“ONE” Way Express

Ilang araw din ang nagdaan, ilang tasang kape na din ang nalipasan. Hirap ako umisip ng maisusulat para sa aking blog- kaarawan. Isang taon mula nang ako’y magsulat. Di ko inakala na mamahalin ko ang pagbloblog. Ang bilis ng panahon sobra! Sa bawat pagdaan ng panahon kasabay ng bawat blog na aking na isinusulat, madami dami na din akong  nasabi o nai-kwento. Malayo layo na din ang aking narating sa mundo ng blogging, gayun din madami dami na din ang sa akin ay pumansin.

Ngunit, nais kong gamitin ang pagkakataon ito upang magbigay pugay sa mga taong lubos kong pinasasalamatan at kinikilala sa lahat ng meron ako ngayon at kung sino, kung ano at paano ako nagsimula noon at ngayon:

Ang aking nanay ay si Teresita Bartolome Luzana, isang simpleng babae na may payak at simpleng pangarap para sa kanya at kanyang pamilya. Isang babaeng ginamit ng diyos para magluwal at gumabay sa akin at sa aming pamilya. Isang babaeng hugutan ng lakas, at inspirasyon.

“Nay, Maraming salamat sa lahat ng sakrispisyo, pagmamahal, at pag kalinga. Hindi ko man lagi nasasabi sau to, pero.. NANAY, MAHAL na MAHAL kita! Lubos ang aking pasasalamat sa diyos dahil ikaw ang aking naging NANAY.”


Ching ching,   Hindi mo alam kung paano mo ako na iniinspire sa mga bagay na ipinapa alala at paramdam mo sa akin. Sa suporta at pagtititwala, sa pagmamahal at pagtitiyaga sa akin. Sa panahon ng aking kahinaan, pinilit mo akong pinalaban at pinaalalahanan sa mga bagay na dapat kong tandaan. Sa bawat blog ko tahimik ka lang nagmamasid at pumapalakpak. KAsama ka lagi sa aking dasal at laban. Maraming salamat. Labyu ching!

Sa aking dalawang kapatid, sa inyong tahimik na pagsuporta at paghanga. Sa patuloy ninyong pagpaparamdam ng pagmamahal at pagiging proud sa aking bilang dikong, maraming maraming salamat. PAtuloy nawa nating maabot ang bawat pangarap na ating ninanais nuon para sa nanay at sa ating  mga sariling pamilya.

Mam Lani, Mam Bles, Mam Alice, Mam Myrah at sa aking mga naging guro, MAraming salamat po sa patuloy na paniniwala sa akin mula pa ng ako’y isang mag-aaral pa lamang hanggang ngayon na akoy ganap nang mangagawang OFW. Sa patuloy na pagsuporta at pagkilala na ako’y ipinagmamalaking produkto ng eskuwalahang minsan nagbuklod sa atin. Maraming salamat po sa inyo.

Utol Bon, ikaw ang dahilan kung bakit ako blogger ngayon. Hindi sa aking hinagap na maging isang manunulat. Mula nuon college gang ngayon isa ka sa mga taong patuloy na pinapalakas ang loob ko at nagpapaalala kung anong klase at paano ilabas ang talento na meron ako. Isang tunay na kaibigan. Sa lahat ng ito tol, maraming maraming salamat.

Sa mga kablog na naging aking mga kaibigan, maraming salamat sa patuloy na pagbibigay ng inspirasyon upang patuloy akong magsulat, magbahagi, at magkwento. Fr. Fiel, maraming salamat po sa mga dasal hindi lamang para sa akin kundi para sa mga taong nangangailangan nito. Sa lahat ng mga ka-schoolmate ko at ka-bloggers na patuloy na naniniwala at bumabasa sa aking kwentong binibitawan dito sa aking blog tahanan. MAraming maraming salamat po.

Higit sa lahat, lubos at wagas na pasasalamat ang aking sambit para sa ating panginoon, sa patuloy na pagmamahal, unawa, proteksyon, at gabay sa bawat araw na akoy nabubuhay. Hindi ako perpektong tao, pero sinusubukan kong maging mas mabuting indibidual sa bawat araw na dumadaan. Hindi ko inaasahan ang lahat ng bagay na meron ako ngayon, isang malaki nang regalo ang sa aki’y ipinagkaloob mo… ang regalo ng BUHAY. PAtuloy akong maglilingkod at sisikapin na maging karapatdapat, at mabuting anak at nilikha.

Isang taon ng masasayang kwentuhan at pagbibigay saya, gayun din ng inspirasyon sa bawat isa at mambabasa. Isang taong di mawawala sa aking alaala. Isang taong puno ng supresa at saya. Nawa ay patuloy ako at ang bawat isa na maging isang inspirasyon sa bawat mambabasa at bloggista dito sa mundo ng blogosperyo. Isang responsibilidad at karangalan ang maging isang blogista. Mga bagong kaibigan, bagong kakilala, bagong kwento, at aral. Isang taon puno ng kulay sa byaheng express!

Mula Noon:

Hanggang Ngayon:

Maraming maraming salamat po!


“Nobody can go back and start a new beginning, but anyone can start today and make a new ending. “

43 Comments (+add yours?)

  1. bonistation
    Apr 16, 2010 @ 03:38:39

    HAPPY BIRTHDAY ‘tol! hahah BASE ako! weeeeeeeeee

    wow! very touching post! hindi dahil sa nandun yung pangalan ko haha. mula noon tol gang ngayon iisang way padin ang paraan ng pagsulat mo, at talagang punong puno ng damdamin bawat entry, yung sincerity ng mga sinasabi mo at yung palaging may pasasalamat. isa ka talagang repleksyon ng totoong buhay, bilang isang ordinaryong bata na nangarap at ngayon.. isang tagumpay na artistahing blogista! amp!

    salamat din ‘tol at palagi kaparing nandyan! keep on dreaming and at the same time inspiring others! marami pang susunod sa yapak mo!

    HAPPY BIRTHDAY! (it’s been a year when we opened this blog, astig!)

    Reply

    • topexpress
      Apr 22, 2010 @ 18:40:46

      ahahha uy base sia! ahaha

      Tol, salamat sa paniniwala at pag inspire din sa akin at mga gaya kong baguhang blogger. Patuloy akong susulat at magsusulat ng mga entry na alam ko na makakatulong at makakapagpasaya di lamang sa akin kundi din sa aking mga mambabasa.😀

      slamat tol ^_^

      Reply

  2. tsiremo
    Apr 16, 2010 @ 03:45:42

    second base!!! (sana)

    Happy 29th birthday!!! Yes be thankful always, sobrang blessed ka na. Partey na!!!

    Reply

  3. Dhon
    Apr 16, 2010 @ 04:38:19

    happy birthday!😉

    Reply

  4. Ax
    Apr 16, 2010 @ 05:03:30

    Happy Birthday! Yey! Ang ganda ng first photo at ang saya ng third photo!

    OT: Ang ganda naman ng mga puno dyan, iba ang kulay ng dahon. Palibhasa may spring at fall. Haha. Bitter ako, kase dito sa Pinas either green o brown lang ang dahon. Yay.

    Reply

    • topexpress
      Apr 22, 2010 @ 18:56:20

      SAlamat Axie!

      oo isa sa pinaka magandang season dito ay ang fall. ewan iba ang feelingpag nakikia mo ung mga dahon na yellow o orange in color tapos ganda ng paligid. very relaxing.

      teka, wala na sa tema ng entry ko! bday ko! ahahahaha

      Salamat sa pag bati🙂

      Reply

  5. taribong
    Apr 16, 2010 @ 05:30:30

    Maligayang kaarawan sa iyo at sa iyong blogsite!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! (parang kandila lang yung exclamations points kaya mag-wish bago mo i-blow hehehe)
    Ipagpatuloy mo lang ang iyong pagsusulat at lagi kaming nakaantabay sa iyo. Tagayan na hehehehe

    Reply

  6. batangmangyan
    Apr 16, 2010 @ 06:45:59

    KAMPAI para sa iyong kaarawan, toper! KAMPAI para sa isang taong pagsusulat at pagiging inspirasyon ng marami. KAMPAI para sa mga susunod pang mga kwento ng buhay! KAMPAI para sa marami pang taon ng pagkakaibigan.

    Otanjobi omedeto gozaimasu, Toper and Topexpress!

    Reply

    • topexpress
      Apr 22, 2010 @ 19:04:00

      KAMPAI-yin kita jan eh! lasingero! nalasing na ako sa kakakampai mo. Amp!

      Asan na pasalubong ko galing japan japan?😀

      Maraming Salamat batang M. Matanda na din ako at sumusunod sa yapak nio ni bon! lolz! toinks! peace ahahahaha!

      godbless us and ingat lagi sa pag byahe brad!

      Reply

  7. Yellow Bells
    Apr 16, 2010 @ 06:54:27

    hi, wow nman congrats one year na ang blog mo. i remember when i first visited your site, i went thru almost all your post, yun yung mga time na nagsisimula akong maaddict sa bloghopping. CONGRATULATIONS AND MORE POSTS TO COME.

    Reply

    • topexpress
      Apr 22, 2010 @ 19:05:46

      Wow naman! nakaka flatter Ms. Yellow Bells.

      MAraming salamat po sa patuloy na pagsubaybay sa aking mga blog entries. PAtuloy akong susulat hanggat may patuloy na naniniwala at bumabasa sa aking mga entries.😀

      ingat lagi😀

      Reply

  8. livingstain
    Apr 16, 2010 @ 10:52:46

    ang pinakamasarap sa buhay ng tao ay ung nagpapasalamat tayo sa mga bagay na nangyari.

    sya nga pala:

    Urime ditelindjen!
    Melkam lidet!
    Sun Yat Fai Lok!
    Joyeux Anniversaire!
    Happy Birthday!
    Saal Mubarak!
    Buon Compleanno!
    Mayap a Kebaitan
    Eku Ojobi!
    Malipayong adlaw nga natawhan!
    Maligayang Bati Sa Iyong Kaarawan!

    Reply

  9. Mike dela Fuente
    Apr 16, 2010 @ 12:16:27

    O-tanjoubi omedetou gozaimasu!! Happy birthday topper. Muntik ko nang malimutan. Bawal kasi friendster dito sa office, not sure naman kung nasa FB na kita.

    Been busy also today, we’ve moved to another floor kaya now lang nagkatime to greet you. it’s been quite a while narin. i hope that part of your dreams were already fulfilled, and the rest, those are still adventures to come. Take care always top.

    Reply

    • topexpress
      Apr 22, 2010 @ 21:49:36

      chin chin…. este! wag na pla! ahahahah baka san pa mapunta usapan!

      salamat po at patuloy mo pa din pla inaantabayanan ang bawat post ko😀

      sa uulitin tol! ingat jan!

      Reply

  10. meliza catedral
    Apr 16, 2010 @ 18:02:46

    first of all toper bago ako ngcoment sa iyong nkkatouch na blog isang maligayang kaarawan para sa iyo!
    ang massabi ko ngyn sa blog mo isang nkkatouch na blog ang ginawa mo..lalo na sa pagbbanggit mo ng mga taong naging inspirasyon mo sa paggawa ng blog. bcoz of ur blog u inspire a lot pipol around u especiallly me and u gain a lot of friends here…u deserve it wat u have ..cympre lagi ako present sa pagccoment ng mga blogs mo and avid fan mo pa! saan ka pa! isa kang rare specie or one of kind god creation!heheheh
    dito rin kita nakilala kung cno c toper sa totoong buhay kahit dito tau ngmit in person…and maraming akong ntutuhan dito..at ngenjoy ako sa pagbbasa ng mga blogs.. well nabbanggit mo c bons dito tama ka sa cnabi mo sa knya..tenks to him nging friendship taung tatlo..bilib rin ako sa pagkkaibigan nyo..idol ko kaung dalawa..kkainngit kau!hihihi
    anyways ang wish ko sa iyo ngyn sa bday mo sana matupad mo lahat na gustong mong mangyari sa buhay mo and gud health..kung kailangan mo ng karamay andito lng ako lagi para sa iyo. except sa financial kasi mas mayaman ka pa sa akin!toinkzzz!
    im honored nging parte ako ng mga blogs mo dito!
    again hapi 29th bday! ingatz ka lagi! god bless!

    PS: pakain ka nman dyan at mgpainom..

    Reply

  11. Tonyo
    Apr 17, 2010 @ 06:06:00

    hindi inaasahang ako ay napadpad dito..ayOs! ;D

    Reply

  12. chichirya
    Apr 18, 2010 @ 11:53:45

    woots! congrats! way to go top!

    Reply

  13. maccallister
    Apr 20, 2010 @ 00:48:43

    belated happy b-day kahit now ko lang ata napuntahan tong blog mo haha,at ang touching nun pic nyo ng mom mo with the peace sign haha ang cuteeeeeeeee!

    at grabe ha,ang bait mo and sweet to remember to thank all those people here.

    at take note,ang cute mo naman hahaha

    Reply

    • topexpress
      Apr 22, 2010 @ 22:58:38

      Salamat po sa iyong pagdalaw sa aking munting blog-tahanan.

      Minsan sa busy ng ating buhay, nakakalimutan na natin pasalamatan ang mga taong alam nating nanjan lagi, at napagbibigyan ng pansin ang mga bagong bagay na dumadating. They deserved to be treated special and acknowledge thier contribution sa kung sino at ano ka ngayon.
      😀

      Reply

  14. Jag
    Apr 21, 2010 @ 10:12:28

    Otanjoubi omedetto gozaimasu!

    Let’s cheers to that! Kampai!

    Reply

  15. RJ
    Apr 21, 2010 @ 13:19:41

    Parang magsasara na ang Topexpress sa mga salitang nakasulat… o”,)

    More power sa blog mo Top, at sa ‘yo rin!

    Reply

  16. Len
    Apr 21, 2010 @ 14:30:12

    babati ulit.. Happy birthday!🙂

    God Bless!

    Reply

    • topexpress
      Apr 22, 2010 @ 23:04:50

      Ahehehe sulit na sulit ang bertday ko mare! busog na busog ako sa pagbati.😀

      Mare, thanks sa pagbati and stay positive as what u are always! godbless

      Reply

  17. jason
    Apr 22, 2010 @ 05:18:31

    happy birthday kuya top!!!

    abangan namin ang conference sa YM tulad ng dati!

    congrats!

    more power

    and best wishes. lol

    😀

    Reply

  18. fiel-kun
    Apr 22, 2010 @ 13:12:47

    Happy first blog-sarry parekoy!😄

    Looking forward for more and exciting post of yours!

    inuman na!

    Reply

  19. elysplanet
    Apr 26, 2010 @ 10:31:40

    nahuli ata ako sa pagbati, pero babatiin pa rin kita ng happy birthday! nakakatuwa ung snow sa video mo, hehehe.

    anyways, asan na ung exlink? hehe.

    more blessings to come. hope to see u in person.🙂

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: