Sa daigdig ng kalikasan

Sa mga kabagang kong blogger at kachokaran kong lurkers, Musta naman? paumanhin sa aking panandaliang pamamahinga sa mundo ng blogosperyo. Mula sa pananahimik, heto at muling nagbabalik ang inyong lingkod, animo’y adik!😛

Nakaraang taon nung makita ko at isa sa bumoto online sa mga kaibigang blogger ang tungkol sa Saranggola Blog Awards ni Kuya Bernard. =D  At sa taong ito, ang inyong lingkod ay naki-isa sa kasiyahang ito. Kaya ipagpaumanhin nio po. (sana makuha ko din boto nio :D)

“Kaibigang Puno”

Buto nang ika’y itanim,
tabong tubig kung ika’y diligin
Pagsilip ng iyong sanga, sabik na aking makita.
Luntian mong dahon, hinihintay umusbong

Matibay mong sanga nagsilbing aking kama,
Hanging dumadaloy, animo ako ay inuugoy.
Lilim na iyong dulot, sa init nagsilbing aking kumot.
Nagsisilbing taguan sa tuwing aso ko’y kaharutan,

Panahon ng sakuna,
panahon ng aking pangamba,
Hangin na sa iyo’y humahampas,
kabog ng dibdib ko’y anong lakas.

Ugat mong nakakakapit sa lupa,
lumalaban sa dumaragasang baha
Umulan, umaraw, nananatiling matatag
Hay salamat! Dahil sayo ako ay panatag.

Taon ang nagdaan, kay dami nang naranasan
bunga mo’y nagsibulan, o kay sarap pagmasdan
Ika’y yayakapin, hindi ko lilimutin
Bahagi ka ng nakaraan, isang napakasayang kabataan.

“Kalikasan”

Masdan ang ating paligid
Mistulang naghihingalo’t nanganganib
Samu’t saring salot,
tao din ang may dulot.

Walang sawang pagpaslang
Sa luntian na kagubatan,
Walang awang paglason
Sa anyong tubig, basura’y abot ang tapon.

Tambuchong itim ang usok
Mga pabrikang animo’y kabuteng sumusulpot
Malinis na hangin, ating hangarin
Disiplina sa sarili, ating nang atupagin.

Ngayon ang simula,
Pagkakaisa ng madla
Tungo sa iisang mithiin
Mayamang kalikasan, dulot ay kaginhawahan.

Regalong yaman ng kalikasan
Nawa ay ating pag-ingatan
Sa buhay natin ay nagbibigay ng yaman
Tungo sa minimithing kaunlaran ng naghihirap na bayan.

“Nyebe”

Pangarap ng karamihan
Paskong may kalamigan
Makakapal na saplot
Init sa katawan ay dulot.

Mala bulak kung bumagsak
Mula sa langit na parang umiiyak
Bata man o may katandaan
Dulot nito’y kagalakan.

Aking inakala, mula pa nang pagkabata
Nyebe ay panaginip lamang.
Ngayon akin nang nararanasan.
O..hay! Anong lamig.

Luntiang kapaligiran,
binalot ng kaputian
Mga hayop sa kakahuyan,
Nagsimula nang maglikasan.

Lamig na dulot sa kalamnan nanunuot,
Paskong puti kung tawagin
Masaya naman kung tutuusin
Hindi nga lang kasing tulad
Ng pasko sa nayon natin.

-=topexpress=-

30 Comments (+add yours?)

  1. abbypacliwan
    Sep 08, 2010 @ 09:27:36

    ay kagaling naman..poet ka pala bro.

    Reply

  2. blurosebluguy
    Sep 08, 2010 @ 13:04:27

    ganda ng pagkahabi ng iyong mga tula topex…

    Reply

  3. p0kw4ng
    Sep 08, 2010 @ 13:52:21

    ang galing naman Tope! at isang kudos para kanta ng iyong bahay…ang ganda!

    Reply

  4. kayedee
    Sep 09, 2010 @ 06:30:51

    thumbs up!🙂

    Reply

  5. jason
    Sep 09, 2010 @ 07:01:33

    nakanaks natutula si kuya top, di lang pangkantahan!!!

    wow naman wow

    Reply

    • topexpress
      Sep 09, 2010 @ 08:40:49

      Nakanang! Ang 2009 SBA blogger winner dinalaw ako. Asteeeeg! Goodluck sa atin wala ako masabe sa mga entry mo gaganda!

      Reply

      • jason
        Oct 04, 2010 @ 00:32:45

        wahahaha kelangan talaga binabanggit yang 2009 na yan!! hewan!!

        pero malamang sa malamang eh mananalo ka kuya top this year. oha

        support support tayo ha!

  6. bernardumali
    Sep 09, 2010 @ 19:26:21

    ramdam na ramdam ang pagkamiss mo sa pinas.
    totoo ngang marami ang nangangarap sa snow pero sadyang walang tatalo sa pinas lalo na ang pasko rito.

    Salamat sa pakikibahagi kahit natusta ang utak mo.

    hihintayin ko ang iba mo pang entry.
    hanggang sa muli!

    Reply

    • topexpress
      Sep 12, 2010 @ 23:38:21

      Salamat kuya Bee! Nakakamiss ang paskong pinas. I can’t imagine how fun it is if meron din snow sa pinas.😀

      Salamat po sa pagdaan and congrats po sa 2nd year ng SBA.

      Reply

  7. J. Kulisap
    Sep 10, 2010 @ 00:21:39

    Ang hatid ng mga tula ay simple lamang. Hindi na gumamit ng matalinhagang mga salita pero lumutang pa rin ang mga usal na siyang layunin ng may akda.

    Reply

  8. Unni
    Sep 10, 2010 @ 13:46:04

    napadaan dito~
    ang galing ng mga tula^_^
    panalo ito~~~
    have a nice day~~

    Reply

    • topexpress
      Sep 12, 2010 @ 23:44:21

      Salamat sa pagdaan Unni🙂

      Naks! sana mag dilang angel ka, pero sa mga papuri at mga taong nagbabasa ng blog ko ay ISA na sa maituturing kong pagkapanalo. : D

      Reply

  9. duking
    Sep 13, 2010 @ 14:07:51

    hello topexpress!

    napadaan po para mangamusta.ang gaganda rin ng mga tula mo.

    goodluck sa ating lahat at sa lahat pa ng sasali.

    magandang araw!

    Reply

  10. Tsi
    Sep 13, 2010 @ 16:34:19

    Yes, may entry siya sa wakas!!!!🙂 papa goodluck

    Reply

  11. livingstain
    Sep 16, 2010 @ 07:51:23

    wow kasali talaga, bibihira ang mga taong magaling sa paghabi ng tula, nakakatuwang isa ka sa kanila..

    gudluck.

    Reply

  12. lipadlaya
    Sep 16, 2010 @ 10:53:33

    Kudos, ang sarap sa tenga ng kanta (ano nga bang kanta yan?) habang nagbabasa ng tula… may kurot…

    direkta ang atake ng mga tula. mula sa punong bahagi ng kabataan, sa nyebeng ilan lang ang may karanasan at ang hamon ng pagsagip sa kalikasan.

    Reply

  13. Bachuchoy
    Sep 16, 2010 @ 22:04:35

    awww..galing galing! frustration ko yan mga tula, di ko talent. bow ako sayo! Ü

    Reply

  14. -=cuteberl=-
    Sep 23, 2010 @ 00:11:29

    great job. ang gagaling talaga ng mga sumali…

    Reply

  15. Nebz
    Sep 23, 2010 @ 08:37:48

    I sent you an email at yahoo. We are planning to feature you and your blog in our October issue of The Kablogs Journal.

    Reply

  16. Pilosopo Tacio
    Oct 01, 2010 @ 05:39:57

    ganda. makakalikasan.

    Reply

  17. Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD
    Oct 04, 2010 @ 01:09:11

    great poem tope!

    kung hindi pa ako gumawa ng tula, hindi ko siguro madiscover na hindi pala pwede ung pagebreak sa wordpress. kaya napagamit tuloy ako ng html code.

    Reply

  18. maccallister
    Oct 04, 2010 @ 23:33:13

    hey goodluck,malamang tapos na ngayon yang contest haha.

    Reply

  19. Diamond R
    Oct 16, 2010 @ 05:45:36

    Bro, I like the songs. Nakaka miss ang pinas.
    thanks for the link.
    isang araw yan na rin ang tunog sa aking blog. pasinsiya na kung gumaya.

    God bless.

    Reply

  20. Trackback: Ako naman ang magsusulat… « HIBANG {tagni-tagning ideya}
  21. Pong
    Nov 08, 2010 @ 05:47:24

    wala pang update? hihihihii
    makakalikasan ka kuya tope yehey!

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: