Balik tanaw

17458607Tandang tanda ko pa nung unang pagtapak ko sa paaralang pag eenrolan sa akin ni nanay, kabado ako, ballot ng takot. Marahil dahil naninibago ako sa mundong pinakikilala sa akin ni nanay. Maraming tao, maluwang na takbuhan at palaruan, malalaking silid at napakadaming kalaro.

Anim na taon ako nung ipasok ako ni nanay sa paaralan, di pa ata kasi uso day care nun na 50 pesos lang ang bayad at pakain na sopas ang tution sa aming baranggay. Halos mapuno na ng uhog at luha ko ang aking damit dahil sa takot ko na iwan ako ni nanay mag isa. Gusto ko lagi ko sia nakikita sa bintana. Di naglaon nasanay na din ako. Pumapasok akong inihahatid lang ni nanay at susunduin nlng pag uwian na.

Ang sarap ng pakiramdam na pumapasok ka sa eskwela, bagong araw, bagong aral. Naging saksi ang paaralan ko sa aking paglaki, pagyabong, at hanggang sa pagbibinata. Dito ko una natutunan mag ka crush, magmahal at masakatan. Mga bagay na hindi naman literal na tinuturo sa klasrums. Mga bagay na nararanasan natin lahat sa paaralan.

Masasabi kong napaka loyal ko sa aking paaralan, dahil 15 taon ako nag aral dito. Mula kindergarden hanggang sa collegio. Nasubaybayan ako ng aking mga guro, gayun din nasubaybayan ko ang aking paaralan. ANg bawat rehas at mga tanikalang pang lock sa bawat silid naming nun. Ang mga lumang hagdan patungo sa ibang silid. Mga posteng piping saksi sa aking kasutilan at kapilyuhan.

Ngayon na masasabi kong isa na akong matagumpay sa larangang o kursong aking kinuha at hinubog ng aking mga guro sa aming paaralang mahal. Lubos ang aking pasasalamat hindi lang sa aking nanay, sa pagsuporta, sa aking mga guro sa walang sawang pagtuturo at pag linang, at sa mga taong nakilala sa mahabang panahong ginugol sa pagaaral.

Isang araw mula sa pagod na pagkayod, naisipan kong magbutingting sa aking pesbuk. (iPasok ang pangalan at ibaon ang password…presto! Log in ako!) isang bidyo ang nakapagbukas sa akin at nakapagpaluha sumandali. Ang aking pagbabalik tanaw sa mga araw na nakaulayaw ko ang aking minamahal na paaralan.

Hindi ko mapaliwanag pero tumatak sa akin ang mensahe ng bidyo na ito. Kung nakakapagsalita lang ang aking paaralang iniwan, siguro binubulong nito ang mga katagang,

“Umuwi ka na, namimiss na kita. Sana kilala mo pa at naaalala mo pa ako…”

“Masaya ako para sa iyo, at nakikita ko ang tagumpay na bunga ng pagsisikap mo”

ANg bawat pader ng paaralang ito ay saksi sa bawat paghihirap ng mga tulad kong naging estudyante at nagsikap, nangarap at ngayon ay naging matagumpay sa buhay na pinili. Hinubog at pinagtibay gaya ng pundasyon sa bawat sulok ng eskwelahang ito.
Ngayon, wala man ako sa aking sariling bayan, masasabi ko na MINAHAL ko at MAHAL na MAHAL ko ang minsang aking naging TAHANAN. Aking naging PALARUAN. Ang College of the Immaculate Conception, aking paaralang mahal.

“Sa pagbabalik tanaw na ito, isang taos pusong PASASALAMAT at PAGKILALA sa aking paaralang pinanggalingan…”

SALAMAT CIC

And IM PROUD to be a CICian!

1475042585638l

 

bituing walang ningning

IMG_0489tutut! tutut! u have a message. “Congratulations ur part of the Riyadh Pop Icon Finalist“.  Yan ang isa sa hindi ko malilimutan na text message na natanggap ko mula sa aking saudi cellphone. Di naman kasi ako likas na magaling sa pag awit, wala din akong pormal na pagaaral sa tamang pagtipa ng boses na naaayon sa tono at nota ng isang kanta. pero siguro dahil na din sa pilit akong isinali ng aking grupo at gayun din ang isa sa mga pangarap kong maranasan ang buhay artista sa sandaling panahon, niyakap ko na ang larangan na di ko kahit kelan man maiisip na yakapin.

MAsasabi ko na mapalad  ang mga taong nabibigyan ng chansa o ng oportunidad na makilala o sumikat sa larangang kanyang pinili o di kaya’y sadyang sia ang napili. Masarap maging sikat, kilala ka sa kahit san ka pumunta, kinikiligan sa bawat oras na magperperform ka sa entablado at natututukan ng maliliwanag na ilaw. Mga babaeng nagkakagusto at tanda ang bawat bagay na maiuugnay sa iyo.

Pero hindi lahat ng panahon na sikat masasabi kong masarap. Kaakibat nito ang isang responsibilidad na iyo na ding niyakap kasabay ng  pagkilala sayo ng mga sumusubaybay o taga suporta. “Mahirap maging sikat, mahirap ding sumikat.” Hindi lahat ng tao magiging taga hanga mo, hindi lahat mapapabilib mo, karamihan para ka lang hangin o dinaanan lang. Minsan naman hitik ka sa intriga. Minsan darating sa punto na akala mo sikat ka na, un pla, hindi pa.

1_813998612l

Ang dami ko na naranasan, ang dami ko na ding nalampasan. Nakakalungkot na merong iba na kasabay ng pag-angat at tagumpay, ay kasabay din ng pagbabago, pagbabagong kainin ng kasikatan. Sa sandaling pinahiram sa akin ang kasikatan, at sa panahong akin itong nilisan. Isang aral ang sa akin ay tumatak, na sa kabila ng lahat ng tagumpay na meron tyo sa buhay, sana kung nasan man tyo ngayon, sikat man tyo o hindi, kilala man tayo o dinaanan lang. Mapa sa kantahan, sayawan, kahit sa mundo ng blogosperyo o san mang larangan natin pinili. WAg na wag nating kakalimutan ang rason bakit nga ba natin ginagawa o nagagawa ang mga bagay tulad nito, iyon ay ang di dahil sa ibang tao, ito ay dahil sa sarili nating gusto at paraan ng pagbabahagi ng talento, maging bituin man na walang ning-ning.

Eventually stardom is going to go away from us. It goes away from everybody and all you have in the end is to be able to look back and like the choices we made…”

 

* Ang blog na ito ay alay sa taong aking nakilala at naging kaibigan na sa mundo ng blogosperyo, na ngayo’y dumadaan sa isang pagsubok.  Tol, magaling kang manunulat. Mamimiss ko ang iyong masasaya at makukulit na pagsulat at irerespeto ang panandaliang pananahimik. Hihintayin namin ang iyong pagbabalik sa wordpress. Hamo, bibisitahin ko pa din bahay mo. Apir! 😀