Olympic Spirit

Sports is one of my favorite past time when I was still working at the Kingdom of Saudi Arabia, particularly badminton. Hindi ako natitigil ng bahay after work o weekends dahil sa paglalaro nito. Nuong bata pa ako (which is bata pa din naman ako till now :P) Badminton na ang naging larong pampalakasan ang aking nakahiligan at kinakitaan ng galing. Pinangarap ko nga na makasali sa Palarong Pambansa at higit sa Olympics. Masasabi ko na nanatiling panaginip nalang ito, ang mahalaga hinamon ko at kinalaban ko ang pinaka mahigpit na kalaban ko sa mundo, ang aking sarili.

Maswerte ako dahil sa hindi man ako nakasali o naranasan ang kung ano ang feeling ng makasali sa Olympics o Palarong Pampalakasan ay naranasan at naramdaman ko ang spirit ng Olympics. Ang 2010 Winter Olympics ay ginanap sa Vancouver, British Columbia, Canada mula nuong February 12–28, 2010, Approximately 2,600 athletes from 82 nations participated in 86 events in fifteen disciplines. Syempre hindi ko pinalampas ang pagkakataon na masaksihan ang pambihirang Torch relay na kung saan ang aming lugar ay isa sa 10 provinces and three territories na iikutan ng pamosong torch.

Kakaiba ang aking naramdaman nang aking personal na nasaksihan at nakita nag pamosong torch at ang moment na itinatakbo ito ng representative ng sikat na manlalaro at torch bearer ng aming probinsyang Nova Scotia. Di ko alam pero ramdam ko ang init (ng ulo ng katabi ko kasi nasisiksik namin sia :P) ng pagtanggap at spirit ng torch na makita mo personally.

Naging mahigpit ang labanan at kompetisyon sa pagitan ng mga bansang naglalaban-laban para sa medalya at karangalan ng kani-kanilang bansa. Maswerte ang bansang aking kinalalagyan dahil mapalad nilang nasusungkit na animo’y bayabas na hinog ang mga medalyang ginto sa ibat ibang larangan ng Winter Games Olympic. Bago nag huling araw ng pamosong pampalakasan, naging mahigpit ang labanan mula sa dalawang malalakas na bansa sa larong hockey. Ang Bansang Amerika laban sa Canada. ANg hockey ay ang national sports ng Canada (keneda sa slang! Ahahahaha)

Sakto at nagkataon na day off ng inyong lingkod kaya sa araw ng finals ng huling laro sa Olympics at nasa city ako na ang pakay ay maglibot at i-treat ang aking sarili. Isang kaibigan at co-worker ko ang nag-aya na manood ng hockey finals. Isang Sports Bar ang aming pinasok (akala ko pub! Sayang! Amf!). Mula duon ay nakita ko na ang mga fans ng larong hockey at mga Canadians na masugid na sumusuporta sa kanilang pambato.

 Bilang mga pinoy na nagtratabaho sa bansang Canada, minarapat na naming na suportahan ang hockey team nito kaya bumili kami ng mga stickers, bells at Canadian flag upang ipakita ang aming suporta.

Exciting ang naging laban at maka-taas pwet at nakaka-malat na sigawan ang nangyari dahil sa init at dikit na laban ng dalawang koponan. Sa aming pagkasabik di na din naming na pansin na beer pla ang aming iniinom at sa akala’y tubig ito na pamatid uhaw lang. heheheehe.

Sa huli, Canada ang nagkamit ng gintong medalya sa huling laro bago matapos ang 2010 Winter Olympics.

Sigawan, hiyawan, palakpakan at yakapan ang lahat ng mga taong nanonood sa bar sa pagkakapanalo ng kanilang koponan. Ang hindi magkakakilala ay pinagbuklod at pinagsama ng iisang ligaya at saya. Hindi ko mapaliwanag ang emotion na aking naramdaman dahil sa init at extreme emotion ng bawat isa sa spirit ng laban.

Mula dito, natutunan at narealize ko na, hindi man ako Canadian para maki bunyi at makisaya sa kanilang tagumpay, ngunit bilang isang manggagawang Pilipino na kinalinga at binigyan ng pagkakataon ni Bro at ng kapalaran sa bansang aking kinalalagyan, trabahong bumubuhay sa akin at sa aking pamilya. Bansang nagbibigay ng apoy para sa aking mga pangarap at plano sa buhay. Marapat at nararapat na bigyang pugay, halaga at importansya ang bawat pangyayari o karangalan nitong nakamit. MApalad ako at dahil patuloy akong pinagpapala at pinagyayabong ng bansang Canada.

Nakakatuwa at nakaka inspire ang spirit ng 2010 Olympics, mula dito natutunan ko na maniwala na kahit ang Pilipinas ay patuloy na magbabago at babangon tungo sa isang maunlad at matagumpay na ekonomiya at republika. Bansang hindi lang mayaman sa kalikasan bagkus mayaman din sa mga manlalarong kayang makipag sabayan sa mga banyagang pampalakasan. Hindi hadlang ang kahirapan, kung ang isasaisip natin at paniniwalaan ang ating adhikain na ibangon at magtutulong tulong para sa makabagong Pilipinas. Ang Malakas at Mayamang Pilipinas!

With this, I hope we continue to believe and inspire each and every Filipino to pursue dreaming and aiming high for a better life and living. May our government continue to support and promote programs for our Filipino Athletes to be more competitive and to continue cultivate their talents and the best of them. Believe in every dreams we have, and on every goals we aim, in everything we do, we must believe. For nothing can stop us once we believe.

“Believe in yourself! Have faith in your abilities! The reason you may become the master of your own destiny is because you have the power to influence your own subconscious psyche.”

54 Comments (+add yours?)

  1. aksoriyalmo
    Mar 11, 2010 @ 03:17:00

    Huwaw, parang ang saya saya mapasama sa video! Nakakatuwa naman yung video! Baka nagwawala din ako pag nandyan ako! Yay.

    Reply

    • topexpress
      Mar 11, 2010 @ 03:21:57

      huwaw! mas mabilis ka pa sa tsismis… ahahaha. kakapost ko pa lang at nakaka isanhg minuto pa lang BASE ka na AX! GOLD MEDAL ka tlga sa BASE.

      Oo napakasaya tlga nung moment na un. I can really say i am part of the canadian experience in celebrating their olympic history. Ang sarap ang feeling kahit di ako canadian coz i felt i really belong.

      Salamat sa pagdaan Axxie!

      Reply

      • aksoriyalmo
        Mar 11, 2010 @ 03:38:51

        Kitang kita ko nga yung pagsigaw mo, Kuya Topher! Yey.

        Ako, hindi sa badminton ako nag-excel. (Excel pa oh!) Sa volleyball. Pero wala na, hindi na siguro ako magaling maglaro non. Hehe. Dati, captain ball pa ako, pero wala lang. Di naman magaling. Wahaha.

        Maganda rin yung badminton.. Lumalaki yung isang braso ko don. Haha.

        At nakakatuwa yung mga Canadian! Sobrang saya nila sa video!.. Pero siyempre, Go Team Pilipinas kahit anong mangyari! Hehe.

  2. Bernadete
    Mar 11, 2010 @ 03:42:58

    Yay! may nauna sakin. hehe! Since nung sinabi mo na mgkakaroon ka ng bagong post time to time kona binivisit etong site mo. I wanted to be the first to comment but unfortunately nauna na si Aks.

    Well, may nextime pa naman (=hopefully=)

    Btw,nice pixes po.

    Keep it up^^,

    Reply

    • topexpress
      Mar 11, 2010 @ 03:55:17

      Wow! bernadette. SAlamat po sa pagsubaybay sa aking BLOG-lakbay.

      Second Base ka naman, atleast SILVER BASER KA! ahehehehe at dahil jan may nag tweeet!!!

      tweet says: Salamat sa muling pagdaan. hindi matatawaran ang pasasalamat ng may akda para iyong muling pag bisita!

      Godbless Berna!!!!

      Reply

      • Bernadete
        Mar 12, 2010 @ 07:53:30

        ahaha! nakakatuwa. parang olympics lang ah. may hang over kp ng awarding ceremony. lol,.,

        Godbless u dn topher=)

  3. meliza catedral
    Mar 11, 2010 @ 05:13:41

    my bagong post ka nman..buti na lng nakita ko sa fb..ako ang bronze madalist na lng sa bagong post mo..hihihi
    ang saya ng video nyo topher.. tLgNG NGEENJOY kau base sa pic mo at saka di nwwala ang inuman ever ha..buti ka pa nkapanood ka na ng larong hockey..kakainngit ka…pumunta pa kau vancouver..di ba yan malayo sa halifax?
    lahat tau my kanykanyang hilig sa sport..kaya ako favorite kung laruin na sport nung college is volleyball..ako ang spiker sa amin..heheh.
    tama ang cnabi mo na mgpasalamat tau kay bro sa talento na binigay sa atin at biyaya. nasa sa atin lng kung paano natin idevelop ang ang talent na binigay ni bro sa atin..
    ngapala ano yung isang video..ayaw mplay? di ko napanood sayang! ngapala ng ganda ng mga pictures..kktatuwa talaga..
    uy nxt tym nman topher timbrehan mo nman ako kung may bagong post ka para ako ang gold medalist..hihihi
    ge po ingatz lagi!

    Reply

    • topexpress
      Mar 11, 2010 @ 18:47:04

      ahahahaha uve got the BRONZE Mhel. ahehehe

      Hindi ako nagpunta sa vancouver, as said sa blog, sa isang sports bar po ako nagpunta. toinks! SPIKER ka pla ha… eh di sisisgaw ako ng malakas pag nag kita tayo…

      SSSEETTT SEEEETTTTTTTTTTTT!!!!!!!! PALOOOOOOO!!!!!!!

      ahehehehe salamat Mhel.

      Reply

      • meliza catedral
        Mar 11, 2010 @ 19:35:38

        ay wow mali! naexcite ako sa post mo. at ska may lakad ako ata ako kaya ngmadali mgbasa.. toinzzz..di na pwede na ko mgspike kasi injure na shoulder ko..tagayan na lng pag nagkita tau di kita uurungan.. wahahah

  4. chichirya
    Mar 11, 2010 @ 06:14:52

    Reply

  5. mtoni
    Mar 11, 2010 @ 07:17:37

    aw paborito kong panoorin jan ung snowboard, alpine skiing, freestyle skiing, ski jumping, nordic combined at ice hockey.
    tuwang tuwa ako dahil first ang canada na host country magkaroon ng 14 gold medals.
    katuwa ung ice hockey dahil lahat sila meron medals eh pareho men and women nanalo at nakuha pa din ung short track speed skating. talagang hakot sa gold medals eh.

    proud din po ako.

    Reply

    • topexpress
      Mar 11, 2010 @ 19:11:39

      Yup, exciting manood ng bawat laro sa winter olympics. Its a history that Canada got 14 gold and landed as 3rd overall.

      Salamat po sa pag daan at patuloy tayong makipag palakasan sa ating mga sarili.😀

      Reply

  6. melody
    Mar 11, 2010 @ 08:42:05

    i love spots— esp. badminton just like you… im doing it every weekends

    Reply

  7. Dhon
    Mar 11, 2010 @ 08:58:51

    Congratulations canada!🙂

    Reply

  8. bonistation
    Mar 11, 2010 @ 16:17:37

    wow! ang ganda naman,. nakapanood kapala ng winter olympics. nakakalungkot din ung isang aksidente na may namatay, anyways, astig nung face painting! pag uwi ko sa pinas papa paint ako ganyan haha philippine flag hihi kakamiss eh!

    ramdam yung saya sa video ah haha ke gugulo harhar!

    PS. tol artista ba yung may dala ng canadian flag tim hortons background?

    isa pang PS. eh si manny pacquio ba ung may dala ng philippine flag dun sa parade? hihi!

    Reply

    • topexpress
      Mar 11, 2010 @ 19:07:17

      ahahahaha oo tol. sige pa face paint ka, teka tanong ko lang? pahalang ba o pababa ang pagpinta sa bandila?

      oo tol, ang saya at sobrang worth ung panonood ng game na yun. kita mo naman pigil namin ang aming mga sarili sa pagbubunyi ng buong canada sa pagka panalo nila sa hockey ng gold.

      Yung may dalang Canadian Flag, artista un, local artist sa makabagong henerasyon. kaso tago lang tlga! lol😛

      PS. Oo si Manny nga ang nagdadala ng philippine flag tol, pero ung may canadian flag, kailangan ng malaking money! LOL

      Reply

  9. BatangMangyan
    Mar 11, 2010 @ 23:42:33

    sayang saya si toper! o sige pag uwi mo badminton tayo! kaya lang baka di ko masasalo ang mga palo mo kasi imported na, tapos syempre ang sigaw mo slang na haha.

    nice jacket–donate na yan sa batangmangyan!

    go keneda!

    Reply

    • topexpress
      Mar 14, 2010 @ 01:42:39

      ahahahaha, walang pag sidlan ang kasiyahan ni topher diba? ahahah nakakahawa kasi ang stamina at energy ng mga puti, grabe ung momentum na un! moment kung moment tlga brad! yeehhhaaa!!!

      muli, salamat sa pagdaan! at paghandaan mo naman ang paglaban sa akin sa badminten! ahahahah slang pati salita sa badminton!

      kinullllteeeeeeeeeyyy!!!

      Reply

  10. tsiremo
    Mar 12, 2010 @ 02:56:37

    Aw! di ka masyadong maingay sa video toffi aldo hehe..gusto ko rin maka experience ng ganyan yaan mo on monday punta nako sa mercan agency..mag aapply ako haha see you soon toffi lols!

    Kukulit ah sino gumawa ng art sa mukha mo?

    Reply

  11. DeejGeek
    Mar 13, 2010 @ 05:51:16

    hello! Ansaya naman. pangarap ko maka punta at tumira jan sa canada.. hehe..

    DeejGeek of http://deejgeek.blogspot.com

    Reply

  12. fiel-kun
    Mar 13, 2010 @ 12:30:52

    Wow astig! ang sarap talaga sigurong masaksihan ng personal ang mga kaganapan sa katatapos lang na Winter Olympics jan sa Canada. Swerte mo parekoy! Umm, since puro winter sports ito, hindi kasama ang team Philippines dito right? Pansin ko kc, puro ice hockey, skiing, ice skating, snow boarding, etc… ang mga sports which is wala naman dito sa Pinas lols😀

    Waah, nakablock yung video d2 sa Philippines… due to copyright reasons daw… anyways, hanap na lang ako ng iba sa youtube.

    Nga pala, pasyal ka naman sa blog ko parekoy ^o^

    Reply

    • topexpress
      Mar 14, 2010 @ 01:47:49

      uy tol, salamat sa walang sawang pagdaan mo. sige pasyal ako jan. oo tol, pang winter olympics lang yung ginaganap dito, pwede din naman sumali ung philippines as long as makapasok sila sa requirements at sa certain stadards set by the committee to be considered na snow and winter competent tlga ang athlete natin.😀

      Reply

  13. addictedtogreenbellpepper
    Mar 14, 2010 @ 08:04:51

    wow winter olympics! parang ang sarap naman manood nyan. usually we just watch it on tv pero ikaw you’ve seen it by yourself. galeng naman.

    i also play badminton. dati 2 to 3 times a week pero ngayon once a week na lang. cycling at jogging naman kina-career ko😉 maganda talaga me sports besides being healthy eh madami ka din ma-meet na friends.

    nice site you got here. bisita ulit ako ha.. ingats!🙂

    Reply

    • topexpress
      Mar 22, 2010 @ 19:46:27

      Hi salamat sa pag bisita sa munting bahay blog ko. Oo sobrang namimiss kona ang badminton. addict ako dun dati, now dahil sa layo ng court at sa city pa di na ako nakakapag laro, tuloy dinidivert ko nlng sarili ko sa pagtakbo sa gym. kahit paano healthy living diba?

      sige bisita ka ulit! nga pla, added ka na po sa blog roll ko. salamat ulit!😀

      Reply

      • addictedtogreenbellpepper
        Mar 23, 2010 @ 23:53:58

        jogging is good. i make it a habit to run once a week sa park naman. naaaliw kasi ako sa view. at the end of the long sweaty run, natambay ako sa me beach (lapit lang ksi yung park from my place). muni muni lang. di naman kagandahan yung beach but i find it very relaxing.

        ingats po jan..🙂

  14. p0kw4ng
    Mar 15, 2010 @ 15:37:46

    wow ang saya saya! pag nasa sports bar ka talaga eh mafefeel mo ang panonood nyan lalo na siguro sa totoo no?

    sensya na engot ako…ano naman ang nilaro ng bayang sinilangan natin sa winter olympics?

    sowee talaga,hihihi

    Reply

    • topexpress
      Mar 22, 2010 @ 19:48:34

      uy! mami powkeieee!!! mustasa na po? namiss kita ah? pa hug nga!🙂

      wala pong pambato ang bayang sinilangan sa winter olympics, siguro kung may labanan sa winter olympics at sasali ang pilipinas siguro mananalo tyo sa pasarapan ng pag gawa ng halo halo😛 (RAZONS) ahhehehe

      Reply

  15. Jag
    Mar 15, 2010 @ 16:05:48

    wow!that was awesome!Think BIG Pinoys! Go! Go! Go!

    hindi ako sporty kasi hikain ako pero dati pa un hehehe…

    Reply

    • topexpress
      Mar 22, 2010 @ 19:52:39

      ay ganun ba tol? ok lang yan, sabi nga, hindi man tayo maging malakas sa ating pampisikal, sikapin nating maging malakas sa ating pang espirituwal😀

      * ewan ko lng kung totoo ung sabi ng iba na gamot daw sa hika ay buntot ng butiki? ewan ko po ha! ahehehe

      Reply

  16. gixx cambri
    Mar 15, 2010 @ 17:59:21

    wow olympics!
    ngayon ako ay isang masugid na tagasunod na ng iyong BLOG haha hirap ako magtagalog but your posts inspire me :p

    nice nice pics and content🙂

    Reply

    • toffer
      Mar 22, 2010 @ 19:59:50

      Wow, nakakataba naman po ng puso, (pati ako tuloy nananaba na din😛 toinks!)

      SAlamat sa pagsubaybay o basa sa mga blog entries ko, pasensya na din kung ito ay in tagalog form. I just find myself more expressive when it is in our own language, (lusot, ang totoo, di ako magaling sa HEEENGLISH!) lol

      ex- link tyo!😀 salamat ulet!

      Reply

  17. Joyo
    Mar 15, 2010 @ 18:59:05

    huwaw naman di lang pampamilya pang sports pa! ang saya naman… guso ko maexperience yung ganong level ng pagsigaw sa video ehehe… buti pa kayo may mga event at ganyang activities… player din ako noon… player sa paror games ahihi… volleyball at bowling ang mejo trip kong sports😀

    Reply

  18. ajlation
    Mar 20, 2010 @ 01:30:00

    wala pa pla ako comment dito…toxic na kasi eh…

    uhmmm…..astig ung face painting …
    haha kasarap siguro manood nang live nyan…haha kainggit naman…

    Reply

    • toffer
      Mar 22, 2010 @ 20:03:13

      ahahahah oo tol, astig naman ung mga bandila na un sa aing mga mukha. makati lang minsan ahehehe

      Ang sarap ng feeling kasi ng parte ka ng history nila. ung moment na sobrang saya at very over powering ang spirit ng pagkapanlo dun ka madadala eh. and besides, sa bansa nila ako nagtratarbaho at kumukuha ng perang pampadala , kaya mabait din ako sa bansang mabait naman sa akin.🙂

      Reply

  19. coolwaterworks
    Mar 22, 2010 @ 04:55:36

    Hindi ko napanood ang videos but the pictures do tell of your fun… Ang ganda ng torch nila… High tech na… Hehehe…

    Reply

    • topexpress
      Mar 22, 2010 @ 20:05:35

      ahahaha, bute nalan di mo na panood ung video kasi walang kwenta! maingay lang ako dun na parang bangag lang! ahahaha

      salamat sa muling pag bisita at pagdaan sa aking munting bahay blog-an.

      Reply

  20. topexpress
    Mar 22, 2010 @ 20:06:03

    nllk

    l;kl

    Reply

  21. lhen8
    Mar 23, 2010 @ 11:52:18

    ang kuleht mo sa video toffee ang ligalig grabeh hehehe

    bukas na muli ang bahay ko hehehe at binisita kita dito hehehe at nawindang ako sa ingay nyo sa video

    Reply

  22. pruelpo
    Mar 25, 2010 @ 12:46:38

    iyan ang spirit ng sport…sport minded ka pala igan! napadaan lang. Musta?

    Reply

  23. iamronel
    Mar 30, 2010 @ 07:10:29

    hahaah ang saya saya nman po🙂

    Reply

  24. gerald
    Apr 04, 2010 @ 13:38:16

    wow!

    Reply

  25. melody
    Apr 05, 2010 @ 13:32:34

    care to exchange links to our other blog http://www.mondenero.com??

    Reply

  26. Nebz
    Apr 09, 2010 @ 11:48:58

    Never saw any of the events in the Winter Olympics. Sayang. Hindi kasi sya widely covered as the Summer Olympics.

    Glad you enjoyed it. Tsaka you’re right, it is indeed an honor to witness such a historical event.

    Reply

  27. Len
    Apr 13, 2010 @ 11:50:26

    wow, wala lang, padaan pare!😀

    Reply

  28. J. Kulisap
    Apr 14, 2010 @ 04:50:39

    Tulungan lang para sa pangarap, kayang gawin yan.

    Kapag nagpatuloy mangarap na may kasamang gawa, aba panalo na ‘yan.

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: