Galawgaw sa tag-araw

DSC02817Kasabay ng pagtunaw ng nyebe sa Canada, ang amin           pagkasabik sa  muling pag sikat ng haring araw. Matagal tagal na din kami sabik sa seks pagpapapawis at social life. At dahil sa minsan lang mag ngitngit ang haring araw eh sinamantala naming magtunaw din ng taba sa pamamagitan ng isports pest… Ang old haws bersus new haws – galawgaw sa tag-araw… matira matibay!

Abala ang lahat sa paghahanda. Kanya kanyang pasiklaban at pagbonggahan para makamtan ang unang gantimpala…. Ang maging tsampion kasi ay magkakamit ng malagkit na paradusdos o bilobilo o ginataang kamote,saging, bilobilo at sago. Bhwahahaha!! O diba astig sa premyo! Ang di pinalad namang grupo ay magkakamit ng hugasing pinggan! So, let the games begin…

Inuna namin ang larong volleyball, madali at masarap laruin diba? Pero sa aming palaro hindi lang basta basta paligsahan. Ika nga Pampalakasan ito kaya lahat ng game ay may twist, at dahil nasa Canada na kami, so hahaluan naming ng Canadian version ang aming mga paligsahan, sa volleyball sucker soccer ball ang aming ginamit na bola. Tignan ko lang pag di namaga ang mga braso at kamay ng mga manlalaro. Hak hak hak hak! Hayun, pagkatapos magkulay talong ng mga braso ng mga manlalaro, diretso na kami sa aming susunod na hamon o palaro.

Ang sumunod na laro ay maka pinoy. Sa tuwing may kiddie party ata may larong ganire. Ito ay ang larong calamnsi relay, eh since may twist, at walang calamansi sa Canada, may katutyalan ang aming ginamit, strawberry! ahehehehe tutyal diba. Hayun lintek! kamahal ng strawberry ahahaha. 

DSC02795jomar

Halos di magkanda uga ga ang mga manlalaro sa kani-kanilang paraan ng pagtawid dahil habang tumatakbo sila na may mga supalpal na kutsara at strawberry ay kasabay ng pag pagsumpit ng munggo. Oh diba pasakit?! Ahahahahahahah

Makatapos ang madugong laban, panahon na para kumain ng ginatan. Huwaaaaaattt!!!!

Naknang! Nagitla ang lahat sa pagkaka kita sa ginatang bilobilo dahil kasabay pla ang aming paglalaro ay nagpipiyesta na din ang mga lintek na langgam. Animoy isang malaking playground at swimming pool sa kanila ang kalderong puno ng gata at bilobilo. Amp! Sayang! Grrrrrrrrrr!!! Sa aming pagod at gutom ay di na inalintana kung may nakasama na langgam sa bawat subo.

  grupo

Ang saya ng araw na ito, masakit pero worth for the happiness na naranasan namin. Nakakapgod pero sulit ang init.🙂

35 Comments (+add yours?)

  1. joycee
    Jun 03, 2009 @ 17:01:38

    Ay ang saya-saya naman! Summer jan dito naman sa Pinas tag-ulan waaaah!

    Reply

    • topexpress
      Jun 03, 2009 @ 17:13:34

      aheheheh. actually, spring pa lang dito pero pa summer na din. ganun ba? eh ikaw naman kakatapos lang naman ng summer jan! ahehehe

      mukhang paganda ka ng paganda joycee ah?!

      salamat sa muling pagdaan… ingat sa byahe!

      Reply

  2. bonistation
    Jun 03, 2009 @ 22:47:07

    gusto ko yung dimples ni papa jomar! haha mas agaw sa atensyon kaysa sa strawbery nyahaha!

    anyhow.. saya naman dyan!! yung unang picture para lang bukirin sa pilipinas ah hindi lang naisama yung kalabaw sa tabi.^^ nakaka miss ang pinas no!?!? wehehe!

    yung mga langgam dyan? maputi ba sila? ^^

    penge bilobilo!

    Reply

    • topexpress
      Jun 11, 2009 @ 11:26:08

      naku tol, yung ibang langgam di kaitiman medyo mapusyaw sila sa normal na itim sa pinas. aheheh

      ay sige bigyan kita bilobilo INANGET gusto mo din ba?!

      ahehehe salamat bossing sa pag daan.

      Reply

  3. p0kw4ng
    Jun 04, 2009 @ 08:11:18

    oo nga painit na ng painit! sarap naman ng labanan nyo..kung nandyan ako eh baka pati singit ko eh may pawis sa kakatawa,hihihi

    batangenyo ka din ba? ganire kasi yun kaya ko nahalata…nagitla ka,hihihi

    sarap ng bilo bilo!

    Reply

    • topexpress
      Jun 11, 2009 @ 11:28:08

      ahahahah naku miss powkie, hayaan mo madami naman kaming magiging deboto sayo, maglalabas kami panyo at pupunas kami sayo. ahahahaha jowk!

      hindi po ako batanggeno, ecijano ako pero may mga tropa lng at nahahawa sa batangueno.🙂

      bilo bilo, sarap un at samahan na ng inanget! salamat sa pag daan!

      Reply

  4. meliza
    Jun 06, 2009 @ 06:29:40

    ang saya nman ng bonding nyo ever dyan sa canada. cguro wala kayong mgawa!parang sa pinas lang kau. sayang ang strawberry ah! mahal kaya yan.asus akala ko kung ano ang premyo!heheheh. obviuous nman di kau mattakaw sa mga minatamis.
    aba ikaw center of attraction sa pic ah. tpos iba pa yung color ng tsirt mo sa knila cla lahat nkablue.nglaro ka ba?heheheh.
    yung langgam kawawa kinain nyo kasama.toinks! hindi mo cla masisi kung pingpiyestahan ang inyong pagkain. katulad natin nggutom cla. bwahahah!ngtake advantage cla habang kau nglalaro nauna clang kumain.bwahahah
    ano pala itsura ng langgam dyan aldo
    kung mainit sa inyo dito tagulan na.
    sana binigay nyo lng sa akin ang strawberry kau ha cnayang nyo.heheheheh
    pahingi nman ng bilobilo. di ko pa yan natikman. wala sa aming probincya.

    Reply

    • topexpress
      Jun 11, 2009 @ 11:29:47

      ay ganun? ipagtanggol ang langgam? strawberry di ka pa kain? sus! akyat ka sa puno este baguio madami dun! mahal kasi kung padala ko pa sayo then bulok na din un pag dating sayo aheheh!

      salamat ulit mhel sa pag daan. sa uultiin!

      ingat

      Reply

  5. Ax
    Jun 08, 2009 @ 15:41:21

    ang saya naman niyan, at may pinoy games pa ha!

    Reply

    • topexpress
      Jun 11, 2009 @ 11:24:35

      ahehheheh. eh wala na kasi kami magawa, halos nadamuhan na namin ang bakuran, sa susunod nag iisip kami kung tumbanag preso o harang taga naman! ahehehe

      salamat sa pag daan po!

      Reply

  6. livingstain
    Jun 09, 2009 @ 04:40:17

    huwat… nalate ako, nung 3 pa pala to… hai, heniwey, sample naman ng cheer jan… ang sarap namang maglaro ng nagaagawan ang init at lamig… tapos kakain ka ng bilo-bilong may langgam awww….

    Reply

    • topexpress
      Jun 10, 2009 @ 14:23:06

      ahahahah. alam ko na trapik ka lang kasi. ahehhee. ahahah cheer teka!

      “ito ang beat sabay sabay, ito ang beat bawal sablay, pabilis ng pabilis walang mintis…. AHHHHHHHHHH”

      salamat sa pagdaan tol! naku eh napagtanto ko, laman tyan din sila! amp!

      Reply

  7. willi
    Jun 10, 2009 @ 12:04:39

    topexpress!!!
    hanep sa write up…puro kahalayan hahaha!…bakitpakasi binura yung “seks” at”sucker” hehe..

    galing,ipagpatuloy ang pagtunaw ng taba habang tunaw pa ang nyebe!

    Reply

    • topexpress
      Jun 11, 2009 @ 11:23:35

      ahahaha, nakakagulat naman kasi sa haba ng isinulat ko eh yung iilang salitang may kahalayan ang naka tawag ng atensyon mo. ahahah ako ba mahalay o ang nagbabasa? ahehehee lol!

      salamat sa pag daan mo pare, oist! libre na ako sa kasal ko pag ikaw nag photographer ko ha! salamat in advance! ahehe

      Reply

      • willi
        Jun 12, 2009 @ 04:22:22

        libre? oo bah, pero pre-nuptial shots pa lang kaya ko…at least makabawas sa gastusin haha

        yun na regalo ko sayo hehe

  8. .poOt!
    Jun 13, 2009 @ 04:38:06

    mukhang enjoi na enjoi kayo ah… natawa naman ako dun sa last part. PESTE talaga ang mga langgam. wahekhek. PEACE!

    Reply

  9. Winkie
    Jun 16, 2009 @ 12:17:52

    wow, ang saya naman ng palaro nyo sa canada! kalokah ang prize… level up talaga… ginataang bilo-bilo ever! hehehe! kaainggit kayo, you’re enjoying summer. samantalang kami sa pinas, pasakit na bagyo ang nararanasan.

    penge naman strawberries… peborit ko yan!🙂

    ei, thanks for peeking in my site. hope to see you again🙂

    Reply

    • topexpress
      Jun 19, 2009 @ 11:18:14

      ahahaha salamat sa pagdaan. naku yan ang masarap! tag ulan. tanda ko pa sarap maligo at maglaro sa ulan!

      ganun ba? peborit mo pla?! sayang kung lapit ka lang padalan kita! aheheh

      Reply

  10. vanjie
    Jun 16, 2009 @ 14:39:08

    hahahaha… astig ung ball game nyo ah…
    nakikita ko very athletic mga housem8s mo diks… s susunod try nyo nmn ung softball….

    wek!wek!

    Reply

  11. flamindevil
    Jun 16, 2009 @ 18:18:24

    sosyal. istroberi. walang kalamansi.hehe

    pagdaan ko sa bahay mo,nalito ko. kala ko bahay ko. pareho tayo ng theme parekoy.

    hahahaha

    Reply

    • topexpress
      Jun 19, 2009 @ 11:16:37

      ahahha. oo nga eh! ganun din nung nagdaan ako sa bahay mo. Sabi ko feels like HOme! aheheheh.

      Naku wala calamansi eh LEMON meron eh kung un gamitin baka naman tumagibang yung nguso ng mga manlalaro sa bigat!

      Reply

  12. bernardumali
    Jun 17, 2009 @ 16:35:22

    kakagutom naman ang pinaglalabanan niyo. katuwa ang mga laro a, bagong bago hehehehe

    Reply

    • topexpress
      Jun 19, 2009 @ 11:15:01

      ahahahahh. oo meron pa nga mas bago jan eh, ang tumbang preso pero may laman ang lata. Harang taga na naka blind fold. ahehehehe!

      Salamat po sa pag daan sa king express way! ingat sa byahe!

      Reply

  13. yhen
    Jun 19, 2009 @ 01:58:31

    wow enjoy na enjoy ah.. thats nice! mgnda yang gnyng activty para mabuhay naman ang mga dugo… ehhe

    Reply

  14. willi
    Jun 20, 2009 @ 05:17:30

    may part 2 ba ang summer games jan?

    Reply

  15. gudang
    Jun 22, 2009 @ 14:53:58

    saya naman niyan. hayy. tapos na summer dito.😀

    Reply

  16. livingstain
    Jun 23, 2009 @ 04:54:35

    poging poging toper, visit ang comment ka naman sa blog ko na kalahok (aaawww) sa isang contest.. paramihan ng comment… salamat…

    http://livingstain.wordpress.com/2009/05/28/llm-entry-wala-akong-pangarap/

    Reply

    • topexpress
      Jun 23, 2009 @ 08:13:32

      haba haba!!eh tol, nakapag comment na ako say0 dun! ahehehe well ayun nag iwan pa din ako isa! may entry din ako kaso di ko isasali. para malaki chance mo sa panalo! ahahha lol

      ahehe gudlak!

      Reply

  17. dencios
    Jun 25, 2009 @ 11:14:11

    makakarating din ako ng canada at gugulong sa damuhang inapakan nyo lol

    Reply

  18. juday
    Jul 01, 2009 @ 18:36:03

    Panalo!pngPressCon…Astig!

    Reply

  19. tennis
    Sep 04, 2014 @ 07:12:03

    Hey! This is kind of off topic but I need some guidance from an established blog.
    Is it difficult to set up your own blog? I’m not very techincal but I can figure things out pretty quick.
    I’m thinking about creating my own but I’m not sure where to begin. Do you have any ideas or suggestions?
    Cheers

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: