Olympic Spirit

Sports is one of my favorite past time when I was still working at the Kingdom of Saudi Arabia, particularly badminton. Hindi ako natitigil ng bahay after work o weekends dahil sa paglalaro nito. Nuong bata pa ako (which is bata pa din naman ako till now :P) Badminton na ang naging larong pampalakasan ang aking nakahiligan at kinakitaan ng galing. Pinangarap ko nga na makasali sa Palarong Pambansa at higit sa Olympics. Masasabi ko na nanatiling panaginip nalang ito, ang mahalaga hinamon ko at kinalaban ko ang pinaka mahigpit na kalaban ko sa mundo, ang aking sarili.

Maswerte ako dahil sa hindi man ako nakasali o naranasan ang kung ano ang feeling ng makasali sa Olympics o Palarong Pampalakasan ay naranasan at naramdaman ko ang spirit ng Olympics. Ang 2010 Winter Olympics ay ginanap sa Vancouver, British Columbia, Canada mula nuong February 12–28, 2010, Approximately 2,600 athletes from 82 nations participated in 86 events in fifteen disciplines. Syempre hindi ko pinalampas ang pagkakataon na masaksihan ang pambihirang Torch relay na kung saan ang aming lugar ay isa sa 10 provinces and three territories na iikutan ng pamosong torch.

Kakaiba ang aking naramdaman nang aking personal na nasaksihan at nakita nag pamosong torch at ang moment na itinatakbo ito ng representative ng sikat na manlalaro at torch bearer ng aming probinsyang Nova Scotia. Di ko alam pero ramdam ko ang init (ng ulo ng katabi ko kasi nasisiksik namin sia :P) ng pagtanggap at spirit ng torch na makita mo personally.

Naging mahigpit ang labanan at kompetisyon sa pagitan ng mga bansang naglalaban-laban para sa medalya at karangalan ng kani-kanilang bansa. Maswerte ang bansang aking kinalalagyan dahil mapalad nilang nasusungkit na animo’y bayabas na hinog ang mga medalyang ginto sa ibat ibang larangan ng Winter Games Olympic. Bago nag huling araw ng pamosong pampalakasan, naging mahigpit ang labanan mula sa dalawang malalakas na bansa sa larong hockey. Ang Bansang Amerika laban sa Canada. ANg hockey ay ang national sports ng Canada (keneda sa slang! Ahahahaha)

Sakto at nagkataon na day off ng inyong lingkod kaya sa araw ng finals ng huling laro sa Olympics at nasa city ako na ang pakay ay maglibot at i-treat ang aking sarili. Isang kaibigan at co-worker ko ang nag-aya na manood ng hockey finals. Isang Sports Bar ang aming pinasok (akala ko pub! Sayang! Amf!). Mula duon ay nakita ko na ang mga fans ng larong hockey at mga Canadians na masugid na sumusuporta sa kanilang pambato.

 Bilang mga pinoy na nagtratabaho sa bansang Canada, minarapat na naming na suportahan ang hockey team nito kaya bumili kami ng mga stickers, bells at Canadian flag upang ipakita ang aming suporta.

Exciting ang naging laban at maka-taas pwet at nakaka-malat na sigawan ang nangyari dahil sa init at dikit na laban ng dalawang koponan. Sa aming pagkasabik di na din naming na pansin na beer pla ang aming iniinom at sa akala’y tubig ito na pamatid uhaw lang. heheheehe.

Sa huli, Canada ang nagkamit ng gintong medalya sa huling laro bago matapos ang 2010 Winter Olympics.

Sigawan, hiyawan, palakpakan at yakapan ang lahat ng mga taong nanonood sa bar sa pagkakapanalo ng kanilang koponan. Ang hindi magkakakilala ay pinagbuklod at pinagsama ng iisang ligaya at saya. Hindi ko mapaliwanag ang emotion na aking naramdaman dahil sa init at extreme emotion ng bawat isa sa spirit ng laban.

Mula dito, natutunan at narealize ko na, hindi man ako Canadian para maki bunyi at makisaya sa kanilang tagumpay, ngunit bilang isang manggagawang Pilipino na kinalinga at binigyan ng pagkakataon ni Bro at ng kapalaran sa bansang aking kinalalagyan, trabahong bumubuhay sa akin at sa aking pamilya. Bansang nagbibigay ng apoy para sa aking mga pangarap at plano sa buhay. Marapat at nararapat na bigyang pugay, halaga at importansya ang bawat pangyayari o karangalan nitong nakamit. MApalad ako at dahil patuloy akong pinagpapala at pinagyayabong ng bansang Canada.

Nakakatuwa at nakaka inspire ang spirit ng 2010 Olympics, mula dito natutunan ko na maniwala na kahit ang Pilipinas ay patuloy na magbabago at babangon tungo sa isang maunlad at matagumpay na ekonomiya at republika. Bansang hindi lang mayaman sa kalikasan bagkus mayaman din sa mga manlalarong kayang makipag sabayan sa mga banyagang pampalakasan. Hindi hadlang ang kahirapan, kung ang isasaisip natin at paniniwalaan ang ating adhikain na ibangon at magtutulong tulong para sa makabagong Pilipinas. Ang Malakas at Mayamang Pilipinas!

With this, I hope we continue to believe and inspire each and every Filipino to pursue dreaming and aiming high for a better life and living. May our government continue to support and promote programs for our Filipino Athletes to be more competitive and to continue cultivate their talents and the best of them. Believe in every dreams we have, and on every goals we aim, in everything we do, we must believe. For nothing can stop us once we believe.

“Believe in yourself! Have faith in your abilities! The reason you may become the master of your own destiny is because you have the power to influence your own subconscious psyche.”