Regalo (bertday gips sequel)

29 years na akong nagdidiwang ng kaarawan, at sa loob ng mga taon na iyon, sari sari na din ang aking natanggap na regalo. Hindi ko na mabilang ang bawat kasiyahan at bagay na meron ako hindi lang sa aking kaarawan gayun din sa aking buhay na kinagisnan. Naisulat ko na ang ang aking naging unang karanasan sa pagdiwang ng aking bertday sa keneda, at mga bertday gips. Makalipas ng isang taon na pakikipagsapalaran at pakikipagkaibigan, isang taus pusong pasasalamat sa aking kaarawan ang hatid sa lahat ng umagapay, sumubaybay at sumunod sa lakbay ng aking buhay.

Heto isang pasilip na pagkilala sa akin bilang toper a.c.a “topexpress” from Sassy Girl:

Hindi ko inaasahan na sa simpleng pakikisama at pagiging makulet at kwela, makakatisod ako ng mga taong ituturing at itinuring na akong kaibigan at kapamilya. Hindi ko kahit kailanman makakalimutan ang minsan na iparamdam sa akin na mahalaga at importante ako. Isang pasasalamat sa lahat ng taong nag effort para sa birthday ko at lalo na sa mga regalo na pinagkaloob sa akin.

Mag mula sa mga greeting cards, apparels at alak.

Bag, reading book, tees at combo regalo!

Hindi kailanman mawawala sa aking alaala ang bawat oras na pinaraparamdam sa akin ang kahalagahan ng salitang “buhay” at “ligaya at saya”. Hindi sapat ng mga materyal na bagay para mapasaya ang tao, maaring “oo” sa ilan pero para sa akin, ang pinaka masaya at makakapagpapasaya sau ang regalong ito:

GIFT of LIFE


Walang materyal o ano mang bagay ang hihigit at gaganda pa sa “regalong buhay” ng Diyos Ama. Marapat na lubos na pasasalamat at pagyamanin ang regalong kaloob. Sa bawat pasakit may ginahawa, sa bawat pagsubok may tagumpay. Ang buhay ay isang paglalakbay, isang storya, tayo ang BIDA!

GIFT of FRIENDSHIP


No Man is an Island. Hindi ko maikakaila na kung ano ako ngayon ay dahil na din sa mga taong nakilala at nakasalamuha ko. Mga taong naging kakilala, kaaway, at kaibigan. Hindi lahat ng bagay natututunan natin sa bahay. Ang totoong laban ng buhay ay nagsisimula sa labas at pakikipag kapwa tao. To all my friends, I AM SO BLESSED to HAVE YOU. Thanks for the gift of friendship.

GIFT of LOVE

What keeps me dreaming and believing is all because of LOVE. I have once said that in order to enjoy life, we have to LOVE LIFE. Mahalin natin bawat tao na nakapaligid sa atin, mga taong nagbibigay inspiration, at pahalaga sa atin.

Ang pasasalamat ay bahagi ng mga mahahabang paglalakad sa landas ng buhay. Ano ang maibibigay ko sa Diyos? Ano ang maibibigay ko sa mga mahal ko sa buhay? Mas mahalaga ang regalo natin kung bahagi ng regalong iyon ang ating buhay. Hindi kayang ipaloob sa “wrapper“. Hindi naibabalot. Ang regalo ay regalo kung bahagi ng regalong iyon ay ang buhay mo. Walang kasing halaga ito.

“ONE” Way Express

Ilang araw din ang nagdaan, ilang tasang kape na din ang nalipasan. Hirap ako umisip ng maisusulat para sa aking blog- kaarawan. Isang taon mula nang ako’y magsulat. Di ko inakala na mamahalin ko ang pagbloblog. Ang bilis ng panahon sobra! Sa bawat pagdaan ng panahon kasabay ng bawat blog na aking na isinusulat, madami dami na din akong  nasabi o nai-kwento. Malayo layo na din ang aking narating sa mundo ng blogging, gayun din madami dami na din ang sa akin ay pumansin.

Ngunit, nais kong gamitin ang pagkakataon ito upang magbigay pugay sa mga taong lubos kong pinasasalamatan at kinikilala sa lahat ng meron ako ngayon at kung sino, kung ano at paano ako nagsimula noon at ngayon:

Ang aking nanay ay si Teresita Bartolome Luzana, isang simpleng babae na may payak at simpleng pangarap para sa kanya at kanyang pamilya. Isang babaeng ginamit ng diyos para magluwal at gumabay sa akin at sa aming pamilya. Isang babaeng hugutan ng lakas, at inspirasyon.

“Nay, Maraming salamat sa lahat ng sakrispisyo, pagmamahal, at pag kalinga. Hindi ko man lagi nasasabi sau to, pero.. NANAY, MAHAL na MAHAL kita! Lubos ang aking pasasalamat sa diyos dahil ikaw ang aking naging NANAY.”


Ching ching,   Hindi mo alam kung paano mo ako na iniinspire sa mga bagay na ipinapa alala at paramdam mo sa akin. Sa suporta at pagtititwala, sa pagmamahal at pagtitiyaga sa akin. Sa panahon ng aking kahinaan, pinilit mo akong pinalaban at pinaalalahanan sa mga bagay na dapat kong tandaan. Sa bawat blog ko tahimik ka lang nagmamasid at pumapalakpak. KAsama ka lagi sa aking dasal at laban. Maraming salamat. Labyu ching!

Sa aking dalawang kapatid, sa inyong tahimik na pagsuporta at paghanga. Sa patuloy ninyong pagpaparamdam ng pagmamahal at pagiging proud sa aking bilang dikong, maraming maraming salamat. PAtuloy nawa nating maabot ang bawat pangarap na ating ninanais nuon para sa nanay at sa ating  mga sariling pamilya.

Mam Lani, Mam Bles, Mam Alice, Mam Myrah at sa aking mga naging guro, MAraming salamat po sa patuloy na paniniwala sa akin mula pa ng ako’y isang mag-aaral pa lamang hanggang ngayon na akoy ganap nang mangagawang OFW. Sa patuloy na pagsuporta at pagkilala na ako’y ipinagmamalaking produkto ng eskuwalahang minsan nagbuklod sa atin. Maraming salamat po sa inyo.

Utol Bon, ikaw ang dahilan kung bakit ako blogger ngayon. Hindi sa aking hinagap na maging isang manunulat. Mula nuon college gang ngayon isa ka sa mga taong patuloy na pinapalakas ang loob ko at nagpapaalala kung anong klase at paano ilabas ang talento na meron ako. Isang tunay na kaibigan. Sa lahat ng ito tol, maraming maraming salamat.

Sa mga kablog na naging aking mga kaibigan, maraming salamat sa patuloy na pagbibigay ng inspirasyon upang patuloy akong magsulat, magbahagi, at magkwento. Fr. Fiel, maraming salamat po sa mga dasal hindi lamang para sa akin kundi para sa mga taong nangangailangan nito. Sa lahat ng mga ka-schoolmate ko at ka-bloggers na patuloy na naniniwala at bumabasa sa aking kwentong binibitawan dito sa aking blog tahanan. MAraming maraming salamat po.

Higit sa lahat, lubos at wagas na pasasalamat ang aking sambit para sa ating panginoon, sa patuloy na pagmamahal, unawa, proteksyon, at gabay sa bawat araw na akoy nabubuhay. Hindi ako perpektong tao, pero sinusubukan kong maging mas mabuting indibidual sa bawat araw na dumadaan. Hindi ko inaasahan ang lahat ng bagay na meron ako ngayon, isang malaki nang regalo ang sa aki’y ipinagkaloob mo… ang regalo ng BUHAY. PAtuloy akong maglilingkod at sisikapin na maging karapatdapat, at mabuting anak at nilikha.

Isang taon ng masasayang kwentuhan at pagbibigay saya, gayun din ng inspirasyon sa bawat isa at mambabasa. Isang taong di mawawala sa aking alaala. Isang taong puno ng supresa at saya. Nawa ay patuloy ako at ang bawat isa na maging isang inspirasyon sa bawat mambabasa at bloggista dito sa mundo ng blogosperyo. Isang responsibilidad at karangalan ang maging isang blogista. Mga bagong kaibigan, bagong kakilala, bagong kwento, at aral. Isang taon puno ng kulay sa byaheng express!

Mula Noon:

Hanggang Ngayon:

Maraming maraming salamat po!


“Nobody can go back and start a new beginning, but anyone can start today and make a new ending. “