work, we need to focus on what we appreciate about the other person, not what we’re complaining about. when we complain more, we only get more of those things.

    love everthing we can, love everyone we can. focus on things we love, feel love — we will experience that love coming back to us — multiplied! Charles Haanel says, “to acquire love…fill yourself up with it until you become a magnet”.

    isang masayang buwan ng mga puso sa ating lahat!

    nice post ‘tol.

    Reply

    • topexpress
      Feb 24, 2010 @ 23:05:03

      I totally agree sa sinabi mo tol. Ano na nga un? pwede mo ba paki ulit?😛

      Astig to tol na sinabi mo:

      “to acquire love…fill yourself up with it until you become a magnet”.

      Reply

  13. taribong
    Feb 19, 2010 @ 03:49:42

    Love makes the world go round…
    Teka, hindi ba’t ang mundo ay hindi round kundi isang oblate spheroid?
    Dapat bang sabihing “love makes the world go oblate spheroid”???

    Reply

  14. grazie
    Feb 19, 2010 @ 10:06:09

    i apric8 ur bl0g.. but i’m in pain.. dat’s y??. i d0nt qnow if i stil qnow.. the word.. “LOVE” anymore..

    Reply

    • topexpress
      Feb 27, 2010 @ 18:43:40

      Thanks for appreciating what ive wrote. Im sorry to hear that ur in pain now.
      I just hope that ull get better and be back again.

      Life is full of challenges that would make us a better person. BE a stronger person than what u are yesterday. Conquer your fear and pains in life.

      godbless

      Reply

  15. Suckingbird Keller
    Feb 19, 2010 @ 16:55:19

    your photos really speak for some stories untold🙂

    i love photo #2–> yellow is the color of fall

    Reply

  16. ajlation
    Feb 20, 2010 @ 08:20:22

    tama tama…..isa pa nga naman hano you will never know how to love others. unless, otherwise you know how to love and appreciate your self…dahil ang pagmamahal ay nagsisimula hindi outside but within ourselves…..ika nga Learning to love your self,it is the greatest love of all….tama naman diba

    walang sino mang nakahihigit at makahihigit sa pag mamahal na magmumula sa iyo…..yan ang dapat nating tandaan….

    ******nakahahawa ka kua tope…hahaha….drama mode!?

    Reply

    • topexpress
      Feb 27, 2010 @ 20:19:05

      Very well said Aj. Now u made me proud knowing you and being a CICian too!
      Gusto kong sabihin sa iyo to tol…

      I AM PROUD of WHAT U’VE BECOME and WILL BE in the future.

      Continue to write and pursue your dreams and goals in life.

      Godbless

      Reply

      • ajlation
        Mar 03, 2010 @ 06:18:42

        wehehe…same here kua tophen…
        being CICian is a great experience….
        salamat sa lakas nang loob na binibigay ni God ito pa rin still alive and kicking…
        salamat din sa appreciation at tiwala mo na kaya ko ito,nawa’y maabot ko ang aking pangarap tulad mo…

        knowing and meeting people like you ay isang magandang pangyayari sa buhay nang isang tao
        dahil kahit papaano ay alam nito na may naniniwala sa kanyang kakayahan…

        ika mo nga you’re proud being cician…
        ako naman i’ll treasure it,as being cician ,til my last breath and even in my death…

        may OUR LORD GOD BLESS YOU AND YOU FAMILY>>!!!!

        salamat sa inspirasyon…
        ingat ka dyan… =)

        C.I.C. roCks!!!!

  17. fiel-kun
    Feb 20, 2010 @ 14:00:23

    ang cheesy mo pre hehe😄

    LOVE? isa lang ang masasabi ko dyan… ang PAG-IBIG ay BULAG -> at maraming beses ko na itong napatunayan ^^

    Reply

    • topexpress
      Mar 02, 2010 @ 00:04:17

      ahahhaha cheesssyyy ba? hamo next tym mushyyyy naman! ahahaha

      eh madalas na din ako naging bulag, ahahahah. Hindi naman magiging malinaw ang ating mga mata at magiging bukas ito, kundi hindi natin mahahasa ito sa pagkakabulag.😀

      Reply

  18. jag
    Feb 21, 2010 @ 16:17:35

    The saddest thing about me? TANGA ako pagdating sa pag-ibig…

    Kaya pahinga muna ako jan at magmumunimuni…

    Reply

    • topexpress
      Feb 27, 2010 @ 20:20:23

      Wag ka mag-alala, u are not alone. madami sa atin ang nagiging tanga sa pag-ibig. dahil siguro masasabi ko hindi ka nagmamahal kung di ka naging tanga kahit minsan.😀

      smile na!

      Reply

  19. FerBert
    Feb 22, 2010 @ 11:39:38

    alam mo yung kanta ng giniling festival na ang title eh mabuhay lang ng single? wala lang. lol

    wala muna akong pake sa lovelife basta kailangan ko munang ayusin ang sarili ko bago ako pumasok sa isang relasyon.

    Reply

  20. Mon
    Feb 23, 2010 @ 07:38:36

    usapang love pa din pala dito.

    i like ur thoughts about the subject matter, napaka-positibo. sa kin kasi, pabago-bago ang pananaw ko dito dati exciting tingin ko dito, tapos biglang complikado pala, nakakatakot.

    but now, ang tingin ko dito para itong bebel gam, pag dumikit, nakaka-buwang!! haha

    Reply

    • topexpress
      Mar 02, 2010 @ 01:35:12

      Thanks for liking my thoughts about love. I guess we have to be more positive mostly when having love as a subject. In loving naman kasi dapat tlga tanggapin ang negatibong bagay sa paraang positibo.
      😀

      Reply

  21. J.Kulisap
    Feb 24, 2010 @ 02:51:50

    Pareng Tope, kamusta ang puso natin?

    Totoo ang daloy ng iyong pahayag.

    Nasa puso ko agad.

    Bago mo masabing ang salitang mahal, dapat mahal mo muna ang sarili mo.

    Reply

    • topexpress
      Mar 02, 2010 @ 01:38:07

      PAreng J.kul salamat sa pagdaan muli sa aking bahay blog. Ayos nmn ang puso ko, mapula pa din😛

      Ang buhay ay maikli lamang kaya dapat sulitin ang panahon para magmahalan.🙂

      Reply

  22. timangkey
    Feb 25, 2010 @ 06:32:22

    sabi nga ni pareng ben… love love love love…

    Reply

    • topexpress
      Mar 02, 2010 @ 01:39:12

      ahehehe. salamat po sa muling pagdaan!

      eh after love, hurt hurt hurt naman tapos maganda after hurt, LOVE LOVE LOVE muli, dahil ang puso kahit na napapagod, nagmamhal pa din😀

      Reply

  23. eloiski
    Feb 27, 2010 @ 02:22:41

    natutuwa ako sa kuha mong larawan. aylabet! anong cam po ang gamit niyo? astig ng mga kuha. edited ba yung ilang kuha mo sa posteng ‘to?

    yung sa love naman, hindi ko pa kasi alam ang ganyan mga bagay. wala muna yan sa utak ko. aral muna! hakhak!

    Reply

    • topexpress
      Mar 02, 2010 @ 01:41:19

      Aheheh😀 salamat sa positibong pagpuna sa aking larawan. Sony po ung camera ko sony digicam hindi pa po DSLR ahehe mahal po un eh.

      angulo angulo lang tlga. siguro isa na din ung kahiligan ko tlga sa piktyurs at camera!😀

      Reply

  24. Carizza
    Feb 27, 2010 @ 03:39:18

    Ang ganda nung photo na may autumn leaves.🙂

    Reply

  25. superlolo
    Feb 27, 2010 @ 06:19:07

    Pahabol sa luv month Toper…nice post na…with nice pictures pa.

    Salamat sa sinabi mong ito:

    “LIFE is not about having a LOVE life; It’s a matter of LOVING LIFE”

    Reply

  26. kikilabotz
    Feb 27, 2010 @ 14:51:57

    LIFE is not about having a LOVE life; It’s a matter of LOVING LIFE”

    gusto ko rin ang liyang ito. hehe. gnda ng pagkadescribe sa blog

    two thumbs up

    padaan lang

    Reply

  27. Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD
    Feb 28, 2010 @ 08:27:48

    laki ng smile ko habang binabasa ito.

    may naalala tuloy ako. pareho pala tayo kung naiinlab tope. ganyang-ganyan din ako noon.

    laging nakangiti, swak lahat ng love songs. emo lagi. hahahaha, kakatuwa. naka-relate ako.

    i love this post tope! talagang galing sa puso, may pinaghuhugutan. naks!

    Reply

  28. Take Out Kare-Kare
    Feb 28, 2010 @ 09:05:31

    iba talaga pag sau nanggaling bawat bigkas ng pangungusap, tumatagos hanggang kasuluk sulukan ng kaibuturan ng damdamin at kaisipan, malalim ang pinaghuhugutan, matindi ang pinagdaanan. wala kang katulad! the best ka! i love reading your posts, it’s very addicting. Kudos! you always inspire and mesmerize me… complete from a-z hehe am so proud of you! you will forever be my… pongah!!! 22

    Reply

  29. pruelpo
    Feb 28, 2010 @ 15:31:13

    Ma suwerti ang mamahalin mo, Igan. Napadaan lang. Musta naman ang love life at loving life?

    Reply

  30. ajlation
    Mar 03, 2010 @ 07:48:49

    madalang ko buksan ang face book ko weh…pero geh this coming weekend magnenet ako sa labas accept ko invitation mo…
    dito lang kc ako sa cyber nook nang cic tumatamtambay. mahal kasi sa labas…eh bawal panaman ang facebook,friendster dito……

    nga pala may pakikilala tuloy ako sayo hehe …
    just email me, if you are interested

    ahm…clinical instructress sya nang C.I.C

    maganda haha…

    Reply

  31. livingstain
    Mar 03, 2010 @ 13:57:22

    kala ko naman ikakasal ka na kuya.

    ingat lage, maraming nagmamahal sayo.

    Reply

  32. Deejgeek
    Mar 04, 2010 @ 05:16:58

    Hello Topexpress! I added you in my blogroll. I am hoping that you will do the same! =]
    Thanks and Godbless!

    DeejGeek of http://deejgeek.blogspot.com

    Reply

  33. aquilthoughts
    Mar 06, 2010 @ 01:26:50

    hiya top…saludo talga ako sa blog mo..u really really really made me inspire…u inspire me to write..i was blogger before..tapos ngaun nabasa blog mo March 6, 2010…esp ung PANGARAP….teardrops roll over my face…saludo ako sau…thanks for sharing…

    Reply

  34. addictedtogreenbellpepper
    Mar 08, 2010 @ 16:08:19

    i really like this post especially this line:
    “LIFE is not about having a LOVE life;
    It’s a matter of LOVING LIFE”

    minsan nakaka-miss lang din yung feeling of belonging to someone, being cared for, being texted, being sweet talked to, being loved in a romantic kind of way. syempre madami naman nagmamahal sa tin pero iba pa din yung me special person. but what i really miss most in a relationship is not the love i get but the love i want to give.

    great blog you got here. pasyal ako lagi ha.
    God bless🙂

    Reply

  35. Nebz
    Apr 09, 2010 @ 11:51:34

    Love is loving life…not having a love life.

    I like this line. So true! So me!

    Thanks for a positive post. Humanda ka, ikaw ang ipi-feature namin in the coming issues of The Kablogs Journal.

    Reply

  36. sunnystarfish
    Jun 15, 2010 @ 04:45:46

    nice post….namasyal at muling babalik…😀

    Reply

  37. Zhed
    Jul 08, 2010 @ 13:58:38

    thankks to your writings..napadaan lng..while finding some ways to move on and know people with the same wage of pain..hahai…cant find ways to get over the pain….

    Reply

  38. amor lopez
    Apr 24, 2011 @ 22:32:12

    i used ur picture in one of my notes about life found it on google…never thought that ur a Filipino…nice blog though…keep it up!

    Reply

  39. Macky
    Jun 27, 2011 @ 05:20:34

    Nakakaaliw magbasa ng isang blog ng isang Pilipinong nagtatrabaho abroad na sinulat sa sariling wika.

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: