Ka-BeRks

Ang isang tao daw na walang kaibigan ay maikukumpara sa isang isla.  Nag-iisa, tahimik, at matamlay. No man is an Island ika nga. Isa sa pinaka mahirap na pinagdadaanan ng mga taong gaya ko o ng mga kababayan nating nanignigbang bansa ay ang malungkot at mangulila. Sa isang lugar na malayo sa ating tunay na tahanan, hindi madaling makahanap ng kaibigan lalo na kung makikipagsabayan o sapalaran sa mga taong iba ang kultura at pananaw.

Ang bilis ng panahon, parang kailan lang, isa ako sa mga pumipila sa bawat ahensyang naghahanap ng mga pilipinong nagnanais na mangibang bansa. Di alintana ang init ng araw, pawis at usok, uhaw at gutom, ngalay ng mga binti at paa sa pagbaybay at pagsabak sa bawat pag-aaply. Parang kahapon lang, isa akong estranghero sa isa sa pinakamalaking bansa sa mundo, binabalot ng yelo at malalawak na lupain (Canada). Mag-isang nilalabanan ang takot, ang lungkot at pangungulila sa mahal sa buhay; at ang pakiramdam na di ka angkop sa lugar, at pagaalinlangan sa bawat pagsubok na kinabibilangan.

 Sa loob ng sandaling panahon, madami na din akong nakasalamuha, at naging kakilala. Nakapalitan ng pananaw at problema sa buhay. Ang dating takot na bumabalot sa akin napalitan ng saya, tiwala at kumpyansa. Ang bawat halakhak at tawanan ay ala-ala na titimo sa akin saan man ako mapunta. Nakakalungkot lng isipin na sa ating paglalakbay, hindi lahat makakasama, may mga aalis at may mga dadating din.

 

Sa ilang taon ko nang paglalakbay at paghahanap buhay sa mga bansang banyaga, Isang bagay ang natutunan ko sa pagkikipagkaibigan; ito ay ang pagkakaibigan di kailangan pare-pareho… di kailangang lagi magksama.. magkausap.. magkita.. minsan may di pagkakasundo.. minsan may tampuhang namumuo… pero hindi iyon sapat para mawasak o masira ang samahan na sinubok na ng tiwala at pagmamalasakit, pagmamahal at pang unawa, na sa sandaling pagkakakilanlan, sa sandaling pagsasama sa lakbay ng buhay, nagdadamayan kapag may nangailangan. Nakikinig, nagpapayo, nagpapakatotoo at nagpapakatao.

“Friends may change and friendship may evolve. But it will not truly end because friendship is not just merely a one time trip, but it is a lifetime journey. A shadow that silently follows wherever we may go…”

— topexpress

43 Comments (+add yours?)

  1. bonistation
    Jul 04, 2010 @ 07:39:16

    tol base! so-friendly post! ^^ tindi ng mga salitang ginamit para ma idescribe ang pag aaply hehe!

    sabi nga ang isang taong palakaibigan, kahit saan pa mapunta hindi magiging malungkot..

    nice one! at ganda ng quote sa huli..

    cheers!

    Reply

    • topexpress
      Jul 05, 2010 @ 03:58:30

      salamat tol. sarap tlga balikan mga alaala ng pagkakaibigan. kung paano tyo nagiging matatag dahil sa kanila, minsan sila din ang simbulo na nagiging marupok o mahina tyo sa problema. “even the best falls down” ika nga!

      ahahaha salamat sa pagdaan tol😀

      Reply

  2. IKAY
    Jul 04, 2010 @ 09:06:11

    That’s the good thing that happen sa mga kagaya nteng nsa abroad…ngkakaron tyo ng extended family sa mga bagong kaibigan nten.
    and its nice na from them we learned….natutu tyong makisama sa iba’t ibang klase ng tao, sa pag-uugali, sa kultura, at pananaw….they help us to grow…and madalas sila rin ang nakakapag alis ng homesickness nten sa family nten. ^_^

    Reply

    • topexpress
      Jul 05, 2010 @ 04:02:04

      Salamat po Ikay. I agree. Kahit na nasa malayo tayo nakakatagpo pa din tyo ng mga taong maituturing nating kapamilya o kapalagayan ng loob. Nakakatulong tlga ng malaki ung mayroon kang kaibigan sa lugar na malayo sa tunay na tahanan.😀

      salamat po sa pagdaan. sa uulten

      Reply

  3. barrycyrus
    Jul 04, 2010 @ 14:29:02

    wow ayos ang insights
    🙂

    Reply

  4. meliza
    Jul 04, 2010 @ 19:18:15

    4thd base!hehehe at last bagong blog ka nman aldo..heheh..nmiss ko ang bhay mo hihihi
    ganda ng post toffs.like it! friendship itech heheh! kasi ngkaproblema ako this past week tungkol sa pagkkaibigan pero ok na.. bagay sa akin itong blog mo..
    ang massabi ko sa iyo aldo is ur one of kind na kaibigan parang gem stone!naks..bakit ko nasabi sa iyo to kasi ikaw isang tootoong kaibigan para sa akin kahit di ko nman cnasabi ang problema ko andyan ka lagi para payuhan ako.. kahit di man tau ngkita in personn..and di rin me mgttaka kung marami kang friends kahit saan ka mgpunta kasi ikaw yung tipong taong madaling lapitan at madalling mkagaanan ng loob. and most of all ur true to yourself of wat u are kaya gusto ka ng mga tao na nakapaligid sa iyo..

    astig ang quoted sa baba. super like ko,,, to and its about friendly talks🙂

    Reply

    • topexpress
      Jul 05, 2010 @ 04:12:30

      HI mhel, nakaktunaw naman ang iyong binibitawang salita. salamat sa lagi mong pag bisita at pagbabantay sa aking blog-bahay😀

      Gaya ng sinabi ko, kaibigan mo na ako hindi pa man tyo nagkikita in person. it is in spirit! Awooooo! lolz!

      Reply

  5. sows
    Jul 05, 2010 @ 04:30:26

    plentip!
    plentip!

    ka-sarap mo namang maging kaibigan kuya top!😉

    biogesic!

    Reply

    • topexpress
      Jul 08, 2010 @ 04:26:03

      Ahehehe anong plentip?

      ahahah salamat naman! eh kung ano ako, un ako. toinks!

      lahat ng bagay pwede makita sa isang positibong paraan😀 so bakit ko naman papasakitin ulo ko diba?

      biogesic?! aheheh tempra ako! lolz

      Reply

  6. ajlation
    Jul 05, 2010 @ 09:14:37

    wow!,namiss naman kita kuya tope hehe =)

    “Nakikinig, nagpapayo, nagpapakatotoo at nagpapakatao.”

    >>>pero bakit di ma iwasan ang mga inconsiderate na tao, kung iyon man isang pagpapakatotoo,ikaw nalang ba ang syang uun awa kahit ikaw nalang lagi ang nasasaktan..
    what are friends for,..for all the goodtimes na napagsaluhan!

    Reply

    • topexpress
      Jul 08, 2010 @ 05:19:45

      ANg isa sa natutunan ko sa pakikpagkaibigan ay ang PAG-UNAWA. Kadalasan naiisip natin na tyo’y nasasaktan, tyo ang umuunawa. Hindi din natin minsan naiisip na may mga tao din na UMUUNAWA sa atin kung ano man ang pagkukulang natin bilang kaibigan para sa knila.

      Ang lawak ng pang-unawa at pagmamahal sa lalim ng pagkakaibigan ay iilan lamang sa mga masasabi ko na makakatulong para mas maintindihan natin na ang pagkakaibigan ay ang hindi sinusukat kung sino lagi ang nakakaunawa, sino lagi ang nasasaktan, at kung sino lagi ang nagmamahal. Hindi natin makikita ang kagandahan ng isang pagkakaibigan kung nakatutok tyo sa mga bagay na GUSTO lang natin makita at hindi sa mga bagay na sa atin ay ipinapakita at ipinadadama.😀

      i dont know if i make sense! aheheheheh lolz!

      masyado tyo EMO, kaya…. tama na yan, inuman naaa!!!!

      Reply

  7. melody
    Jul 06, 2010 @ 00:34:45

    wow!! ang saya2x nyo naman…ganda ng mga chicks ahh.lol

    Reply

    • topexpress
      Jul 08, 2010 @ 05:21:23

      ahahaha masaya tlga ang buhay, wa natin palungkutin pa! aheheh tignan ang lahat ng bagay ng isang positibong pananaw.

      Kita mo nga ikaw, nakita mo ng positibo ang mga babaeng kasama ko!? lolz

      ^_^ apir! aheheh

      Reply

  8. dencios
    Jul 06, 2010 @ 03:38:30

    sana makahanap din ako ng friends na ganyan ang outlook sa buhay. nung nasa dubai din ako i found a family na din kahit hindi magkakadugo.

    ganda ng post na ito top!

    mabuhay ka!

    Reply

    • topexpress
      Jul 08, 2010 @ 05:24:04

      Tol, count me in as one of yours. Friendship is not a matter of seeing each other or requires na magkita kau in person. sometimes gaya sa mundo ng blog, we can develop and make friendships out of blogging.

      ANg sarap diba ng feeling na kaht saan ka magpunta u establish a friendship and leave a mark on it?!

      ingat dencios! (namiss ko kumain jan! sarap food kaso mahal! ahahaha)

      Reply

  9. Monde Nero
    Jul 07, 2010 @ 07:49:35

    that’s a nice realization!
    people come and go, yet life must go on.
    parating merong aalis, peru hindi dapat tumigil ang mundo. it is inspiring and encouraging to read this post especially to me who’s excited to go and work abroad.

    thumbs up!

    Reply

    • topexpress
      Jul 08, 2010 @ 05:27:27

      THanks Monde!

      Yup, i guess i can say na once u start ur lyf working abroad. U really have to first establish a good friendship and a second family or a foster family will rise in after the friendship.

      Goodluck sa iyong pagsabak at pagsapi sa lupon ng mga bagong bayani!
      😀 Mabuhay ang OFW!

      Reply

  10. Monde Nero
    Jul 07, 2010 @ 07:52:02

    by the way, i love the last picture. dream pic ko yung ganyan. haha

    Reply

  11. Pong
    Jul 08, 2010 @ 06:00:06

    Iba talaga kapag may pinagsamahan (parang San Mig lang) ahahahah

    dumaan man sa bagyo at init ang pagkakaibigan kahit magkalayo man sa puso ng bawat isa nananahan!

    Reply

  12. kayedee
    Jul 08, 2010 @ 06:07:20

    hala.. bt po nwwla ang koment q d2?? ilabas mo po tope ehehhe..

    anyweiz mhirap q tlga sa labas ng bansa.. aq nga 7 yrs na sa labas ng ating bansa eh nangangapa pa din😦

    Reply

    • topexpress
      Jul 10, 2010 @ 02:04:39

      Ahahaha ano ilalabas ko eh sa wala po tlga?! aheheheh

      Ganun 7 yrs ka na plang kasapi ng bagong bayani… Ok lang un, mangapa hanggat nabubuhay, lahat ng bagay nag uumpisa sa pangangapa… toinks! (kapanget ata pakniggan… ahahahaha)

      Reply

  13. Bachuchoy
    Jul 09, 2010 @ 00:27:22

    Swerte ka kasi kahit nasa malayo ka nakahanap ka ng mga kaibigan, yung mga tunay na kaibigan, hindi lang sa tawanan kasama kahit sa hirap at problema.

    Naiinggit ako sa mga taong merong nasasabing bestfriend o tunay na kaibigan. Kasi madami ako kaibigan pero hindi ko alam kung may tunay. Kung meron man, hindi ko alam kung asan na.

    Treasure whoever you feel are true to you, they don’t come in every day of your life. Minsan lang yun.🙂

    Reply

    • topexpress
      Jul 10, 2010 @ 02:10:30

      Salamat bachuchoy.

      Hindi naman lahat tlga nagiging tunay kong kaibigan, mga ilan nagstay tlga, ung iba napadaan lang. I guess it also depends on how we treat them and let them feel how we want them to stay as our real and true friends. Its a trial and error din sa pagkakaibigan.😀

      Reply

  14. tsiremo
    Jul 10, 2010 @ 10:50:03

    Yung “isa” dyan lagi na lang bume-base..amp – ayun nakakainggit ka nga eh at nakarating ka sa Canada..tulad ng nakasaad sa post pinag daanan ko din yung pumipila..letse kasing mga taga-mercan na yan eh haha anyhoooo…thanks for including me as one of your friends in Facebook haha..awts..be safe.

    Reply

    • topexpress
      Jul 29, 2010 @ 21:39:24

      Tol, ako pop ang magtha-thank you sau, for wanting me as be part of your friends list. I truly appreciate it.

      sabi mo nga pinagdaanan mo na ung pagpila, so napagdaanan mo na din ang gaya ng napagdaanan mo sa mercan ahehehe. keep safe! kita kits soon!

      Reply

  15. Len
    Jul 11, 2010 @ 13:34:40

    Friends… Im so blessed din kasi i have so many friends na talagang nanjan kapag kailangan mo, and kapag sobrang down ka, nanjan sila para makinig at sumuporta.

    I know also na ikaw ang super blessed for having so many friends sa labas at loob man ng bansang kinalalagyan mo, im so happy na masasabi ko na isa na ako don, naks!! Thnks, kahit papano naging maging mag friend tayu.

    God Bless and enjoy life to the fullest!!😉

    Reply

  16. alvin
    Jul 14, 2010 @ 13:19:19

    wala naman sigurong permanenteng kaibigan, hindi naman kasi sila laging najan, hindi ako naniniwalang lagi silang nanjan pag kailangan naten minsan kasi may lakad at mayroon pang mas importanteng dapat asikasuhin, hindi ba, pero hindi naman un sa lahat ng panahon, masarap pa din ung may kakulitan ka, kaiyakan at kasuntukan paminsan minsan, kasama mong lulundag kapag masaya ka.

    aalis ang lahat, pero dapat maging masaya tayo dahil may mga kaibigan tayong naging parte ng ating buhay.

    diba friend.

    Reply

    • topexpress
      Jul 29, 2010 @ 21:44:49

      Tol, ang kaibigan ay parang hangin lang, di mo nakikita, pero minsan mo madidinig at mararamdaman dahil lagi sila nanjan. hindi sa lahat ng panahon makakasama mo mga kaibigan mo, pero sa panahon ng kailanganin mo sila, daig pa nila ang ambulancia sa bilis rumesponde.😀

      Its true that we should always be HAPPY wherever our journey takes us. ayun neh!

      Reply

  17. shea
    Jul 21, 2010 @ 04:18:06

    ang inspiring naman nito… tama ka kuya… hindi naman lagi dapat magkasama ang magkaibigan para masabing kaibigan mo siya.. pero dapat hindi pa rin mawawalan ng bonding time… hay… miss ko na mga friendship ko.. hehe

    padaan…

    Reply

    • topexpress
      Jul 29, 2010 @ 21:45:56

      Salamat Shea! I agree, nakakamiss ung bonding time sa mga kabigan na halos matagal mo na di nakakasama o nakikita pero pag nagsama-sama na parrang kahapon lang kau huling nagkita. ^_^

      Reply

  18. -=cuteberl=-
    Jul 22, 2010 @ 00:15:23

    “Nakakalungkot lng isipin na sa ating paglalakbay, hindi lahat makakasama, may mga aalis at may mga dadating din.”

    Ramdam ko yung part na ito… madami akong mga kaibigan at kakilala pero ngayon may kanya kanya na kaming buhay. di ko na din sila ganoon nakakasama….

    Padaan po. add na din kita sa blog ko. paadd din ha. thanks. GODBLESS.

    Reply

    • topexpress
      Jul 29, 2010 @ 21:48:39

      Salamat po sa pagdaan. Sa pag add ng link, i did the same thing, added u in my blog roll.

      Let us always be a friend to anyone so at the end of our life journey, its happy and worth looking back.😀

      Reply

  19. superlolongpinoy
    Jul 24, 2010 @ 19:31:13

    Almost 3 years na ako sa ibang bansa Toper. Start from 0 muli ako sa frenship…nangangapa muli…nakikibagay. Pero masarap ang feeling kung makatagpo muli ng mga tunay na frenship…nalilimutan din ang mga di na makasamang dating mga frenship. Dun na rin ako sa sabi ni Mis Len…enjoy Life to the fullest…kahit nasan tayo. God Bless!

    Reply

    • topexpress
      Jul 29, 2010 @ 21:51:12

      Wow! isa ka na din plang beteranong OFW. napagdaanan mo na ang HOMESICKNESS test! ahahahah.

      Wag tayong magsawa na gumawa ng kaibigan o maging kaibigan, soon ull find things na nakakatuwang balikan. Living life to the fullest! Cheers c”,)

      Reply

  20. Abby
    Aug 03, 2010 @ 10:20:34

    bro, iyong kaibigan ko nga nung college, nasa london na ngaun, pero nakaka-update pa rin. That’s friendship, malayo man malapit din.

    Reply

  21. Bernadeth Regala
    Aug 14, 2010 @ 04:55:24

    I love it! Your friends are lucky to have you!

    Reply

  22. Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD
    Aug 19, 2010 @ 13:21:14

    “My soul finds rest in God alone: My salvation comes from Him.” (Psalms 62:1)

    group hug!

    napakaganda ng post na ito topex! yan din ang napansin ko noong nasa hongkong ako. grabe ang pangungulila nila sa kanilang pamilya back here in the philippines.

    kaya kakatuwa during dayoff ng mga employees sa hongkong. isang street ang isinasara para gawing venue ng mga pinoys para magbonding.

    Reply

  23. Dorm Boy
    Sep 04, 2010 @ 05:16:56

    Now lang ulit ako napasyal sa blog mo kuya tope. Nice story. Alam ko someday mararanasan ko rin ang gnyan pag nagdecide n ako magabroad.

    Sana dumami pa friends mo!

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: