Buhay MBA

Masasabi ko na di na ako baguhan sa pangingibang bayan. Siguro naman sapat na ang 7 taon para maihalintulad ako na estudyante sa kursong batsilyer ng agham ng TIYAGA at SAKRIPISYO. (nakapag MBA pa!)

Isa lang ako sa libo-libong Pilipino na nangarap na maiahon ang pamilya sa lumalalang sakit ng lipunan – KAHIRAPAN. Isang epidemya na maituturing hindi lang sa pilipinas bagkus sa karamihang bansa. Epidemyang patuloy na humahamon sa ating lahat para hanapan ng lunas. (bakuna). Isang sakit na susubok sa ating tiyaga at pagpupursigi sa buhay.

Maaga akong naulila sa ama, 7 taong gulang; halos kakaumpisa pa lamang matutong magbilang at sumulat. Hindi ito naging madali o hadlang sa aming pamilya na ipagpatuloy ang laban sa buhay. Mahirap at malubak ang mga daan na nilakbay na halos sumuko na akong mangarap. Siguro nga isa itong pagsubok sa mamamayang Pilipino, na sa bawat tagumpay ay may kaakibat na paghihirap at pagpupursigi.

Hindi madali maging isang OFW – bagong bayani. Isa na yata ito sa pinakamahirap na yugto ng aking buhay. Isang pagsubok na humubog sa aking pagkatao. Madaming nagaakala na kapag nangibang bansa ka, ay para ka nang si “super inday at ang magic bibe” (nangingitlog ng ginto). Sa bawat araw na ginugugol ng isang OFW sa dayuhang bansa, ay ang bawat araw ng pangungulila.

Mga bagong gadget para kay kuya (kabi-kabilang overtime); mahahalimuyak na pabango para kay bunsoy ( pagtitiis ng gutom dahil sa pagtitipid); mga bagong damit para kay nanay (ilang gabing tahimik na pag-iyak sa kwarto).

Sa mga bawat litrato na pinapadala o pinopost sa FB na nakangiti, sa likod nito at ang paghahangad na sana kasama ko ang inspirayson ng pagpupursigi ko.

Isa sa mga natutunan ko sa pagiging OFW ay nobody is in charge of my happiness except me, that I should not be jealous of what others may have and what others may have achieved. Minsan lagi nalang tayo nagrereklamo at minsan naghahangad ng higit sa iba. Simple  lang naman ang recipe sa buhay – Smile and laugh more! Mas masaya mas masagana! =)

Pero sabi nga nila, it is best to work up an appetite that will give you strength and endurance. Ang buhay ay hindi magiging madali kaya stay FOCUS and POSITIVE. Stick with your goals and objectives, learn to adapt challenges and live with it. Don’t compare our life to others, they have their own way facing and living life, besides we have no idea what their journey is all about.

Hindi naman kasi madali ang buhay, life is a learning process. Challenges and problems are part of the curriculum that once we passed it, whatever lessons we’ve learn will last like a lifetime.

Bundat

Keep eating and keep reading    ^_^

please visit my new blog site at:

www.toprepublic.com

kita kits!

                                                                                                       — topexpress

Wacky Mami

(the video was made as a tribute for mothers day, since it’s my Mothers Day – birthday! so ginamit ko na din aheheeh)

 30 years of guidance and everlasting love – sobrang salamat sa walang sawa at kapaguran mong pag agapay sa akin at aking mga kapatid. Nay, alam kong malayo ako sa inyo, pero sana alam mo kung gaano ako nagtitiis para sa pamilya at kung gaano kita kamahal at ang pamilyang meron tayo.

Ilan beses na tayo sinubok ng panahon, at mananatili tayong buo. Ipinagmamalaki kita TERESITA B. LUZANA – best NANAY!

Hangad at dasal ko ang malusog na pangangatawan mo, mahaba pang buhay at patuloy na pagpapasaya di lang sa pamilya higit sa mga taong naniniwala at nagmamahal sau. Patuloy kang maging inspirasyon sa nakakarami Nay!

Happy Birthday NANAY – MAHAL na MAHAL kita!

Miss you Nanay!

 –= I LOVE YOU =–

Saling Pusa

Madalas ka bang maging SALIM PUSA o SALINGKET?  Siguro hindi kumpleto ang kabataan kung di naging salingket o salimpusa. Taglay ang kamusmusan at kasabikan na makisali sa laro, nakakatuwang balikan ang alaala ng kahapon na maging salingpusa.

Ang larawang ito ay lahok sa SARANGOLA BLOG AWARDS 3 sa kategoryang PhotoBlog.

Ngiti ng Pag-asa


“Hindi sa mga ngiping mapuputi nanggagaling ang GANDA ng isang NGITI,

Ito ay sa SINSERIDAD ng taong sa atin ay BUMABATI.”

Salamat sa mababait at mabubuting sponsors ng SMILE Quotes Contest :

 Field of DreamsAlohagems on SquidooISP101 at from the dungeOn.

Our smile is our strongest weapon. It sends positive message to many people and helps us to look good and be at our best. Sometimes we are often too withdrawn into ourselves or too irritable. Try and learn to smile and everything will be better.

Tara! NGITI tayo… 🙂

I AM A SUPPORTER of Isang minutong SMILE 

—Topexpress

True Wedding Planner

Mga ka blogs! it’s been a while, been busy for an event of my life. 😀 Ang pagiging ISA! 😀 YES! I DO! ahehehehe akin nang tinutuldukan ang aking buhay binata at hinaharap ang buhay na kasama ang babaeng pinaka mamahal ko. si MICHELLE MARIE SALAZAR – LUZANA.

Some of you might not know our story (masyado kami kasi private!) lels! I supposed to post this entry before kaso sa sobrang busy nga(busy-busihan mode lagi) en besides, hindi ako nagsulat nito. Kaya di ko na kau bibitinin pa, have fun in reading. Ito ay entry ng aking butihing may bahay. 😀 naks! sarap naman!!!! ayieeeeee

This is how our STORY goes:

Four years ago, I planned my wedding with someone I thought I could love and spend the rest of my life with. Truthfully, God is so good for not letting me pursue with that plan. HE made life easier but things gets harder at the same time (magulo pero un talaga un! walang basagan ng trip!page ko toh!). In short, I broke up with that unworthy guy ( as I termed it according to my dictionary! wag ulit basag trip! ndi niya toh mababasa kasi ndi kami friends!). After him, I tried to open up my heart again, explored love and all the mystery that compromises with it. Luckily, I have found someone(“doki”), but not so lucky of having me because I’m not ready to give my whole heart to him yet. It seems like I’m still trying to mend my broken heart and soul. I have lost myself in love and tried putting it all back (hirap pala ng ganun!futek!).

As time passes by, I realized that loving with unfixed heart is much more difficult as compared to being alone. Knowing that someone is being “fooled”, making him believe that you love him as much as he does made me feel the guilt and its killing me. When I got the chance, I broke up with him believing that I don’t really love him that much. A month passed, its like nothing. Two months, still the same. But when I heard that he’s having a GF (amfuts!hindi man lang kasi humabol!kabud na lang nag let go!aruy!hmpf!). That’s the time I said to myself, OK I’m done. I will wait until my heart is whole again and then the next time I will be in a relationship I assure myself, that  person will be the one with whom I’m gonna spend the rest of my life. November, December, January, February, March, April, May, June, July, finally, there he was.

During the first couple of month things are all well. I know he’s busy with a lot of things, but I understand that. All of a sudden, he came to me telling me that he’s not ready yet for any commitment. My heart was crushed once again!(Amfuts!halos kasing sakit nung unang break up namin ni unworthy guy na jowaerts ko ng almost five years!). No choice but to move on! Maybe that’s one thing I should be thankful for, they all taught me how to be strong and how to let go of the things which are not meant for me. Another way to say this is that, there is something or somebody who is much worth of my love, so why waste every single beat of my heart with jerks!(tumah?!bitterness!?jokesness!). I found a rebound after him(boss) who also helped me to move on, but yeah, rebounds are not healthy to anybody. Life during those times was in chaos(ang dami din kasing achuchuchu!). During those days, I felt like I am the weakest person. I gave up on that challenge right on the spot. (kavoom!lost ang beauty ng echuserang “frog prince”!). All the while, I thought I was still in love with “the boss”(cologne eto, HUGO BOSS), so I decided to try getting back to him when he started to communicate with me again. We went out together. Going back to the getting to know each other stage, exchanging text messages(ate high scholl ka ulit?!). He’s trying to set some ideas regarding proposal and weddings and talking about marriage and settling down (which I never heard from him before, ano nakain mo?!). As we went on, it made me realize that I could not see myself with this person at all. He’s not the one I wanted to share my everything with(nagdamot ang lola nio!).

Until one time, God sent me somebody whom I believe HE wanted me to grow old with. He does a lot of things that I also enjoys doing. He makes me laugh at his silliest jokes. I just loved being myself when I speak with him, whether its over the phone, chat boxes or even text messages. He opened up the world of love from fairy tales which felt like real (ay shrek d movie yata itow!). He really is my answered prayer. And I meant that, because he has everything that I have prayed for. The simplest things in the world that makes me really happy, the simplest uttered words that keeps my hEARt melting and fall in love with him all over again. Yes, we’re not together for long but who cares!I have faith that God has sent him to me to be my ….(uhm, wag na lang muna baka mausog pa!), the person I would always be comfortable being  me but won’t spoiled me, the person who will teach me new things but at the same time learn with me, that somebody who will grow with me in this relationship. The person who will be the first one to cry when I’m in pain but will truly do his best to comfort me and give me strength. Somebody who worries so much not hearing from me at all (oh diba ang sweeeeet!). A person NOT PERFECT but I know is REAL, a person who commits mistakes but not a coward to accept all its consequences. Things happen for a reason, and behind all this HE has a purpose. I have faith that HE wanted me to settle down with this IMPERFECT PERSON who LOVES ME PERFECTLY, so I rest my case and will let HIM be my WEDDING PLANNER. Thank YOU for sending me YOUR GREATEST GIFT in advance. (bongga ka LORD! major major! and I SUPER LURV ET!).

 

-thanks for droppin’ by folks!;)


Pananagutan

Isa sa mga natutunan ko sa mga kantang pang simbahan ay ang “Pananagutan”, it is one of my favorite songs every time na nagsisimba ako. It always inspires me and reminds me to be always at my best… Stay positive ika nga!

Sa araw araw maaring lagi natin iniisip na “paano nga ba natin mapapabuti ang ating mga sarili o pamumuhay?” o dili kaya, “Hay, sana swerte ang araw na ito!”. Minsan kahit gaano natin gustuhin na maging maganda o maayos ang araw natin di maiiwasan na madapuan tyo ng pagsubok o problema. Natural lamang na sa tuwing may mga pagsubok tyo, madalas ang panghihina ng ating loob marahil dahil na din sa tayo ay tao lamang at ang kahinaan ay parte ng pagiging nilalang.

If we want our life to get better and be a better person, then we need to help improve somebody else’s life. In one way or another, all of us can affect the people we meet. I always believe that we live with a purpose, in which hindi natin masyado napapagtuunan ng pansin dahil marahil na din sa mga pansarili nating intension. If we blast ourselves from the past, most likely we have somebody who played as a vital role in helping us to do well and strive hard to be in where we are and who we are as a person today. I guess it is rightfully to do something similar for somebody else. An assignment we should always do.

Kabi-kabila ang mga kaganapan na nakakalungkot, at nakakatakot. But at this time of trials, this is not the time for us to have fears and to fail. Time to make a difference; we have something to offer… that is –”encouragement. Hindi tayo nabubuhay para sa sarili lamang, as we live with a purpose in life, and that we have to let somebody know that we believe.

Sabi nga sa kanta:

“ Walang sino man ang nabubuhay para sa sarili lamang…   tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t – isa…”

I am not hopeless that soon enough, the world would be at its peace and that everyone would have a better place; All we need to do is to BELIEVE.

“A positive mind anticipates happiness, joy, health and a successful outcome of every situation and action.”


PanaPanahon

Madalas, marami tayong nakikilala o nakakasalamuha na tao sa ating pang araw araw na buhay. Kaibigan ng barkada, nakasakay sa jeep, ka- FB, ka-FS, ka-tweet, o sa kahit ano pang paraan natin nakilala ang mga taong masasabi nating minsan nagdaan o naging parte na ng ating pagkatao… ng ating systema.

Minsan sa di sinasadaya o inaasahang pagkakataon, may mga tao tayong makikilala na di natin aakalain na mapapalapit sa atin, magkakahulihan ng loob, magiging kaibigan. At mula ditto, uusbong ang samahang ni sa panaginip mo ang hirap iwasan, ang hirap iwanan. Yung bang minsan kahit kumakain ka, bigla mo sila maaalala, tetext mo, tatawagan mo, o minsan bigla ka nalang mapapangisi o mapapangiti pag may naalala ka na nakakatuwang bagay habang nakatingin sa kawalan. Mga bagay na pinagsaluhan, mga ala-alang naging inspiration para maging matatag pa kayo sa pagdaan ng panahon. Na kahit na di kayo magkita, magdaan man ang araw, lingo, buwan at taon, sa muli ninyong pagtatagpo parang kahapon lang… mapapawi ng halakhak o simpleng tawanan ang panahon na nagkawalay kayo.

May mga tao na makikilala natin na parang dadaan lang sa buhay mo, pero kahit ganon kahit sa sandaling pagkakaibigan o pagsasama, alam mo sa sarili mo na naging parte na sia ng kung ano at sino ka bago pa sila dumating. Nakadagdag sila ng kulay, at timpla n gating buhay. Madami ako nagiging kaibigan, (kahit karamihan inaakala na suplado ako) Mga nakilala sa mga kakilala, kaibigan ng kaibigan ko, nakasabay bumili ng alak, at kung ano ano pa. Masasabi ko na bawat taong nagdaan at naging aking kaibigan madami na din ako natutunan. Isa na dito, ang maging matatag… lalo sa panahon ng paglisan. Hindi nman lahat permanente, hindi lahat ng gusto natin pwede.


Madalas, lahat tayo ay iiwan ng mga taong nakilala natin, naging kaibigan, naging sandalan… mga taong mahal o minahal na natin. Nagsilbing inspiration at nagpapangiti sa atin sa kabila ng problema, nagpapsaya, nagpapaalala na di tayo nag iisa. Magbibiro at magpapatawa kahit na nagmumuka nang tanga, nagiging conry pero mabentang mabenta. Mga taong ang hirap nang alisin sa nakasanayan at minahal na systema.

Sa buhay, darating ang isang pagkakataon na we have to make decisions or choices. For what I know, choices we think that would make our life better kahit na mahirap o masakit. PAIN is part of LOVING, loving is part of LIVING. Its hard to say goodbye or even say see you soon, kung alam mo na matagal kau muling magkikita, mahabang panahon bago muli kayo magkasama… o minsan, yun na ang huli ninyong pagkikita.

It’s hard, but yet we have to. Maybe it’s just that the season for our relationship with them is over. We may not understand it; we may be disappointed or daunted and tend to forget to stir things up. But soon, in GOD’s TIME we will be enlightened. We will learn to LET GO. It’s part of our life journey, a self discovery. Kapag may taong umalis at iniwan tayo; o relasyon na natapos – kaibigan man, kaklase, kasamahan sa trabaho, mahal sa buhay o naging parte na ng ating buhay – Wag tayong malungkot, wag tayong magmukmok. Even how hard we try to make it last, o let them stay, if it is time… the only thing we could do is ACCEPTANCE.

They have been part of us, they have been part of what we are now, and part of becoming a better person. We should be thankful that once in our journey our paths crossed… shared memories… learned from experiences. We become real to ourselves and get comfortable sa kanila. With them, we feel free; we feel light; we are so genuine. We give the best of ourselves and even forget the problems we have.

Let go and be ready for whatever God’s plan for us through our life. Be the best that we can be. Spend every moment with the people we know. Make precious memories to keep and cherish as we grow old and as time passes by. Live every day as if it your last at least, in that way, we may not have bunch of regrets when our chapter ends.

 

“Life is too short to live with full of regrets.”

 

—  topexpress

Sa daigdig ng kalikasan

Sa mga kabagang kong blogger at kachokaran kong lurkers, Musta naman? paumanhin sa aking panandaliang pamamahinga sa mundo ng blogosperyo. Mula sa pananahimik, heto at muling nagbabalik ang inyong lingkod, animo’y adik! 😛

Nakaraang taon nung makita ko at isa sa bumoto online sa mga kaibigang blogger ang tungkol sa Saranggola Blog Awards ni Kuya Bernard. =D  At sa taong ito, ang inyong lingkod ay naki-isa sa kasiyahang ito. Kaya ipagpaumanhin nio po. (sana makuha ko din boto nio :D)

“Kaibigang Puno”

Buto nang ika’y itanim,
tabong tubig kung ika’y diligin
Pagsilip ng iyong sanga, sabik na aking makita.
Luntian mong dahon, hinihintay umusbong

Matibay mong sanga nagsilbing aking kama,
Hanging dumadaloy, animo ako ay inuugoy.
Lilim na iyong dulot, sa init nagsilbing aking kumot.
Nagsisilbing taguan sa tuwing aso ko’y kaharutan,

Panahon ng sakuna,
panahon ng aking pangamba,
Hangin na sa iyo’y humahampas,
kabog ng dibdib ko’y anong lakas.

Ugat mong nakakakapit sa lupa,
lumalaban sa dumaragasang baha
Umulan, umaraw, nananatiling matatag
Hay salamat! Dahil sayo ako ay panatag.

Taon ang nagdaan, kay dami nang naranasan
bunga mo’y nagsibulan, o kay sarap pagmasdan
Ika’y yayakapin, hindi ko lilimutin
Bahagi ka ng nakaraan, isang napakasayang kabataan.

“Kalikasan”

Masdan ang ating paligid
Mistulang naghihingalo’t nanganganib
Samu’t saring salot,
tao din ang may dulot.

Walang sawang pagpaslang
Sa luntian na kagubatan,
Walang awang paglason
Sa anyong tubig, basura’y abot ang tapon.

Tambuchong itim ang usok
Mga pabrikang animo’y kabuteng sumusulpot
Malinis na hangin, ating hangarin
Disiplina sa sarili, ating nang atupagin.

Ngayon ang simula,
Pagkakaisa ng madla
Tungo sa iisang mithiin
Mayamang kalikasan, dulot ay kaginhawahan.

Regalong yaman ng kalikasan
Nawa ay ating pag-ingatan
Sa buhay natin ay nagbibigay ng yaman
Tungo sa minimithing kaunlaran ng naghihirap na bayan.

“Nyebe”

Pangarap ng karamihan
Paskong may kalamigan
Makakapal na saplot
Init sa katawan ay dulot.

Mala bulak kung bumagsak
Mula sa langit na parang umiiyak
Bata man o may katandaan
Dulot nito’y kagalakan.

Aking inakala, mula pa nang pagkabata
Nyebe ay panaginip lamang.
Ngayon akin nang nararanasan.
O..hay! Anong lamig.

Luntiang kapaligiran,
binalot ng kaputian
Mga hayop sa kakahuyan,
Nagsimula nang maglikasan.

Lamig na dulot sa kalamnan nanunuot,
Paskong puti kung tawagin
Masaya naman kung tutuusin
Hindi nga lang kasing tulad
Ng pasko sa nayon natin.

-=topexpress=-

Ka-BeRks

Ang isang tao daw na walang kaibigan ay maikukumpara sa isang isla.  Nag-iisa, tahimik, at matamlay. No man is an Island ika nga. Isa sa pinaka mahirap na pinagdadaanan ng mga taong gaya ko o ng mga kababayan nating nanignigbang bansa ay ang malungkot at mangulila. Sa isang lugar na malayo sa ating tunay na tahanan, hindi madaling makahanap ng kaibigan lalo na kung makikipagsabayan o sapalaran sa mga taong iba ang kultura at pananaw.

Ang bilis ng panahon, parang kailan lang, isa ako sa mga pumipila sa bawat ahensyang naghahanap ng mga pilipinong nagnanais na mangibang bansa. Di alintana ang init ng araw, pawis at usok, uhaw at gutom, ngalay ng mga binti at paa sa pagbaybay at pagsabak sa bawat pag-aaply. Parang kahapon lang, isa akong estranghero sa isa sa pinakamalaking bansa sa mundo, binabalot ng yelo at malalawak na lupain (Canada). Mag-isang nilalabanan ang takot, ang lungkot at pangungulila sa mahal sa buhay; at ang pakiramdam na di ka angkop sa lugar, at pagaalinlangan sa bawat pagsubok na kinabibilangan.

 Sa loob ng sandaling panahon, madami na din akong nakasalamuha, at naging kakilala. Nakapalitan ng pananaw at problema sa buhay. Ang dating takot na bumabalot sa akin napalitan ng saya, tiwala at kumpyansa. Ang bawat halakhak at tawanan ay ala-ala na titimo sa akin saan man ako mapunta. Nakakalungkot lng isipin na sa ating paglalakbay, hindi lahat makakasama, may mga aalis at may mga dadating din.

 

Sa ilang taon ko nang paglalakbay at paghahanap buhay sa mga bansang banyaga, Isang bagay ang natutunan ko sa pagkikipagkaibigan; ito ay ang pagkakaibigan di kailangan pare-pareho… di kailangang lagi magksama.. magkausap.. magkita.. minsan may di pagkakasundo.. minsan may tampuhang namumuo… pero hindi iyon sapat para mawasak o masira ang samahan na sinubok na ng tiwala at pagmamalasakit, pagmamahal at pang unawa, na sa sandaling pagkakakilanlan, sa sandaling pagsasama sa lakbay ng buhay, nagdadamayan kapag may nangailangan. Nakikinig, nagpapayo, nagpapakatotoo at nagpapakatao.

“Friends may change and friendship may evolve. But it will not truly end because friendship is not just merely a one time trip, but it is a lifetime journey. A shadow that silently follows wherever we may go…”

— topexpress

Previous Older Entries