Love Life

MAdaming beses na din ako nagmahal at nasaktan. Umibig at iniwan. Di naman lahat tlagang mapapa sa atin kahit ano pang gawin o kahit gaano pa natin paglaban ang isang pagmamahalan. Sa buhay ng tao, maraming bagay ang mabilis dumadaan, minsan di mo namamalayan ang pait ng nakaraan ay ating nang napag limutan, depende nalang yun kung tayo ay nagpapatali sa pait nito.

LOVE…? sabi nila matitikaman mo ang lahat ng lasa ng buhay, ang tamis, alat, asim, pakla, at pait ng pag-ibig. Sa mga lasang ito naman, matututunan natin ang isang magandang sangkap ng pag ibig… ang pagbangon at muling magmahal. Kahit gaanong sakit ang iniwan sa atin ng ating nakaraan, may luha man o dahas pilit nating niyayakap ang atig sarili sa pagmamahal na ating pinapangarap.

 

Nakakatawang balikan ang mga bagay na nagpapatunay o indikasyon na tayo ay nagmamahal o inlove… Nanjan ung day dreaming kahit nasa klase, kinikilig o napapa ngiti pag nadidinig ung favorite o theme song natin, Emo kung emo pag may mga love songs na magaganda. (ahahahahah natatawa ako habang sinusulat ko toh kasi isa ako sa ganito pag inlove. ahahah Walang basagan ng trip!) Nanjan na telebabad o chatmania kayo, kahit walang topic o paulit ulit nlng pinag uusapan parang lagging bago ang topic. Iba ang glow (ika nga!) ng tao pag in love.

May mga iba naman sa atin na kahit na harapan nang niloloko o alam na ang totoo, pilit pa din nating binubulag ang sarili sa pagmamahal na meron tyo. Bakit nga ba natin tinatanggap ang taong mahal natin kahit sa ano mang bagay na nagawa sa atin? Siguro nga gago tayo o tanga at bobo, pero mahal natin eh. Kahit ilang beses na nga tayo lokohin at saktan pero nawawala yun dahil nararamdaman natin na mahal natin tlga eh. At mas nakakagaan ng loob kung tatangapin at papatawarin kesa mawala sa atin ang taong itinuturing na kulay at buhay na natin. Pero minsan sana maisip natin na di dapat ibigay ang lahat at wag ikulong ang sarili natin sa isang bagay dahil baka di para sa atin ito.

MArami sa atin ang nagsasabi na napapagod o nagsasawa na sila magmahal. Ang iba naman sinasabi na darating nalang itong kusa. ANg karamihan sa atin iniisip na malungkot ang buhay pag walang love life… pag walang ka I love you-han, walang ka text, ka date, atbp. Madami sa atin naghahanap ng pagmamahal at pilit ipinipilit ang pagmamahal kahit di tama, at tuluyan nang nabbulag at din a nakikita ang mga taong nagmamahal sa atin ng lubos at naghihintay lang ng pagkakataon na mapansin natin sila. Bakit nga ba ang karamihan sa atin, pag tinatanong mo about love, umiiwas ng sagot, o kaya nagiging malungkot tungkol dito. Akala nila di na magiging masaya ang buhay kung walang love life.

Meron man o wala dapat nating isa isip na may mga taong nagmamahal pa sa atin, handang dumamay at umagapay sa oras man ng ating kasiyahan at kalungkutan. Nawa matutunan natin silang bigyan ng pahalagahan at pag-ingatan.

“LIFE is not about having a LOVE life; It’s a matter of LOVING LIFE”

Isang maligaya at mapagmahal ng buwan ng mga PUSO!

-= topexpress =-

P.S.

Sa lahat ng aking tagasubaybay, mambabasa, kaibigan, bagong kakilala, kablogs at magiging kakilala, higit sa lahat sa mga taong nagmamahal sa akin, taos puso po akong nagpapasalamat sa pagdalaw at pagdaan sa aking munting blog bahay. I appreciate your thoughts, views, opinions, and the stories we shared and will share thru this blog. Wala pong topexpress kung di din po dahil sa inyo. 😀

Advertisements