Halo-halloween

DSC00965Isa sa mga okasyon na ayaw ko nung bata pa lang ay ang undas o todos lo santos. Lagi akong nakakapanood ng mga horror movies o mga nakakatakot at nakakakilabot na programa sa aming tibi. Masasabi ko na halos nakita ko na ilan sa mga pinapalabas gaya ng white lady, kapre, at mga taong itim o anino lamang, dwende at iba pa! isa nlng ang di ko nakikita at puro sa cartoons lang ang mga pumpkins at malalaking kalabasa. Minsan nga natatanong ko pa sa sarili ko, “masarap kaya igata ang kalabasa sa abroad?” ahehehe hang lala-ki kasi aheheheh. Baka magpururut ako ahehehe.

Hindi sa aking hinagap na mararanasan ko ang Halloween o kung paano salubungin ang undas na dating napapanood ko lang sa cartoons sa tibi. Weh, eto na toooo!!! So hetoh at ibabahag ko ang aking Halloween Canadian version experience!

 Uumpisahan ko sa mga naglalakihang kalabasa na mga nakabuyangyang sa kalye o sa labas ng mga naglalakihang department at grocery stores.

DSC00960

DSC01016

DSC04267

 Nakaka aliw ang mga kalabasang ito dahil sa laking taglay nila, naisip ko pag naubos ko kaya ang kalabasang ito siguro naman baka sakali bumalik sa 20/20 vision ko?! toinkS!

Dahil sa kasabihan ang kalabasa ay pampalinaw ng mata.

5960_1201250304744_1033166837_30650194_3447261_n

 (ay teka! ano ba yun?!@!#)

Nakaka tuwang pagmasdan ang mga bahay dito tuwing palapit ang  halloween, pagandahan ng ayos at desenyo. Daig pa ang pasko at makukulay na parol.

house-scary-halloween-decorations

 hal2003-002-house2

Kung sa pilipinas ay may nangangaluluwa gamit ang tambol na lata at niyuping tansan sa pananapatan. Nakakaaliw tignan ang mga batang mananapatan sa bahay-bahay at sabay sabi nang: “trick or treat!!?!” nakangiting bati ng mga batang bungi ahehehehehe.

trick_or_treat

DSC04306

Napakasayang pagmasadan ang bawat ngiti na kanilang pinakakawalan sa tuwing bibigyan mo sila ng kendi o kahit na anong pagkain in the spirit of Halloween.😀 may iba pa nga na kasama ang kanilang parents o siblings at naka costume din! putek! Ang saya! Ahahaahahaha

 Pero sempre hindi naman mapapalampas ng inyong lingkod ang Halloween party! Aheheeh kaya pagkatapos ko magpamigay ng sandamakmak na kendi at hanggang sa magsakitan na din ang ipin ng mga kakain nito. Ahehehe I wanna booom booom paw!!!

14637_1249216583467_1021041350_776158_5386014_n

100_1893 

Ang sayaaaaa!!! Walang effort ang mga Canadian sa pag cocostume!

16638_163022324335_593784335_2581375_4452341_n

 Ayan! Masasabi ko na napaksaya pla ng Halloween, di gaya ng inakala ko nung bata pa ako. Una dahil naniniwala ako na puros kamultuhan o katatakutan ang Halloween, pero dito sa bansang kinalalagyan ko di dapat katakutan; bagkus ito ay araw ng pagsasaya, pag gunita sa mayamang nakaraan ng kanilang kulutura. At ang mahalaga ay ang pag alaala sa mga taong namayapa na at namumuhay ng masaya sa piling ng mga anghel sa langit.

 

 

candle

 †

Eternal rest grant unto them, O Lord, and let perpetual light shine upon them. May the souls of the faithful departed, through the mercy of God, rest in peace. Amen. 

102 Comments (+add yours?)

  1. bonistation
    Nov 04, 2009 @ 00:55:24

    base ako! happy hallooween ako isa yan sa pinakagusto kong okasyon! next to christmas season!!

    basta iba ang feeling pag mag uundas parang aNG saya!!!
    ang laki naman ng mga pumpkins! pero hindi pako nakakita ng totoong ganyan
    hehe!. pero mas gusto ko ung pumpkin na tinitignan mo! hahah (ayyy lagot tayu kay pads! hahaha)

    saya naman nung trick or treat!!
    susyal na version ng pangaluluwa! ^^ pero ganyan nadin sa pilipinas sa mall nga lang…

    HAPPY HALLOWEEN TO ALL!! awooooooooO!!

    Reply

    • topexpress
      Nov 04, 2009 @ 01:17:26

      ahahaha salamat tol! musta ba ang thai experience nio ni mareng lhen?

      naku! eh ung pumpkin na nakita ko eh dahil siguro nga sa kalabasa! ahaha putek!
      (father fiel peace tayo ha!) ewan ko ba! kung saan saan kasi ako napapatingin.😛

      naku tol, dito astig tlga ang halloween. kahit saan ka maglakad, kahit sa grocery store mga cashiers, merchandisers at iba pa, todo costume. ang saya!

      happy halloween everyone!😀

      Reply

  2. bonistation
    Nov 04, 2009 @ 00:59:04

    isa pang base! gusto ko lang din mag comment sa prayer! ang sarap ding mabasa na after ng mga post na ganito.. we still do remember the true meaning of all saints and all souls day,…

    ….and let perpetual light shine upon them. may they rest in peace.

    Reply

    • topexpress
      Nov 04, 2009 @ 01:28:04

      thanks tol! yes, we still have to bear in mind that this season is the time for us to pray for our love ones and as well sa mga taong namayapa na gayun din sa mga lost souls.

      AMEN. ^_^

      Reply

  3. batangmangyan
    Nov 04, 2009 @ 02:15:22

    2nd BASE!

    Reply

  4. batangmangyan
    Nov 04, 2009 @ 02:30:27

    dati di ko pinapansin ang halloween until nawala na ang tatay. 2 years na din na nagpupunta ako sa bagong bahay ni tatay, at hindi lang halloween, lahat ng pagkakataon na umuuwi ako ng mindoro, kasama na sya sa mga byahe ko. i miss my tatay. pero masaya ako kasi dinalaw nya ako the other night. haha. at masaya ako kasi sa bawat byahe ko, alam ko na kasama ko pa rin ang tatay, kampante ako sumakay ng eroplano kasi alam ko “level” ko lang sya hahaha.

    Reply

    • topexpress
      Nov 04, 2009 @ 02:58:15

      tol, alam ko kung nasan man si tatay mo ngayon, masaya at proud sia para sau. Sa panaginip mo, sinamahan at dinalaw ka pa nia, maaaring dahil miss na miss ka na nia.

      Salamat sa pagdaan tol.🙂

      Reply

  5. LIFE Moto
    Nov 04, 2009 @ 06:59:15

    Thank you bro sa pag share mo ng Canadian Halloween. I hope na maexperience ko rin one day.

    Reply

    • topexpress
      Nov 05, 2009 @ 14:58:45

      salamat sa pagdalaw muli sir! hayaan mo, manalig ka lang, focus on ur dream and goal. ako nga di ako masyado nainip. Bigla nlng dumating sa akin tong work sa Canada. apir!😀

      Reply

  6. RJ
    Nov 04, 2009 @ 07:00:46

    Ayos ang mga pictures! Bumalik ba ang 20/20 vision?

    May Halloween celebration pala sa Canada… dito sa Australia wala.

    Reply

  7. livingstain
    Nov 04, 2009 @ 09:35:35

    wow ang saya saya halatang halatang nasa ibang bansa, gusto ko ring makakita nyan soon…

    for now, kumusta ka na ba…

    Reply

    • topexpress
      Nov 05, 2009 @ 15:12:32

      Uy! bin musta na?! ako eto parang bola sa work, pinapasa pasa ako sa ibat ibang shift! nag grave yard na ako, morning, evening! hirap mag adjust ng tulog at systema.

      salamat sa pagdalaw ha. apir!🙂

      Reply

  8. blurosebluguy
    Nov 04, 2009 @ 23:05:23

    mukhang mas masaya dyan sa canada ang ha…low…ween……

    …d2 sa roma ..wala lang….nakinood lang ng concert…waaah! lipat kaya ako dyan …..hehehehhe…

    Reply

    • topexpress
      Nov 05, 2009 @ 15:20:13

      naku! wag mas masarap sa ROMA, pero depende din. aheheheh kung mas malaki ang kita sa roma ayos un!

      Kuya, salamat sa pagdalaw. padalaw naman sa ROMA!😛

      Reply

  9. jason
    Nov 05, 2009 @ 02:13:04

    happy halloween Kuya top.

    ayun, maski ako, takot pa rin sa mga scary stories ng Magandang Gabi Bayan!!!

    Gusto ko magcostume ng Spiderman ag holloween. ewan ko. hehe

    yung pumpkin ba ay nakakatakot talaga?

    Reply

    • topexpress
      Nov 05, 2009 @ 15:40:00

      Happy halloweeen!😀

      ay oo kahit now, paborito ko pa din nag magandang gabi bayan. kaso now wala naman na sila sa ere.😦

      hmmm hindi naman nakakatakot ang pumpkin. as in malaking kalabasa lang, kaso creepy lang tlga kung creepy ung place tapos may candles din.

      nakakalinaw nga ng mata ung pumpkin, kita mo ba nakita ko? ahehehe

      Reply

      • jason
        Nov 06, 2009 @ 03:10:29

        oh kamusta na kuya top?? talaga bukas may nyebe na dyaN?

        sayang di ko makikita ang unang pagbuhos ng nyebe. tsk. panonoorin ko na lang sa youtube. ahahay!!

        teka pumpkin lang ba talaga? sa bagay malaki kasi pumpkin at pweng ukitan ng creepy figure

  10. timangkey
    Nov 05, 2009 @ 03:44:55

    Unti unti na ring umabot sa Pinas ang trick or treat na yan. nakikita sa mga villages at subdivisions. pati dito sa office me mga pumuntang bata para mag trick or treat.hehehe

    Reply

    • topexpress
      Nov 05, 2009 @ 15:44:47

      Ganun? ayos pla eh! astig yan! kaso dito kasi parang mga timang ung matatanda. katatanda na nang hihingi pa kendi! aheheheeheh

      well i guess in the spirit of halloween kaya ganun. Salamat sa pagdaan… hmmm ayoko tawagin ka sa pen name mo.. aheheh ano ba kasi pwede itawag sau.

      Reply

  11. J.Kulisap
    Nov 05, 2009 @ 06:51:38

    Bakit kapag araw ng undas may naka-costume na SpiderMan,Peter Pan,Darna at Kapitan Utot..pero nakakaaliw din.

    Nag enjoy ako dito sa opisina sa mga anghel.

    Hindi nakakatakot ang design ng aming opisina ngayon dahil muntik na akong mabulag last year, pukpokin ba naman ako ng daladalang palakol ng bata..sa mata dahil sa takot.

    Ngayon, FairyLandia na lang, ang gaganda ng mga Fairies pare.

    Reply

    • topexpress
      Nov 05, 2009 @ 15:47:47

      ahahah wag ka may tingkerbell pa at ano anong costume. i guess siguro dahil na din sa sobrang limited ng pagpipilian na costume kung halloween inspired lang ang pagpipilian. iilan lang, dracula, mummy, paniki, frankinstein, etc.

      aheeehehe. wow! napakaganda nga kung dairy. kaso sa store namin may nag fairy, kasi ang LAKING fairy, parang di sia kayang buhatin o ilipad ng pakapak nia😛

      Reply

  12. superlolongpinoy
    Nov 05, 2009 @ 20:37:41

    Buti naman at nakapage-enjoy ka rin sa Halloween dyan. Masaya kasi kapag maraming nakiki-Halloween. Dito kasi sa amin medyo malalaki na ang mga bata…medyo isang pamilya na lang yata ang tumawid para sa ‘trick or treat’.

    Gusto ko yung prayer mo sa last part. Yan talaga dapat ang di mawala sa ganitong okasyon para sa ating mga Pinoy.

    Reply

    • topexpress
      Nov 05, 2009 @ 22:31:05

      Superlolo maraming salamat sa pagdaan. Oo nga, sarap pla tlga icelebrate ang halloween at di dapat multo ang nasa isip bagkus ang mayamang tradition at gayun din sempre, ang mga mahal natin sa buhay.

      salamat sa pag daan muli!

      Reply

  13. Leonp.v
    Nov 06, 2009 @ 03:19:01

    Mukang ang sarap ng kalabasa ang lalaki gusto ko ng pinakbet ngaun wahh. Nakupow hindi uso dito ang “trick or treat” agawan ng kandila at inuman sa sementeryo ang pinaggagawa namin at videoke hehehe.

    Ingat!

    Reply

  14. Ax
    Nov 06, 2009 @ 04:02:07

    Huwaw! Galing ng header! Ngayon ko lang po nakita! Nakakatuwa!

    Happy Halloween po kahit late ako ng bati! At ang daming pictures! Grabe, ang lalaki ng kalabasa diyan! Dito, hindi masyado! Atsaka hati pa yung kalabasa na nabibili sa palengke! Hehe. Hm, parang gusto ko na tuloy maghallow’s eve sa ibang bansa! Aw, hihingi din ako ng treat sa mga bahay bahay! Mukhang enggrande kase sosyal yung mga candy na binibigay! Aw!

    Reply

    • topexpress
      Nov 08, 2009 @ 19:40:44

      ahaqhaha, ganun ba? ayos ba header? aheheh pasko na kasi kaya wala na muna black theme.😛

      ahahah susyal kasi sa pambalot lang. mas namimiss ko pa din ang maxx,lips,dynamite, atbp.

      salamat AX! hamo makakapag halloween ka din sa ibang bansa. basta ba naghahanap at gusto mo tlga work sa abroad eh?! zahehe

      Reply

  15. taribong
    Nov 06, 2009 @ 05:32:25

    Bagong ayos, topexpress, ah!!! Astig… Heehehehhehe kumusta na???

    May natira ba sa mga kendi? Baka pwedeng maipamahagi sa pasko hehehheh

    Masarap ba ang ginataang pumpkin? hehehhe Hindi yata umepek dahil kailangang lapitan mo pa ang poster toinks … Pero gusto ko rin yung nilapitan mo. heheehheee Awts

    Reply

    • topexpress
      Nov 08, 2009 @ 19:41:49

      aheheh opo kuya tarbs!

      eh hindi pa nga pulido pagkakaayos ng bahay blogan ko.😛

      masarap ang ginataang pumpkin kaso naman, humanda ka na sa after shock! KAMAY SA DIBDIB!!! wahhhhhhhhhhhhh

      Reply

  16. meliza catedral
    Nov 06, 2009 @ 19:36:34

    kalaki laki ng pumpkins na yan! buti ka pa nkaranas na ng halloween sa ibang bansa.. sana ako rin.. whahaha! nppanood ko lng sa mga movies ang ganyan halloweencurious rin ako! nkkatuwa ang mga bata!
    ibangibang dito sa atin..kaysa sa ibang bansa!
    anyways nakacostume rin kau ha! nkkatuwa nman. ask ko lng anong pinoportrait mo dyan sa costume mo? di ko kasi matukoy kung anong costume yan.. hheheheh.
    ngapala ang ganda ng pic mo sa header mo ah.bagay sa iyo..hhehe

    Reply

    • topexpress
      Nov 08, 2009 @ 19:43:07

      ganun sana! always present si president ng fans club ko! ahahah

      nakakatuwa ang mga bata mhel, hang kukuyut!!!!!😀

      kung ikaw sasali sa halloween dito, ano costume mo?😀 ( natanong lang?!@)

      Reply

      • meliza catedral
        Nov 09, 2009 @ 03:13:01

        oo nga ccute ng mga bata.. hmm.. ah alam ko na pangprinsesa na costume..para makita ako ng aking prince charming sa hallowen party..malay mo dun ko makita ang prince ko at nghhintay sa akin!toinkz wahahah!:)

  17. p0kw4ng
    Nov 06, 2009 @ 19:39:20

    kalabasa na din ang itatae mo pag naubos mo yang ganyan kalaki..ahahaha

    sarap igataan nyan!

    Reply

    • topexpress
      Nov 08, 2009 @ 19:44:10

      naku ok nga lang na maijebs mo ung kalabasa, kaso wag naman sana buo mo din maijejebs diba? whaaaapaaak!!! call a doctor beri quick! yaiks! ahahah

      salamat powkie! namiss kita ah!

      Reply

  18. taga-bundok
    Nov 07, 2009 @ 18:58:29

    huwaw! ang saya naman ng selebrasyon. dito sa disyerto normal na araw. haha…

    anyway, tagal mong nawala ah kuya tope. teka, ang ganda ng header ah. nuon ko pa to naiisip, kahawig mo si dennis trillo.

    Reply

    • topexpress
      Nov 08, 2009 @ 19:46:01

      toinks! dennis trillo? yahooo ahahaha. salamat naman sa papuri o pangungutya! ahahaha hmmm… sige na nga! actually, pang lima ka na sa nagsabi nian. meron pa nga ako karanasan na nung galing ako manila baba ako sa jollibee crossing sa amin, may isang babae na ngiti ng ngiti sa akin kasama mister nia at tingin sa akin tapos kausapin mister nia. akala pla nia ako si dennis trillo!

      whaaaappak!!! ahahahahaa

      Reply

  19. tsenn`
    Nov 08, 2009 @ 00:45:34

    mas okey saken ang halloween kesa holy week. mas nakakasawa ang mga palabas pag holy week. hehe.
    kinulang siguro ako ng kalabasa kaya nerdie ako ngayon. haay.
    gusto ko ng halloween party! waaah naiinggit ako..@_@

    Reply

    • topexpress
      Nov 08, 2009 @ 19:46:49

      ahahahaha naku eh kain ka kalabasa, padalan kita gusto mo?😛

      Reply

      • tsenn`
        Nov 15, 2009 @ 02:33:13

        SURE SURE! wahahaha naexcite ako bigla
        *hachooo!* oops sorry😀

        hi kuya topher! gusto ko un kalabasa
        may cnadies and chocolates na rin sa loob
        hahaha demanding ko ata~ :p

  20. pruelpo
    Nov 08, 2009 @ 09:48:24

    Ganuon pala talaga kasaya ang haloween jan. Masarap gataan yong mga pumpkins na yon na may halong daing dilis o kahit anong daing.

    Sinimulan ko nang e promote kayong tatlo at pasyalan n’yo ito para sa karagdagang info patungkol sa PEBA – http://pruelpo.wordpress.com/2009/11/07/peba-avoid-multiplicity-of-voting/

    Reply

  21. .poOt!
    Nov 08, 2009 @ 12:01:56

    wow naman. kung dito, christmas tayo nagpapa-bonggahan ng palamuti sa mga tahanan, dyan eh tuwing halloween.

    and ang trick or treats dyan, katumbas ng carolling dito.

    kuya, penge kendi. hehe

    Reply

    • topexpress
      Nov 08, 2009 @ 19:36:56

      Tama ka tol, nakakatuwa lang kasi bago sa aking karanasan ang ganito.

      ay lika, dami pa natirang kendi sa amin kasi halos isang bag na malaki ung kendi na prepare namin eh. salamat sa pagdaan ha!

      Reply

  22. flamindevil
    Nov 09, 2009 @ 08:05:56

    marunong ka na bang gumawa ng jack-o-lantern gamit ang mga kalabasa kuya toph?

    natanong lang.hehe

    gusto ko rin maranasan ang halloween isteytsayd version..saka na siguro pag na invite mo ko dyan..toinks
    😀

    Reply

  23. pruelpo
    Nov 09, 2009 @ 16:56:53

    Salamat sa iyong pagdalaw sa aking munting baul/baol. At congrats sa inyong tatlo dahil ang lahat ng 37 PEBA’s nominees ay laman ngayon ng ABS-CBN.

    Reply

    • topexpress
      Nov 11, 2009 @ 19:04:42

      Mas maraming salamat sir pruelpo. Tapos na po ata ang botohan, sana lang po tlga makapasok kaming tatlong wordpress boys😀

      Reply

      • pruelpo
        Nov 12, 2009 @ 13:41:49

        lahat ay posibleng mangyari…galing ako doon sa PEBA biglang taas ang number of votes ninyong tatlo may mga citations pang matatanggap tulad ng: Most Popular Blog, Best Blog Entry, Best Blog Theme, Best Blog Entry Video.

  24. dhyoy
    Nov 10, 2009 @ 12:13:05

    wow hang sya nman ng mga kaganapan jan hahaha tagalog na tagalog yun haha(nosebleed)

    kasama ba talga yung isang pic na yun sa halloween?

    hihi… belated happy halloween.. (may ganon?)

    Reply

    • topexpress
      Nov 14, 2009 @ 19:32:06

      uy! isang magandang umaga sau dhyoy ganda! naku eh di tlga kasama dapat ang isang pic na un para sa hallooween nahagip lng ng aking “malinaw” na mata dahil sa kalabasa? ahahahah

      Reply

  25. yin
    Nov 11, 2009 @ 07:18:48

    pwede ba sahugan ng kuhol yun tol??? tas gataan? masarap ba bulaklak ng mga yun?

    Reply

    • topexpress
      Nov 14, 2009 @ 19:34:02

      ahahaha sarap naman nun! namiss ko na ginataang kuhol. yumyum!

      masarap naman ang bulaklak ng kalabasa, (mas lalo na knug bulaklak ng kalabasa na nakita ko sa taas! sabay turo sa taas! look!)😛

      Reply

  26. pinkdiaries
    Nov 11, 2009 @ 16:29:59

    wow! dami pumpkin!! mas ok yung isang nasa babae! ooppsss!! hehehe

    parang ang seya seya naman jan, pwede ba akung mag punta jan?! hehehe

    pare im back!!🙂

    Reply

  27. Nashyboy
    Nov 12, 2009 @ 04:38:13

    omigosh! ANG LAKI!

    ng pumpkin🙂

    happy halloween sir top!

    cheers from Manila!😉

    miss blog hoppin’ here😛

    Reply

  28. Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD
    Nov 12, 2009 @ 05:18:34

    ngayon ko lang nakita ng klaro ang pumpkin….

    ganyan pala ang pumpkin.

    parang kalabasa din pala siya, pampalinaw ng mata.

    Reply

  29. Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD
    Nov 12, 2009 @ 05:20:13

    hehe naalala ko tuloy ang sabi ni daddy ko na si mr. nonsense na magkamukha daw kami, ang ulo ay pareho ang shape ng pumpkin. lol.

    Reply

  30. jason
    Nov 14, 2009 @ 01:32:30

    KUYA TOP!! kamusta naman dyan sa CEnede!!

    WAw bago header parang sa pelikula lang!! huwaw!!

    Reply

    • topexpress
      Nov 14, 2009 @ 19:47:05

      ahahahaah. ayos ba?!

      uyyy inggit yan, sige na dali punta ka na ulit sa intramuros pictorial na! ahehehe

      hamo pag uwi ko sabay tyo post sa intramuros! ahahahahah toinks!😛

      Reply

      • jason
        Nov 15, 2009 @ 01:23:18

        hahahah oo nga kuya! hahahah magkapatid sa header. aw.

        hahahah

        oo nainggit ako kasi naman ang ganda ng hinigaan mo sa header. wala nyan dito.

  31. blu.sparks
    Nov 15, 2009 @ 04:07:22

    kahit sa mall may nag trick or treat na dito..

    ang saya naman jan sa other side of the world..ang layo mo kasi, canada ka pala..hehe

    Reply

  32. Phil
    Nov 15, 2009 @ 05:51:48

    this is what i like about blog… you’ll get to know the blogger up close and personal through his blog…

    damihan mo pa ang pagkain ng kalabasa…😀

    Reply

  33. dencios
    Nov 15, 2009 @ 09:34:59

    haha. enjoy to a. teka ang alam ko nag comment na ako sa post mong ito. hindi pumasok? hmm. neweys di pa ko nakakahawak ng ganyang pumpkin. sana next halowin maexperience ko yan haha

    Reply

  34. topexpress
    Nov 15, 2009 @ 17:37:24

    aheheh salamat pareng dencios! kung san san mo kasi pinapasok!

    kumain ka ng kalabasa para mas malinaw din mata mo, epektib! tignan mo ako naglalakad lang ako may nakita pa ako/ ayun noh! (sabay turo sa taas)

    Reply

  35. KINGhardinero
    Nov 16, 2009 @ 06:56:51

    Congratulations pala sa pagiging nominated sa ABS-CBN with Boni! Balik ako para magbasa later.

    Reply

  36. KINGhardinero
    Nov 16, 2009 @ 10:48:42

    Ayan, nabasa ko na rin. Ibang klase pala ang halowin experience dyan. Padala ka naman ng ginataang pumpkin, lol!

    Reply

  37. Jag
    Nov 17, 2009 @ 13:28:51

    Oh! That Pimpin` Pumpkins! jijijiji…And I so love horror stories/films opposite tau jijijiji…

    Blog hopped here straight from Japan! B-)

    Reply

  38. Jag
    Nov 17, 2009 @ 15:43:15

    Ii ne, Jozu Nihongo no shaberu jijijij…

    Na-add n kita parekoy sa listahan ko jijijiji…

    Tag-Emo ata ngayon eh malapit na kasi Pasko jijijiji…Musta naman jan sa Canada? Nakahanap k n b ng Canadian? as in Maglaba Canadian. Magluto Canadian. Maglinis Canadian hahahaha…(Oh that silly Joke)

    Madadalas din ako dito kaso mag-update ka n Parekoy jijijiji…

    Oyasuminasai! B-)

    Reply

  39. fiel-kun
    Nov 18, 2009 @ 00:00:04

    wuy tol, maraming salamat sa pagbisita sa aking blog ^^

    and belated happy halloween na rin😀

    ganda talaga ng Halloween celebration sa ibang bansa unlike d2 sa atin… d2 talaga punta sa sementeryo mga tao, jan may trick or treat pa hehe…

    astig yung mga pumpkin – HUGE!

    cge add din po kita sa blog roll ko after this.

    Reply

  40. precious
    Nov 19, 2009 @ 09:45:16

    ang ganda ng header!!😆

    Reply

  41. sows
    Nov 19, 2009 @ 09:47:59

    naks halloween event! panalo!!

    Reply

  42. Miel
    Nov 19, 2009 @ 14:16:46

    ganda naman ng mga pictures kapatid! Aq rin takot ako dati sa Nov 1 and 2 pano naman kasi panay horror ang pinapalabas sa TV tapos puro horror stories maririnig mo sa mga klasmeyts or kaibigan mo anyway… tapos na pala ang halloween, Advance Merry Christmas!

    Reply

    • topexpress
      Nov 22, 2009 @ 21:06:11

      ay oo! nakakatakot ung MGB! damuho na un, lagi ako takot after nood eh putek! ako pa naman ang pinagsasara ng gate namin tapos may kadena pa ung gate namin as lock. haayst! nakakatakot nga un!

      Reply

  43. Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD
    Nov 20, 2009 @ 06:11:54

    omg! di pa pala nakengretyuleyt sa iyong pagmomoment sa abscbn…kengrets tope!

    Reply

    • topexpress
      Nov 22, 2009 @ 21:03:05

      ahahaha ten kyeee!! (thank you) naku di ko na nga din masyado sinasabi ahahaha sshhhhh

      baka may kasama ka paparatsi sa pagdalaw mo dito sa aking bahay fads ah?

      ahahahah toinks!😛

      Reply

  44. kaye
    Nov 24, 2009 @ 01:51:12

    aba’y iniba mo na rin pala ang header mo. kapogi ah! hehehe

    ako din yoko manonood ng mga katatakutan sa tv. naiimagine ko eh…

    dito sa atin uso ang trick or treating ng mga bata sa mga exclusive villages sa metro manila at sa mga malls. pero dito sa office namin meron din kami nyan kaso this year na-scrap in keeping with the times daw…dami ksi nasalanta ng mga bagyo kaya instead na magsaya, wag na lang daw muna. ngek.

    btw, ganda ng mga pics. ano nga kaya kung makaubos ka ng isang pumpkin? magkaka-laser vision ka kaya? hehe

    Reply

  45. kazuyuki
    Nov 24, 2009 @ 03:07:39

    nice pics pare!
    btw, dito din s japan ganyan din klalaking pumpkins ang mmkikita mo tuwing halloween. may festival p dito at may pkontes ng pinakamalaking pumpkin,hehe.
    pero indi kinakain yan.. indi kc xa masarap. usually pinapakain nlang s mga baka pra indi msayang.🙂

    Reply

  46. pinkdiaries
    Nov 25, 2009 @ 09:55:03

    pare.. musta?!! padaan ha..🙂

    Reply

  47. Jag
    Nov 27, 2009 @ 15:36:49

    Wala pa ring bagong post? hehehe mukhang busy tayo ah? hehehe

    nga pla matanong ko lng anong meron sa yo and the abs cbn thing? magaartista k n b? paotograp namn jan! hehehehe…

    nangungulit lng jijiji…

    Reply

  48. Trackback: We write to taste life twice, in the moment and in retrospect. « …ɐʍɐƃɐɯ ƃuoʞɐ ɐןɐʍ ɐs ɥǝ

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: