Pananagutan

Isa sa mga natutunan ko sa mga kantang pang simbahan ay ang “Pananagutan”, it is one of my favorite songs every time na nagsisimba ako. It always inspires me and reminds me to be always at my best… Stay positive ika nga!

Sa araw araw maaring lagi natin iniisip na “paano nga ba natin mapapabuti ang ating mga sarili o pamumuhay?” o dili kaya, “Hay, sana swerte ang araw na ito!”. Minsan kahit gaano natin gustuhin na maging maganda o maayos ang araw natin di maiiwasan na madapuan tyo ng pagsubok o problema. Natural lamang na sa tuwing may mga pagsubok tyo, madalas ang panghihina ng ating loob marahil dahil na din sa tayo ay tao lamang at ang kahinaan ay parte ng pagiging nilalang.

If we want our life to get better and be a better person, then we need to help improve somebody else’s life. In one way or another, all of us can affect the people we meet. I always believe that we live with a purpose, in which hindi natin masyado napapagtuunan ng pansin dahil marahil na din sa mga pansarili nating intension. If we blast ourselves from the past, most likely we have somebody who played as a vital role in helping us to do well and strive hard to be in where we are and who we are as a person today. I guess it is rightfully to do something similar for somebody else. An assignment we should always do.

Kabi-kabila ang mga kaganapan na nakakalungkot, at nakakatakot. But at this time of trials, this is not the time for us to have fears and to fail. Time to make a difference; we have something to offer… that is –”encouragement. Hindi tayo nabubuhay para sa sarili lamang, as we live with a purpose in life, and that we have to let somebody know that we believe.

Sabi nga sa kanta:

“ Walang sino man ang nabubuhay para sa sarili lamang…   tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t – isa…”

I am not hopeless that soon enough, the world would be at its peace and that everyone would have a better place; All we need to do is to BELIEVE.

“A positive mind anticipates happiness, joy, health and a successful outcome of every situation and action.”


3D


Kadalasan kapag nakakaranas tayo ng pagkabigo, pagtatakwil, pagtanggí, pag-ayaw,kahihiyan, sentimiento, o samâ ng loob mapa sa kaibigan, mahal natin sa buhay o sa kahit na sa anong mababang punto ng ating buhay, madali tayong mapanghinaan ng loob at mawalan ng pag-asa.

Maaring dahil na din ito sa nararamdaman natin o pinagdadaanan at dahilan ng ating paghinto o pagtanggap ng pagkatalo, o pagkakadapa. We sometimes lose the courage to stand up and fight again. We always find reasons to surrender and reasons for our DEFEATS.

Pagnasaktan: “siguro di para sa akin toh”

Pagnabigo: “hindi lang tlga kami laan para sa isat isa” o “maybe this is really not my destiny”

Pagnatorpe: “Ang ganda nia, langit sia at lupa ako. Hindi ako gwapo/maganda para magustuhan nia”

Pag nagpadala sa galit: “kung ayaw nia eh di wag, di ako gago para pilitin pa”

Siguro nga normal ito pag nakakaranas tayo ng panghihina ng loob o rejection at disappointments in life. Minsan sa pagtulong hindi naman tlga dapat naghihintay ng kapalit, parang sa pagmamahal. Try not to have high expectations of people because it just sets you up for disappointment.

Ang ating buhay as i always say, its a long way JOURNEY. And through our explorations in life, we LEARN lessons . Hindi lahat na prepredict, nafefeng shui, o nahuhulaan. We LIVE and normally tend to make mistakes and get HURT. Its part of the learning process. Ang buhay natin madaming sangang daan, nakakalito, nakakahilo. Darating sa punto natin na pipili tayo ng daan na ating tatahakin; at tulad ng paglalakabay, hindi lahat ng daan patag o sementado. May mga daaan na malubak, maputik at hindi sementado, minsan pa dead end. When we find our path, we must not be afraid. We need to have sufficient COURAGE to make mistakes.

Sometimes “the end” doesnt mean end, sometimes its another way of GOD giving us reasons to FIGHT and FIND another or different route and keeping ourselves giving our maximum potential to STRIVE and be back in the game so called life. Disappointment, Defeat, and Despair are the tools God uses to show us the way. Hindi naman tlga dapat sumuko.

“Failure is extremely difficult to handle but that doesnt mean na when it gets through our way, we just let it knocks us down.”

Hindi kailangan huminto sa mga pangarap, hindi kailangang isuko ang lahat lahat, hindi sapat ang nagawa mo na. Get back up and go again. Hindi masamang sumubok muli, ang lumaban para sa paniniwala at paghahangad ng mga bagay na pinangarap natin o mga bagay na sa panaginip natin lagi nakikita. We shouldnt give up too easily on our dreams and hopes in life.

“The size of our success is measured by the strength of our aspiration; the extent of our dream; and how we handle disappointment along the way.”


— topexpress

Paskold…. brrrrrr!

I was cleaning my external hard drive when i saw this video. Halos mag-iisang taon na din pla, hindi ko na napost since isa ito sa kahihiyan ko, parang may amats lang magkwento! ahahaha anyways, panindigan na toh!

Sa mga kabloggers ko, ishashare ko ang aking pasKOLD experience. Ang sarap muling bumalik ng pagkabata! tara laro tyo sa yelo 😀

PanaPanahon

Madalas, marami tayong nakikilala o nakakasalamuha na tao sa ating pang araw araw na buhay. Kaibigan ng barkada, nakasakay sa jeep, ka- FB, ka-FS, ka-tweet, o sa kahit ano pang paraan natin nakilala ang mga taong masasabi nating minsan nagdaan o naging parte na ng ating pagkatao… ng ating systema.

Minsan sa di sinasadaya o inaasahang pagkakataon, may mga tao tayong makikilala na di natin aakalain na mapapalapit sa atin, magkakahulihan ng loob, magiging kaibigan. At mula ditto, uusbong ang samahang ni sa panaginip mo ang hirap iwasan, ang hirap iwanan. Yung bang minsan kahit kumakain ka, bigla mo sila maaalala, tetext mo, tatawagan mo, o minsan bigla ka nalang mapapangisi o mapapangiti pag may naalala ka na nakakatuwang bagay habang nakatingin sa kawalan. Mga bagay na pinagsaluhan, mga ala-alang naging inspiration para maging matatag pa kayo sa pagdaan ng panahon. Na kahit na di kayo magkita, magdaan man ang araw, lingo, buwan at taon, sa muli ninyong pagtatagpo parang kahapon lang… mapapawi ng halakhak o simpleng tawanan ang panahon na nagkawalay kayo.

May mga tao na makikilala natin na parang dadaan lang sa buhay mo, pero kahit ganon kahit sa sandaling pagkakaibigan o pagsasama, alam mo sa sarili mo na naging parte na sia ng kung ano at sino ka bago pa sila dumating. Nakadagdag sila ng kulay, at timpla n gating buhay. Madami ako nagiging kaibigan, (kahit karamihan inaakala na suplado ako) Mga nakilala sa mga kakilala, kaibigan ng kaibigan ko, nakasabay bumili ng alak, at kung ano ano pa. Masasabi ko na bawat taong nagdaan at naging aking kaibigan madami na din ako natutunan. Isa na dito, ang maging matatag… lalo sa panahon ng paglisan. Hindi nman lahat permanente, hindi lahat ng gusto natin pwede.


Madalas, lahat tayo ay iiwan ng mga taong nakilala natin, naging kaibigan, naging sandalan… mga taong mahal o minahal na natin. Nagsilbing inspiration at nagpapangiti sa atin sa kabila ng problema, nagpapsaya, nagpapaalala na di tayo nag iisa. Magbibiro at magpapatawa kahit na nagmumuka nang tanga, nagiging conry pero mabentang mabenta. Mga taong ang hirap nang alisin sa nakasanayan at minahal na systema.

Sa buhay, darating ang isang pagkakataon na we have to make decisions or choices. For what I know, choices we think that would make our life better kahit na mahirap o masakit. PAIN is part of LOVING, loving is part of LIVING. Its hard to say goodbye or even say see you soon, kung alam mo na matagal kau muling magkikita, mahabang panahon bago muli kayo magkasama… o minsan, yun na ang huli ninyong pagkikita.

It’s hard, but yet we have to. Maybe it’s just that the season for our relationship with them is over. We may not understand it; we may be disappointed or daunted and tend to forget to stir things up. But soon, in GOD’s TIME we will be enlightened. We will learn to LET GO. It’s part of our life journey, a self discovery. Kapag may taong umalis at iniwan tayo; o relasyon na natapos – kaibigan man, kaklase, kasamahan sa trabaho, mahal sa buhay o naging parte na ng ating buhay – Wag tayong malungkot, wag tayong magmukmok. Even how hard we try to make it last, o let them stay, if it is time… the only thing we could do is ACCEPTANCE.

They have been part of us, they have been part of what we are now, and part of becoming a better person. We should be thankful that once in our journey our paths crossed… shared memories… learned from experiences. We become real to ourselves and get comfortable sa kanila. With them, we feel free; we feel light; we are so genuine. We give the best of ourselves and even forget the problems we have.

Let go and be ready for whatever God’s plan for us through our life. Be the best that we can be. Spend every moment with the people we know. Make precious memories to keep and cherish as we grow old and as time passes by. Live every day as if it your last at least, in that way, we may not have bunch of regrets when our chapter ends.

 

“Life is too short to live with full of regrets.”

 

—  topexpress

Sa daigdig ng kalikasan

Sa mga kabagang kong blogger at kachokaran kong lurkers, Musta naman? paumanhin sa aking panandaliang pamamahinga sa mundo ng blogosperyo. Mula sa pananahimik, heto at muling nagbabalik ang inyong lingkod, animo’y adik! 😛

Nakaraang taon nung makita ko at isa sa bumoto online sa mga kaibigang blogger ang tungkol sa Saranggola Blog Awards ni Kuya Bernard. =D  At sa taong ito, ang inyong lingkod ay naki-isa sa kasiyahang ito. Kaya ipagpaumanhin nio po. (sana makuha ko din boto nio :D)

“Kaibigang Puno”

Buto nang ika’y itanim,
tabong tubig kung ika’y diligin
Pagsilip ng iyong sanga, sabik na aking makita.
Luntian mong dahon, hinihintay umusbong

Matibay mong sanga nagsilbing aking kama,
Hanging dumadaloy, animo ako ay inuugoy.
Lilim na iyong dulot, sa init nagsilbing aking kumot.
Nagsisilbing taguan sa tuwing aso ko’y kaharutan,

Panahon ng sakuna,
panahon ng aking pangamba,
Hangin na sa iyo’y humahampas,
kabog ng dibdib ko’y anong lakas.

Ugat mong nakakakapit sa lupa,
lumalaban sa dumaragasang baha
Umulan, umaraw, nananatiling matatag
Hay salamat! Dahil sayo ako ay panatag.

Taon ang nagdaan, kay dami nang naranasan
bunga mo’y nagsibulan, o kay sarap pagmasdan
Ika’y yayakapin, hindi ko lilimutin
Bahagi ka ng nakaraan, isang napakasayang kabataan.

“Kalikasan”

Masdan ang ating paligid
Mistulang naghihingalo’t nanganganib
Samu’t saring salot,
tao din ang may dulot.

Walang sawang pagpaslang
Sa luntian na kagubatan,
Walang awang paglason
Sa anyong tubig, basura’y abot ang tapon.

Tambuchong itim ang usok
Mga pabrikang animo’y kabuteng sumusulpot
Malinis na hangin, ating hangarin
Disiplina sa sarili, ating nang atupagin.

Ngayon ang simula,
Pagkakaisa ng madla
Tungo sa iisang mithiin
Mayamang kalikasan, dulot ay kaginhawahan.

Regalong yaman ng kalikasan
Nawa ay ating pag-ingatan
Sa buhay natin ay nagbibigay ng yaman
Tungo sa minimithing kaunlaran ng naghihirap na bayan.

“Nyebe”

Pangarap ng karamihan
Paskong may kalamigan
Makakapal na saplot
Init sa katawan ay dulot.

Mala bulak kung bumagsak
Mula sa langit na parang umiiyak
Bata man o may katandaan
Dulot nito’y kagalakan.

Aking inakala, mula pa nang pagkabata
Nyebe ay panaginip lamang.
Ngayon akin nang nararanasan.
O..hay! Anong lamig.

Luntiang kapaligiran,
binalot ng kaputian
Mga hayop sa kakahuyan,
Nagsimula nang maglikasan.

Lamig na dulot sa kalamnan nanunuot,
Paskong puti kung tawagin
Masaya naman kung tutuusin
Hindi nga lang kasing tulad
Ng pasko sa nayon natin.

-=topexpress=-

Ka-BeRks

Ang isang tao daw na walang kaibigan ay maikukumpara sa isang isla.  Nag-iisa, tahimik, at matamlay. No man is an Island ika nga. Isa sa pinaka mahirap na pinagdadaanan ng mga taong gaya ko o ng mga kababayan nating nanignigbang bansa ay ang malungkot at mangulila. Sa isang lugar na malayo sa ating tunay na tahanan, hindi madaling makahanap ng kaibigan lalo na kung makikipagsabayan o sapalaran sa mga taong iba ang kultura at pananaw.

Ang bilis ng panahon, parang kailan lang, isa ako sa mga pumipila sa bawat ahensyang naghahanap ng mga pilipinong nagnanais na mangibang bansa. Di alintana ang init ng araw, pawis at usok, uhaw at gutom, ngalay ng mga binti at paa sa pagbaybay at pagsabak sa bawat pag-aaply. Parang kahapon lang, isa akong estranghero sa isa sa pinakamalaking bansa sa mundo, binabalot ng yelo at malalawak na lupain (Canada). Mag-isang nilalabanan ang takot, ang lungkot at pangungulila sa mahal sa buhay; at ang pakiramdam na di ka angkop sa lugar, at pagaalinlangan sa bawat pagsubok na kinabibilangan.

 Sa loob ng sandaling panahon, madami na din akong nakasalamuha, at naging kakilala. Nakapalitan ng pananaw at problema sa buhay. Ang dating takot na bumabalot sa akin napalitan ng saya, tiwala at kumpyansa. Ang bawat halakhak at tawanan ay ala-ala na titimo sa akin saan man ako mapunta. Nakakalungkot lng isipin na sa ating paglalakbay, hindi lahat makakasama, may mga aalis at may mga dadating din.

 

Sa ilang taon ko nang paglalakbay at paghahanap buhay sa mga bansang banyaga, Isang bagay ang natutunan ko sa pagkikipagkaibigan; ito ay ang pagkakaibigan di kailangan pare-pareho… di kailangang lagi magksama.. magkausap.. magkita.. minsan may di pagkakasundo.. minsan may tampuhang namumuo… pero hindi iyon sapat para mawasak o masira ang samahan na sinubok na ng tiwala at pagmamalasakit, pagmamahal at pang unawa, na sa sandaling pagkakakilanlan, sa sandaling pagsasama sa lakbay ng buhay, nagdadamayan kapag may nangailangan. Nakikinig, nagpapayo, nagpapakatotoo at nagpapakatao.

“Friends may change and friendship may evolve. But it will not truly end because friendship is not just merely a one time trip, but it is a lifetime journey. A shadow that silently follows wherever we may go…”

— topexpress

Inay ko po!!!

Hindi sa lahat ng panahon kasama natin sila, hindi sa lahat ng oras nasasabi natin ang totoong saloobin natin sa kanya. Pero ang totoo, sila ang inaalayan natin ng ating sakripisyo at nagsisilbing inspirasyon para sa ating mga pangarap at panaginip.

Hindi ko na matandaan kung kelan ako huling kinantahan ng nanay bago matulog, kung kelan nia ako pinaliguan at ginamot ang sugat dulot ng aking kalikutan. Hindi matatawarang sakripisyo ang handog nila, na ultimo buhay nila handa sila ibigay para lang sa ikakaganda at ligaya ng ating mga buhay.

Inay, mama, mother, mommy, etc. iilan lang ang mga ito na tawag pero kailan nga ba natin nasabi sa kanila ng harapan o kahit man lang sa simpleng usapan sa telepono na.. “Nay, i love u… Maraming maraming salamat sa walang sawang pagmamahal.”

Nakakalungkot lang isipin na sa pagtakbo ng panahon at paglipas nito, Kasabay ng modernong panahon at magarbong laruan, hindi natin namamalayan na nakakalimutan at naisasantabi na natin ang babaeng nagalaga at umintindi sa lahat ng oras na kailangan natin ng karamay.

Marapat lamang na bigyan sila ng pugay at ibalik natin ang pagmamahal na inihandog nila sa atin. Ngayon, inaalay ko ang videong ito sa babaeng sanhi ng aking lakas, tatag at inspirasyon para lumaban sa buhay at kapalaran.

“Nay, mahal na mahal kita. Sana kung makita mo man ito, sana maramdaman mo na kahit malayo ako, nandito lang ako para ako naman ang mag-alaga sa iyo. I miss you aking nanay, at mahal na mahal kita.”

Mga Ka-Blog, pinakikilala ko ang aking dakilang at mapagmahal kong ina.. (kung san ako nagmana!)

MRS. TERESITA BARTOLOME y beuda de LUZANA

Happy Mothers Day Nay!

and to all the mothers.

“A Mother’s love is the fuel that enables a normal human being to do the impossible.”

Previous Older Entries Next Newer Entries