Pangarap

My Official Entry to the 2009 International Pinoy Expat Blog Awards

Best Blog by Region – US and Canada                      Top 7  – PEBA 2009

She is my inspiration

PRICELESS!!!

—–=========——

 

PEBALOGO

Kadalasan pag tinanong ang isang bata kung ano pangarap nia paglaki, lagi nilang isasagot “Nars, Doctor, pulis, titser, sundalo, atbp.” Di ko alam kung bakit ganun nalamang ang mga naisasagot ng mga bata once na tatanungin sila. Siguro dahil iyon ang madalas nila makita sa teebi na propesyon kaya ito ang madaling tumitimo sa kanilang murang isipan. Pero iisa lang ang alam ko… na sa likod ng mga munting pangrap na ito, ang lahat ng rason ay para makatulong sa pamilya.

Lumaki ako sa hirap at masasabing pamilyang sinubok ng panahon at pagkakataon. Pinagbuklod ng pagmamahal at hinubog ng pangaral at positibong pananaw ng aking nanay. Marahil dahil na din sa dinanas at nakita kong paraan ng aming pamumuhay di ako sumukong mangarap. Isa pa normal namang mangarap at libre pa!

Simple lang ang pangarap ko, ang maiahon ko ang aking pamilya at mabigyan ng ginhawa ang aking ina. Sinikap kong matapos ang aking pag-aaral at mag working student para mairaos ang aking minimithing diploma. Makaraang makapagtapos ay sinimulan ko na ang operation “parangarap para kay nanay”. Halos magdalawa ako ng trabaho nuon, titser sa collegio sa umaga, kapteyn weyter sa gabi. Di alintana ang pagod at puyat, basta para kay nanay. Pagod mula sa trabaho, naglambing ako kay nanay na magkape sa ilalim ng punong mangga at magkwentuhan habang minamasdan ang pagputok ng umaga.

Kwentuhan, biruan, at usapang mag ina ang sumasalubong sa aming araw nun. Isang tanong ang di ko makakalimutan at isang sagot na mas lalong nagpaigting sa aking pangarap. Tinanong ko ang aking nanay kung ano ang kanyang pangrap bukod pa sa makita kami na maayos na ang buhay.

Mula sa pagkakayuko, isang lumuluhang sagot ang aking nadinig:

Ang makaahon sa hirap at makaranas ng ginhawa anak, dahil kung tatanungin mo ako kung hirap na ako? Oo, pagod na pagod na ako nak’, pagod na pagod na” sabay ang hagulgol sa aking mga bisig.

Di ko alam kung ano naramdaman ko nun pero isa lang ang tumatak sa akin, ang pangrap ko maiahon si nanay at mabigyan kahit ng simpleng pamumuhay. Daglian akong lumuwas ng maynila para mag apply at pumila sa 20 agency na nangangailangan ng OwEpDabalyu papuntang gitnang silangan. Naisip ko na sa paraang iyon mas mapapadali ko ang aking pangarap.

2004, Isang buwan makalipas ang pagbomba sa isang kompawnd sa Saudi ay tumulak ako para magtrabaho sa isang opisina. May balot ng takot at lungkot, matapang kong hinarap ang lahat ng pagsubok. Isang taon makalipas ang paghihirap, Umuwi ako sa pinas para magbakasyon. Sa aking pagdating, bakas sa nanay at ng aking pamilya ang saya na muli kaming magkasama sama.

Masasarap na pagkain, bagong damit, maayos na tirahan, at ginahawa sa pamumuhay ang pinaranas ko sa knila. Isang buwan din akong nagbakasyon at isang lingo bago ako bumalik, habang nagaayos ako ng gamit na dadalhin ko sa Saudi, biglang pumasok ang nanay at sabay yakap sa akin. “Nak, maraming maraming salamat!” sabay tulo muli ng luha sa kanyang mga mata. “Maraming salamat sa pagpapadanas mo sa akin ng pinangarap ko, di ko makakalimutan to nak’, ngayon masasabi ko sa buhay ni Teresita, nabuhay at naranasan ko ang sarap at pangarap”…

Nay, ito ang pangrap ko, ang matupad ang pangarap mo” sabay yakap ang nanay, at pagpatak ng luha sa aking pisngi.

Wala na yatang hihigit pa sa sarap ng madinig ko sa nanay ang mga salitang iyon. Paki wari ko, ayos na! natupad ko na ang pangrap ko.

Ngayon, muli akong nangangarap hindi para sa nanay ko at pamilya ko, kundi sa mga taong salat sa yaman at hirap sa pamumuhay. Mga taong kahit anong sikap at patuloy na sinusubok ng tadhana. Susubukan ko kahit sa maliit na bagay at pamamaraan na tuparin ang kanilang mga pangarap. Sa aking pagbalik sa gitnang silangan baon ko ang tatag ng loob, pagmamahal sa pamilya at malasakit sa kapwa. Ako bilang isang simpleng OFW, muling susubok makatupad ng pangarap di lamang ng aking pamilya gayun din ng ibang salat sa yaman na kapamilya.

12 Comments (+add yours?)

  1. bonistation
    Mar 12, 2010 @ 19:31:30

    wow! hawak na nya!! haha saya!
    eh pano yung sa erpat kO!> hihi!. ^^

    Reply

  2. elysplanet
    Mar 14, 2010 @ 16:25:32

    love it! someone is sharing the same dream here.

    Reply

  3. Bachuchoy
    Mar 23, 2010 @ 23:07:02

    i love your posts, topexpress. Ü

    please link back.Ü

    Reply

  4. themizpah
    Mar 24, 2010 @ 10:50:49

    mabuhay ka sir!

    Reply

  5. themizpah
    Mar 24, 2010 @ 10:52:44

    pwede ko po ba kayong maisali sa aking link?

    Reply

  6. themizpah
    May 09, 2010 @ 05:56:14

    A blessed mother’s day to your mom kuya tope.

    Reply

  7. nhix
    Jun 23, 2010 @ 16:12:44

    nainspire naman ako sa kwento mo kuya.. same tayo ng pangarap. pangarap kong matupad yung pangarap ng nanay ko…

    aside sa pangarap kong makatulong sa nanay ko..
    tumutulong na rin ako sa pag reach out ng community. you may visit my site and read my Pasa love stories..

    tnx po.. exchange links po tayo..

    Reply

  8. Nebz
    Jul 17, 2010 @ 05:45:57

    Honestly, I am humbled by the photo of your mom with your blog award. You truly are an inspiration!

    Chris, can you do me a favor? Can you invite your friends (bloggers in WP or Blogger or Multiply or even your FB friends) to please support and join PEBA 2010?

    Nomination is on now with the theme: “Strengthening the OFW Families: Stronger Homes for a Stronger Nation”.

    Please feel free to visit http://www.pinoyexpatsblogawards.com/ site for more details.

    Appreciate your assistance. Belated (very belated) happy birthday and congratulations once again for continuing to inspire us with your wonderful posts.

    Reply

  9. Abby
    Aug 03, 2010 @ 10:03:01

    Astig ah..ako naman father ko. Ako ay nasa bayan mo ngayon, dito ang trabaho.

    Keep up the good work. God bless you.

    Reply

  10. Blessie
    Nov 19, 2010 @ 12:27:50

    This is so sweet…

    Reply

  11. Wen
    Apr 08, 2011 @ 00:04:10

    Thanks.. very inspiring🙂

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: